You are on page 1of 12

“SI PLUTO AT PROSERPINA”

Isinulat nina: John Christian Kelly F Oseo, Chezka Banocnoc, Mikaela Genesis
Badillo
Sa Direksyon ni: John Christian Kelly F Oseo

TAGPO #1: PAGPAPAKILALA KAY PROSERPINA


**VOICEOVER: magsisimula ang kwentong ito sa mga pangunahing tauhan. Una ay si
Proserpina, siya ang anak nina Zeus, ang Diyos ng mga Diyos at Demeter, ang Diyosa
ng Anihan. Siya ay likas na kaakit-akit sa nakahahalina niyang ganda at lagi siyang
katuwang ng kanyang ina sa pangangalaga ng mga halaman sa lupa.
(**nasa frame si Proserpina, gumagalaw lamang ngunit walang diyalogo**)

TAGPO #2: BAHAY, PAGHAHANDA PARA SA PAGPUNTA SA HARDIN UPANG ALAGAAN ANG MGA HALAMAN
(**ang eksena ay naghahanda na si Demeter na pumunta ng hardin, nag-uusap sila ng
kanyang asawa na si Zeus)
ZEUS: Aking irog,ikaw ay laging mag-iingat sa pagpunta ninyo sa hardin. Alam mo
naman ang kapahamakang maaaring mangyari.
DEMETER: Makakaasa ka aking irog! Patuloy akong mag-iingat para sa iyo at para sa
ating supling na si Proserpina.
ZEUS: Paalis na rin ba kayo?
DEMETER: (titingin sa labas) Bago sumikat ang liwanag ay aalis na rin kami, isasama
ko muli si Proserpina ng ako’y may makatulong sa pangangalaga ng mga bulaklak at
halaman.
ZEUS: Ako’y umaayon naman diyan. Mabuti pa’y magtungo ka na sa kwarto ng ating anak
at tingnan mo kung handa na rin ang anak.
DEMETER: (LALAPIT KAY ZEUS, HAHAGKAN ITO AT MAGPAPAALAM) Sige, pasikat na rin
namanang araw at pupuntahan ko na rin siya sa kanyang kwarto. Paalam!
ZEUS: Paalam! Mag-iingat kayo, ha? Ako ay aalis na rin mamaya para sa mga gawaing
aking kailangang magawa.
DEMETER: Oo naman. (maglalakad palabas ng kwarto)

TAGPO #3: PAGHAHANDA NG MAG-INA SA PAG-ALIS PAPUNTA NG HARDIN


(**nakasardo ang kwarto ni Proserpina, kakatok dito ang kanyang ina**)
DEMETER: ANAK! (kakatok) ANAK! (kakatok) Proserpina! Handa ka na ba sa pagpunta
natin sa hardin?
(**bubuksan ang pinto**)
PROSERPINA: Magandang umaga, mahal na ina!
(**hahalikan niya ang kanyang anak**)
DEMETER: Magandang umaga rin! Handa ka na ba?
PROSERPINA: Paumanhin po, may gagawin lang po ako. Mauna na po kayo sa ibaba,
susunod na lamang po ako.
DEMETER: Sige, mauuna na ako roon. Mangyaring pakibilisan lamang anak, ha?
PROSERPINA: Opo! Sige po.
(**isasara ang pinto, bababa si Demeter**)

TAGPO 4: IBANG PARTE NG KANILANG TAHANAN


(**mag-aayos ng mga kagamitang kailangan si Demeter**)
(**babalik ang tagpo sa kwarto, palabas na ng kwarto si Proserpina, isasara niya
ang pinto**)
PROSERPINA: Ina! Mahal na ina. Maaari na po tayong magtungo sa hardin.
DEMETER: Sige, pumunta ka na rito. Aalis na tayo.
PROSERPINA: Handa na po ba kayo?
DEMETER: Oo! Magpaalam ka na rin sa iyong ama.
PROSERPINA: (sisigaw) Mahal na ama! Amang Zeus! Aalis na po kami ni ina.
ZEUS: (hindi kita sa frame) Oo, sige! Mag-ingat kayong dalawa.

