You are on page 1of 6

REVIEWER IN FILIPINO

3rd Quarter

Ang mga pangungusap o sugnay na ito bagaman magkakahiwalay ay pinagdudugtong o pinag-uugnay ng mga gamit pang-ugnay o kohesyong gramatikal. Ginagamit na
pang-ugnay na ito ay referents o reperensiya na kung tawagin ay anapora at katapora.

ANAPORIK / ANAPORA

Ang isang pahayag ay nasa anyong anaporik kung ang panghalip ay lumalabas sa hulihan bilang pananda sa pangngalan sa unahan. Ibig sabihin, kung unang nabanggit
ang pangngalan bago ang panghalip nito, ito ay nasa anyong anaporik.

Ang bayang Pilipinas ang naging kanlungan ng aking pagkatao. Ito ay pinagpala ng Maykapal

Si Santa Claus ay isang matandang may balbas. Siya ay kilalang kilala ng mga bata.

KATAPORIK / KATAPORA

Ang isang pahayag ay nasa anyong kataporik kung ang panghalip ay lumalabas sa unahan bilang pananda sa pangngalang binanggit sa hulihan. Ibig sabihin kung ang
panghalip ay mas naunang nabanggit kaysa pangngalan, ang pahayag ay nasa anyong kataporik.

Ito ang naging kanlungan ng aking pagkatao. Ang baying Pilipinas ay pinagpala ng may kapal.

Siya ay isang matandang may balbas. Si Santa Claus ay kilalang kilala ng mga bata.

PONEMA

Ang ponema ay isa sa mga yunit ng tunog na nagpapakita ng kaibahan ng isang salita mula sa isang pang salita ng partikular na wika.

 SEGMENTAL - makabuluhang tunog

 SUPRASEGMENTAL - tinatawag na pantulong sa ponemang suprasegmental.

Ang tinutukoy na ginagamit bilang pantulong ay ang tono o pitch, haba o length, diin o stress at antala o juncture.

 DIIN - ito ay ang bigat ng pagbigkas ng pantig na maaaring makapag-iba sa kahulugan ng mga salita maging ang mga ito man ay magkapareho ng baybay.

/ha.pon/(Afternoon) /Ha.pon/ (Japanese)

/ba.ta/ (may diin sa ikalawang pantig) /bata/ (walang natala at diin sa huling pantig, mabilis ang bigkas)

 TONO o INTONASYON - tumutukoy sa pagtaas at pagbaba ng tinig sa pagbigkas ng pantig ng isang salita, parirala, o pangungusap. May bahaging mababa,
katamtaman at mataas. Maaaring makapagpahayag ng iba’t ibang damdamin o makapagbigay ng bagong kahulugan ang pagbabagong tono o intonasyon

o Nagpapahayag: Maligaya siya.

o Nagtatanong: Maligawa siya?

o Nagbubunyi: Maligaya sya.

 1 mababa

 2 katamtaman

 3 mataas

o kahapon 213 - pagaalinlangan o patanong

o kahapon 231 - pagpapatibay , pagpapahayag


 HINTO o ANTALA - tumutukoy sa saglit na pagtigil ng pagsasalita upang higit na maging malinaw ang mensaheng ipinahahayag. May hinto bago magsimula ang
isang pangungusap at may hinto rin pagkatapos nito. May hinto rin sa loob ng pangungusap kung may kailangang ihiwalay na mga ideya upang higit na
maunawaan ang nais nitong ipahayag.

 Kuwit (.) ang ginamit sa sinisimbolo ng /. hintong ito na

o Hindi siya si Jose. (he is not Jose)

o Hindi, siya si Jose. (no, he is Jose)

o Hindi siya, si Jose. (not him, Jose)

 Mayroong 21 ponemang segmental


a. 5-ang patinig

b. 16 ang katinig

 KATINIG - Ang tunog o ponemang kinakatawan ng titik


a. Mga katinig /b, k, d, g, h, l, m, n, ng, p, r, s, t, w, y, ?/'\

MORPOLOHIYA

 Pagsusuri sa mga paraan ng pagbuo ng mga salita sa isang wika


 Pagaaral ng morpema/morfim
 Morpema/Morfim – ang pinakamaliit na yunit ng salita na nagtataglay ng kahulugan

