You are on page 1of 27

Ang Mga Kagamitan Ng

Ating Mga Ninuno Sa


Iba’t Ibang Kabuhayan
Balik-aral: Ipaliwanag ang inyong
sagot?
1. Kung ang mga sinaunang Pilipino
ay napadpad sa kapatagang bahagi ng
kapaligiran, ano sa palagay ninyo ang
magiging hanapbuhay ng mga ito?
Bakit?
2. Kung ang mga Pilipino noong unang
panahon ay naninirahan malapit sa
mga baybayin at ilog, sila ay magiging
mahusay na _____
3. Paano nakipagkalakalan ang mga
sinaunang Pilipino noon?
4. Isa sa pangunahing hanapbuhay ng
ating mga ninuno ay ang pangingisda.
Ipaliwanag ang mga sumusunod na
mga paraan ng pangingisda na
kanilang gamit :
>pagbibitag > paglalambat > paglalason
5. Ang pagmimina ng ginto ay isa ring
ikinabubuhay ng sinaunag Pilipino.
Ano sa palagay ninyo ang
pangunahing gamit ng ginto noon?
Opener(Panimula) Ipaaawit sa klase
1. ACTIVITY

Laro: Pagbuo ng Jigzaw Puzzle

Panuto: Ang klase ay hahatiin sa limang pangkat. Ang


bawat pangkat ay pagkakalooban ng sobre na
naglalaman ng ginupit na larawan na kailangan
nilang buuin.
Bibigyan lamang ang bawat pangkat ng 3
minuto upang isagawa ito. Antayin ang maikling
tunog ng pito na magmumula sa guro bilang
hudyat ng pagsisimula. Ang unang pangkat na
makakabuo ay magbibigay ng hudyat sa
pamamagitan ng pagpalakpak.
Kabuuan ng larawang binuo ng bawat pangkat.
2. ANALYSIS

Ang guro ay magpapakita ng aktuwal na bato at bakal.

Suriing mabuti ang mga bagay na ipinakita ko sa inyo at


sagutin ang mga katanungan na may kaugnayan dito.
1. Ayon sa iyong nagawang pagsusuri sa mga bagay na
ipinakita ko sa inyo, ano kaya ang naidudulot ng mga
ito sa mga unang tao sa ating bayan?
2. Ano sa palagay ninyo ang kaugnayan ng mga ito sa
ating kasaysayan?
3. Bakit kaya napakahalaga ng bato at bakal sa ating mga
ninuno?
4. Batay sa inyong sariling opinyon , alin sa dalawang
bagay na aking ipinakita sa inyo ang mas
nakabubuting gamitin bilang kagamitan? Bakit?
5. Alin ang nagpapakita ng kaunlaran para sa iyo, ang
paggamit ng mga kagamitang bato o paggamit ng
kagamitang bakal? Bakit?
3. ABSTRACTION
Pangkatang Pag-uulat
Ang bawat pangkat ay pagkakalooban ng job card at ang kanilang
gawa ay iuulat ng lider. Ang bawat pangkat ay bibigyan ng 5 minuto sa
pagsasagawa ng gawaing ito.

Unang Pangkat-------------------Panahong Paleolitiko


Ikalawang Pangkat-------------- Panahong Neolitiko
Ikatlong Pangkat----------------- Panahon ng Metal
Ika-apat na Pangkat-------------Unang Panahon ng Metal
Ikalimang Pangkat--------------- Maunlad na Panahon ng Metal
PAGBUBUOD:
Sa Panahong Paleolitiko ang mga sinaunang tao ay
nabubuhay sa pamamagitan ng pangangaso at
pangunguha ng mga bunga ng mga halamang-ligaw. Dahil
dito nakagawa sila ng mga kagamitan mula sa tinapyas na
bato na ginagamit nila sa kanilang hanapbuhay.
Natuklasan sa Cagayan Valley noong 1953 ang ilan sa
kagamitang tinapyas na bato.
>Sa Panahong Neolitiko natutuhan naman ng mga
katutubong Pilipino kung papaano mangisda at kumain ng
prutas at gulay na nakukuha nila sa paligid ng kanilang
panahanan kaya natuto rin silang magsaka . Dahil dito,
nakagawa sila ng mahuhusay at matatalim na kagamitan
na gawa sa pinakinis na bato na hugis palakol at ginamit
nilang pamputol ng kahoy, buto ng hayop at paggawa ng
ibang kasangkapan.
 Panahon ng transisyon mula sa paggamit ng bato ang
panahon ng Metal. Ito ay bunsod sa pagkakatuklas
ng metal ng ating mga ninuno tulad ng tanso,
tumbaga at ginto bilang mateyal sa paggawa ng mga
kasangkapan, sandata at palamuti sa katawan.
Nahahati sa dalawa ang panahong ito: ang Unang
Panahon ng Metal at Maunlad na panahon ng Metal.
> Sa Unang Panahon ng Metal tanso ang unang metal na
ginamit, subalit bronse(pinaghalong lata at iba pang
metal) ang karaniwang ginagamit. Pinaniniwalaan ng
mga arkeologo na isa sa hanapbuhay ng mga sinaunang
pilipino ay pag-uukit ng mga disenyo at palamuti ,na
gamit ang bronse tulad ng hikaw, kuwintas at pulseras
na natuklasan sa mga mga kuweba ng RIzal, Bulacan,
Batangas, Masbate at Palawan. Tinawag ang mga itong
“ling-ling-o” ng mga arkeologo.
> Sa Maunlad na Panahon ng Metal naging pangunahing
metal ang bakal kaya tinawag din itong Panhon ng Bakal.
May mga kagamitang bakal din sila tulad ng mga kutsilyo,
magarang sandata na may mga bakal na talim ng
sibat,espada at gulok na nahukay sa iba’t ibang parte ng
Pilipinas. Ginamit ang mga ito ng ating mga ninuno sa
kanilang pangangaso, pangingisda, pagtatanim at maging
sa pakikipagkalakalan. Pinaniniwalaan din na natuto ring
magmina ang mga tao sa panahong ito.
4.APPLICATION
Pagkatang Gawain
Kilalanin kung anong panahon ang isinasaad ng mga kagamitan ng ating mga ninuno
ang nasa larawan. Isulat ang inyong sagot sa manila paper.

1
2 3

6
5
Sagot:

1. Unang Panahon ng Metal


2. Panahong Neolitiko
3. Panahong Paleolitiko
4. Maunlad na Panahon ng metal
5. Unang Panahon ng Metal
6. Maunlad na Panahon ng metal
Ender
1.Sa anong panahong ipinalalagay na ang mga
sinaunang Pilipino sa ating bansa ay nakagawa na
ng mga kagamitang gawa sa tinapyas na bato.
A.Panahong Paleolitiko C. Unang Panahon ng Metal
B.Panahong Neolitiko D. Maunlad na Panahon
ng Metal
2. Sa panahong ito ang ating mga ninuno ay nakagawa
ng mahuhusay at matatalim na kagamitang
gawa sa pinakinis na bato.
A. Panahong Paleolitiko
B. Unang Panahon ng Metal
C. Panahong Neolitiko
D. Maunlad na Panahon ng Metal
Sagot:
1. a
2. c
3. c
4. a
5. c

You might also like