You are on page 1of 32

FILIPINO 6

Paggamit ng
magagalang sa
pananalita sa iba’t-
ibang sitwasyon
JAMIE I. RODRIGUEZ
GURO II
Balik-Aral:

PANUTO: Muli nating balikan


ang ating napag-aralan kahapon.
Makinig nang mabuti sa ibibigay Maari po bang…

kung pamantayan sa pagsagot.


Ibigay ang hugis na
kumakatawan sa tamang sagot.
1. Binigyan ka ng
bagong cellphone ng
iyong nanay at tatay
bilang regalo sa iyong Maari po bang…

kaarawan. Ano ang


angkop na sasabihin mo
sa kanila?
2. Nakalimutan mong ipasa
ang iyong takdang-aralin at
napagsabihan ka ng iyong Maari po bang…

guro. Ano ang angkop na


sasabihin mo?
3. Pinahiram mo ng gamit
pangkulay ang kaklase
mong kapit-bahay ninyo.
Nagpasalamat siya sa’yo Maari po bang…

dahil natapos nia ang


kanyang proyekto. Ano ang
sasabihin mo?
4. Nais mong dumaan sa
pagitan ng dalawang taong
nag-uusap sa tapat ng Maari po bang…

pintuan. Ano ang sasabihin


mo?
Basahin ang usapan:
Linggo ng hapon habang naglalakad patungo sa
parke ang magkaibigan ay napansin nilang malakas ang
ihip ng hangin kay napahinto sila.
Lani : Naku, bakit kaya malakas ang hangin gayung
wala
naman paparating na bagyo.
Jakie : Hindi ka pa nasanay sa klima natin, pabago-bago.

Nang biglang may dumaan na sasakyan at mabilis ang


takbo. Dahil sa may mga lubak-lubak malapit sa
kinatatayuan nila ay tumilamsik ang maduming tubig sa
Lani : Ay! Ang putik halos pumasok sa tainga ko!
Jakie : Heto, may dala akog tisyu punasan mo.
Lani : Sana naman dahan-dahan lang sa pagpapatakbo
ng motorsiklo lalo na at malapit sa parke ang
daan.
Alam naman nilang maraming namamasyal dito.
Jakie : Ganyan talaga yan sila mga bastos nakakasira
ng
modo.
Lani : Hayaan muna, meron talagang taong ganyan kaya
tayo nalang ang mag-ingat.
Jakie : Hindi! Lani dapat isumbong natin sa
kanilang magulang gayong kilala ko ang
magulang noong batang nagmamaneho ng
motorsiklo.

Lani : Maari nating ipaalam sa magulang niya


upang hindi na maulit. Sabihin natin
nang
maayos upang hindi rin kagalitan
yong nagmaneho ng motorsiklo.
SAGUTIN:
1. Kailan nangyari ang insidente?
2. Saan naganap?
3. Ano ang parke?
4. Anong matatagpuan sa parke?
5. Sino ang dalawang magkaibigan?
6. Sino sa dalawa ang nagpapakita ng may
paggalang sa kapwa?
7. Paano niya ipapaabot ang kanyang
naobserbahan sakinauukulan?
Habang nasa loob ng silid-aralan ang mga
mag-aaral sa ika-anim na baitang, hindi
sinasadya ni Angel na mabunggo ang plorera ng
kanyang guro. Labis siyang kinabahan sa
nangyare lalo na ng dumating ang kanyang
guro. “Patawad po Bb. Carabeo, hindi ko po
sinasadya” wika niya.
Ano ang naramdaman ni Angel sa nangayari?

Paano niya ito pinaabot kay Bb. Carabeo?

Kung ikaw ang nasa katayuan ni Angel, paano mo


sa kanya ipapaalam ang nangyari?
Kaarawan ni Yiel nang napansin niyang nawala halos
lahat ng bulaklak sa harding ng pangkat nila. Wala siyang
kaalam-alam sa sorpresang inihanda para sa kanya ng
kanyang mga kaklase. Pagdating niya sa silid-aralan ay may
mga bulaklak na nakapatong sa kanyang upuan. Napansin
niyang ito ay ang mga bulaklak na galling sa hardin ng
pangkat nila. Kaya’t magalang niyang sinabi “ Masaya na ako
kahit sa yakap o pagbating sasabihin ninyo kahit hindi na
ninyo ako bigyan pa ng bulaklak.”