Tagpo 5: PAGLALAKAD NG MAG-INA PAPUNTANG HARDIN


DEMETER: ANAK, DALA MO BA LAHAT NG MGA KAGAMITANG KINAKAILANGAN NATIN PARA SA HARDIN
MAMAYA?
PROSERPINA: OPO, NARITO NA PO ANG LAHAT NG KINAKAILANGAN NATIN. **SABAY TURO SA MGA
GAMIT NA HAWAK*
** MAGPAPATULOY SA PAGLALAKAD ANG DALAWA **
** MAKIKITA NILA SI KA DOMINADOR, ANG KILALA NILANG MANGGAGAMOT SA KANILANG LUGAR
**
DEMETER: KUMUSTA HO, KA DOMINADOR?
KA DOMINADOR: MABUTI NAMAN. SAAN KAYO PATUNGO?
PROSERPINA: **MAGMAMANO KAY KA DOMINADOR** MABUTI NAMAN DIN PO KAMI, PAPUNTA PO
KAMI NG HARDIN PARA ALAGAAN ANG MGA HALAMAN AT BULAKLAK NA NAROROON.
KA DOMINADOR: AY KUNG GANOON AY MAGMADALI NA KAYONG MAGPUNTA ROON. MALAPIT NA RING
SUMIKAT NG TODO ANG ARAW.
PROSERPINA: OPO, SIGE PO. SALAMAT PO AT MAUUNA NA KAMI.
DEMETER: AY, KA DOMINADOR, KUNG MAAARI PO AY PUNTAHAN NINYO YUNG TAONG MALAPIT SA
AMING TIRAHAN, KASALUKUYAN KASI AY HINDI GANOONG KAGANDA ANG KANYANG PAKIRAMDAM.
KA DOMINADOR: GANOON BA? SIGE, AKO AY MAY GAGAWIN LAMANG SA AMING TIRAHAN AT AKO
AY SASADYA NA ROON. SALAMAT SA PAGSASABI RIN.
DEMETER: SIGE PO. MAUUNA NA PO TALAGA KAMI. MAG-IINGAT PO KAYO!
KA DOMINADOR: KAYO RIN! PAALAM.
** MAGPAPATULOY NA SILA SA PAGLALAKAD, MAGHIHIWALAY NA NG LANDAS. **
TAGPO 6: HARDIN, PANGANGALAGA NG DALAWA SA MGA BULAKLAK
DEMETER: MAGMADALI NA TAYO ANAK, TAYO AY MAGSIMULA NA SA LAGI NATING GINAGAWANG
PAG-AALAGA RITO.
PROSERPINA: WALA PONG PROBLEMA, MAHAL NA INA.
DEMETER: IHANDA MO NA LAHAT NG MGA KAGAMITAN
PROSERPINA: OPO, SANDALI LAMANG PO! KUKUNIN KO NA PO.
** KUKUNIN ANG MGA KAGAMITAN **
** MAGSISIMULA NANG ALAGAAN ANG MGA BULAKLAK AT HALAMAN **
** FAST FORWARD YUNG SCENE **
DEMETER: HAY, SALAMAT. NAKATAPOS RIN.
PROSERPINA: OO NGA PO EH, PARA SA PATULOY NA PAGPAPAGANDA NG HARDIN AT NG MGA
BULAKLAK AT HALAMAN, PATULOY PO NATING GAGAWIN ITO.
DEMETER: OO NAMAN MAHAL KONG ANAK, MAKAKAASA KA RIYAN. HANGGANG KAKAYANIN KO,
PATULOY KONG GAGAWIN ITO.
DEMETER: MAYAMAYA LAMANG AY KUNIN MO NA YUNG GUNTING NA GINAGAMIT SA PAGPITAS NG
BULAKLAK. SA NGAYON AY MAGPAHINGA MUNA TAYO.
PROSERPINA: OO NGA PO, SOBRA NGA PONG NAKAKAPAGOD ANG ARAW NA ITO.
** FAST FORWARD YUNG SCENE **
** ANG SUSUNOD NA SCENE AY NAMIMITAS AT KINOKOLEKTA NA NG DALAWA ANG BULAKLAK,
MEDYO MALAYO ANG CAMERA AT WALANG DIYALOGO**

