You are on page 1of 8

Naibibigay ang kasingkahulugan

at kasalungat na kahulugan ng
salita ayon sa gamit sa
pangungusap
KASINGKAHULUGAN ng salita ayon sa pagkakagamit sa
pangungusap
-Maituturing na magkasingkahulugan ang dalawang salita kapag ito ay
nagtataglay ng parehong kahulugan o nagtataglay ng parehong layunin sa
pagbibigay turing.
-Kadalasan ang mga pangungusap ay naglalaman ng mga pahiwatig upang
matukoy ang magkasingkahulugan na salita.Kailangan suriin ang
pangungusang para sa tamang kahulugan

Halimbawa:
May natatanging kariktan si Mariang Sinukuan kaya maraming humahanga
KASALUNGAT na salita ayon sa pagkakagamit sa pangungusap
-Mula sa mismong pangalan nito, ang mga salitang magkasalungat ay mga
salitang kabaligtaran ang kahulugan mula sa isa pang salita
-Mahalagang suriin din ang pangungusap upang matukoy ang kasalungat
ng salita.Maaaring maging palatandaan ang mga susing salita gaya ng:
ngunit, subalit, samantala, bagaman, kaya at datapuwa’t upang maging
pahiwatig ng kasalungat na salita.

Halimbawa:
Pagdating sa dagat agad na sumisid si Pilandok at pagkaahon ay may dala na
itong perlas.
Isulat ang S kung ang mga pang-uring may salungguhit sa bawat bilang ay
magkasingkahulugan at K kung magkasalungat.
_____ 1. Maraming mahihirap na tao ang nangangailangan ng tulong ng
mayayaman naman kay Samantha.
_____ 2. Nagmukhang malapad si Maya dahil nagsuot siya ng maluwang
na damit.
_____ 3. Mamahalin nga ang mga bag na mabibili sa tindahan ni Aling Fe
pero ang mga sapatos naman ay mumurahin lang.
_____ 4. Kailangan ko ng matangkad na bata na hahawak ng patpat na
mahaba.
_____ 5. Mabilis ang kuneho ngunit natalo pa rin siya ng mabagal pero
matiyagang pagong

You might also like