You are on page 1of 21

Filipino Bilang W ika ng

Komunikasyon sa Kolehiyo
at Mas Mataas na Antas
Ang paglapastangang ginagawa ni Gng. Arroyo sa
wikang Filipino. Noong nasa posisyon siya bilang
Pangulo ng ating bansa ay inilabas niya ang Executive
Order Blg. 210 na may pamagat na “Establishing the
Policy to Strengthen tha use of English as a Second
Language in the Education System”. Nilayon ng
naturang EO na palakasin ang Ingles sa pamamagitan
ng pagdaragdag ng mas maraming oras sa paggamit
nito (ng Ingles) bilang wikang panturo, bagay na
kwinestyon sa Korte Suprema noong Abril 27, 2007.
• …ang wikang Ingles ay ituturo bilang pangalawang wika sa lahat ng
antas ng Sistema ng edukasyon, simula sa unang baitang.

• …ang wikang Ingles ay nararapat gamitin bilang midyum sa


pagtuturo ng asignaturang English, Math, at Science hanggang sa
ikatlong baitang.

• …ang wikang Ingles ay gagamitin bilang pangunahing wika sa


pagtuturo sa lahat ng institusyong pampubliko sa antas sekundarya.
• …at bilang pangunahing midyum sa pagtuturo, ang
bilang ng oras na ilalaan sa mga asignaturang ituturo
sa Ingles sa antas ng sekundarya ay hindi bababa ng
70% ng kabuoang oras na inilaan sa lahat ng larangan
ng pagkatuto(learning areas).
• …ang wikang Filipino ay mananatiling midyum ng
pagtuturo sa asignaturang Filipino at Araling
Panlipunan.
Mahina sa Ingles ang mga estudyante, ayon sa taya ng
noo’y Pangulo. Nagulat siya nang malaman na
maraming bakanteng trabaho sa mga call center ang di
napupunan dahil bumabagsak sa eksaminasyon sa
Ingles ang mga aplikante. Dagdag pa niya, Ingles ang
wika ng Information and Communication Technology o
ICT. Ang solusyon ng Pangulo sa problema ay ang
agarang pagpapalakas sa Ingles bilang wikang panturo.
Ang panukalang pagpaslang ng Commission on
Higher Education (CHED) sa Filipino, Panitikan at
Philippine Government and Constitution bilang
mga asignatura sa kolehiyo.
Taong 2011 Oktubre 3, 2011
• Inilantad ang plano ng gobyerno na
pagbabawas ng mga asignatura sa koliheyo
sa pagtataguyod ni Dr. David Michael M. San
Juan, convenor ng Tanggol Wika, Associate
Professor, Departamento ng Filipino, De La
Salle Univesity-Manila
Agosto 29, 2012 • Sa isang presentasyon ay inilahad ni DepEd
Assistant Secretary Tonisito M. C. Umali, Esq. na walang
asignaturang Filipino sa bagong Revised General Education
Curriculum (RGEC).
Disyembre 7, 2012 • Sa pamumuno ni Prop. Ramilito Correa,
may-akda at noo’y pangalawang tagapangulo ng
Departamento ng Filipino ng DLSU, inilabas ng Departamento
ng Filipino ng DLSU ang “Posisyong Papel para sa Bagong CHED
Curriculum’ na may pamagat na “Isulong ang Ating Wikang
Pambansang Filipino, Itaguyod ang Konstitusyunal na
Karapatan ng Filipino, Ituro sa Kolehiyo ang Filipino bilang
Larangan at Asignaturang may Mataas na Antas.”
Mayo 31, 2013
• Sa pagtataguyod ni Dr. Aurora Batnag, dating
direktor sa Komisyon sa Wikang Filipino ( KWF),
pinagtibay ng mga gurong delegado sa isang
Pambansang Kongreso ng Pambansang Samahan sa
Linggwistika at Literaturang Filipino (PSLLF) ang isang