TAGPO 7: NASA BAHAY, MAGPAPAALAM SI PROSERPINA NA SUMAMA SA MGA KAPWA DALAGA


** PUPUNTAHAN NI PROSERPINA SINA DEMETER AT ZEUS SA KANILANG KWARTO **
** KAKATOK SI PROSERPINA **
PROSERPINA: MAHAL NA INANG DEMETER! MAHAL NA AMANG ZEUS!
** FOCUS ANG CAMERA NAMAN SA LOOB NG KWARTO, KINA ZEUS AT DEMETER **
ZEUS: AKING IROG, TUMATAWAG BA ANG ATING ANAK?
PROSERPINA: AMANG ZEUS! INA!
DEMETER: OO NGA! MANGYARING BUKSAN MO NAMAN ANG PINTO NANG MAKAUSAP NATIN SIYA.
ZEUS: SIGE, SANDALI LAMANG.
** TATAYO SI ZEUS, BUBUKSAN ANG PINTO **
ZEUS: ANAK, ANONG MAYROON? MAY SASABIHIN KA BA?
** LALAPIT NA RIN SI DEMETER **
DEMETER: ANONG PROBLEMA, ANAK? MAY MAITUTULONG BA KAMI?
PROSERPINA: AH, MAGPAPAALAM LAMANG PO AKO. SASAMA PO AKO SA MGA KAIBIGAN KONG MGA
KABABAIHAN. GAGAWIN LAMANG PO NAMIN ANG NAKASANAYAN NAMING LIBANGAN ROON, ANG
PAGSASAYAW SA PARANG.
ZEUS: MGA KABABAIHAN LAMANG BA ANG KASAMA MO?
PROSERPINA: OPO.
DEMETER: WALANG PROBLEMA SA AKIN IYAN. HINDI KO NA LAMANG ALAM SA IYONG AMA.
PAPAYAGAN MO BA, IROG KO?
ZEUS: **MAG-IISIP** SIGE, WALANG PROBLEMA DIYAN. BAGO MAG MADALING ARAW AY SANA
NARITO KA NA MAG MULI.
DEMETER: MAAARI BA IYON?
PROSERPINA: OPO, MAKAKAASA PO KAYO NA NARIRITO NA AKO BAGO MAG MADALING ARAW.
ZEUS: MABUTI KONG GANOON.
DEMETER: MUKHANG BIHIS KA NA RIN. AALIS KA NA RIN BA AGAD?
PROSERPINA: HEHE, KUNG MAAARI PO SANA. OPO EH!
ZEUS: WALANG PROBLEMA NAMAN DIYAN. MAG-IINGAT KA LAMANG.
**MAGPAPAALAM SA ISA'T-ISA SILANG TATLO**
** FAST FORWARD ANG SCENE**
**MAGHAHANDA NA SA PAG-ALIS SI PROSERPINA, LALABAS NA NG PINTO NG KANILANG BAHAY
SIYA**

TAGPO 8: LABAS, NAGLALAKAD SI PROSERPINA, MAKAKASALUBONG NA NIYA ANG MGA KAPWA


NIYANG DALAGA
** NAGLALAKAD LAMANG SI PROSERPINA; NEED NG EXTRA **
PROSERPINA: NASAAN NA KAYA ANG MGA IYON?
** BIGLANG MATATANAW NA NIYA ANG MGA KASAMA NIYA **
** LALAPIT NA SILA NANG MABILIS SA ISA'T-ISA **
PROSERPINA: SAAN BA KAYO NAGTUNGO AT ANG TAGAL NINYO?
PASENCIA: SI CONSORCIA KASI AY NAPAKATAGAL BAGO LUMABAS SA KANILANG TIRAHAN.
CONSORCIA: PASENSYA NA.
ROSARIO: PERO NAPAKATAGAL KASI TALAGA
**MAGTATAWANAN**
PROSERPINA: TARA NA SA PARANG! NANG MAGAWA NA NATIN ANG ATING HILIG NA PAGSAYAW **
CONSORCIA: MAGSIMULA NA TAYONG MAGLAKAD, PAGABI NA OH.
ROSARIO: TAMA! TINGNAN NIYO, DIDILIM NA IYAN MAYA MAYA LAMANG.
** MAGLALAKAD NA MULI SILA. **

TAGPO 9: SA PARANG
** MAGSISIMULA NA KARARATING LAMANG NG MGA DALAGA **
PASENCIA: HUWAG NA TAYONG MAGSAYANG PA NG ORAS. SIMULAN NA NATIN MAGSAYAW
ROSARIO: NGUNIT ANG TAGAL NAMAN NG ISA.
CONSORCIA: PAUMANHIN NA KASI!
PROSERPINA: TARA NA, TAMA NA IYAN. SIMULAN NA NATIN.
** MAGSASAYAWAN NA ANG MGA MAGKAKAIBIGAN **
** PALAYO NA ANG POKUS NG CAMERA **

