You are on page 1of 1

Halimbawa ng tanka at haiku sa tagalog?

Mga Halimbawa ng tanka


Araw na mulat sa may gintong palayan ngayon taglagas di ko alam kung kelan puso ay titigil na.
Ito ang laging hiling , Ito ang laging sambit , lahat na'y nahumaling ,Ito naman ay dapat ibigay .
Tahimik at malayo , Sa ingay at huntahan magkakape ako at buntong hininga sarap mag-isa.
Magsimula sa sarili muna dahil dapat sa'yo ang umpisa ng gusto mo gusto mong pagbabago
Mga Halimbawa ng haiku
Ngayon taglagas di maipigil pagtanda ibong lumipad.
Kung maghahanap Iibiging kausap dapat ay tapat.
Masabi ko lang Inyong pagmamahalan ay iparamdam .
Ang kaibigan, iyong maaasahan sa kagipitan .
Ang tanka at ang haiku ay isang anyo ng tula na pinahahalagahan ng panitikang hapon kung isalin English ay
Japanese literature. Ang tanka ay ginawa noong ikawalong siglo at ang haiku ay ika 15 na siglo. Ang
pinakaunang tanka ay kasama sa kalipunan ng mga tula na tinatawag manyoshu o kung isalin sa English ay
collection of ten thousand leaves. Ang tanka ay isang uri ng tula ng mga hapon. Ito ay isang maikling tula na
binubuo ng 5 na linya at meron ding 31 na pantig samantalang ang haiku naman ay ding uri ng maikling tula
na binubuo ng tatlong taludtud.
Mga estilo ng pagkasulat ng tanka.
Maiikling awitin na binubuo ng 31 pantig na may 5 na taludtud.
Karaniwang hati ng pantig sa mga taludtud.
Ang paksa ay pagbabago, pag – ibig at pag – iisa nagpapahayag ng masidhing damdamin.
Mga estilo ng pagkasulat ng haiku.
Mas pinaikli na tanka
May 17 na bilang ang pantig na may tatlong taludtud.
Maaaring magkapalit – palit din na nag kabuuan ng pantig ay 17 parin.
Ang paksa ay kalikasan at pag ibig.
Nag papahayag din ng masidhing damdamin.

You might also like