resolusyon hinggil sa “Pagtiyak sa Katayuang
Akademiko bilang Asignatura sa Antas Tersyarya”,
Humigit kumulang 200 guro ang nakipagkaisa sa
hangaring.
Hunyo 28, 2013
• Inilabas ng CHED ang CMO No. 20, Series of 2013 na
nagtakda ng core courses sa bagong kurikulum sa
antas tersarya sa ilalim ng K to 12: “Understanding
the Self; Readings in Philippine History; The
Contemporary World; Mathematics in the Modern
World; Purposive Communication; Art Appreciation;
Science, Technology and Society; Ethics.”
Kumpirmadong walang asignaturang Filipino sa
planong kurikulum ng CHED sa ilalim ng K to 12.
Marso 3, 2014
• Pagbuo ng panibagong liham-petisyon na
naka-address sa CHED.
Marso 23, 2014
• Pinagtibay ng National Commission on Culture and the Arts-
National Committee on Language and Translation/NCCA-NCLT ang
isang resolusyon na “HUMIHILING SA COMMISSION ON HIGHER
EDUCATION (CHED), AT KONGRESO AT SENADO NG REPUBLIKA NG
FILIPINAS, NA AGARANG MAGSAGAWANG MGA HAKBANG
UPANG ISAMA SA BAGONG GENERAL EDUCATION CURRICULUM
(GEC) SA ANTAS TERSYARYA ANG MANDATORY NA 9 YUNIT NG
ASIGNATURANG FILIPINO” na nagsasad na: “ na…puspusan
lamang masusunod ang Konstitusyong 1987 sa paggamit ng
Filipino bilang midyum ng opisyal na komunikasyon, at bilang wika
ng pagtuturo sa sistemang pang-edukasyon kung mananatili sa
antas tersyarya ang asignaturang Filipino…”
Hunyo 20, 2014
• Inilabas naman ng KWF ang “KAPASYAHAN NG KALIPUNAN NG MGA
KOMISYONER BLG. 14-26 SERYE NG 2014…NA NAGLILINAW SA TINDIG
NG KOMISYON SA WIKANG FILIPINO (KWF) HINGGIL SA COMMISSION
ON HIGHER EDUCATION (CHED) MEMORANDUM BLG. 20, S. 2013.”
Iginigiit ng nasabing kapasyahan ng KWF ang “ pagtuturo ng siyam (9)
na yunit s Wikang Filipino, na hindi pag-uulit lamang ng mga sabjek sa
Filipino sa antas sekundarya, kundi naglalayong magamit at maituro
ang wika mula sa iba’t ibang disiplina –na pagkilala sa Filipino bilang
pintuan ng karunungang at hindi lamang daluyan ng pagkatuto, at
upang matiyak ang pagpapatuloy ng intelektuwalisasyon ng Filipino”
at pagtitiyak na “kalahati o apat (4) sa panukalang Core Courses,
bukod sa kursong Rizal, na nakasaad sa Memorandum Order Blg. 20, s
2013 ay ituro gamit ang Wikang Filipino. “
Hunyo 2, 2014
• Sa inisyatiba ni Dr. Antonio Contreras ng DLSU ay nakipagdiyalogo sa 2
komisyuner ng CHED na sina Commissioner Alex Brillantes at
Commissioner Cynthia Bautista ang mga propesor ng DLSU, ADMU,
UPD, UST, MC, at Marinduque State University.
Hunyo 16, 2014
• Sa pagtataguyod ni Dr. David Michael San Juan, convenor Tanggol
Wika at Dr. Antonio Contreras at paglahok ng mga guro,
napagkasunduan sa diyalogo na muling sumulat sa CHED ang mga guro
upang pormal na i- reconvene ang Technical Panel/Technical Working
Group sa Filipino at ang General Education Committee, kasama ang
mga kinatawan ng mga unibersidad na naggigiit ng pagkakaroon ng
asignaturang Filipino sa antas tersyarya.
Hunyo 21, 2014
• Bienvenido Lumbera, National Artist – isa sa mga
Tagapagsalita sa Forum at paglahok ng halos 500
delegado mula sa mga kolehiyo, unibersidad at
