You are on page 1of 8

Northern Quezon College, Inc.

Brgy. Comon, Infanta, Quezon


535-4160, 535-4022; nqcc.nqci@yahoo.com
BACHELOR OF SECONDARY EDUCATION DEPARTMENT

MASUSING BANGHAY ARALIN SA PAGSASALING TEKNIKAL: PAGSIPAT SA


PRAKTIKA AT PAGPAPAHALAGA

I. MGA LAYUNIN
Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang;
A. Natutukoy ang mga uri ng tekstong teknikal,
B. Naipaliliwanag ang kahalagahan ng pagsasaling teknikal sa paraang pagsasalin ng sariling
bersyon sa teksto.
C. Ang bawat mag-aaral ay nakapagsasalin ng isang tekstong teknikal.

II. PAKSANG ARALIN

A. Paksa: Pagsasaling Teknikal: Pagsipat sa Praktika at Pagpapahalaga


B. Sanggunian: Pagsasalin: Ilang Patnubay at Babasahin para sa Baguhan ni Virgilio S. Almario, KWF
C. Kagamitan: Laptop, PPT
D. Pagpapahalaga: Napahahalagahan ang pagsasaling teknikal sa paraang nakapagsasalin ang
bawat mag-aaral ng sariling bersyong salin.

III. PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain

Teacher’s Activity Students’ Activity


1. Pang-araw-araw na Gawain

a. Panalangin
Panginoon po naming Diyos, Salamat po
ng napakarami. Dahil ligtas mo po
kaming tinipon sa dakong ito, upang
makapag-aral po kami ngayon. Ihanda mo
po ang aming pag-iisip sa pagtanggap ng
mga karunungan upang lalo naming
maunawaan ang ituturo sa amin ngayon.
Ingatan mo po kaming lahat sa buong
panahon ng pag-aaral. Hinihingi po namin
ang lahat ng ito sa pangalan ni Hesus na
aming Dakilang Tapapagligtas. Amen...

b. Pagbati

“Magandang araw sa inyong lahat!”


“Magandang araw rin po!”

c. Pagtatala ng Liban sa Klase

“May liban ba ngayon sa klase?”


“Mayroon/Wala po”
2. Pagbabalik-Aral

“Bago natin simulan ang ating tatalakayin sa


araw na ito, tayo muna ay magbalik aral sa
nakaraang diskasyon.”

1. Base sa inyong huling napag-aaral, magbigay


ng mga nakapaloob sa Hakbang-hakbang na
yugto ng Pagsasalin.

3. Pagganyak

“COMPLETE ME!”

May ipapakita ang guro ng mga larawan na


kung saan kailangang tukuyin o suriin ng

Together with One Heart for People’s Progress


mga mag-aaral ang nawawalang letra sa
salita.

1. ENCYCLOPEDIA

2. LIHAM

3. SURVEY

4. TEKSBUK

a. Panlinang na Gawain

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral


1. Gawain

Pababasahin ng guro ang mga piling mag-


aaral at magbibigay ng opinion o
ipaliliwanag ang kanilang naintindihan sa
binasa.

Bakit kailangan ang Pagsasalin?


Higit kailanpaman, ngayon ang panahon ng
pagsasalin. Bunga ito ng mabilisang pagbabagong
ibinunsod ng industriyalisasyon nang ika-20 siglo
na lalong umigting sa paglakas ng globalisasyon ng
ika-21 siglo-- isang puwersang tuluyang nagpalobo
at nagpalawak sa pangangailangan sa pagsasalin ng
mga teksto at dokumentong maituturing na may
Together with One Heart for People’s Progress
katangiang teknikal. Itinatakda ng kasalukuyang
merkado ng lipunang global ang kagyat na
pagpapalitan ng mga impormasyong kalimitang
nagsisilbing batayan ng mga desisyong
pangkomersiyo. At sapagkat nabura na nga ang mga
linyang heograpikal na naghahati sa mga
pamayanan at lipunan, at lipunan, biglang
nagkaroon ng espasyo ang malayang palitan at
talaban ng mga wika at kultura. Ito, sa aking
palagay, ang siyang dahilan kung bakit kailangan na
nating balikan upang muling pag-isipan at rebisahin
ang kalimitang pananaw sa pagsasaling teknikal.

Sapat na ba ang maisalin ang kaalaman? Ano


nga ba ang pagsasaling teknikal?
Kalimitan, nakatali sa mga tekstong teknikal ang
pagpapakahulugang ibinibigay sa pagsasaling
teknikal. Dahil itinuturing na informative /
referential ang mga tekstong teknikal, inaasahan na
ang pagsasalin ay maging “teknikal” din ang dating;
ibig sabihin, dapat “walang puso;” o ayon nga sa
isang kaibigan, dapat ay “wakabu” o walang
kabuhay-buhay; o sa isang salita, “boring.”
Sinasabing kinakailangan na ang pagsasalin ng mga
tekstong teknikal ay hindi mabahiran ng anumang
damdamin; hindi dapat magkaroon ng katangiang
expressive o affective. Maisalin lamang nang tama
ang mga impormasyon—“sapat na.”