Bakit may pasorpresa ang mga kaklase kay Yiel?


Paano nila pinakita ang pagmamahal kay Yiel?
Sa tingin ninyo, tama baa ng ginawa ng kanyang kaklase?
Bakit?
Paano sinabi ni Yiel ang kanyang saloobin?
Sa ating pakikipag-usap sa mga
kasama sa bahay, kaklase, kaibaigan,
nakatatanda at nakababata ay
ngumamit tayo ng mga nararapat na
pahayag sa pagsabi ng ating iniisip,
ating saloobin o damdamin. Kailangan
natin ang mga salitang ito upang
maipaabot natin ang ating damdamin
ng may paggalang.
SITWASYON PAGGALANG
Pagbati Magandang umaga po.
(greetings) Magandang gabi po.
Magandang Tanghali po.
Magandang hapon po.
Paghingi ng paumanhin Pasensya na po….
(asking for forgiveness) Ipagpaumanhin po ninyo….
Humihingi po ako ng paumanhin
sa…
Pagtanggap ng Tuloy po kayo.
panauhin Ikinagagalako ko po ang pagdating
( guest reception) ninyo….
Pagtanggi sa imbitasyon o Ikinalulungkot ko pong sabihin ….
pakiusap (rejection to invitation) Pagpasensyahan na po ninyo at …..
Pakiusap (request) Maaari po bang….
Sana po ay ….
Baka po pwedeng ….
Paghingi ng pahintulot Maari ko po bang ……
(asking permission) Pwede po bang…..
Pagpapakilala Ako po ay si….
(introduction) Ako nga po pala si …..
Pagbibigay ng obserbasyon o Sa tingin ko po ay…
ideya Baka po mas mabuting ….
(giving of observation or idea) Sa pakiwari ko po ay dapat …
Sana po ay …..
Ginagamit ang magagalang na pananalita sa
pamamagitan ng pagsagot ng po at opo sa pakikipag-usap
sa nakatatanda o kahit na sa iyong kapwa bata sa lahat ng
pagkakataon. Gumagamit tayo ng magagalang na
pananalita sa pagbati, sa paghingi ng paumanhin, sa
pagtanggap ng panauhin, sa paghingi ng pahintulot at
pakiusap, at pagpapakilala. Maaari ring gumamit ng mga
magagalang na pananalita sa pagpapahayag ng saloobin o
damdamin, sa pagbabahagi ng obserbasyon sa paligid, sa
pagpapahayag ng ideya, sa pagsali sa usapan at pagbibigay
reaksiyon sa isang bagay o isyu. Ito ay mga sitwasyong
ginagamitan ng magagalang na pananalita. Sa kabuoan,
ang paggamit ng mga ito ay nagpapakita ng paggalang sa
Ang respeto o paggalang ay kakambal ng salitang
paggawa ng mabuti sa kapwa, pagkakaroon ng
magandang-asal at paggalang sa pamamagitan ng
pakikipag-usap o pagpapahayag ng damdamin. Sa
pagbibigay ng pahayag tungkol sa mga
naobserbahan sa paligid, pagpapahayag ng ideya ay
dapat isaalang-ialang ang damdamin ng kausap.
Magkaroon ng paggalang sa pagbitaw ng salita.
Magalang

Pagka- katahimikan kaligayahan


kauunawaan
TIMER
Kailan dapat ginagamit
ang magagalang na
pananalita?
Ang magagalang na pananalita ay dapat gamitin sa iba’t-
ibang pagkakataon at usapan sa lahat ng tao.

