You are on page 1of 2

Department of Education

Division of Agusan del Sur


Guadalupe National High School
Guadalupe, Esperanza, Agusan del Sur

LAGUMANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 7


QUARTER 2 WEEK 1-2
(Modyul 1-3)

Pangalan:_____________________________________________________ Pangkat: Kind


Guro: Bb. GENEROSE G. TABULO Petsa: _________

MARAMIHANG PAGPIPILI
Panuto: Basahin at unawain ang bawat tanong. Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Ano ang kaisipang ipinahihiwatig sa ilang linya ng awiting-bayan na ito?


“Si Pilemon, si Pilemon, nangisda sa karagatan
Nakahuli, nakahuli ng isdang tambasakan”
a. Dahil Malawak ang karagatan sa Kabisayaan
b. Dahil maraming isdang tambasakan sa kabisayaan
c. Dahil pangingisda ang libangan ng mga Taga-Bisaya
d. Dahil pangingisda ang pangunahing hanapbuhay ng mga Taga-Bisaya

2. Ang mga sumusunod ay mahahalagang detalye mula sa awiting-bayan na “Si Pilemon” Maliban sa isa.
a. Si Pilemon ay mangindisda
b. Ang kangyang kinita ay pinambili niya ng tuba
c. Si Pilemon ay nagnenegosyo ng tuba sa palengke
d. Sa isang munting palengke niya ipinagbili ang kanyang huli

3. Anong bulong ang bibigkasin kung nangangahoy sa gubat upang hindi mamatanda bilang paghingi ng
paumanhin?
a. Tabi,tabi po, nuno sa punso.”
b. “Tabi, tabi po apo, baka po kayo mabunggo.”
c. “Aming pinutol lamang, ang sa aming napag-utusan.”
d. “Dagang malaki, dagang maliit, heto na ang ngipin kong sira at pangit. Bigyan mo ng bagong kapalit.

4. Kailan sinasabi ang bulong na ganito: “Tabi, tabi po apo, baka po kayo mabunggo.”
a. kapag ikaw ay nasa gubat habang naglalakad
b. kapag ikaw ay nasa loob ng bahay habang naglalakad
c. kapag ikaw ay nasa kalye habang naglalakad
d. kapag ikaw ay nasa loob ng mall habang naglalakad

5. “Pinagbili, pinagbili sa isang munting palengke


ang kanyang pinagbilhan, ang kanyang pinagbilhan, pinambili ng tuba” ano ang isinasaad sa linya ng awitin:
a. Ang persona ay nagtitinda ng tuba dahil mahilig siya uminom ng tuba
b. Ang persona ay namimili ng tuba dahil ito ang kanyang hanapbuhay
c. Ang persona ay mahilig uminom ng tuba dahil ipinambili nito ang pinagbilhan ng huli
d. Ang persona ay isang negosyante sa palengke dahil doon niya pinagbili ang huli nito

6. Binata’y naawa lumuhod kaagad


Nagmakaamo at humingi ng patawad

Ang binata ay nagpapakita na siya ay?

a. Mapagmataas b. mapagmayabang c. magalitin d. mapagkumbaba


7. Kapag nakabili ng biik, iligid mo ito sa poste ng inyong bahay ng pitong beses upang hindi ito maglayas. Ito ang
isang halimbawang…
a. tradisyon b. pamahiin c. pamahiin d.kultura
8. Bawal magwalis kapag may patay. Ito ay isang halimbawang…
a. pamahiin b. kultura c. paniniwala d. tradisyon
9. Ang makasalo ng bulaklak na inihagis ng babaing ikinasal ay susunod na mag-aasawa. Ito ay isang
halimbawang…
a. pamahiin b. kultura c. paniniwala d. tradisyon
10. Ang dalaga naman ay bigla pang umayaw
Sasabihin pa kay Inang ng malaman

Ano kaugalian o katangian ang nangingibabaw sa taludtod?

a.magalang b. mayabang c. matapat d. matakot

11. Ang chaka naman ng panaginip ko. Ang chaka ay salitang balbal na ang ibig sabihin ay_____
a. pangit b. maganda c. kaakit-akit d. kahali-halina
12. Ang kakosa ko ay hindi nagkait ng tulong sa panahon ng aking kagipitan. Ang kakosa ay salitang balbal na ang
ibig sabihin ay____.
a. kapatid b. kaaway c. kaibigan d. kalaro
13. Masarap kainin ang inapoy kapag mainit pa.Ang inapoy ay salitang Ilokano na ang ibig ipakahulugan ay_____.
a. kanin b. tinapay c. lugaw d. pansit

14. Madalas ang paggoli ngayong tag-init. Ang paggoli ay salitang balbal na ang ibig sabihin ay_____.
a. paglalaba c. pagsasampay
b. pagligo d. pagkukula
15. Sa panahon ng pandemya, maraming tao ang nakaranas ng tomguts. Ang ibig ipakahulugan ng tomguts ay_____.
a. gutom c. sagana
b. busog d.marami

You might also like