You are on page 1of 13

2.

Pagbati
-Magandang umaga mga bata! Magandang umaga din po, Sir John!
-Maaari nang umupo ang lahat.

3. Balitaan
-Ang araw ngayon ay Martes, ano Ang araw po ngayon ay Martes.
ang araw ngayon? Exodus?

-Ang araw kahapon ay Lunes, ano Ang araw po kahapon ay Lunes.


ulit ang araw kahapon? Sam?

-Ang petsa ngayon ay ika-isa ng Ang petsa po ngayon ay ika-isa ng Oktubre,


Oktubre, taon dalawanglibo at taon dalawanglibo at labingtatlo.
labingtatlo, ano ang petsa ngayon?
Zaldy?
Ang panahon po ngayon ay Maaraw.
-Ang panahon ngayon ay Maaraw,
ano ulit ang panahon ngayon?
Vincent?
Pitong batang lalaki po ang pumasok
-Maaari bang tumayo ang mga ngayon.
batang lalaki? Ilang batang lalaki
ang pumasok ngayon? Patrick?
Dalawang batang babae po ang pumasok
-Maaari bang tumayo ang mga ngayon.
batang babae? Ilang batang babae
naman ang pumasok ngayon?
Jilliane?
Siyam po lahat ang mga batang pumasok
-Maari mo bang iulat kung ilan lahat na nasa baitang isa.
ang mga batang pumasok na nasa
baitang isa? Gab?

4. Balik-Aral
-Kahapon ay pinag-aralan natin ang
aralin tungkol sa “Ang Aking
Pamilya” na kung saan ay pinag-
aralan natin ang mga kasapi ng
isang pamilya.
Tatay po!
-Sinu-sino ang mga kasapi ng isang
karaniwang pamilya? Magbigay ka
ng isa, Jasmine?

-Magaling!
Nanay po!
-Sino pa ang kasapi ng isang
karaniwang pamilya? Mark?

-Tama!
Anak o mga anak po!
-Bukod sa tatay at nanay, sino o
sinu-sinu pa ang mga kasapi ng
isang karaniwang pamilya?
Exodus?
-Magaling!

-Napag-aralan din natin ang mga


tungkulin ng mga kasapi ng
pamilya.

-Anu-ano ang mga tungkulin ng Ang tatay at nanay po ang nagtu-


tatay at nanay? Sam? tulungan sa pagha-hanapbuhay,
paggawa sa bahay at pag-aalaga sa
mga anak.
-Tama!

-Ano naman ang tungkulin ng mga Ang anak naman po ang tumutulong sa
anak? Zaldy? gawaing-bahay.
-Magaling mga bata, natutuwa ako
dahil natandaan niyo pa ang pinag-
aralan natin kahapon.

B. Pagganyak
-Mga bata, may ipapakita ako sa
inyo na iba’t ibang larawan. Ang
mga larawan na ito ay may
kinalalaman sa ating aralin.

(Upuan) (Libro)

(Kompyuter) (Pagkain)

(Mga Bola) (Lagayang Gamot)

-Anu-anong mga larawan ng bagay Upuan po.


ang inyong nakita? Magbigay ng
isa, Vincent?

-Tama!

-Anu pang bagay ang iyong nakita? Libro po.


Patrick?

-Magaling!
-Magbigay ka pa ng isang bagay na Kompyuter po.
nasa larawan, Jilliane?

-Tama!

-Anong bagay pa ang nasa Pagkain po.


larawan, Gab?

-Magaling!

-Magbigay ka pa nga ng isang Mga Bola po.


bagay na nasa larawan, Jasmine?

-Tama!

-Bukod sa upuan, libro, kompyuter, Lagayan ng Gamot po.


pagkain at mga bola, ano pang
bagay ang nasa larawan, Mark?

-Magaling!

-Sa tingin ninyo saan kaya madalas Sa paaralan po!


makita ang mga bagay na inyong
nakita?