Mga Uri ng Tekstong Teknikal


Sa katunayan, hindi lamang nakapaloob sa iisang
uri lamang ng genre ang mga tekstong teknikal;
kung tutuusin, dahil iba’t iba ang genre na
ginagamitan ng mga wikang teknikal, hindi
maikakaila na iba’t iba rin ang mga uri ng tekstong
teknikal. Ayon pa nga kay Zethsen (2001),
“Kinakailangang maging malay ang isang tagasalin
sa realidad na kung tutuusin, wala naman talagang
maituturing na tekstong teknikal dahil hindi naman
ito isang genre; sa halip, ang mayroon lamang ay
iba’t ibang uri ng mga tekstong gumagamit ng
teknikal na lengguwaheng, at mga tekstong nag-
uugat sa iba’t ibang disiplina.”

Narito ang ilang kalimitang halimbawa ng mga


alam na nating tekstong teknikal:
1. mga teksbuk;
2. gabay at/o manwal;
3. encyclopedia;
4. mga artikulong syentipiko at akademiko; at
5. mga patakaran o pamamaraan.

Narito naman ang iba’t iba pang uri ng mga


materyal na maituturing ding may katangiang
teknikal:
1. mga dokumentong legal;
2. technical reports;
3. brochures;
4. mga liham;
5. mga katitikan ng pulong;
6. mga taunang ulat/annual reports;
7. manuskrito ng mga talumpati at panayam; at

Together with One Heart for People’s Progress


8. survey forms, at iba pa.

Paano ba isagawa ang ebalwasyon sa isang


salin?
Ayon kay Burton Raffel, “Walang perpektong
salin.” Lahat ng salin ay pawang mga
aproksimasyon lamang. Dahil walang perpektong
estandard na maaaring gamiting batayan para sa
ebalwasyon ng salin, wala ring halaga kung gayon
ang pakikipagtalo kung tama ba o mali ang naging
salin dahil ang bawat pagturing sa anumang
produkto ng salin ay laging kabuhol ng kultura ng
orihinal na teksto na kailangang i-negotiate sa
kultura ng salin. Kung gayon, ano ang dapat na
maging batayan sa pagtukoy ng kaangkupan, o
kawastuan, at kabuluhan ng isang salin?

Simple. Kung ang isasalin ay isang panalangin,


marapat lamang na ito’y maging isang panalangin.
Kung ang isasalin ay isang artikulong
pangmeditasyon, kinakailangang ang artikulo ay
makatulong sa pagsasagawa ng meditasyon ng
babasa. Kung ang isasalin naman ay isang dula,
kinakailangang ang salin ay maitanghal bilang isang
dula. at kung ang isasalin ay isang tekstong
teknikal, kailangan itong makatugon sa “utilitarian
function” o halagang pangkapakinabangan nito. Sa
ganitong pagtanaw, inaasahang maiiwasan natin
ang paghahanap ng “mali” sa salin o ang tinatawag
na “gotcha criticism” kung tatanggapin natin ang
realidad na sa totoo lamang, wala naman talagang
perpektong akda. Tandaan natin na ang isang
tagasalin, bago magsalin ay isa munang
mambabasa. Ang produksiyon ng salin sa kabilang
banda ay laging nasa kontrol ng kokunsumo nito o
kung sa lengguwaheng ng pagsasalin, ang mga
target na mambabasa.

Mga Dapat Tandaan sa Pagsasalin ng Tekstong


Teknikal
1. Hindi lamang pagsasalin ng nilalaman at
impormasyon ang inaasahan sa anumang
pagsasaling teknikal; mahalaga rin ang kakawing
nitong tungkuling pangkomunikasyon na may
pagsasaalang-alang sa konteksto at intensiyon ng
salin, nagpapasalin, at target na mambabasa ng salin
sapagkat ang mga salik na ito ang magbibigay-
pahiwatig sa magsasalin kung ano ang
lengguwahengng kanyang gagamitin sa kanyang
salin.
2. Hindi lamang suliranin sa pagtutumbas sa mga
terminolohiya at kaaalaman sa mga wikang
kasangkot sa pagsasalin ang maituturing na
suliranin sa pagsasalin; mahalaga ring mabigyan ng
karampatang atensiyon at pagpapahalaga ang mga
usapin ng kawastuang pansemantika, kabisaan ng
estilo ng mga pangungusap, at pagpapahayag na
gagamitin sa salin, kahalagahan ng teksto bilang
materyal na isinasalin, at mga kaakibat na
daynamiks ng mga sitwasyong pangkomunikasyon
nito.
3. Walang iisa o tiyak na estilo ng pagsasalin o