TAGPO 10: PAGPAPAKILALA KAY PLUTO


**Voiceover: Ang ikalawang pangunahing tauhan naman ay si Pluto, ang Diyos sa ilalim
ng lupa at Diyos ng mga namayapa. Siya ay nakararanas ngayon nang matinding
kalungkutan. Mag-isa lamang siya sa kanyang kaharian at gusto niyang magkaroon ng
kasama roon. Ngunit, maraming dalaga na ang tumangging manirahan sa kanyang
kaharian. **
** Nasa frame ng camera si Pluto, gumagalaw lamang at pinapakilala ng voice over,
ngunit walang diyalogo **

TAGPO 11: BALIK-TANAW SA MGA DALAGANG TUMANGGING MANIRAHAN SA KAHARIAN NI PLUTO


**UNA**
PLUTO: PINAPANGAKO KO SA IYO NA IKAW LAMANG ANG MAGIGING REYNA NG AKING KAHARIAN
DALAGA 1: NGUNIT HINDI KO NGA NA TUMIRA RITO, ILALIM NG LUPA? NAPAKADILIM! ANG
PANGIT!
PLUTO: AALAGAAN NAMAN KITA RITO.
DALAGA 1: NGUNIT AYOKO NGA!
PLUTO: BAHALA KA! KUNG AYAW MO AY HUWAG. UMALIS KA NA RITO.
**IKALAWA**
PLUTO: GUSTO KO NA IKAW ANG MAGING REYNA RITO SA AKING PINAKAMAGANDANG KAHARIAN.
DALAGA 2: MAHAL NAMAN KITA NGUNIT HINDI KO GUGUSTUHIN NA TUMIRA SA GANITONG URI NG
LUGAR. NAPAKADILIM AT HINDI KO MAGUGUSTUHAN LALO SA PAGTAGAL NG PANAHON.
PLUTO: NAGSUSUMAMO NA AKO. MAGIGING REYNA KA!
DALAGA 2: NGUNIT AYOKO NGA.
PLUTO: EH DI WAG. UMALIS KA NA RITO!

TAGPO 12: MAGIGISING SA PANAGINIP SI PLUTO


**PANAGINIP NI PLUTO ANG TAGPO 11**
**MAGIGISING**
PLUTO: PANAGINIP LAMANG PALA! NGUNIT IPINAALALA NA NAMAN NITO ANG AKING PAG IISA
RITO SA AKING KAHARIAN.
** MAPAPAISIP SA PLANONG GUSTONG GAWIN **
PLUTO: AAKYAT AKO SA IBABAW NG LUPA. MAGHAHANAP AKO ULIT NG DALAGANG MAAARING MAGING
REYNA SA AKING KAHARIAN.
TAGPO 13: BABALIK SA PARANG
**PATULOY SA PAGSASAYAW ANG MGA DALAGANG MAGKAKAIBIGAN **
** LALABAS NA SI PLUTO **
** MAGLALAKAD-LAKAD SI PLUTO HANGGANG SA MAKARATING SA LUGAR NA KUNG SAAN NAROROON
SINA PROSERPINA **
** MAKIKITA SI PROSERPINA **
PLUTO: SIYA NA ANG GAGAWIN KONG REYNA NG AKING KAHARIAN **
*IPOPOKUS KAY PROSERPINA **
** MULI SIYANG BABALIK SA KANYANG KAHARIAN **

TAGPO 14: KAHARIAN NI PLUTO, PANIBAGONG ARAW


PLUTO: KAILANGAN KONG MAKAGAWA NG PARAAN UPANG MADALA KO RITO ANG NAPAKAGANDANG
DILAG NA NAKITA KO SA MUNDONG IBABAW
*MAPAPAISIP*
PLUTO: GAGAMITIN KO NA LAMANG ANG MAHIKANG NALALAMAN KO UPANG MADALA AGAD SIYA
RITO.
**PUPUNTA NG MUNDONG IBABAW **

TAGPO 15: MUNDONG IBABAW


** NAGKUKWENTUHAN ANG MGA DALAGANG MAGKAKAIBIGAN **
** Lalabas na si Pluto, lalapitan na upang kunin si Proserpina**
PLUTO: Halika rito!
PROSERPINA: *nagtataka at natatakot* Ginoo, huwag. Saan mo ako dadalhin?
PLUTO: BASTA SUMAMA KA NA LAMANG.
IBANG MGA KAIBIGAN: *nagsisisigaw na* Huwag ho,saan niyo ho siya dadalhin?
*maglalaho na lamang bigla ang dalawa**