URI NG MORPEMA SA WIKANG FILIPINO

 MORPEMANG PONEMA /a/ at /o/ - magbabago ang kasarian dahil sa ponemang /a/ o kontradiksiyon ng /o/
- Gobernador – Gobernadora
- Konsehal – Konsehala
- Kapitan – Kapitana
- Abogado – Abogada

 MORPEMANG SALITANG-UGAT – uri ng morpema na walang panlapi. Payak na anyo ng isang salita
- Indak - Sayaw - Sulat

- Ganda - Sipag - Bata

- Buti - Payat - Bunso

 MORPEMANG PANLAPI – uri ng morpema na idinurugtong sa salitang-ugat na maaaring makapagpabagong kahulugan ng salita ngunit hindi nakaktayong mag-
isa ang mga panlapi at kailangan idugtong sa salitang-ugat upang magkaroon ng kahulugan.

5 NA PAGBABAGONG MORPOPONEMIKO

 ASIMILASYON – pagbabagong nagaganap sa posisyong pinal dahil sa impluwensya ng ponemang kasunod nito.
o ASIMILASYONG PARSYAL O DI GANAP – pagbabago sa unang morpema.
- Pang + bansa = pambansa
- Sing + bait = simbait
- Mang + batas = mambabatas
o ASIMILASYONG GANAP – pagbabago ng panlapi at salitang ugat
- Mang+tahi = manahi
- Pang + palo = pamalo
- Pang + takot = panakot

 PAGPAPALIT NG PONEMA – kapag ang (d) ay nasa pagitan ng dalawang patinig, mapapalitan ito ng (r)
- Ma + damot = maramot
- Ma + dunong = marunong

 METATESIS – pagpalit ng posisyon ng /-in/ kapag ang kasunod ay L, Y, O


- Lipadin – nilipad
- Yakapin - niyakap

 PAGLILIPAT-DIIN – kapag ang salitang-ugat ay nilalagyan ng panlapi, nagbabago ito kapag nilalapitan.
- Laro+an = laruan
- Dugo + an = duguan
 PAGKAKALTAS NG PONEMA – pagtatanggal ng ponema
- Takip + an = takpan
- Sara + han = sarhan
- Labahan = labhan
- Dalahin = dalhin

PANG-URI

Salitang naglalarawan sa pangngalan o panghalip

 Panitikan: ay nagsasabi o nagpapahayag ng mga kaisipan, mga damdamin, mga karanasan, hangarin, at diwa ng mga tao. Pinakapayak na paglalarawan lalo
na sa pagsulat ng tuwiran o tuluyan at patula.
 Halimbawa: Si Pilandok at ang Batingaw – kuwentong bayan ng Maranao.
 Ang mga Kuwentong Bayan ay bahagi ng ating katutubong panitikan. Nagsimula ito bago pa man dumating ang mga Espanyol. Ito’y lumaganap at nagpasalin-
salin sa ibat-ibang henerasyon sa paraang pasalita. Nasa anyong tuluyan ang mga kuwentong bayan at karaniwang naglalahad ng kaugalian at tradisyon ng
lugar kung saan ito nagsimula at lumaganap. Napapalooban ito ng mga aral na nagpapahiwatig ng mga bahay na nangyayari sa paligid.
 Katangian ng kuwentong bayan:
 Katutubong panitikan
 Nagpasalindila
 Anyong tuluyan
 Kaugalian at tradisyon
 Gintong-aral
 Posibilidad – ito ay mga bagay o pangyayaring walang katiyakan kung magaganap o hindi. Ginagamit ang tila, baka, maaari, marahil, siguro, sa palagay ko,
possible kayang at puwede kayang bilang mga expresyong naghahayad ng posibilidad.

