You are on page 1of 6

Gramatika: kayarian

ng pangngalan)
Kayarian ng Pangngalan
Salitang-ugat - Ang salitang ugat ang
pinakapayak na anyo ng salita. Ito ang
pinanggagalingan ng iba
pang salita.
Halimbawa:
araw bahay
salamin ibig
Inuulit - Ito ang anyo ng salita kapag
inuulit. Ginagamit ang gitling (-) sa pagitan
ng salitang inuulit, may lapi man o wala.

Halimbawa:
araw-araw gabi-gabi
bahay-bahay buhay-buhay
Maylapi - Ang mga salitang nagbagong-
anyo dahil sa inilagay ng panlapi sa unahan,
gitna, o hulihan ng salita.

Halimbawa:
kagabi kabuhayan
simbahan sinigang
Tambalan – Ito ang anyo ng pangngalan na
binubuo ng dalawang salitang pinagtambal.
Ginagamitan ng gitling (-) sa pagitan ng
dalawang salita kapag napananatili ang
kahulugan ng salita.

Halimbawa:
kahoy-gubat tubig-alat
dalagang-bukid batang-kalye
Hindi ginagamit ang gitling (-) kapag may
bagong kahulugang nabubuo sa pagtatambal
ng mga salita.

Halimbawa:
dalagambukid (isda)
bahaghari (rainbow)
balatsibuyas
dahumpalay (ahas)

You might also like