-Tama ang lahat ng inyong mga


sinabi, ang mga bagay tulad ng
upuan, libro, kompyuter, pagkain,
mga bola at lagayan ng gamot ay
kadalasang nakikita natin sa loob
ng paaralan.

-Ngayon ay tutungo na tayo sa -Opo!


ating bagong aralin, handa na ba
kayo?

C. Paglalahad/Talakayan
(Magpapakita ang guro ng “slide
presentation” para sa bagong
aralin)
-Ang pag-aaralan natin ngayon ay
tungkol sa “Ang Aking Paaralan”

Ang Aking Paaralan

-Ang paaralan ay mahalaga


sapagkat dito natututo ng maraming
bagay ang mga batang tulad ninyo.

-Ang paaralan ay tulad ng


pangalawang tahanan at ang mga
guro naman ang ating
pangalawang magulang.

Tomas Claudio Memorial


College

-Ang pangalan ng ating paaralan ay


Tomas Claudio Memorial College.
Ang lokasyon ng ating paaralan ay
nasa Taghangin, Morong, Rizal.

-Ano ang pangalan ng ating -Ang pangalan po ng ating paaralan ay


paaralan? Gab? Tomas Claudio Memorial College.
-Magaling!

Mga Iba’t Ibang Bahagi ng Paaralan

-May iba’t ibang bahagi ang


paaralan tulad ng silid-aralan, silid-
aklatan, kompyuter rum, kantina,
gymnasium at klinika.

- Anu-ano ang mga bahagi ng isang


Silid-aralan po.
paaralan? Magbigay ng isa,
Jasmine?

-Tama!

-Ano pa ang bahagi ng paaralan?


Silid-aklatan po.
Mark?
-Magaling!

-Magbigay ka pa ng isang bahagi Kompyuter Rum po.


ng paaralan, Exodus?

-Tama!

-Ano pa ang bahagi ng paaralan, Kantina po.


Sam?

-Magaling!

-Magbigay ka pa nga ng isang Gymnasium po.


bahagi ng paaralan, Zaldy?

-Tama!

-Bukod sa silid-aralan, silid-aklatan, Klinika po.


kompyuter rum, kantina at
gymnasium, ano pa ang bahagi ng
paaralan, Vincent?

-Magaling!

-Makatutulong ang mga bahaging


ito para lalo pang matuto ang mga
mag-aaral.

-Ito ang silid-aralan. Dito nagtuturo


ang mga guro at natututo ang mga
mag-aaral.

Silid-Aralan

-Anong bahagi ng paaralan Sa silid-aralan po.


nagtuturo ang guro at natututo ang
bata? Patrick?

-Tama!

-Ito naman ang silid-aklatan. Dito


natin madalas makikita ang mga
aklat at magasing nagagamit ng
mga mag-aaral sa kanilang pag-
aaral.
Silid-Aklatan

-Saan madalas nakikita ang mga Sa silid-aklatan po.


iba’t ibang aklat? Jilliane?

-Magaling!

-Ang ibang paaralan ay may mga


espesyal na siliid tulad ng
kompyuter rum. Dito natututo ang
mga bata na gumamit ng
kompyuter.

Kompyuter Room

-Anong bahagi ng paaralan Sa kompyuter rum po.


natututong magkompyuter ang
mga batang katulad niyo? Gab?

-Tama!

-Ito ang kantina. Dito bumibili ng


masusutansiyang pagkain at
kumakain ang mga mag-aaral.

Kantina
-Saan madalas bumibili ang mga Sa kantina po.
bata ng masustansiyang pagkain?
Jasmine?

-Magaling!

-Ang paaralan ay karaniwang


mayroon ding gym o gymnasium
kung saan ginagawa ang
malalaking okasyon tulad ng
pagtatapos o graduation.

Gym

-Anong bahagi ng paaralan Sa gymnasium po.


madalas ginaganap ang
graduation? Mark?

-Tama!

-Ito ang klinika. Dito binibigyan ng


pangunang lunas o gamut ang
mga simpleng sakit ng mga mag-
aaral.