TAGPO 16: SA KAHARIAN NI PLUTO


PLUTO: MALIGAYANG PAGDATING SA AKING KAHARIAN, MAHAL KONG REYNA.
PROSERPINA: NASAAN AKO? SINO KA BA?
PLUTO: AKO SI PLUTO, ANG DIYOS NG ILALIM NG LUPA AT DIYOS NG MGA YUMAO NA.
PROSERPINA: NASAAN AKOOOOOO?
PLUTO: HUWAG KANG MAG-ALALA NARITO KA SA AKING KAHARIAN AT BINABALAK KONG IKAW ANG
GAGAWIN KONG REYNA.
PROSERPINA: HAYAAN MO NA AKONG UMALIS. HAHANAPIN AKO NG MGA MAHAL KONG MAGULANG.
PLUTO: MINAHAL KA NGA BA TALAGA NG IYONG MGA MAGULANG? OH BAKA NAMAN HINDI MO PA
RIN BA TALAGA ALAM NA KAHIT KAILAN AY HINDI KA TALAGA NILA MINAHAL?
PROSERPINA: BAWIIN MO ANG SINABI MO! HINDI TOTOO IYAN.
PLUTO: TOTOO IYON, KAMAHALAN. KAYA WALA AKONG DAHILAN UPANG IYON AY BAWIIN.
PROSERPINA: PAKAWALAN MO NA AKO RITO. HAHANAPIN NILA AKO.

TAGPO 17: MGA KAIBIGAN NI PROSERPINA, PAPUNTA SA TAHANAN NINA DEMETER AT ZEUS
TATLONG MAGKAKAIBIGAN: **KAKATOK SA PINTO** TAO PO! ZEUS! DEMETER!
DEMETER: AKING IROG, MUKHANG MAY TAO SA PINTUAN. BUKSAN MO AT TANUNGIN MO KUNG ANO
ANG KANILANG SADYA.
ZEUS: SIGE, AKING MAHAL. SANDALI LAMANG.
**FAST FORWARD SA SCENE NA BUBUKSAN NA ANG PINTO **
ZEUS: MGA HIJA, ANONG SADYA NIYO RITO? NASAAN ANG AMING ANAK?
PASENCIA: IYON NGA PO ANG AMING SADYA
ZEUS: BAKIT, ANONG NANGYARI? DEMETER! DEMETER!
DEMETER: SIGE, LALABAS NA RIN AKO RIYAN.
ZEUS: ANO BANG NANGYARI?
ROSARIO: ANG INYO PO KASING ANAK…..
CONSORCIA: HUWAG PO KAYONG MABIBIGLA, NGUNIT TINANGAY PO NG ISANG HINDI NAKILALANG
LALAKI ANG INYONG ANAK.
DEMETER: ANO? SAAN? KAILAN PA?
ROSARIO: NGAYON LANG PO, KAYA KAMI AY NAGTUNGO NA RITO.
ZEUS: SALAMAT SA INYO,PERO MAAARI BANG SAMAHAN NIYO MUNA ANG AKING ASAWA RITO?
BILANG DIYOS NG MGA DIYOS AY GAGAWIN KO ANG LAHAT UPANG MAHANAP SIYA.
DEMETER: OO, ZEUS, GAWIN MO LAHAT NG IYONG MAKAKAYA UPANG MAHANAP SI PROSERPINA.
ZEUS: OO, MAKAKAASA KA. AALIS NA RIN AKO AGAD.
DEMETER: MAG-IINGAT KA.
**LALABAS NG KANILANG TAHANAN SI ZEUS**
**MAGPAPATULOY SA PAG IYAK SI DEMETER AT DADAMAYAN ITO NG MGA KAIBIGAN NG DALAGA**

TAGPO 18: PAGHAHANAP NI ZEUS SA KANYANG ANAK


**MAGHAHANAP SA IBA'T-IBANG LUGAR SI ZEUS**
ZEUS: MAHAL KONG PROSERPINA, ANAK, SAAN KA NAGTUNGO? SINO ANG LAPASTANGANG KUMUHA
SA IYO?

TAGPO 19: KAHARIAN NI PLUTO


PROSERPINA: PAKAWALAN MO NA AKO, PARANG AWA MO NA.
PLUTO: HINDI NGA MAAARI.
PROSERPINA: MAHABAG KA! HAHANAPIN NA AKO NG AKING MGA MAGULANG.
PLUTO: MAGULANG! DAHIL DIYAN, MAY IPAPAKITA AKO SA IYO.
**IPAPAKITA NI PLUTO NA HINAHANAP SIYA NI ZEUS**
PROSERPINA: AMA! AMA! AMANG ZEUS! NARITO AKO SA KAHARIAN SA ILALIM NG LUPA. KINUHA
AKO NI PLUTO, ANG DIYOS DITO.
PLUTO: KAHIT ANONG GAWIN MO AY HINDI KA NIYA MARIRINIG
PROSERPINA: HAYOP KA! NAPAKASAMA MO TALAGA.