Together with One Heart for People’s Progress


lengguwaheng ng pagsasalin ang makapagbibigay
garantiya sa pagsasaling teknikal; sapagkat ang
isang materyal ay maaaring mabago, madagdagan,
batay sa kahingian ng pag-aangkop sa sitwasyong
pangkomunikasyon ng mga target na mambabasa;
ang pagsasaling teknikal ay hindi usapin ng
tekstong teknikal; kundi, usapin ito ng paggamit ng
lengguwahengng teknikal.
4. Tulad ng pagsasaling pampanitikan, maituturing
ding isang malikhaing gawain ang pagsasaling
teknikal. Mahalaga ang kakayahang pangwika,
subalit mahalaga rin ang kahusayan o kompetensi
ng isang tagasalin sa paghanap ng iba’t ibang
pamamamaraan ng pagpapaliwanag sa kahulugan,
pagtitiyak ng layunin sa pagpapakahulugan,
pagtutumbas sa mga terminolohiya, at pahayag na
kultural.
5. Kinakailangan, higit kailanpaman, ngayon ang
panahon upang magkaroon ng isang ahensiya o
isang sangay ng gobyerno na maaaring tumayo
bilang tagapagbantay, tagapagtaguyod,
tagapagingat, at tagapangasiwa sa mga usapin na
may kinalaman sa programa at gawaing pagsasalin
at ng mga nagsasalin. Totoong mabigat ang
kahingiang ito sa usapin ng pagsasalin, subalit,
isaalang-alang na ang papel ng wikang Filipino sa
pagtataguyod ng intelektuwalisayong pangwika ay
hindi matatawaran kung titingnan natin ito sa
konteksto ng globalisasyon.

2. Pagtalakay/Pagsusuri

Sagutin ang mga sumusunod na katanungan.


1. Ipaliwanag kung tungkol saan ang pagsasaling
teknikal?
_______________________________________
2. Sa kasalukuyang panahon, bakit mahalaga ang
pagsasaling teknikal? Maglahad ng patunay.
________________________________________
3. Paanong ang isang teksto ay nagiging teknikal na
sulatin?
________________________________________
4. Kung ang isasalin ay isang tekstong teknikal, kailangan
itong makatugon sa “utilitarian function” o halagang
pangkapakinabangan. Ipaliwanag ang salitang naka
italiko.
________________________________________
Bakit mahalagang isaalang-alang ang target na
mambabasa ng isang tekstong isasalin?
________________________________________

3. Paglalahat/Pagpapahalaga

Sasagutin ng mga mag-aaral ang mga


katanungan ayon sa kanilang pagkaunawa sa
tinalakay na aralin.

1. Bilang isang mag-aaral, ano ang nakikita 1. Ang nakikita kong ambag ng
mong ambag ng pagsasaling teknikal sa pagsasaling teknikal sa aking sarili at
ating bansa at sa iyong sarili? Ipaliwang sa ating bansa ay mapabilis ang mga
transaksyon na may kaugnayan sa

Together with One Heart for People’s Progress


pagsasalin dahil na rin sa tulong ng
makabagong teknolohiya. Bilang
isang mag-aaral, nagiging gabay rin
namin ang mga impormasyong
nakukuha sa mga teksto o manwal na
aming nababasa.

2. Sa paanong paraan mo nakikita ang 2. Nakikita ko ang pagsasaling teknikal


pagsasaling teknikal sa mga susunod sa mga susunod na henerasyon na
pang henerasyon? isang maayos at magandang uri ng
pagsasalin na kung saan ang lahat ay
maaaring makapag-ambag ng iba’t
ibang kaalaman o akda.

4. Paglalapat

Ngayong alam mo na ang ilang batayan ng


pagsasaling teknikal, isagawa mo ang pagsasalin ng
isang halaw na abstrak ng isang artikulo sa
pamamagitan ng Machine Translator at sarili mong
bersyon ng salin.