 Retorikal na pang-ugnay
 Pang-angkop – ay mga katagang idinudugtong sa mga pagitan ng dalawang salita upang maging kaaya-aya ang pagbigkas ng mga ito at magkaroon ng
ugnayang panggramatika.
- Ang mga pang-angkop ay mayroon ding tatlong uri: “na”, “-ng” at “-g”
- “Na” – naguugnay sa dalawang salita na kung saan na ang naunang salita ay nagtatapos sa mga katinig o consonant maliban sa titik
N.
- “-g” – ginagamit kung ang salitang durugtungan ay Nagtatapos sa katinig na N.
- “-ng” – isinusulat karugtong ng mga salitang Nagtatapos a patinig o vowel (a, e, i, o, u)
 Pang-ukol – nag-uugnay sa pangngalan, pandiwa, panghalip, o pang-abay sa iba pang ga salita sa loob ng pangungusap. Ito ay maaari ring magturo ng
lugar o layon.
- Ng – nagbibigay ugnayang sa pagitan ng isang kabuuat at isang bahagi
- Sa – nagpapahayag ng pag-uukol ng isang bagay sa isang pang bagay
- Ni o nina - nagpapahayag ng pagmamay-ari ng isag bagay.
- Para sa/kay nagpapahayag ng pinag-uukulan
- Ayon sa/kay – nagpapahayag ng pinaggalingan o basehan ng isang bagay.
 Pangatnig – nag-uugnay sa dalawang salita, sugnay, parirala, o pangungusap. Maaaring magpakita ng pagbubukod, pagsasalungat, o paglilinaw.
 Mga uri ng Pangatnig:
- Pamukod – mayroong pamimili, pagtatangi, pag-aalinlangan at karaniwang nilalagyan ng ga katangang ni, o at maging
- Pandagdag – nagsasaad ng pagpupuno o pagdaragdag at ginagamitan ng mga katagang at, saka at pati.
- Pananhi – ginagamit upang magbigay ng dahilan, kung nangangatwiran at kung sumasagot sa tanong na bakit. Ang mga kataga nito
ay sapagkat, dahil, palibhasa, pagkat, kasi.
- Panubali – nagpapakita ng pagbabakasakali o pag-aalinlangan. Ang mga katanga na ginagamit ay kung, di, kundi, kapag, sana at
sakali.
- Panlinaw – ginagamit upang linawin o magbigay-linaw sa isang sitwasyon o paliwanag. Ang mga katagang ginagamit ay: anupa,
kaya, samakatuwid, sa madaling salita, at kung gayon.
- Panalungat – nagsasaad ng pag-iba, pagkontra, o pagtutol. Ang mga katagang ginagamit ay: ngunit, subalit, datapwa’t, bagama’t

Ang balbal ay salitang pangkalye o panlansangan

Ang AWITING BAYAN ay isa rin sa matatandang uri ng panitikang filipino na lumitaw bago pa man dumating ang mga kastila.
Karaniwan sa awiting bayan ay mayroong labing dalawang pantig ito'y may SUKAT, TUGMA at INDAYOG 
Sinasabi na naging tula muna ang mga ito bago maging awit. Nilapatan ito ng himig upang maihayag nang pakanta. Naglalarawan sa mga ugaling mga filipino na kung saan
may bakas ng bagong alinlangan at kabihasnan na dala ng mga kastila.

                URI NG AWITING BAYAN

OYAYI / AYAYI - awiting panghele o pampatulog ng mga bata


DIYONA - awit para sa kasal
KUNDIMAN - awit ng paag-ibig
KUMINTANG - awit sa pandigma 
SOLIRANIN - awit sa paggagaod paggagawa
TIKAM - pandigmang awit o pagbati sa isang bayai na nagtagumpay sa isang laban 
TALINDAW - awit ng pamamangka
KUTANG KUTANG - awit panlansangan
MALUMAY - awit sa samasamang paggawa
PANANAPATAN - panghaharana sa tagalog
SAMBOTANI - awit sa pagtatagumpay
BALITAW - panghaharana ng mga Bisaya

                HALIMBAWA NG MGA AWITING BAYAN

 SI FELIMON - awiting bayan mula sa Cebu


 ILI ILI TULOG ANAY - Ilonggo
 DANDANSOY - Cebuano

                ANTAS NG WIKANG FILIPINO

1. PORMAL -  ito ang mga salitang estandard dahil kinikilala, tinatanggap at ginagamit ng higit na nakakarami lalo na ng mga nakapag-aral ng wika.

   a. PAMBANSA - ito ang mga salitang karaniwang ginagamit sa mga aklat pangwika/pamdalarila sa lahat ng mga paaralan. Ito rin ang wilang kadalasang ginagamit ng
pamahalaan at itinuturo sa mga paaralan.
Halimbawa: paaralan, lamesa, telebisyon, maganda, sapatos, puno

   b. PAMPANITIKAN o RETORIKAL - ito ang mga salitang ginagamit ng mga manunulat sa kanilang mga akdang pampanitikan. Ito ang mga salitang karaniwang matatayog,
malalalim, makulay at masining
Halimbawa:  marikit, mahalimuyak,butas ang bulsa, balat sibuyas, nagtataingang kawali, kabiyak, etc.

