You are on page 1of 53

Magandang

Hapon,
Klas!
Mga Panuntunan sa loob ng klase:
Bawal ang ma-late. Kapag late, magkakaroon ng
pagbabawas ng puntos sa attendance points ng
estudyante.
Bawal gumamit ng cellular phone o kahit anong gadget
sa loob ng silid kung walang permiso galing sa guro.
Bawal makipag-usap sa katabi habang may diskusyon.
Kung may gustong sabihin, ipataas ang kanang kamay.
Kinakailangan ang buong kooperasyon sa klase.
Sa mundong ating
ginagalawan, naniniwala
ba kayo na ang wika ay
nagbabago?
Ang wika ay isang instrumento o
kasangkapan ng sosyalisasyon,
na ang mga relasyong sosyal ay
hindi iiral kung wala ito (Sapir,
1949; Harris, 1951).
. Ang dimensiyong sosyal ang nagbubunsod sa
pagkakaroon ng mga register, jargon,o sosyal na varayti
tulad ng wika ng bakla (gaylingo), wika ng LGBTQ+, wika
ng kabataan, wika ng mag-aaral, wika ng kababaihan,
register ng guro, wika ng isports, at iba pa.
Pinapatunayan nito na ang wikang pantao ay isang
arbitratryo. Gayundin, ito ay buhay dahil sa
pagbabanyuhay ng mga salita. Tulad ng isang ilog,
sumasabay ito sa agos ng pagbabago sa ating lipunan,
positibo o negatibo mang manipestasyon.
Layunin:
Maipaliwanag ang makabagong anyo ng
leksikon ng wikang Filipino
Maisaalang-alang ang mga makabagong salita
sa Filipino sa pakikipagpalitang-ideya
Magamit ang wika bilang mabisang
instrumento sa mga komunidad sa paglinang
at pagpapaunlad ng iba pang mga wika at
salita
Makabagong Anyo
ng
Leksikon ng
Wikang Filipino
Pagtatambal

marami na ring mga salita ang nabuo sa


pamamagitan ng pagtatambal ng mga
morfema na naging bahagi na ng wikang
Filipino dahil tinanggap ito ng masa.
Dalawang uri ng Tambalan o Tambalang Salita
Tambalang Ganap - nakabubuo ng
kahulugang iba sa kahulugan nga dalawang
salitang pinagtambal. Hindi ito ginagamitan
ng gitling.
Tambalang Di-Ganap - ang kahulugang ng
salitang pinagtmbal ay nananatili. Ito ay
ginagamitan nga gitling.
Mga halimbawa ng Tambalang Ganap:
bahaghari
bungangaraw
dahongpalay
dalagangbukid
hampaslupa
Mga halimbawa ng Tambalang Di-Ganap:
agaw-buhay
akyat-bahay
ingat-yaman
bahay-panuluyan
madaling-araw
Pagbabaliktad
pagbabaligtad o pagpapalit ng posisyon ng
pantig upang makabuo ng bagong salita.
Halimbawa:
malupit - petmalu
bata - atab
idolo - lodi
pare - erp
tayo na - tara - arat
wala - alaws
kapatid - bro - orbs
power- werpa
sibat - batsi
talo - olats
hindi - dehins
Pagpapaikli

Ang prosesong ito ay nagpapaikli ng mga salita


na kadalasang ginagamit sa pasalitang
paraan
Halimbawa:
bestfriend - besh
brother - bro, bruh
sister - sis
sige - geh
mapapel - epal
telefon - fon
direktor - direk
doktor - dok
titser - tser
kababayan - kabs
Pagbabago ng ispeling

pagbabago ng banghay o ispeling ay walang tiyak na


sinusundang lingguwistikang porma na mababasa sa
mga aklat panggramatika o tuntuning panggramatika.
Ito ay nabubuo sa malikhaing paraan sa pamamagitan
ng pagpapalit ng mga pantig sa orihinal
Halimbawa:
ako - acoe, aqu
ano ba - enebe
bakla - besh, beki
cool - kewl
ganoon - ganern
hala - luh
hayop - hype
kaya - keri
mother - mamshie
sister - sissy
Pagpapalit ng salita sa salita

ito ay isang proseso ng pagpapalit ng salita


mula sa orihinal na salita
Halimbawa:

ari ng lalaki - nota, notring


burger - bugrits
Diyos ko! - Juicecolored, emeged
gulat-shookt
malalanding lalaki/babae - fuccboii/fuccgirll
nag-aabang - abangers
tae - jebs
tomboy - shiboli
silahis - paminta, bisexual
Pag-uugnay sa pangalan ng tao o politika

ang paggamit ng pangalan ng kilalang tao upang


maiugnay sa isang sitwasyon o konsepto
Halimbawa:

