You are on page 1of 6

ANG TORE NG

BABEL
Paniniwala sa banal na pagkilos ng Panginoon,
Genesis 11; v. 1-9. Ang bagong magandang balita sa
bibliya.
1Sa simula’y iisa ang wika at magkakapareho ang
mga salitang ginagamit ng lahat ng tao sa
daigdig. 2 Sa kanilang pagpapalipat-lipat sa
silangan, [a] nakarating sila sa isang kapatagan sa
Shinar at doon na nanirahan. 3 Nagkaisa silang
gumawa ng maraming tisa at lutuin itong mabuti
para tumibay. Tisa ang ginagamit nilang bato at
alkitran ang kanilang semento. 4 Ang sabi nila,
“Halikayo at magtayo tayo ng isang lunsod na may
toreng abot sa langit upang maging tanyag tayo at
huwag nang magkawatak-watak sa daigdig.”
5Bumabâ si Yahweh upang tingnan ang lunsod at ang
toreng itinayo ng mga tao.6 Sinabi niya, “Ngayon ay
nagkakaisa silang lahat at iisa ang kanilang wika. Pasimula
pa lamang ito ng mga binabalak nilang gawin. Hindi
magtatagal at gagawin nila ang anumang kanilang
magustuhan. 7 Ang mabuti'y bumabâ tayo at guluhin ang
kanilang wika upang hindi sila magkaintindihan.” 8 At
ginawa ni Yahweh na ang mga tao ay magkawatak-
watak sa buong daigdig, kaya natigil ang pagtatayo ng
lunsod.9 Babel [b] ang itinawag nila sa lunsod na iyon,
sapagkat doo'y ginulo ni Yahweh ang wika ng mga tao. At
mula roon, nagkawatak-watak ang mga tao sa buong
daigdig dahil sa ginawa ni Yahweh.
FootNotes:
a)Genesis 11:2 pagpapalipat-lipat sa
silangan: o kaya'y pagpapalipat-lipat
mula sa silangan .
b)Genesis 11:9 BABEL: Sa wikang Hebreo,
ang mga salitang “Babel” at “ginulo” ay
magkasintunog.

You might also like