You are on page 1of 9

Aralin

4.3
Kaanyuan ng Pangngalan

P ay ak y l a p i
Ma

In u u l i t b a l an
Tam
Payak
Ang anyo ng Pangngalan kapag ito ay binubuo ng
salitang-ugat lamang.

Halimbawa:
ama bukid
saya gubat
linggo oras
palengke bata
ganda alaga
lungkot simba
saya araw
Maylapi
Ang Pangngalang binubuo ng salitang-ugat ng
panlapi

Halimbawa:

ka + sama = kasama
panlapi salitang ugat

tinda + han = tindahan


salitang ugat panlapi
Inuulit
Ang anyo ng pangngalan kung inuulit ang buong
salita o bahagi nito.
Halimbawa:
araw-araw
halu-halo
gabi-gabi
sabay-sabay
mamula-mula
masayang-masaya
bahay-bahayan
Tambalan
Ang anyo kung ito ay binubuo ng dalawang salitang
magkaiba ng kahulugan na kapag pinagsama ay
nagkakaroon ng bagong kahulugan

Halimbawa:
Kapit + bahay = kapitbahay
(hawak) (tahanan) (tao sa katabing bahay)

Maaari ring manatili ang kahulugan ng dalawang salita.


Halimbawa
tubig-ulan
Pagsasanay 1
Isulat ang bawat salita sa ilalim ng tamang kayarian
nito.
-abot-tanaw -buntong-hininga -pantao
-taon-taon -dagdag -bigay-alam
-matulungin -unawain -halimbawa
-guniguni -edukasyon -balu-baluktot
-hanapbuhay -basang-sisiw -kisapmata
-kasintibay -bilis-bilisan -singsing
-ari-arian -ipahayag -tubig-ulan
-bulaklak -dalagang-bukid -kampeon
-palipat-lipat -paraiso -palipas-gutom
-kabuhayan -sabi-sabi -narito
Payak Maylapi 1 Tambalang-Salita Salitang Inuulit
Pagsasanay 2
Isulat sa patlang ang anyo ng mga sumusunod na
pangngalan. (Payak, Maylapi, Inuulit, Tambalan)
1. alamat- ___________
2. biglang-yaman- __________
3. matanda-________________
4. takipsilim - _____________
5. halaman - ______________
6. linggu-linggo - ____________
7. kabataan - ________________
8. larawan - ________________
9. bahay-bahayan - _____________
10. bungangkahoy - ______________
Pagsasanay 3
Gawing maylapi ang mga sumusunod na payak na pangngalan
sa pamamagitan ng pagdaragdag ng mga nararapat na panlapi.
1. bukid- ___________
2. loob - __________
3. saya -________________
4. oras - _____________
5. suot - ______________
6. lakad - ____________
7. laro - ________________
8. tawa - ________________
9. inom - _____________
10. alaga - ______________

You might also like