You are on page 1of 1

’’ Tanka at Haiku sa Silangang Asya’’

Ang Bansang Hapon Nippon na may kahulugang Estado ng Hapon ay isang bansang
matatagpuan sa Silangang Asya.Ang Tanka at Haiku ay pinahahalagahang panitikan ng
Japan,noong ika-8 siglo ginawa ng mga Hapon ang tanka at ang haiku naman ay noong ika-15
siglo.Ngunit ano nga ba ang tanka at haiku .Ang tanka ay maikling awitin na puno ng emosyon
ang paksa nito ay tungkol sa pagiiisa at pagibig,ang haiku ay ito naman ang pinaiksing tanka
karaniwang paksa nito ay tungkol sa kamatayan at pagibig.Sa pamamagitan ng tanka at haiku ay
ating natutunan din ang kultura sa Silangang Asya.At nalalaman din natin ang kanilang
kasaysayan at nagbibigay aral din ito sa atin.Mahalagang malaman din natin ang kanilang
kultura.Binibigyang halaga din ng kanilang kultura ang pagibig at ang kalikasan kaya maganda
rin itong mabasa ng mga kabataan dahil maraming mabuting aral ang kanilang malalaman dito.

Sa kasalukuyang panahon ay kakaunti nalang ang nakakaalam at nagpapahalaga sa tulang tanka


at haiku.magkaparehas na anyo ng tula angdalawang ito.ang tanka ay binubuo ng 31 na pantig at
meron itong 5 taludtud.At ang hati nito ay 5-7-5-7-7 at ang haiku naman ay may labimpiong
bilang ng pantig at 3 taludtud at ang hati o bilanng pantig ay 5-7-5 at maari rin itong magkapalit
–palit na ang kabuuan ay 17 parin.Noong panahon ng pananakop ng mga hapon sa Pilipinas ay
lumaganap sa atin ang ganitong uri ng tula.Iba’t ibang uri ng kultura ng silangang asya ang
nakapaloob dito at marami tayong matutunan sa kanilang tula.

Ayon rin sa aking pananaliksik na ang pinakaunang tanka ay nasa kalipuana ng mga tula na
tinatawag na Manyoshu o Collection of Ten Thousand Leaves, isang antolohiya na naglalaman
ng iba’t ibang anyo ng tula na araniwang binibigkas at inaawit ng nakararami. Ang haiku ay
inilarawan na paraan ng pagbati tulad ng “hello”, “paalam”, at “salamat”. Ito ay nakatuon sa mga
tao pati narin ang mga ibon, bulaklak at iba pang anyo ng buhay na makatutulong sa atin na
makita ang paglipas ng panahon.Kaya ating bigyang halaga ito dahil maraming aral tayongm
atutunan ditto.

You might also like