You are on page 1of 1

4.

Tambalan- Kapag ang dalawang salita ay pinagsama upang makabuo ng isang salita, ito’y tinatawag na
tambalang-salita.

May dalawang uri ang tambalan: (1) tambalang ganap at (2) tambalang di-ganap o parsyal.

a. Tambalang ganap- sa tambalang ito, kapag ang dalawang salitang pinagtambal na may magkaibang
kahulugan ay nakabuo ng ikatlong kahulugan na malayo sa kahulugan ng dalawang salitang pinagsama.
kadalasan ang salitang nabubuo ay di na nilalagyan ng gitling. Halimbawa: hampas + lupa → hampaslupa
bahag + hari → bahaghari

b. Tambalang di-ganap o malatambalan- sa tambalang ito, ang taglay na kahulugan ng dalawang salitang
pinagtambal ay nananatili ang kahulugan at wala nang ikatlong kahulugan. Ito’y ginagamitan ng gitling.
Mga Paraan ng Tambalang Di ganap  Ang ikalawang salita ay naglalarawan ng unang salita. Halimbawa:
Isip-bata kulay-dugo  Ang ikalawang salita ay nagsisilbing layon ng unang salita Halimbawa: ingat-
yaman bantay-bahay  Ang ikalawang salita ay nagsasaad ng gamit ng unang salita Halimbawa: silid-
kainan bahay-bakasyunan  Ang ikalwang salita ay nagsasaad ng pinagmulan o tirahan ng itunutukoy ng
unang salita Halimbawa: batang-lansangan bahay-bata  Kung binubuo ng dalawang salitang
magkasalungat ng kahulugan Halimbawa: lakad-takbo taas-baba

You might also like