You are on page 1of 22

FILIPINO 10

Judy L. Quioc
ARALIN 15:
MGA URI AT ELEMENTO NG TULA
MGA URI NG TULA:
1. Tulang Naratibo
 tinatawag ding tulang pasalaysay. Ito ay
nagsasalaysay o nagkukuwento ng mga
karanasan ng isang tao, bayani, diyos at diyosa,
at iba pa.
• Epiko – tumatalakay sa pakikipagsapalaran,
pakikipag-ibigan at kabayanihan ng pangunahing
tauhan.
• Awit – tumatampok sa pakikipagsapalaran,
pakikipag-ibigan at kabayanihan ng mga hari,
reyna, prinsipe, at iba pang may dugong bughaw at
Europa.
• Korido – binubuo ng mga taludtod na may
tigwawalong pantig na nagsasalaysay ng isang
kasaysayan at nagdudulot ng mabuting aral Ang
awit, korido, at pasyon ay dinala ng mga
mananakop na Espanyol at kalauna’y naging
bahagi na ng panitikang Pilipino.
2. Katutubong Tula
 Ito ay mga tulang nilikha ng ating mga ninu
bago pa man dumating ang mga mananakop.
• Tanaga – may apat na taludtod at may pitong
pantig sa bawat taludtod.
• Dalit – may apat na taludtod sa bawat saknong at
may sukat na wawaluhin.
• Diona – tinatawag ding awit pangkasal.
3. Tulang Liriko
 Ito ay mga tulang maiikli na nagpapahayag na
damdamin, at may malalim na ideya at kaisipan .
• Oda – tulang pumupuri at dumadakila sa isang
indibidwal o isang bagay.
• Elehiya – tumatalakay naman sa pamimighati at
kamatayn
• Haiku – binubuo ng tatlong taludtod na may lima,
pito, at limang pantig.
4. Tulang Tuluyan
 tinatawag ding tulang prosa. Ito ay may
estrukturang wangis sa prosa subalit may estilo
at wika tulad sa tula.

5. Tulang Moderno
 ito ay kakikitaan ng malaya at malawak na
damdamin ng awtor. Kaiba sa tradisyonal na
tula na may sukat at tugma, ang modernong tula
ay malaya ang bilang ng taludturan at saknong.
Mga Elemento ng Tula

 ang tula ay may natatangiang mga


elemento na siyang naglalarawan sa
kagandahan ng tula. Ang mga ito ay may
sukat, tugma, talinghaga, simbolismo,
indayog at at kariktan.
SA PAGSULAT NG TULA
• Saknong
- ay binubuo ng mga taludtod o linya.
• Sukat
- ng tula ang bilang ng mga pantig sa bawat
taludtod.
• Tugma
- ay tumutukoy sa magkatulad na tunog sa
dulo ng bawat taludtod.
• Talinghaga
- o pahayag (salita o parirala) na nagbibigay
ng tagong kahulugan.
• Simbolismo
- ay ang paglalahad ng mga bagay at kaisipan
sa pamamagitan ng paggamit ng mga sagisag
at mga bagay na mahiwaga at metapisikal o
lagpas sa katotohanan.
SA PAGBASA NG TULA

• Indayog
- ay ang masining na paggalaw ng pagbigkas
sa tula.
• Kariktan
- ay isang elemento ng tula na lalong
nagbibigay-sining o kagandahan sa tula.
ARALIN 16
• Congo
- ay isang bansang makikita makikita sa
gitnang kanluran ng africa. Ito ay kilala sa dating
tawag na Zaire.
• Polygyny
- isa sa mga kaugalian ng Congo. Ito ay ang
pagkakaroon ng maraming asawa ng lalaki.
• Bride Price
- ito ay nangangahulugang ang lalaking mag-
aasawa at ang kaniyang mapapangasawa.
Ang Ilog ng Congo pangalawa sa pinakamahabang
ilog sa Africa. Ito ay may 4,000 na isla sa loob
mismo ng ilog. Matatagpuan dito ang mahigit na
1,000 uri ng isda, ibon, at iba pang hayop.
Ang pangalan ng Ilog ng Congo ay nagmula sa
“Kingdom of Congo” isamh malawak at
nagsasariling bansa sa kanlurang Africa na umiiral
limandaan taon na ang nakakalilipas.
Epiko

 ay isang mahabang tula na karaniwang mula


sa sinaunang pasalitang tradisyon.
MGA PAHAYAG SA PAGPAPAKAHULUGAN SA
NANGINGIBABAW NA DAMDAMIN SA ISANG AKDA

• Damdamin
- ay tumutukoy sa naging emosyon ng
mambabasa sa binasang sanaysay.
• Tono
- ay tumutukoy sa emosyon ng awtor sa
paksang kaniyang tinalakay.
ARALIN 17:
LIWANAG NG AFRICA
Ang South Africa ay isang bansa sa kontinente ng
Africa na may malaking ambag sa kasaysayan ng
pakikibaka ng mga mamamayan sa daigdig. Si Nelson
Mandela ay naging simbolo sa pagkakamit ng
kalayaan ng mamamayan sa South Africa. Ikinulong
siya nang 27 taon sa Robben Island dahil sa pagiging
pinuno ng African National Congress (ANC) sa
panahon ng apartheid. Ang apartheid ay dating
sistema at polisiya sa South Africa na pinaghihiwalay
ang mamamayan ayon sa lahi. Ito ay isang
diskriminasyon sa ekonomiya at politika sa mga hindi
kabilang sa lahing Europeo.
Sanaysay
 ay isang uri ng akdang tuluyan na tumatalakay
sa isang paksa o kaisipan.

 Panimula
- ito ay naglalahad ng pangunahing kaisipan o
pananaw ng awtor at nagsasaad kung bakit
mahalaga ang paksang tinatalakay.
 Katawan
- ito ay naglalahad ng mahahalagang datos
kaugnay ng paksang tinatalakay upang suportahan
ang inilalahad na paksa at pangunahing kaisipan.
 Wakas
- ito ay naglalahad ng pangkalahatang palagay at
pasya tungkol sa paksang tinalakay batay sa mga
datos at katibayang tinalakay sa sanaysay.

Ang pangunahing kaisipan ay ang sentrong tema o


pokus na nais talakayin ng awtor. Kadalasan itong
makikita sa unang talata (implied) o hulihan
(konklusyon).
Samantala, ang pantulong na kaisipan ay mga
kaisipan at susing konseptong may kaugnayan sa
pangunahing kaisipan. Ito ay tumutulong,
nagpapalawak, at nagbibigay-linaw sa paksang pinag-
uusapan.
MGA ELEMENTO NG SANAYSAY:
• Tema
- ito ang kabuuang paksa na inilalahad ng awtor.
• Damdamin
- ito ay tumutukoy kung ano ang naging saloobin ng
mambabasa sa binasang sanasay.
• Pagkakaugnay-ugnay
- ito ang maayos at sistematikong pagkakalahad ng
mga ideya.
• Diin (Emphasis)
- ito ay ang pagbibigay ng higit na pansin sa
pinakamahalagang kaisipan sa loob ng isang talata.
State of the Nation Address (SONA)
 ay ang taunang pag-uulat ng pangulo ng
Pilipinas sa mga Pilipino.

 ay dinadaluhan ng kasapi ng Kongreso, na


binubuo ng Kapulungan ng mga Kinatawan ng
Pilipinas (mababang kapulungan) at Senado
(mataas na kapulungan).
• Analohiya
- ay ang pagkakapareho ng ilang salik sa dalawang
magkaibang bagay.

You might also like