You are on page 1of 2

Kabanata 27

(Nagkaroon ng mahalagang pag-uusap si Padre Fernandez at Isagani. Hinangaan ni Padre Fernandez si


Isagani dahil sa kanyang matatag na paninindigan.)

Padre Fernandez: Isagani, kay lubos akong humahanga sa iyo. Pinapahalagahan ko ang iyong tapat na
paninindigan. (Nag smile hihihi)

(Naging tapat si Isagani sa kanyang saloobin at sinabi ang kanyang mga hinaing tungkol sa mga prayle,
partikular na ito sa Dominikong katedratiko.)

Isagani: Padre… (Puppy eyes na malungkot na) hindi ko matiis na hindi ipahayag ang mga hinaing ko
tungkol sa mga prayle. Sila ay mga kontratista ng karunungan na hindi nagbibigay ng kalayaan sa atin
upang ipahayag ang ating mga saloobin. Kinokontrol nila tayo upang hindi na tayo makapagsalita laban
sa kanila. Ang kalayaan ay kasama dapat ng talino at katarungan. Dahil sa pagtanggi nila sa pagtuturo at
paglaya, tayo ay naiipit at hindi nagiging maligaya.

Padre Fernandez: Isagani, paano at… Lubos na hindi na maturungan yan!

(Inilarawan ni Isagani ang mga prayle bilang mga nagtatago sa likod ng kanilang posisyon at
nagpapanggap na tagapagtaguyod ng kaalaman, ngunit sa katotohanan ay nagdudulot lamang ito ng
pagkaalipin.)

(Ipinaliwanag ni Padre Fernandez na ang karunungan ay dapat ipagkaloob lamang sa mga karapat-dapat.
Ngunit iginiit ni Isagani na ang mga prayle ang may gawa ng kanilang kasalukuyang kalagayan. Sinabi niya
na ang bayan na inaalipin ay natutong magkunwari at lumikha ng mga alipin.)

Padre Fernandez: Isagani, ang karunungan ay hindi dapat ibinibigay nang walang kundisyon. Dapat itong
ipagkaloob lamang sa mga karapat-dapat. Ngunit hindi ko maikakaila na may isang katotohanan ang mga
hinaing mo. Ako mismo ay naranasan ang pagkatalo sa isang estudyanteng Pilipino lamang.

Sa huli, kinilala ni Padre Fernandez ang kanyang kagipitan at naranasan niya ang pagkatalo sa isang
estudyanteng Pilipino lamang. Sinabi ng pari na ang mga utos na sinusunod nila ay galing sa pamahalaan,
ngunit pinulaan ni Isagani ang pagtatago ni Padre Fernandez sa likod ng pamahalaan.
Padre Fernandez: Tunay nga, nararanasan ko ang kahirapan ng isang Pilipinong estudyante. Subalit alam
mong ang aming mga utos at pamamalakad ay nagmumula sa itaas, mula sa pamahalaan.

Isagani: Padre, pinulaan ko ang pagtatago ninyo sa likod ng pamahalaan. Ang mga prayle ay may
malaking bahagi sa sistema ng pagkaalipin natin, at hindi nila dapat ito itago sa ibang institusyon.

Ang kanilang pag-uusap ay nagdulot ng malal

im na pag-iisip at paglalantad sa mga isyung kinakaharap ng lipunan.

You might also like