Professional Documents
Culture Documents
Department of Education
REGION III
SCHOOLS DIVISION OF TARLAC PROVINCE
RADIO-BASED INSTRUCTION
Petsa: ______________________
Paksang Aralin: Kaligirang Pangkasaysayan ng Noli Me Tangere at ang mga Tala Ukol sa Buhay ni Rizal
Length: 25 minuto
Scripwriter: ROLAN D. GALAMAY
Sanggunian: Ikalawang Edisyon – Pinagyamang Pluma Baitang 9
Ailene G. Baisa-Julian et.al.
Ating sisimulan ang paglalakbay sa ikatlong markahan ng ating asignatura. Ako ang
Masasawata – mapipigilan
Matayog – mataas
Nagtamo – nagkamit
Pagpipitagan – paggalang
Piniit – ikinulong
Sobresaliente – napakahusay
5 secs BIZ: MSC UP AND Under
On Camera Simula na natin ang pagtatalakay sa mga tala sa buhay ni Dr. Jose P. Rizal.
Show video# 1 https://www.youtube.com/watch?v=yrKYj60QDfE&t=4s
12:32 mins
On Camera Natunghayan natin ang maiksing tala ng buhay ni Dr. Jose Rizal at ilang mga
nagpapatibay kung anong klaseng tao siya.
Sa kabuuang pagkatuto ng panitikan, mahalagang malaman din natin ang buhay ng
may-akda. Dito, mas mauunawaan at masasalamin ang pinag-ugatan kung bakit niya
isinulat ang kaniyang akda. Kung minsan, nakatago rin ang ibang kasagutan sa mga
tanong natin patungkol sa isang akda at hindi natin ito makikita sa akda mismo. At
may kapangyarihan ang buhay ng may akda upang ipakita sa atin ang mga
kasagutang ito.
5 secs BIZ: MSC UP AND OUT
On Camera Hayan! Sana’y nakapulot tayo ng inspirasyon sa buhay ni Rizal. Isang malaking
hamon, lalong-lalo na sa inyong mga kabataan na ipinagsisigawan niyang kayo ang
pag-asa ng bayan, na maipagpatuloy ang laban niya at responsibilidad natin sa
kasalukuyan na magsilbing bayani naman sa ating bansa upang hindi masayang ang
naipanalong laban nang nakaraan tungo sa pagkakaroon ng magandang Pilipinas sa
kinabukasan.
5 secs BIZ: MSC UP AND OUT
Ngayon, bilang inyong pangwakas na gawain, sagutin ninyo ang mga sumusunod na
On Camera
tanong sa inyong papel at atin itong tatalakayin sa susunod na episode.
5 secs BIZ: MSC UP AND OUT
Show Power Point 1. Sino ang unang naging guro ni Dr. Jose P. Rizal? Ano ang itinuring niyang
Slide# 6 pinakamahalagang bagay na dapat matutuhan ni Jose?
2. Paano mo ilalarawan si Dr. Jose Rizal? Masasabi mo bang isa siyang tunay na
henyo? Bakit?
3. Ano ang mga dahilan ni Dr. Jose Rizal bakit ninais niyang maging dalubwika? Kung
ikaw ay pamimiliin, anong wika bukod sa Ingles ang nais mong matutuhan? Bakit?
4. Bakit madalas umalis ng bansa si Dr. Jose Rizal? Ano-ano ang kaniyang dahilan ng
pangingibang-bayan?
5. Bakit dinakip at ikinulong ng mga Espanyol si Dr. Jose Rizal? Karapat—dapat nga
bang paratangan siyang isang mapanghamak? Bakit?
(Kung may oras pa, maaaring iproseso na at maging pangwakas na gawain na lang
yung susunod na tanong.)
5 secs BIZ: MSC UP AND OUT
Show Power Point 6. Paano maiwawaksi sa kasalukuyan ang mga negatibong pagpapahalagang naging
Slide# 7 bahagi na ng kultura at paniniwala ng mga Pilipinong nabanggit sa tinalakay?