You are on page 1of 7

Good Afternoon

Prepared by: Ms. Aizel Nova F. Aranez


Uri ng Pangalan
ayon sa Kayarian
Payak – ang mga salitang likas at katutubong
atin. Ito’y di nalalakipan ng ibang diwa at siyang
mapaghahanguan ng iba’t – ibang salita.
Halimbawa: lilo, lambat, dagdag, galang
Maylapi – ang mga salitang – ugat o pangalang payak
na nagtataglay ng panlapi
Halimbawa:
 Ganda = kagandahan
 Bili = pagbili
 Basa = pabasa
 Dating = pagdating
Inuulit – ang mga pangalang inuulit ang salitang – ugat o
salitang maylapi. Kapag pangalan ay may tatlo o higit pang
pantig, ang unang dalawang pantig lamang ang inuulit.
Halimbawa:
 Sabi-sabi
 Biru-biruan
 Ina-inahan
 Tau-tauhan
May mga pangalang ang anyo’y mga salitang inuulit
ngunit hindi ginigitlingan sapagkat ang inuulit na mga
pantig ay walang katuturan kapag napag-isa. Ang
kabuuan ng mga salitang ito ay ituturing na mga
salitang – ugat.
Halimbawa:
 Gamugamo
 Guniguni
 Alaala
 Paruparo
Tambalan – ang mga pangngalang binubuo ng
dalawang magkaibang salita na ipinapalagay na is ana
lamang.
Halimbawa:
 Hampaslupa
 Sampay-bakod
 Bahay-aliwan

You might also like