Carmin Martin - karma


Gardo Versoza - haggard
Gelli de Belen - selos
Leila de Lima - bisexuals, paminta
Luz Valdez - talunan
Tom Jones - gutom
Dutertards - tagapagtanggol ni Pres. Duterte
Pagbuo ng ekspresyon
Ang mga ekspresiyong ito ay karaniwang ginagamit
ng GenZerS sa kanilang pang-araw-araw na
transaksiyon at interaksiyon. Ilan sa mga ito ay hango
sa kanilang pinapanood na nagkaroon ng pagbibihis
ayon sa sitwasyong pinaggagamitan nito. Karaniwang
ang mga ekspresiyong ginagamit ay may malayong
kahulugan sa salitang pinaghanguan nito
Pagbuo ng ekspresyon
beast mode - galit
hanash - maraming sinasabi
hokage - nang mamanyak
hugot - damdaming kaugnay sa pag-ibig'
lamnadis - tanging magkakaibigan lang ang
nakakaalam
ninja moves - mabilis, madiskarte
Akronim - hango ito mula sa mga inisyal o mga unang pantig ng
mga salita. Katulad ng NSO mula sa National Statistics Office;
MSU-IIT para sa Mindanao State University - Iligan Institute of
Technology; PAL para sa Philipppine Airlines; DOLE para sa
Department of Labor and Employment; GABRIELA para sa
General Assembly Binding Women for Integrity, Equality,
Leadership, and Action; GAD para sa Gender and Development,
atbp
Mga salita mula sa mga pangalan - sa pagiging malikhain sa
pagbubuo ng mga salita, may mga pangalan ng produkto o
brand na nagiging pandiwa. Ang brand na Xerox na kinabitan ng
panlapi ay nagiging seroks, magseseroks, nagpaseroks. Ang
brand ng produkto ay nagiging pangngalang pambalana tulad ng
Tycoon, na kapag bumibili ng floorwax, ang tinatanong ay -
Mayroon ba kayong taykun? Tulad din ito sa brand ng tutpeyst
na colgate. Madalas tuloy na marinig ng mga tindera ang -
Mayroon ba kayong kolgeyt na close-up?
RE
AKTIBITI
Hahatiin ang klase sa limang grupo. Bawat grupo
ay kinakailangan na hulaan ang mga litrato na
makikita sa PPT. Isulat sa isang kapat na papel ang
mga sagot. Paalala lang, maging mapanuri at
mapagmatyag dahil sa larong ito, ang mahina,talo.
Pagsusulit
1. Istruktura ng wika na pinag-aaralan ang tunog ng wika
2. Istruktura ng wika n a pinag-aaralan ang mga salita.
3. Istruktura ng wika na pinag-aaralan ang pagbuo ng
pangungusap gamit ang mga salita
4. Ito sy salita o lipon ng mga salita na nagsasaad ng buong
diwa.
5. Hango ito mula sa mga inisyal o mga unang pantig ng
mga salita.
Takdang-Aralin:

Basahin ang akdang isinulat ni


Nelson Turgo na may pamagat na
"Bakit ako nagmura ng Putang Ina
sa Buwan ng Wika" at gawan ito ng
isang reaksyong papel.
Isa sa mga kalikasan ng wika ay
pagkawala o ekstinksyon ng wika,
bilang mag-aaral at nag-aaral ng
sabjek na Filipino, magbigay ng
suhesyon o magmungkahi ng mga
paraan kung papaano masalba ang
mga nanganganib na mga wika?
ISTRUKTURA NG WIKANG FILIPINO

Morfema ng Wikang Filipino

Ang morfema ang pinakamaliit na yunit ng salita


na nagtataglay ng kahulugan . Bilang
pinakamaliit na yunit, hindi na ito maaaring
bawasan pa dahil mawawalan na ito ng
kahulugan.
ISTRUKTURA NG WIKANG FILIPINO

Tatlong Anyo ng Morfema

1. Morfemang salitang-ugat
2. Morfemang panlapi
3. Morfemang binubuo ng isang fonema
ISTRUKTURA NG WIKANG FILIPINO

Tatlong Anyo ng Morfema

1. Morfemang salitang-ugat
2. Morfemang panlapi
3. Morfemang binubuo ng isang fonema
ISTRUKTURA NG WIKANG FILIPINO

Morfemang salitang-ugat - payak na salita


ang morfemang ito. Wala itong
panlapi.Tinatawag din itong malayang
morfema dahil kaya nitong tumayong mag-
isa.
Halimbawa:
libro, aklat, aral, takbo, lakad, ganda, atbp.
ISTRUKTURA NG WIKANG FILIPINO

Morfemang Panlapi - bagamat may taglay


itong kahulugan, hindi naman ito maaaring
makapag-isa kaya tinatawag din itong di-
malayang morfema. Magiging ganap lamang
ang pagkaunawa rito kung ikakabit sa
morfemang salitang-ugat.
Halimbawa: ka- +laro = kalaro o kasama sa laro
ISTRUKTURA NG WIKANG FILIPINO

Morfemang binubuo ng isang fonema - ang


fonemang ito ay ang /a/ na laging ikinakabit
sa hulihan ng salitang ugatna hiram mula sa
wikang Kastila. Ipinakikilala ng fonemang ito
ang kasariang pambabae.
Halimbawa:
doktora, tindera, konduktura, tsismosa, atbp.
ISTRUKTURA NG WIKANG FILIPINO

wikang Filipino: tono, diin, at antala.


Nagbibigay kahulugan ang mga ito
sa pakikipagkomunikasyon.
ISTRUKTURA NG WIKANG FILIPINO

Tono - ang pagtaas at pagbaba ng tinig sa


pagbigkas ng pantig ng isang salita.

Halimbawa:
1. Ikaw (may katiyakan)

2. Ikaw (hindi sigurado, nagtatanong)


ISTRUKTURA NG WIKANG FILIPINO
Diin - ito ang haba ng bigkas na iniuukol sa patinig ng
pantig sa isang salita

Halimbawa:
búkas - sa susunod na araw
bukás - walang takip, hindi sarado
dága - mahaba at matulis na patalim
dagá - isang uri ng maliit na hayop
ISTRUKTURA NG WIKANG FILIPINO
Antala - isang saglit na pagtigil sa pagsasalita upang
lalong maging malinaw at mabisa ang kaisipang
ipinapahahayag.

Halimbawa:
1.Hindi ako ang pumatay //
(Maaring ibang tao ang pumatay, at hindi ang nagsasalita)

2. Hindi// ako ang pumatay


(Inamin ng nagsasalita na siya ang pumatay)

You might also like