TAGPO 20: SI HIKATE


**MARIRINIG SA BACKGROUND ANG PAGSUSUMAMO NI PROSERPINA NA MAY TUMULONG SA KANYA
UPANG MAKAALIS SA KAHARIAN NI PLUTO
HIKATE: PAGSUSUMAMO IYON NG ANAK NINA ZEUS AT DEMETER. HINDI AKO MAAARING MAGKAMALI.
**sa tulong ni Hikate ay kakalat ang sigaw ni Proserpina sa mga burol at kagubatan
at maririnig itO NI DEMETER**
DEMETER: NARIRINIG NINYO BA IYON?
PASENCIA: ANG ALIN PO?
DEMETER: ANG SIGAW NA IYON. SIGAW NI PROSERPINA NA HUMIHINGI SIYA NG TULONG
ROSARIO: HINDI PO EH.
CONSORCIA: AKO RIN PO, HINDI KO PO MABATID KUNG NASAAN ANG TUNOG NA IYON.
DEMETER: DITO NA MUNA KAYO. PUPUNTAHAN KO SIYA SA SISILYA. BASE SA AKING
KAPANGYARIHAN AY MUKHANG NAROROON SIYA MATATAGPUAN.

TAGPO 21: SA SISILYA


**MAGTATANONG TANONG SA MGA TAO SI DEMETER KUNG NAROROON ANG KANYANG ANAK NGUNIT
SA RAMI NG KANYANG MATATANONG AY WALA ROON SI PROSERPINA**
**ADLIB NA LAMANG**
**PATULOY NA MAGHAHANAP SI DEMETER SA KANYANG ANAK NG SIYAM NA ARAW. FAST FORWARD
LANG ANG VIDEO PERO DAPAT MAGMUKHANG ILANG BESES NA SIYA MAGHAHANAP**
**HINDI NIYA PA RIN MATATAGPUAN SI PROSERPINA**

TAGPO 22: SA BAHAY NINA ZEUS AT DEMETER, HAPAG KAINAN


**KUMAKAIN ANG MAGASAWA*
ZEUS: HAYAAN MO BUKAS NA BUKAS AY MAGHAHANAP ULIT AKO NANG MAKITA NA NANG TULUYAN
SI PROSERPINA.
**HINDI KIKIBO SI DEMETER, TULALA**
ZEUS: HINDI MAAARI IYAN, DEMETER. LALO KANG MANGHIHINA AT maaari KA PANG MAGKASAKIT
KUNG HINDI KA MAN LANG KAKAIN O IINOM. IKALAWANG ARAW NA ITO.
DEMETER: ANO PANG SAYSAY NG BUHAY KO KUNG WALA NA RIN NAMAN SI PROSERPINA?
ZEUS: NARITO PA AKO! MAGTULUNGAN TAYO SA PAG HANAP SA ATING MAHAL NA ANAK.

TAGPO 23: SA HARDIN


VOICEOVER: DAHIL SA KALUNGKUTAN NI DEMETER, HINDI NA NIYA NAGAGAWA ANG KANYANG MGA
TUNGKULIN SA IBABAW NG LUPA. NAMATAY ANG MGA HALAMAN **FOCUS SA MGA HALAMAN* AT
NAGUTOM ANG MGA TAO. HUMILING ANG MGA TAO NA PATUBUIN NA ANG MGA HALAMAN SA LUPA
NGUNIT NAGING MATIGAS ITO DAHIL SA KANYANG KALUNGKUTAN.