2. DI - PORMAL o IMPORMAL - ito ang mga salitang karaniwan, palasak, pang araw-araw na madalas nating gamitin sa pakikipag-usap at pakikipagtalastasan sa mga
kakilala at kaibigan.

   a. LALAWIGANIN - ito ang mga bokabularyong diyalektal. Makikilala ito sa pagkakaroon ng kakaibang tono, o ang tinatawag ng marami na punto.
Halimbawa:  Kaibigan
Kaibigan - Tagalog
Gayyem - Ilokano
Higala - Cebuano
Amiga - Bikolano

   b. KOLOKYAL - ito ay ang mga pang-araw-araw na salita na ginagamit sa mga pagkakataong impormal. Maaaring may kagaspangan ang mga salita at maaari rin itong
maging repinado ayon sa kung sino ang nagsasalito nito. Kasama na rin dito ang pagpapaikli ng isa, dalawa, o higit pang salita lalo na sa mga pasalitang komunikasyon.
Halimbawa:  
Nasa'n (nasaan)
pa'no (paano)
sa'kin (sa akinn)
sa'yo (sa iyo)
kelan (kailan)

   c. BALBAL - tinatawag sa Ingles na slang. sa mga pangkat-pangkat nagmumula ang mga ito upang ang mga pangkat ay magkaroon ng sariling codes. Mababang antas ng
wika ito, bagamat amy mga dalubwikang nagmumungkahi ng higit pang mababang antas, ang antas-bulgar
Halimbawa: 
parak - pulis
istokwa - naglayas
juding - bakla
tiboli - tomboy

WIKA

WIKA - kalipunan ng mga simbolo, tunog at mga kaugnay na bantas, upang maipahayag ang nais sabihin ng kaisipan.
Ang pagkakaroon ng ANTAS NG WIKA ay isa pang mahalagang katangian nito. Tulad ng tao, and wika ay nahahahati rin sa ibat' ibang kategorya ayon sa kaantasan nito.
kung tutuusin, ang antas ng wikang madalas na ginagamit ng isang tao ay isang mabisang palatandaan kung anong uri ng tao siya at kung sa aling antas-panlipunan siya
nabibilang.

 ARALIN 2 - Pagwawalang bahala

MITO / MITOLOHIYA
Ang Mito o Myth ay mga kuwento na binubuo ng isang pantikular na relihiyon o paniniwala. Karaniwang tinatalakay ng mga kuwentong mito ang mga diyos at nagbibigay
paliwanag kanggil sa mga likas na kaganapan. Lumang salaysay na siglo na ang itinagal ng panahon. Karaniwang nagpapaliwanag sa pagkalikha sa mundo at mga
pangyayaring mahirap maipaliwanag, tulad ng buhay ng tao, kamatayan at muling pagkabukay. Karaniwang gumagamit ng mga tauhang may kaugnayan sa mga diyon at
mga diwata.

Halimbawa: Kung paano nagkaroon ng hangin karagatan.


 Ang salitang mythology o mitolohiya ay galing sa salitang Grigeyo na mythos na nangangahulugang "kuwento ng mga tao" at logos na nangangahulugang "salita". 

Ang mitolohiya ay pasalitang kuwento ng mga tao tungkol sa kanilang mga ninuno at kung papaano nagsimula ang buhay ng mga tao sa mundo, mga diyos, at mga nilalang
na may kakaibang lakas na wala ang karaniwang tao.

Isang sikat na mitolohiya ay ang mitolohiya ng mga Grigeyo o Mitolohiyang Grigeyo.

Sa Pilipinas naman ang mito ay kinabibilangan ng mga kuwentong-bayang naglalahad ng mga tungkol sa mga anito, diyos at diyosa, mga kakaibang nilalang at sa mga
pagkagunaw ng mga daigdig noon.

