You are on page 1of 2

PANGKATANG GAWAIN

MGA MIYEMBRO:
Sales Bridget Abeloria Elvin
Olarte Earl Soberano Sunshine
Robles Jolina Dece Mariane
Daseco Jenny

BSEd 2- B

A. AMBAGAN
Panuto: Bumuo ng 10 makabuluhang salita na maaaring maiambag sa pag-unlad ng wikang
Filipino. Gawing basehan o modelo ang mga salitang natalakay. Pagkatapos makabuo ay
gamitin naman ito sa makabuluhang pangungusap. Sa pagbuo ng salita, isulat sa tapat ng
salitang nabuo ang mga datos nang pinanggalingan ng salita.

1. Kadu- Ito ay salitang Ilonggo na ang ibig sabihin pangit na asal.


Halimbawa: Kahit nasa katuwiran ka, kadu parin ang pagsagot sa magulang.

2. Iloy- Ito ay salitang Ilonggo na ang ibig sabihin ay ina.


Halimbawa: Ang aking iloy ay siyang unang nagturo sa akin upang makapagsalita.

3. Daksam- Ito ay salitang beki o “gay lingo” na nangangahulugang malaki


Halimbawa: Daksam ang pagmamahal ng aming nanay at tatay.

4. Perasulay- Ito ay salitang binabanggit o sinasabi kapag may nilalait o di kaya may sinabi ka
ditong hindi kanais-nais.
Halimbawa: Huwag na huwag mong kakalimutan na banggitin ang perasulay, at baka lumipat o
malipat sa iyo ang sakit na meron iyong nilait mo.
5. Kasubo- Ang salitang ito ay nagmula sa bisaya na ang ibig sabihin ay malungkot.
Halimbawa: Lubos na kasubo ang aking ina sapagkat nawala ang kanyang minahal na alagang
aso.

6. Mingaw- ito ay nagmula sa salitang Cebuano na ang ibigsabihin ay sobrang tahimik na lugar.
Halimbawa: Ang bahay na ito ay mingaw na tila ba halos ilang taon na walang nakatira.

7. Ispluk- Ito ay salitang beki o “gay lingo” na nangangahulugang makwento


Halimbawa: Ang kapatid ni maya ay masyadong ma ispluk sa kanyang mga kaibigan.

8. Karawat- Ang tagalog nito ay laruan. Madalas itong ginagamit namin dito sa lugar dahil ito na
ang aming kinalakihan na itawag. (Isla ng Iling Proper).
Halimbawa: Ayusin mo na nga iyang mga karawat mo Jia, pakalat kalat masyado tapos kapag
naapakan iiyak ka dahil sinira naming mga ate mo.

9. Bulan- Nagmula sa salitang Bisaya na ang ibigsabihin ay Buwan (month/moon).


Halimbawa: kailangan na nating mag-imbak ng ating makakain para sa susunod na bulan ng tig-
kiriwi.

10. Pakdaar- Mula sa salitang Ilokano na ang ibigsabihin ay Babala!


Halimbawa: Pakdaar! Huwag kang pumasok sabbahay nayan, sapagkat iyan ay laman ng mga
masasamang espiritu.

You might also like