You are on page 1of 1

KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN NG

TANKA AT HAIKU
TANKA

 Ang Tanka ay ginawa o nagsimula noong ikawalong siglo


 Ang pinakaunang Tanka ay napabilang sa isang antolohiya o
kalipunan ng mga tula na tinawag na Manyoshu o Collection of
Ten Thousand Leaves na kung saan ay ipinapahayag at
inaawait ng nakakarami.
 Ang ibig sabihin ng Tanka ay maikling awitin na puno ng
damdamin. Bawat Tanka ay nagpapahayag ng emosyon o
kaisipan. Karaniwang paksa naman ang pagbabago, pag-iisa, o
pag-ibig.
 Ang tradisyunal na Tanka ay may limang taludtod na may
kabuuang tatlumpu't isang pantig. Ang tatlo sa limang mga
taludtod ay may tig-7 bilang ng pantig samantalang ang
dalawang natitirang taludtod ay tig-5 pantig.

HAIKU

 Noong ika-15 siglo ay isinilang ang panibagong anyo ng pagbuo


ng tula ng mga Hapon at tinawag itong Haiku.
 Ang Haiku ay nahahati sa tatlong taludtod at sa kabuuan ay
may labimpitong pantig.
 Ang pagbigkas ng taludtod na may wastong antala o paghinto
o Kiru ang siyang pinakamahalaga sa Haiku. Kahawig ng
sesura sa ating panulaan ang Kiru.
 Tungkol sa kalikasan at pag-ibig ang paksang ginagamit
sa Haiku.

You might also like