TAGPO 24: SA BAHAY NINA ZEUS AT DEMETER


*MAY ISANG TAONG NA LALAPIT KAY DEMETER PARA MAKIUSAP NA PATUBUIN NA ANG MGA
HALAMAN.**
TAONG MAKIKIUSAP: DEMETER, NAKIKIUSAP AKO. NAMAMATAY NA ANG MGA TAO. KAILANGAN NA
NAMIN ANG IYONG TULONG. PATUBUIN MO NA ANG MGA HALAMAN. KAILANGAN KA NAMIN.
DEMETER: WALA AKONG PAKIALAM. KUNG MAGKANDAGUTOM AT MAMATAY KAYO AY WALA NA AKONG
PAKIALAM AT HINDI KO NA SAGOT IYON.
TAONG MAKIKIUSAP: PERO PARANG AWA MO NA. KAILANGAN NAMIN ANG TULONG MO!
DEMETER: WALA NA AKONG MAGAGAWA RIYAN. UMALIS KA NA!
TAONG MAKIKIUSAP: WALA KANG PUSO! HINDI MO NA INIISIP ANG KAPAKANAN NG IBANG MGA
TAO.
**ISASARADO NI DEMETER ANG PINTO**

TAGPO 25: LABAS, SA PAGHAHANAP NO ZEUS, MAKIKITA SI HIKATE


ZEUS: IKASAMPUNG ARAW NA NG AKING PAGHAHANAP, SANA NAMAN AY MAHANAP NA KITA
PROSERPINA.
*MAAANINAG SI HIKATE*
ZEUS: HIKATE! BAKA NAMAN MATULUNGAN MO AKO SA PAGHAHANAP SA AKING ANAK NA SI
PROSERPINA.
HIKATE: IKAW NGA ANG AKING SADYA. NARITO AKO PARA SABIHIN NA NARIRINIG KO ANG MGA
SIGAW NI DEMETER.
ZEUS: MABUTI! NASAAN SIYA? ITURO MO KUNG SAAN KO SIYA MATATAGPUAN
HIKATE: NGUNIT, HINDI KO MALAMAN KUNG SINO ANG KUMUHA SA IYONG ANAK.
ZEUS: MARAMING SALAMAT. UUWI MUNA AKO SA AMING TAHANAN UPANG IPAALAM ITO SA AKING
IROG.
HIKATE: SIGE, BILISAN MO. AT MAG IINGAT KA!
**MAGHIHIWALAY NA ANG DALAWA**

TAGPO 26: SA KAHARIAN NI PLUTO


PLUTO: AKING REYNA, IKASAMPUNG ARAW MO NA RITO. GUSTO MO NA BANG MANATILI AT
MANIRAHAN RITO AT TULUYAN NG MAGING AKING REYNA?
PROSERPINA: MAAWA KA NA, SOBRA NA ANG HIRAP KO RITO. PAKAWALAN MO NA AKO. MAAWA KA
NA.
PLUTO: HINDI MAAARI.

TAGPO 27: PAG UUSAP NINA ZEUS AT DEMETER


ZEUS: AKING IROG, NAKITA KO SI HIKATE. MAY IBINALITA SIYA NA NARIRINIG NIYA ANG
SIGAW NG ATING ANAK NGUNIT HINDI NIYA MALAMAN KUNG SINO ANG KUMUHA RITO.
DEMETER: MALAKING TULONG NA IYON.
ZEUS: SANG AYON NAMAN AKO RIYAN.
DEMETER: MAY ALAM AKONG SINO PANG MAAARING MAKATULONG SA ATIN. AALIS NA MUNA AKO
AT PUPUNTAHAN KO ANG TAONG IYON.
ZEUS: SIGE, WALA NAMANG PROBLEMA RIYAN. IKAW AY MAG INGAT SANA.
DEMETER: MAKAKAASA KA. PAALAM SA NGAYON!

TAGPO 28: SINA APOLLO AT DEMETER


APOLLO: ANONG SADYA MO RITO, DEMETER?
DEMETER: KASI….
APOLLO: MUKHANG ALAM KO NA IYAN.
DEMETER: KASI SAMPUNG ARAW NA SIMULA MAWALA ANG AKING ANAK NA SI PROSERPINA.
APOLLO: MAKATULONG AKO SA IYO PARA RIYAN.
DEMETER: PAANO?
APOLLO: BASE SA IPINAKITA NG AKING KAPANGYARIHAN,NALAMAN KO NA ANG KUMUHA SA IYONG
ANAK AY SI PLUTO.
DEMETER: *GULAT* GANUN BA? SALAMAT AKO AY AALIS NA NANG MAIBALITA KO NA IYAN SA
AKING KABIYAK, SI ZEUS.
APOLLO: PATULOY KANG MAG INGAT. BABALA KO LANG SA IYO KASI MASYADONG DELIKADO NA
SA MGA PANAHONG ITO.
DEMETER: SALAMAT! MAUUNA NA AKO.