Maging maingat sa pagbibigay ng obserbasyon sa paligid


at pagpapahayag ng ideya.
Panatilihin ang paggalang sa nararamdaman ng kausap
sa bawat pagkakataon.
RUBRIKS
PAMANTAYAN PUNTOS BAHAG-DAN
A- Nagagamit nang wasto ang magalang na pananalita sa pagpapahayag ng
5 100
obserbasyon sa paligid o ideya.
B- Nangangailangan ng patnubay upang magamit ang magalang na pananalita sa
pagpapahayag ng obserbasyon sa paligid o ideya. 4 90
C-Hindi gaanong maintindihan ang paggamit ng magalang na pananalita sa
pagpapahayag ng obserbasyon sa paligid o ideya. 3 80
D- Hindi nakilahok sa gawain. 2 70
A - Pagsukat ng kaalaman:
PANUTO: Pag-aralan ang larawan. Magbigay ng saloobin tungkol sa
naobserbahan o ipahayag ang ideya gamit ang magalang na salita.

GAWAIN A -lalaki GAWAIN B - babae


B - Panuto: Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Piliin ang tamang sagot na
nagpapakita ng paggalang sa pakikipag-usap sa iba’t ibang sitwasyon. Isulat ang titik
ng iyong sagot sa sagutang papel.

1. Gusto mong lumabas kasama ang iyong mga kaibigan. Paano ka


magpapaalam sa iyong mga magulang?

A. Aalis po ako kasama ng aking mga kaibigan.


B. Hinihintay na ako ng aking mga kaibigan sa labas, paalam.
C. Maaari po ba akong lumabas kasama ang aking mga kaibigan?
D. Payagan ninyo akong lumabas kasama ang aking mga kaibigan.
2. Gusto mong makipaglaro sa labas kasama ang inyong mga
kaibigan. Humingi ka ng pahintulot sa iyong ina ngunit ayaw kang
payagan dahil sobrang init sa labas. Ano ang iyong sasabihin?

A. Sige na inay, payagan na po ninyo ako.


B. Aalis pa rin ako, Inay kahit hindi ninyo ako papayagan.
C. Opo, Inay, gagawa nalang po ako ng aking takdang-aralin.
D. Naku, Inay, wala naman po akong gagawin dito sa bahay
kaya payagan na ninyo ako.
3. Nakita mong hindi wasto ang paggawa ng proyekto ng
iyong kagrupo at ikaw ang nakakaalam ng tamang
paggawa nito. Paano mo ito sasabihin?

A. Mali ka, hindi ganiyan ang paggawa nito.


B. Ihinto mo na iyang ginagawa mo kasi mali naman.
C. Dapat sana sinabihan ninyo ako bago kayo
gumawa.
D. Maaari ba akong magbigay ng suhestiyon sa
paggawa ng ating proyekto?
4. Papunta ka sa silid aralan ng may makita kang bata na
pinulot ang pluming nahulog sa bag ng batang naunang
naglalakad sa inyo. Paano mo siya kakausapin?

A. Hala ka! Isusumbong kita sa may-ari.


B. Huwag mong pulutin, hindi yan sa iyo!
C. Hahayaan ang batang pinulot ang pluming na
hindi sa kanya.
D. Pagsasabihan nang maayos taglay ang mahinang
boses upang hindi mapahiya ang bata.
5. Habang nag-uusap ang guro mo at ang nanay ng iyong
kaklase ay palihim na lumabas ang kaklase mo upang bumili ng
pagkain sa labas. Ano ang nararapat niyang sabihin?

A. Saan ka? Sama tayo!


B. Huwag kang lumabas kundi isusumbong kita sa
guro.
C. Huwag ka ngang pasaway, nakakahiya ka may
bisita an gating guro.
D. Huwag ka munang lumabas. Hintayin mo
matapos ang pag-uusap at magpaalam ka sa
guro.
Takdang-Aralin:
Panuto: Unawaing mabuti ang mga sitwasyon. Pumili ng 3 at gamitin
ang magagalang na pananalita sa pagpapahayag ng iyong ideya o
reaksiyon.

1.Pagtatapon ng basura sa kalye.


2. Hinahayaang bukas ang gripo habang nagsisipilyo.
3. Pagsusubaybay ng mga magulang sa kanilang mga anak
4. Pagsunog ng gulong o kahit anong basura.
5. Pagkalulong ng kabataan sa masamang bisyo dahil sa mga kaibigan
Maging
magalang sa
lahat ng
panahon!

You might also like