Klinika

-Saan naman binibigyan ng Sa klinika po.


paunang lunas kapag nagkasakit
ang mga bata? Exodus?

-Magaling!

-Ang ating paaralan ay mahalaga


dahil ito ang ating pangalawang
tahanan kaya’t ating mahalin at
ipagmalaki dahil dito tayo natututo
ng maraming mabubuting bagay.

D. Paglalahat
-Mga bata, may ipapakita ako sa
inyong larawan at sasabihin ninyo
sa akin kung ano ang inyong
nakikita, Sam?

Tomas Claudio Memorial College

-Ano ang pangalan ng ating Tomas Claudio Memorial College


paaralan?

-Anu-ano pa ang mga larawan na Silid-aralan po.


inyong nakikita? Silid-aklatan po.
Kompyuter rum po.
Kantina po.
Gymnasium po.
Klinika po.
-Ano ang tawag natin sa mga lugar Mga bahagi po ng paaralan.
na nabanggit?

-Maari mo bang basahin ang 1. Ang pangalan ng ating paaralan ay


nakasulat sa pisara, Zaldy? Tomas Claudio Memorial College.
2. May iba’t ibang bahagi ang paaralan
tulad ng silid-aralan, silid-aklatan,
kompyuter rum, kantina, gymnasium
at klinika.
-Maari mo bang bashing muli ang
nakasulat sa pisara, Exodus?

-Sabay sabay nating basahin ang


nakasulat sa pisara.

E. Paglalapat
-Bakit mahalaga ang paaralan sa Ang paaralan po ay mahalaga dahil dito
buhay ng isang batang tulad mo? po natututo ng maraming bagay ang
Zaldy? mga bata.
-Paano mo maipapakitang Sa pamamagitan po ng pagpapanatili ng
mahalaga sa iyo ang paaralan mo? kalinisan po ng paaralan.
Vincent?

F. Talang Gawain
-Ngayon naman ay bibigyan ko
kayong lahat ng isang Talang
Gawain. Maaari niyo bang ilabas
ang inyong mga pangkulay?

-Babasahin ko ang panuto na


inyong susundan.

Panuto: Kulayan ang larawan ng


paaralan tulad ng larawan
na nasa ibaba.

-Bibigyan ko kayo ng sampung (10)


minuto para sa pagkukulay.

-Maaari niyo nang ipasa ang inyong


mga talang gawain.

I. Pagtataya
-Ngayon naman ay bibigyan ko kayong
lahat ng Sagutang Papel para naman
sa isang maikling pagtataya. Ito ay
inyong sasagutan sa loob ng limang
(5) minuto.

-Babasahin ko ang panuto na inyong


susundan.

Panuto: Pagduktungin ang mga


larawan ng bagay na nasa
Hanay A sa mga larawan ng
bahagi ng paaralan na nasa
Hanay B.

II. Takdang Aralin


Gumupit ng iba’t ibang larawan ng bagay na makikita sa loob ng paaralan.
Lagyan ng pangalan kung saang bahagi ng paaralan ito makikita. Idikit ito sa
inyong kwaderno.
Talang Gawain
Pangalan:
Petsa:

Panuto: Kulayan ang larawan ng paaralan tulad ng larawan na nasa ibaba.


Sagutang Papel

Pangalan:

Petsa:

Nakuha:

Panuto: Pagduktungin ang mga larawan ng bagay na nasa Hanay A


sa mga larawan ng bahagi ng paaralan na nasa Hanay B.

HANAY A HANAY B
1.

2.

3.

4.

5.
Inihanda ni:

JOHN EMMANUEL H. VILLARIÑA


Gurong Nagsasanay

Iwinasto ni:

MS. BERNADETH B. RIVERA


Gurong Tagapagsanay

Sinuri ni:

G. RUEL G. MANALO
Head Teacher, Elementary Department

Pinagtibay ni:

G. DINDO C. PUNZALAN
Principal

You might also like