You are on page 1of 6

Lingayen Campus

Lingayen, Pangasinan

TUTORIAL DIARIES
BACHELOR OF SECONDARY EDUCATION

MAJOR IN SOCIAL STUDIES

TEACHING INTERNSHIP
Pangasinan State University
Region’s Premier University of Choice

NETWORKING AND COMMUNITY LINKAGE THROUGH ONLINE/FACE-TO-FACE TUTORIALS

DAY _3__
Topic: Quarter 3 – Module 2: Paglawak ng Kapangyarihan ng Europe
Sub-topics: Rebolusyong Industriyal
Date: March 10, 2022
Time 2:00 pm to 3:00 pm

OBJECTIVES
✓ 1. Natutukoy at nasusuri ang mga kaganapan, dahilan, at epekto ng Rebolusyong Industriyal.
✓ 2. Napapahalagahan ang naging kontribusyon ng rebolusyong industriyal sa kasaysayan.

STRATEGIES
➢ Paggamit ng presentasyon sa PowerPoint.
➢ Pagprepresenta ng video patungkol sa aralin.
➢ Tanong – sagot
➢ Paggamit ng “flash cards” para sa mga mahahalagang termino.
➢ Pagpapakita ng mga larawan para sa biswalisasyon ng aralin.
➢ Pagkuha ng ilang impormasyon mula sa ibang mapagkukunan.
➢ Pagsasagawa ng mga worksheets at summative tests.

SUMMARY REPORT
Sa aming tutoryal sesyon ngayong araw, aming sinimulan ang aming pag-aaral sa pagbabalik-
aral o pagbubuod ng aming araling natalakay noong Day 2 tutoryal sesyon. Muli kong ipinanuod ang
video na hango sa aming aralin sa Day 2 upang hindi niya ito agad makalimutan. Bago namin pormal
na sinimulan ang aming diskusyon, muli ko siyang tinanung kung mayroon pa ba siyang mga
katanungan o gustong linawin patungkol sa aralin at kung ano ang kanyang mga kaalaman patungkol
sa aming panibagong araling tatalakayin. Sa pagsisimula ng aming talakayan, aking iprenesenta ang
presentasyon sa PowerPoint, sa proseso ng aming diskusyon kami ay nagkaroon ng kolaborasyon
patungkol sa mga tanyag na imbensiyon sa panahon ng “Rebolusyong Industriyal”. Bukod sa
presentasyon sa PowerPoint gumamit rin ako ng mga simpleng “flash cards” upang mas mamemorya
ng aking studyante ang mga mahahalagang imbensyong ito kasabay ng pagpapakita ng mga larawan.
Ibinahagi ko rin ang mga ilang impormasyon patungkol sa mga kilalang tao sa panahong Rebolusyong
Industriyal na aking isinulat mula sa aklat. Sa pagtatapos ng aming diskusyon aking ipinanuod ang
video na aking kinalap sa Youtube patungkol sa aming aralin bilang paglalahat at pagbubuod. Dahil
ito ang huling araw para sa kanyang Modyul may mga ilang summatives test at written works na
kailangan niyang sagutan kaya’t pinasagutan ko muna ang mga ito sa kanya at aking iniwasto. Sa
mga parteng mayroon siyang pagkakamali aking ipinapaalala ang bahaging iyon ng aralin.
Tinulungan ko rin siyang tapusin ang ilang pang worksheets sa ibang asignatura (Filipino). At
panghuli, kami ay nag-usap sa kung ano ang aming magiging aralin sa susunod na linggo at sa
panibagong skedyul na aming susundan.

Pangasinan State University


Lingayen Campus
Pangasinan State University
Region’s Premier University of Choice

APPRAISAL OF STUDENT’S PROGRESS


The student will complete this form with the assistance from teaching intern to help provide appropriate
support through interview

Start of the Lesson


My current understanding includes
Ang aking kasalukuyang kaalaman patungkol sa aralin ay una ang kahulugan ng
Rebolusyong Industriyal na nangangahulugan itong ang pag-usbong ng makabagong
makinarya noong ika-18 na siglo na nagpabilis sa produsyon at pinadali ang mga gawain. Ang
bansa kung saan nagsimula ang Rebolusyong Industriyal ito ay sa Gran Britanya. Ang mga ilang
mahahalagang imbensyon sa panahong ito gaya ng Cotton Gin, Spinning Jenny, telepono, at
Steam Engine.

Midpoint of Lesson
New thing I have learn includes
Ang mga bagong kaalaman na aking natutunan ay una ang mga taong nakaimbento ng
mga makabagong makinarya sa rebolusyong ito. Una ay si John Key na nakaimbento ng Flying
Shuttle na nagpapabilis sa pag-ikid ng sinulid. Si James Hergreaves na nakaimbento ng
Spinning Jenny na nagpabilis nang walong beses sa pag-ikid ng sinulid. Si Richard Arkwright
na nakaimbento ng Water Frame na nakapaghabi nang mas manipis subalit mas matibay sa
sinulid. Si Samuel Cropton na nakaimbento sa Spinning Mule na nagpasama ang katangian ng
Spinning Jenny at Water Frame. Si Edmund Cartwright naman sa Power Loom. Si Thomas
Edison sa pagpapakilala ng elektrisidad, Samuel Morse sa telegrapo at panghuli si Alexander
Graham Bell sa pag imbento ng unang telepono.

End of Lesson

I am now confident that I can

Sa pagtatapos ng aming tutoryal sa araling ito kaya ko nang banggitin ang mga
mahahalagang imbensyon sa panahon ng Rebolusyong Industriyal. At kung ano mga
magagandang naidulot nito sa mga tao lalong lalo na sa kanilang paghahanap-buhay.
Napagtanto ko rin na bukod sa mga magagandang dulot ng rebolusyong ito mayroon ding mga
hindi maganda tulad ng pagkawala ng trabaho ng marami dahil sa mga makabagong
makinarya.

Teacher’s Assessment

Sa aming huling sesyon para sa linggong na ito, napansin ko sa aking studyante na mabilis
mapukaw ang kanyang atensyon sa ibang bagay lalo na kapag nakapagbibigay ako ng mga
halimbawa patungkol sa aralin ngunit mabilis din niyang naisasa-ulo ang mga mahahalagang
termino at nakakasagot ng mga worksheets at summative test ng may kahusayan.

Pangasinan State University


Lingayen Campus
Pangasinan State University
Region’s Premier University of Choice

DOCUMENTATIONS

Diskusyon patungkol sa panibagong aralin “Rebolusyong


Industriyal” gamit ang presentasyon sa PowerPoint.

Paglalahad ng mga mahahalagang impormasyon/imbensyon


sa panahon ng Rebolusyong Industryiyal gamit ang flash
cards at mga larawan.

Pangasinan State University


Lingayen Campus
Pangasinan State University
Region’s Premier University of Choice

DOCUMENTATIONS

Paglalahad ng mga mahahalagang impormasyon patungkol sa


mga kilalang tao na may malaking ambag sa panahon ng
Rebolusyong Industriyal.

Pagbabahagi ng mga impormasyon mula sa aklat.

Pangasinan State University


Lingayen Campus
Pangasinan State University
Region’s Premier University of Choice

DOCUMENTATIONS

Pagsasagot ng mga worksheets at summative test na


ibinigay ng kanilang guro sa skwelahan.

Pangasinan State University


Lingayen Campus

You might also like