    Ilan sa mga Mitolohiya sa Pilipinas ay ang:

 Aswang
 Diwata
 Duwende
 Engkanto
 Juan Tamad
 Malakas at Maganda
 Mambabarang
 Manananggal
 Mankukulam
 Maria Makiling
 Nuno sa punso

Mitikal na nilalang - mga tauhang pinaniniwalaang may kakaibang kapangyarihan

            ANTAS NG HAMBINGAN /  PAGHAHAMBING 

1. Pantay na Antas : Ang panlaping na


   (Ka)sing - nagsasaad ng digri ng pagtutulad na magkapantay ang antas.
Maaaring gamiting ang panlaping pahambing sa simunong pinaghahambingan, sa batayang pang-uri, pandiwa o pangngalan.
Simuno sa pinaghambingan:
           Kasingyaman ni Ben si Ogie
Batayan sa Pandiwa:
           Kasingbilis ni Charo si Ivy
Batayan sa pang-uri:
           Kasingkinis ni Kathryn ni Nadine

2. Di-Pantay na Antas :
Maipapakita ang di-pantay na pagkakambing sa pamamagitan ng mga salitang:
1. mas....
2. kay/kaysa
3. Hamak
4. Higit
5. lalo
Halimbawa:
   Mas matatag ang loob ni Nina kay Lia.
   Hamak na matalino si Keiffer kaysa kay Janus
   Higit na mabait si Diana kay Pipa.
   Lalong takot si Mars kaysa kay Diana.

Ponema
Ang ponema ay isa sa mga yunit ng tunog na nagpapakita ng kaibahan ng isang salita mula sa isang pang salita ng partikular na wika.

 SEGMENTAL - makabuluhang tunog


 SUPRASEGMENTAL - tinatawag na pantulong sa ponemang suprasegmental.
Ang tinutukoy na ginagamit bilang pantulong ay ang tono o pitch, haba o length, diin o stress at antala o juncture.
 DIIN - ito ay ang bigat ng pagbigkas ng pantig na maaaring makapag-iba sa kahulugan ng mga salita maging ang mga ito man ay magkapareho ng baybay.
/ha.pon/(Afternoon) /Ha.pon/ (Japanese)
/ba.ta/ (may diin sa ikalawang pantig) /bata/ (walang natala at diin sa huling pantig, mabilis ang bigkas)
 TONO o INTONASYON - tumutukoy sa pagtaas at pagbaba ng tinig sa pagbigkas ng pantig ng isang salita, parirala, o pangungusap. May bahaging mababa,
katamtaman at mataas. Maaaring makapagpahayag ng iba’t ibang damdamin o makapagbigay ng bagong kahulugan ang pagbabagong tono o intonasyon
o Nagpapahayag: Maligaya siya.
o Nagtatanong: Maligawa siya?
o Nagbubunyi: Maligaya sya.
 1 mababa
 2 katamtaman
 3 mataas
o kahapon 213 - pagaalinlangan o patanong
o kahapon 231 - pagpapatibay , pagpapahayag
 HINTO o ANTALA - tumutukoy sa saglit na pagtigil ng pagsasalita upang higit na maging malinaw ang mensaheng ipinahahayag. May hinto bago magsimula ang
isang pangungusap at may hinto rin pagkatapos nito. May hinto rin sa loob ng pangungusap kung may kailangang ihiwalay na mga ideya upang higit na
maunawaan ang nais nitong ipahayag.
 Kuwit (.) ang ginamit sa sinisimbolo ng /. hintong ito na
o Hindi siya si Jose. (he is not Jose)
o Hindi, siya si Jose. (no, he is Jose)
o
Hindi siya, si Jose. (not him, Jose)
 
Mayroong 21 ponemang segmental
5-ang patinig
16 ang katinig

KATINIG - Ang tunog o ponemang kinakatawan ng titik


Mga katinig /b, k, d, g, h, l, m, n, ng, p, r, s, t, w, y, ?/

3. Katungkulan sa Bayan

4. Morpema
Uri ng Morpema sa wikang Filipino
 
1. Morpemang Ponema
Kung nagbabago ang kahulugan (kasarian) dahil sa pagdagdag ng ponemang /a/ o kontradiksyon ng /o/ sa lal, ang /a/ o /o/ ay itinuturing na ponema.
 
Halimbawa:
Gobernador- Gobernadora
Konsehal-Konsehala
Kapitan-Kapitana
Abogado-abogada
 
2. Morpemang Salitang-Ugat
Ito ay uri ng morpema na walang panlapi. Ito ay ang payak na anyo ng salita
3. Mopemang Panlapi

KONOTASYON AT DENOTASYON

Denotasyon – mga salita na matatagpuan sa diksyunaryo

Konotasyon – pansariling kahulugan ng isa o pangkat ng tao sa isang salita, ito ay may malalima thindi literal na kahulugan

You might also like