Pamantayan:
 Kawastuhan ng Salin (10 pts)
 Pagpapanatili ng Orihinal na
mensahe ng teksto (10 pts)
KABUUAN (20 puntos)

Simulang Bersiyon ng Sariling


Lengguwahe MT (Google Bersyong
Translate) Salin
Abstract in
English
Cognates are words
with the same
etymological origin.
These are used by
experts to analyze
and measure
language similarity.
In phylogenetics
analysis, cognates
and other attributes
e.g. (presence of
verb aspect or
reduplication) are
listed and languages
with similar
attributes are
grouped together.
In cases where
there are no
available cognates,
this approach
cannot be applied.
Trigram ranking, a
process of
measuring language
similarity without

Together with One Heart for People’s Progress


relying on cognates,
is presented. It
involves (1)
collecting huge
amounts of texts as
training data,
(2) generating
trigram profiles
from the training
data, (3) and
computing for
language similarity
using trigrams. A
trigram is a 3-
character sequence
of a word. As an
example, the list of
trigrams that can be
generated from the
word “test” are the
following: tes, est.
Based on the
results, languages
with high trigram
ranking values are
closely-related.
This matches what
is reported in the
literature. Trigram
ranking can be
used to measure
which Philippine
languages are
closely-related.

4. PAGTATAYA

PANUTO: Basahing mabuti ang sumusunod na katanungan at piliin ang pinakawastong kasagutan
sa bawat bilang. Isulat ang letra ng tamang sagot sa patlang bago ang bilang.
_____ 1. Ito ay kalimitang binabasa upang tayo ay malinawan o magkaroon ng impormasyon
tungkol sa isang usapin o bagay sapagkat ito’y maaring tumalakay sa proseso na mayroong
kinalaman sa paggawa, pagsasaayos, o pagpapagana ng isang produkto.
a. Brochures
b. Encyclopedia
c. Manwal
d. Teksbuk
_____ 2. Ito ay isang sanggunian o kompendyum na nagbibigay ng mga buod ng impormasyon
mula sa alinman sa lahat ng sangay ng kaalaman o mula sa isang partikular na larangan o disiplina.
a. Brochures
b. Encyclopedia
c. Manwal
d. Teksbuk
_____ 3. Ayon sa kaniya ay walang perpektong salin at lahat ng salin ay pawang mga
aproksimasyonlamang.
a. Burton Raffel
b. Ernist Hermingway
c. James Baldwin
d. Mark Twain
_____ 4. Ito ay isang uri ng teksto na naglalayong maglarawan sa pamamagitan ng pagiging
deskriptibo at demonstrative na karaniwang nauugnay sa tekstong pang-agham.
a. Tekstong Pampanitikan
b. Tekstong Pang-agham
c. Tekstong Pang-akademiko
d. Tekstong Teknikal

Together with One Heart for People’s Progress


5-8. Tukuyin sa bawat bilang ang letra ng iyong sariling palagay ukol sa kawastuhan ng mga
sumusunod na pahayag.
a. Hindi sang-ayon
b. Sang-ayon
c. Walang katiyakan
d. Walang kaugnayan
_____ 5. Habang patuloy na pumapasok ang mga pagbabagong dulot ng teknolohiya, pumapasok
na rin ang
iba’t ibang kahingiang sitwasyonal at kontekstuwal sa pagsasalin.
_____ 6. Kinakailangan na ang pagsasalin ng mga tekstong teknikal ay dapat kasalaminan ng
anumang
damdamin; dapat magkaroon ng katangiang expressive o affective upang higit na maging mabisa
ang salin.
_____ 7. Sa kasalukuyang panahon ng modernisasyon, kayang-kaya na ng Machine Translator
namakapagsalin sa Filipino ng mga tekstong teknikal.
_____ 8. Dapat na taglay ng isang saling teknikal ang katangian ng estruktura nito ang paggamit
ng persona na nasa ikatlong panauhan.
_____ 9. Bakit mahalaga ang pagsasaling teknikal?
a. Magagamit ito sa pag-aaral ng iba’t ibang kaalaman.
b. Mas tataas ang antas ng kasanayan ng mga estudyante.
c. Higit na magiging maunlad ang disiplinang kanilang kinabibilangan.
d. Lahat ng nabanggit
_____ 10. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng pinakawastong konsepto ukolsa
tekstong teknikal?
a. Ang lengguwahe sa pagsasaling siyentipiko at teknikal ay kinakailangang gamitan ng
matatalinghagang pahayag upang bumuo ng detalyadong imahe sa mga mambabasa.
b. Ito ay kinapapalooban at ginagamitan ng mga wikang tumatalakay sa isang proseso sa paraang
malaya.
c. Layong magbahagi ng impormasyon sa mas nakararaming mamamayan na hindi lubusang
nakauunawa sa simulaang lengguwahe.
d. Naglalaman ng mga paksang malikhaing tinatalakay ng sumulat.

5. TAKDANG-ARALIN/KASUNDUAN

Basahin ang susunod na tatalakayin.

Ihinanda ni:

(CHERRY MAE, MACAHASA, FORTUNADO)


Nagsasanay na Guro

Sinuri ni:

ROMMEL, O, POSTOR)
Kaagapay na Guro

Together with One Heart for People’s Progress

You might also like