You are on page 1of 4

Agosto, Apple Mae M. ID no.

3305

Pagsusuri ng Morpema sa Wikang Cebuano

Ang morpolohiya ay ang pag-aaral ng straktyur ng mga salita at morpema.


Dito malalaman kung paano nabuo o binuo ang mga salita. Ang morpema ay ang
pinakamaliit na yunit ng isang salita na nagtataglay ng kahulugan. May mga uri ng
morpema: (1) morpemang ‘salitang-ugat’, ito ay ang mga salitang nakatatayo mag-
isa o hindi na nangangailangan ng kasamang panlapi upang makabuo ng kahulugan.
Ito din ay tinatawag na ‘malayang morpema’ sapagkat ito’y payak at may sariling
kahulugan. Halimbawa: watawat, kamay, ngiti, baso, regalo, bahay; Cebuano: gugma,
tambok, tulog, hugas, dagan. (2) ‘morpemang panlapi’, ito ang ikinakabit sa mga
salitang ugat upang makabuo ng iba pang kahulugan. Ito ay tinatawag ding ‘di
malayang morpema’ sapagkat hindi ito nakakatayong mag-isa at hindi mo makikita
ang tiyak na kahulugan hanggang hindi isinasama sa iba pang morpema. May mga
klase ang panlapi: (a) unlapi- kapag ito’y inilalagay sa unahan ng salita. Hal.
Masungit, magtanim, modagan, gahilak, nitago. (b) gitlapi- kapay nasa loob ng
salita. Hal. Sumayaw, binigu, sinagot, binuang. sumugod. (c) hulapi- nasa huli ng
salita. Hal. batohan, lambingon, kantahan, palitan. (d) kabilaan- kapag itoy
nakalagay sa unahan at hulihan ng salita. Hal. Paakyatin, mabutihin, painomun,
maglabada, higugmaon (e) laguhan- kapag nasa unahan, gitna at hulihan ng salita.
Hal. Pagsumikapan, magtinapulan, patulogon, pagkabatan-on. (3) ang
‘morpemang ponema’, ito ay mga salitang payak na walang kasamang panlapi. Ito
ay ponemang nagpapakilala ng gender o kasarian. Nakikilala ang pagkakaiba nito sa
pamamagitan ng [-a] – kasariang pambabae. Hal. Senador-senadora, musikero-
musikera, kapitan-kapitana, panadero-panadera. Cebuano: maestro-maestra, tindero-
tindera. Ito ay halimbawa ng infleksyunal-morfim, kung saan hindi nagbabago ang
kahulugan. Derivesyunal naman ang tawag kapag nabago ang kahulugan ng isang
morfim dahil sa ikinabit dito. Halimbawa: awit (verb) kung lalagyan ng morpemang
mang- ito’y magiging mang-aawit kung saan nagiging nawn. Isa pang halimbawa,
sinturon (nawn) sisinturunin (verb). (4) ‘morpemang inuulit’, ito ay may dalawang
uri: ganap- kapag ang buong salita ang inuulit. Di-ganap – naman kapag ang
dalawang silabol lang ang inuulit o parsyal na bahagi lamang ng salitang ugat..
Halimbawa ng ganap: taon-taon, oras-oras, sama-sama, dala-dala. Cebuano: adlaw-
adlaw, dula-dula, tago-tagu Di-ganap: lilitaw, lulubog, bali-balita, lalapit,
mamahayag, yayakap, luluhod. (5) ang ‘tambalan’, ito ang pagsasama ng dalawang
salita.

Katulad ng morpemang inuulit may dalawang uri rin ang tambalan. Ang
ganap at di-ganap. Tambalang ganap- ito yung mga salitang may ikatlong kahulugan.
Halimbawa: basag ulo, patay-gutom, balatsibuyas, dalagambukid, hatinggabi,
hanapbuhay. Cebuano: dawat limpyo, lumos sabaw, gamayg utok, lukso dugo, utok
bolinaw, anak sa liking kawayan. Ang di-ganap naman ay ang pinagtambal na salita
na nananatili parin ang kanilang kahulugan. Halimbawa: tubig-alat, tubig-tabang,
akyat-bahay, ingat-yaman. Cebuano: anak-babaye, anak-lalaki, dawat limpyo.

Mahalagang talakayin ang mga nabanggit sa itaas upang mas madaling


maunawaan ang pagpapaliwanag. Pandiwa ang tawag kapag ang salita ay nagsasaad
ng galaw o kilos. Ang kayarian ng pandiwa sa Filipino ay maaaring nabuo sa
pamamagitan ng pagsasama-sama ng salitang ugat at ng isa o higit pang panlapi. May
mga aspekto ito; (1) Pangnakaraan o Perpektibo- ito ay nagsasaad na ang kilos ay
tapos ng gawin. (2) Katatapos- ang kilos ay katatapos lang magawa. (3)
Pangkasalukuyan o Imperpektibo- ang kilos ay kasalukuyang ginagawa. (4)
Panghinaharap o Komtemplatibo- ang kilos ay hindi pa nasisimulan at gagawin pa
lamang.
Ang mga napili kong salita ay Cebuano kung kaya’y tatalakayin natin ang
mga morpemang ikinakabit sa wikang Cebuano.

Pangkasalukuyan Panghinaharap Pangnakaraan Katatapos


nag- /-a mag- ni-
ga- / -a mo- mi-
-an gi- / --an

Halimbawa sa salitang ‘hilak’ o iyak; naghilaka – maghilak – nihilak


(Pangkasalukuyan – Panghinaharap – Pangnakaraan). Nagiging iba ang
ipinapahiwatig ng bawat salita dahil sa ikinabit na morpema. Samakatwid, mahalaga
ang morpema upang mas madalinng maunawaan ang salitang nais ipinaaabot ng
tagapagsalita.

Sa mapapansing tsart sa itaas, walang nakalagay sa kategoryang ‘katatapos’


dahil wala akong maisip na panlaping ikinakabit sa salitang katatapos lang gawin.
Dahil ang ginagamit ng mga Cebuano upang matukoy kung ang isang bagay ay
katatapos lang ay ang paggamit ng ‘gikan’ o ‘bag-o ra/lang.’

Isa pang halimbawa ay kapag kinabitan ng panlaping –on ang salitang ugat na
hilak  hilakon, mula sa pagiging pandiwa ito ay nagiging pang-uri. Ang panghuling
halimbawa ay ang salitang ‘bata’ (bata) kung kakabitan ito ng panlaping –in sa gitna
ito ay magiging ‘binata’ (inaanak), at kung lalagyan ng hulapi na –ot ay nagiging
‘bataot’ o parang bata (childish sa Ingles), kapag inulit naman ang buong salita, ‘bata-
bata’ na nangangahulugang ‘taga-sunod o kasamahan.’

Gayunpaman, marami pa ring dapat tuklasing hiwaga sa loob ng wikang


Cebuano kaya dapat itong pag-aralan at bigyang pansin ng karamihan.

You might also like