You are on page 1of 9

Morpolohiya

●Ito ang tawag sa pag-aaral ng mga


morpema ng isang wika at ng
pagbubuo ng mga ito sa salita.
●Tinatawag din itong palabuuan.
Morpema
●Ang tawag sa pinakamaliit na yunit ng
isang salita na nagtataglay ng
kahulugan.
●May tatlong uri ng morpema–

istem/salitang-ugat, panlapi at
morpemang binubuo ng isang ponema.
●Istem/ Salitang- ugat– ay ang payak na salitang
walang panlapi. Ang mga ito ay maaring
pangngalan, pang-uri at pandiwa.
●Panlapi– tinatawag na di- malaya sapagkat

nalalaman lamang ang kahulugan nito kapag


naisama na ito sa istem.
●Tinatawag na panlaping makangalan, kapag ang

nabubuong salita ay pangngalan; panlaping


makauri, kapag ang nabubuong salita ay pang-uri
at panlaping makadiwa, kapag ang nabubuong
salita’y pandiwa.
Morpemang binubuo ng isang
ponema
● Matatagpuan ito sa mga salitang buhat sa Kastila–
senado/ senadora; mayor/ mayora

●sa mga salitang nagtatapos sa o na


nangangahulugan ng lalaki at sa mga salitang
nagtatapos sa a na nangunguhulugang babae—
barbero/ barbera; Aurelio/ Aurelia at iba pa.
Bukod sa mga istem at mga panlapi, nakabubuo rin
ng mga bagong salita sa pamamagitan ng pag-uulit at
pagtatambal ng mga salita.
●Pag-uulit-- may tatlong paraan

a. Parsyal o di-ganap na pag-uulit – unang pantig


lamang ang inuulit. Hal. babasa, susulat, aawit
b. Ganap na pag-uulit– buong salitang-ugat ang
inuulit. Hal. Araw-araw, gabi-gabi
c. Kumbinasyon ng parsyal at ganap na pag-uulit hal.
Tutulog-tulog, sasayaw-sayaw, aalis-alis
●Pagtatambal – pinagsasama sa isang pahayag ang
dalawang salitang pinagtambal para makabuo ng isang
salita.
a. Malatambalan-- hal. Tsaang-gubat,
bahay-ampunan
b. Tambalang-ganap—
hal. Bahag+hari=rainbow; balat+sibuyas= maramdamin
Pagbubuo ng mga Salita
1.Paglalapi – pagkakapit ng iba’t ibang uri ng
panlapi sa isang salitang0ugat, nakabubuo ng iba’t
ibang salita na may kani-kaniyang kahulugan.
hal. Tubig
ma-+tubig = matubig (maraming tubig)
pa-+tubig = patubig (padaloy ng tubig)
tubig+-an= tubigan (lagyan ng tubig)
tubig+-in = tinubig (pinarusahan sa tubig)
2.Pag-uulit – paraan ng pagbuo ng salita mula sa
morpemang salitang-ugat.

Pag-uulit na ganap
hal. Taon taun-taon
bahay bahay-bahay
Pag-uulit na Parsyal
usok uusok
balita bali-balita
Pag-uulit na parsyal at ganap
sigla masigla-sigla
saya masaya-saya
3.Pagtatambal ng salita - pagbubuo ng salita na
pinagsasama ng dalawang morpemang salitang-ugat.

a. Inilalarawan ng ikalawang salita ang unang salita


hal. Taong- bundok, kulay- dugo
b. Tinatanggap ng unang salita ang ginagawa ng unang
salita
hal. Ingat- yaman, pamatid- uhaw
c. Ipinapakita ng ikalawang salita ang gamit ng unang
salita
hal. Bahay-aliwan, silid- aralan
d. Isinasaad ng ikalawang salita ang pinagmulan ng
unang salita
hal. Batang-lansangan, kahoy- gubat
e. Kasabay o katimbang ng ikalawang salita ang unang
salita
hal. Urong- sulong, lulubog-lilitaw
●Pagtatambal ng dalawang salitang-ugat na
maaaring makalikha ng ikatlong kahulugan
hal.
basag + ulo = basagulo
anak+ pawis = anakpawis
dalaga+ bukid = dalagambukid

You might also like