You are on page 1of 8

Paano Ko Kaya Pagbubutihin ang Pag-aaral Ko?

IPAGPALAGAY na nasa gitna ka ng isang masukal, makapal, at


madilim na kagubatan. Halos walang tumatagos na sinag ng
araw dahil sa mayabong na kakahuyan. Halos hindi ka
makagalaw dahil napakasukal ng paligid. Kailangan mong
gumawa ng mga paraan, o hakbang, para hawanin ang nasa
harap mo at sa gayo’y makalabas ka sa kagubatang iyon.
Sinasabi ng ilan na ganiyan ang buhay ng mga estudyante.
Kung sa bagay totoo iyon, dahil maghapon na nga sila sa silid-
aralan, taling-tali pa sila sa paggawa ng mga takdang-aralin sa
gabi. Ganiyan din ba ang nadarama mo? Isulat sa ibaba kung
anong subject ang pinakamahirap para sa iyo.
Baka pinupursige ka ng mga magulang mo at ng iyong guro na
pagbutihin mo ang pag-aaral sa subject na ito. Pero hindi naman nila
ito ginagawa para pahirapan ka. Gusto lamang nilang gawin mo ang
iyong buong makakaya. Pero paano kung sa kapupursige nila ay
parang nasasakal ka na at halos hindi na makahinga? Kung gagawa ka
ng paraan, o hakbang, makakalabas ka sa kagubatang iyon, wika nga.
Anu-anong hakbang ang magagawa mo?

Hakbang 1: Maging interesado sa pag-aaral. Hindi ka gaganahang


mag-aral kung wala kang interes na matuto. Kaya isipin mo kung
paano makatutulong sa iyo ang pag-aaral. Ganito ang isinulat ng
Kristiyanong si apostol Pablo: “Ang taong nag-aararo ay dapat na mag-
araro na may pag-asa at ang taong gumigiik ay dapat na gumawa nito
sa pag-asang maging kabahagi.”—1 Corinto 9:10.
Baka pinupursige ka ng mga magulang mo at ng iyong guro na
pagbutihin mo ang pag-aaral sa subject na ito. Pero hindi naman nila
ito ginagawa para pahirapan ka. Gusto lamang nilang gawin mo ang
iyong buong makakaya. Pero paano kung sa kapupursige nila ay
parang nasasakal ka na at halos hindi na makahinga? Kung gagawa ka
ng paraan, o hakbang, makakalabas ka sa kagubatang iyon, wika nga.
Anu-anong hakbang ang magagawa mo?

Hakbang 1: Maging interesado sa pag-aaral. Hindi ka gaganahang


mag-aral kung wala kang interes na matuto. Kaya isipin mo kung
paano makatutulong sa iyo ang pag-aaral. Ganito ang isinulat ng
Kristiyanong si apostol Pablo: “Ang taong nag-aararo ay dapat na mag-
araro na may pag-asa at ang taong gumigiik ay dapat na gumawa nito
sa pag-asang maging kabahagi.”—1 Corinto 9:10.
Nagtitiyagang mag-araro ang magbubukid dahil alam niyang
may aanihin siya. Pero baka hindi mo kaagad makita kung
bakit mahalaga na magpursige ka sa pag-aaral. Bakit? Dahil
maaaring naiisip mo na hindi mo naman magagamit sa
kasalukuyan ang lahat ng pinag-aaralan mo. Pero habang
marami kang nalalaman hinggil sa iba’t ibang bagay, mas
maiintindihan mo ang mundong ginagalawan mo. Tutulong ito
sa iyo na maging “lahat ng bagay sa lahat ng uri ng tao,”
anupat mapagbubuti mo ang iyong kakayahan na makipag-
usap sa iba’t ibang uri ng tao. (1 Corinto 9:22) Mapasusulong
din nito ang iyong kakayahang mag-isip—na tiyak na
magagamit mo sa hinaharap.
Hakbang 2: Magkaroon ng kumpiyansa sa iyong kakayahan.
Maaaring malinang mo sa paaralan ang iyong angking talino.
Ganito ang isinulat ni Pablo kay Timoteo: “Paningasing tulad
ng apoy ang kaloob ng Diyos na nasa iyo.” (2 Timoteo 1:6)
Maliwanag na si Timoteo ay inatasan ng ilang pantanging
pananagutan sa Kristiyanong kongregasyon. Pero kinailangan
niyang linangin ang kaniyang bigay-Diyos na kakayahan—ang
kaniyang “kaloob”—para hindi ito masayang. Siyempre, hindi
naman tuwirang ibinigay sa iyo ng Diyos ang iyong husay sa
pag-aaral. Pero bawat isa sa atin ay pinagkalooban ng kani-
kaniyang talento. Maaari kang tulungan ng paaralan na
matuklasan at malinang ang mga iyon.
Kung iisipin mong hindi mo kayang pagbutihin ang iyong pag-
aaral, mabibigo ka nga. Kaya kapag nasisiraan ka ng loob,
magtuon ng pansin sa iyong mga kakayahan. Halimbawa,
noong pinipintasan ng mga tao ang paraan ng pagsasalita ni
Pablo sa madla, na wala namang sapat na basehan, sinabi ni
Pablo: “Kung ako man ay di-bihasa sa pananalita, tiyak namang
hindi ako gayon sa kaalaman.” (2 Corinto 10:10; 11:6) Alam ni
Pablo ang mga kahinaan niya. Pero alam din niya kung ano ang
kaya niyang gawin.

Kumusta ka naman? Anu-ano ang kaya mong gawin? Kung


wala kang maisip, bakit hindi magtanong sa isang adulto na
nagmamalasakit sa iyo? Matutulungan ka niya na makita ang
iyong mga kakayahan at nang sa gayon ay malinang mo ito.
Hakbang 3: Magkaroon ng mabuting kaugalian sa pag-aaral.
Hindi ka puwedeng mag-shortcut. Kailangan mo talagang mag-
aral. Totoo namang parang hindi nakakatuwang pakinggan ang
salitang iyan. Pero kung mag-aaral ka, ikaw rin ang
makikinabang. Ang totoo, sa kaunting tiyaga lang, maaari pa
ngang maging kasiya-siya ito.

Para magkaroon ka ng mabuting kaugalian sa pag-aaral,


kailangan mong gumawa ng iskedyul. Tandaan—dahil
estudyante ka, pag-aaral ang dapat mong unahin. Totoo,
sinasabi ng Bibliya na may “panahon ng pagtawa” at “panahon
ng pagluksu-lukso.” (Eclesiastes 3:1, 4; 11:9)
Kaya katulad ng karamihan sa mga kabataan, malamang na
gusto mo ring maglibang.* Pero nagbababala ang Eclesiastes
11:4: “Siyang nagbabantay sa hangin ay hindi maghahasik ng
binhi; at siyang tumitingin sa mga ulap ay hindi gagapas.” Ang
leksiyon? Aral muna, bago laro. Huwag kang mag-alala—hindi
ka mauubusan ng panahon para sa paglilibang!

You might also like