You are on page 1of 1

PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK

 Ang pagbasa ay pagkain ng isip. Unang hakbang sa matalinong pag-iisip at lubos na pagkatuto ang wastong
pagbasa.
 Batay sa teoritikal na pagpapakahulugan ni Kenneth Goodman, ang pagbasa ay itinuturing bilang isang
psycholinguistic guessing game.
 Masusuri na ang pagbasa ay isang proseso. Prosesong kaugnay ng dalawang bagay- psycho at linguistic sa isang
guessing game o matalinong paghihinuha.
 Psycho sapagkat ang pagbasa, katulad ng wika ay isa sa mga eksklusibong kapangyarihan o kakayahang
pagmamay-ari ng tao.
 Linguistic sapagkat ang pagbasa ay hindi hiwalay s ating kakayahang guamit ng wika.
 Guessing game o matalinong panghuhula at paghihinuha naman sapagkat ang isip ng mambabasa ay
itinuturing na kritikal at malikhain. Kailangang gamitin ng mambabasa ang kanyang isip at maging ang kanyang
imahinasyon upang makaabot sa pinakatumpak na kahulugan at kahalagahan ng kanyang binabasa.
 Ayon kay Villafuerte, ang pagbasa ay
1. “Gintong susi na magbubukas ng pinto sa daigdig ng karunungan at kasiyahan. Pangunahin itong
kasangkapan sa pagtuklas ng kaalaman sa iba’t ibang larangan ng buhay.”
2. “Ang isa sa mga pangunahing kakayahan at disiplina na dapat na taglayin ng kabataan hindi lamang para
sap ag-aaral kundi maging sa pagpapaunlad ng kanyang kakayahang pagsulat- akademik, pamamahayag
man o malikhain.”
 Para kay Bernales, ang pagbasa ay may “Mahalagang papel na ginagampanan sa paghahasa ng talino at isipan.
Kailangan ang masidhi at malawakang pagbasa na siyang magbubukas ng daan sa lahat ng karunungan at
disiplina tulad ng agham panlipunan, siyensiya, matematika, pilosopiya, sining at iba pa.”

Estratehiya sa Pagbasa ng Teksto


1. Literal na Pag-unawa
2. Pag-unawa sa kaisipan ng May-akda
3. Pagkiatis sa Kahalagahan at Kabisaan ng Ideya
4. Pagsasanib ng Kaisipan at Karanasan
5. Paglikha ng Sariling Kaisipan o Reaksiyon

Iba’t Ibang Hulwaran ng mga Organisasyon ng Teksto

 Saklaw ng mga tekstong ekpositori ang iba’t ibang nilalaman at kaalamang kaugnay ng pang-araw-araw na
buhay ng tao. Ang mga tekstong ekspositoring kaugnay ng mga gawi at kaalaman ng tao ay may iba’t ibang
hulwaran at organisasyon.
1. Pagpapakahulugan- isa itong hulwaran ng mga organisasyon ng teksto na nagbibigay pakahulugan sa mga
termino o katawagan.
2. Paghahambing at Pagkontrast- isa itong hulwaran ng mga organisasyon ng teksto na malinaw na
nagpapakita ng pagkakatulad at pagkakaiba ng mga bagay-bagay. Inihahambing at ipinag-iiba ang mga
pisikal na katangian gaya ng hugis, kulay, anyo, distansiya o layo, sukat, lawak, lalim at iba pa. Inihahambing
at ipinag-iiba rin ang mga bagay gaya ng ideya, kaisipan, paniniwala, at marami pang iba.
3. Pag-iisa-isa- isa rin sa mga hulwaran ang pag-iisa-isa. Maaari itong paisa-isa ng mga termino o pag-iisa-isang
patalata.
4. Pagsusunod-sunod- ito ang isa sa mga hulwaran na nagpapakita ng lohikal na pagkakaayos o
pagkakasunod-sunod ng mga bagay, panuto, at maging ang mga pangyayari.
5. Sanhi at Bunga- isa itong hulwaran ng teksto nagpapakita g tuwirang ugnayan ng 2 bagay- ang sanhi o
dahilan ng isang bagay at ang bunga o ang mga nagging resulta nito.
6. Problema at Solusyon- isa itong huwaran kung saan nakikita ang tuwirang ugnayan sa isang nilalamang
problema at sa ipinahahayag na posibleng solusyon.

You might also like