organisasyong pangwika at pangkultura, nabuo ang
Tanggol Wika sa isang konsultatibong forum sa DLSU –
Manila.
Hulyo 4, 2014
• Nagpatawag ng konsultasyon ang CHED dahil sa mga
naisin ng Tanggol Wika.
Agosto 2014
• Inilabas ang dokumentaryong gaya ng “SulongWikang
Filipino” (panayam kay Dr. Bienvenido Lumbera) at
Sulong Wikang Filipino:Edukasyong Filipino, Para
Kanino?
Setyembre 2014
• Inilabas ang dokumentaryong “Sa Madaling
Salita:Kasaysayan at Pag-unlad ng Wikang Pambansa.”
Abril 15, 2015
• Nagsampa ng kaso sa Korte Suprema ang Tanggol Wika, sa pangunguna
ni Dr. Bienvenido Lumbera, ACT Teachers Partylist Rep. Antonio Tinio,
Anakpawais Partylist Rep. Fernando Hicap, Kabataan Partylist Rep. Terry
Ridon, at mahigit 100 propesor mula sa iba’t ibang kolehiyo at
unibersidad. Inihanda nina Atty. Maneeka Sarzan (abogado ng ACT
Teachers Partylist), Atty. Gregorio Fabros (abogado ng ACT), at Dr. David
Michael San Juan, ang nasabing petisyon.
• (Ito ang kauna-unahang buong petisyon sa wikang pambansa) at
opisyal na nakatala bilang G.R. No. 217451 (Dr. Bienvenido Lumbera)
Pambansang Alagad ng Sining, et.al.vs. Pangulong Benigno Simeon C.
Aquino III, at Punong Komisyuner ng Komisyon sa Lalong Mataas na
Edukasyon/Commissioner on Higher Education (CHED) Dr. Patricia
Licuanan.
Abril 21, 2015
• Halos isang linggo pagkatapos ng pagsasampa ng kasong ito ay kinatigan ng
Korte Suprema ang Tanggol Wika sa pamamagitan ng paglalabas ng temporary
restraining order (TRO).
Hulyo 18, 2016
• Lumabas ang CHED Memo na may paksang Clarification on the Implementation
of CHED Memorandum Order (CMO) No. 20, Series Entitled “General Education
Curriculum; Holistic Understandings, Intellectual and Civic Competencies.”
Setyembre 23, 2016
• Sa pamumuno ng Departamento ng Filipinolohiya ng PUP na pinamumunuan ni
Prop. Marvin Lai, tumulong ang Tanggol Wika sa pagbubuo ng kapatid na
organisasyong Alyansa sa Mga Tagapagtanggol ng Kasaysayan (Tanggol
Kasaysayan) na naglalayon namang itaguyod ang panunumbalik ng asignaturang
Philippine History sa hayskul (sa ilalim ng K to 12 ay wala nang required na
Philippine History Subject.
Hulyo 11, 2017
• Lumabas ang isa pang memorandum ng tagapangulo ng CHED – Dr. Patricia
Licuanan at may paksang Clarification on the Offering of Filipino at Panitikan
Courses in All Higher Education Programs), na hindi naman nila gaanong
ipinalaganap.
Agosto 9, 2017
• Natanggap ng Tanggol Wika ang isang “manifestation and motion” sa Korte
Suprema ng Official of the Solicitor General.
Agosto 25, 2017
• Pormal na itinatag sa PUP ang Kilos Na Para sa Makabayang Edukasyon (KMEd).
• Anuman ang maaaring kahihinatnan ng mga naging pagkilos ng Tanggol Wika,
mainam nang mairehistro pa rin sa mga pahina ng kasaysayan ang mga susing
argumento ng Tanggol Wika para sa pagkakaroon ng Filipino at Panitikan sa
Koliheyo.
• Kailanman ay laging mananaig ang halaga ng Wikang Pambansa sa Kalinangan ng
mga Filipino.
Pagtataya/Ebalwasyon Panuto: Gumawa ng tatlong minutong (3 mins.)
infomercial video para sa adbokasiyang pangwika.

You might also like