TAGPO 29: SA BAHAY NINA DEMETER AT ZEUS


DEMETER: AKING IROG, NABALITAAN KO KAY APOLLO NA SI PLUTO ANG KUMUHA SA ATING ANAK
NA SI PROSERPINA.
ZEUS: GANUN BA? KASO, WALA AKONG MAGAGAWA ROON. KILALA NAMAN NATIN SI PLUTO
PANIGURADO NA NAPAKALAKAS NG KAPANGYARIHAN NUN. WALA TAYONG MAGAGAWA KAHIT AKO PA
ANG DIYOS NG MGA DIYOS.
DEMETER: PARANG AWA MO NA, IBALIK MO SA AKIN ANG AKING ANAK. KUNG MAIBABALIK MO
SIYA AY PINAPANGAKO KO NA MAGKAKAROON NA MAG MULI NANG MASAGANANG ANI NG LUPA
**MAPAPAISIP SI ZEUS*
ZEUS: SIGE PARA SA ATING ANAK AY GAGAWIN KO ANG LAHAT NANG MAIBALIK SA ATIN ANG SI
PROSERPINA.
DEMETER: MARAMING SALAMAT. AASA AKO PARA RIYAN.
ZEUS: NGUNIT, MAIPAPANGAKO KO LAMANG ANG PAGBABALIK NG ATING ANAK KUNG HINDI PA
KUMAKAIN NG KAHIT ANO SA KAHARIAN NI PLUTO SI PROSERPINA.
DEMETER: KAHIT ANO PA IYAN, GAWIN MO LAHAT NANG MAKAKAYA MO UPANG MAILIGTAS MO
SIYA.
ZEUS: GAGAWIN KO ANG LAHAT.
DEMETER: SASAMA AKO SA IYO.
ZEUS: MAPANGANIB ANG MAGIGING PAGPUNTA ROON. SIGURADO KA BA?
DEMETER: MAGTULUNGAN TAYO UPANG MAKITA SI PROSERPINA.
ZEUS: KUNG GAYON AY HALIKA NA. GAGAMITIN KO ANG AKING KAPANGYARIHAN UPANG MAKAPUNTA
AGAD ROON.
*MAGLALAHO SILANG DALAWA**

TAGPO 30: KAHARIAN NI PLUTO


**MAGPAPALIBOT LIBOT SINA ZEUS AT DEMETER UPANG MAHANAP SI PROSERPINA**
**HIWALAY SILANG MAGHAHANAP**
DEMETER: UPANG MABILIS TAYONG MAKAPAGHANAP AY MAGHIWALAY TAYO. IKAW SA GAWING ROON
AT AKO NAMAN RITO.
ZEUS: SANG AYON AKO RIYAN.
DEMETER: DITO MULI TAYO MAGKITA.
*NAGHIWALAY NA SILA SA PAGHAHANAP*
*TATAGAL NANG KAUNTI ANG PAGHAHANAP NI DEMETER NGUNIT MAKIKITA NIYA RIN SI
PROSERPINA**
DEMETER: PROSERPINA! PROSERPINA!
PROSERPINA: MAHAL NA INA! TULUNGAN MO AKO RITO UPANG MAKAWALA NA AKO.
*TINULUNGAN MAKAALIS SA PAGKAKATALI SI PROSERPINA*
*NAGYAKAP ANG DALAWA*
PROSERPINA: SALAMAT AT HINANAP NINYO AKO.
DEMETER: WALANG ANUMAN. ANAK KITA KAYA GAGAWIN KO ANG LAHAT UPANG MASIGURO ANG
KALIGTASAN MO.
PROSERPINA: NANGULILA AKO SA INYONG PRESENSYA
DEMETER: AKO RIN, TARA NA UPANG MAKAALIS NA TAYO.
*Lalabas si Pluto**
PLUTO: SINASABI KO NA NGA BA! PAANO AT BAKIT KAYO NAGTUNGO RITO? TOTAL AY NARITO
NA KAYO, DEMETER, MAY IPAPAKITA AKO SA IYO RITO.
*IPAPAKITA NI PLUTO NA NAKAKAIN NA NG ANIM NA BUTO NG GRANADA SI PROSERPINA**
*MAGKAAKTINGINAN ANG DALAWA, MALULUNGKOT AT MANGIYAK NGIYAK
PLUTO: ALAM MO BA ANG IBIG SABIHIN NIYAN?
DEMETER: ANO?
PLUTO: SA PAGKAKAKAIN NI PROSERPINA NG MGA BUTO, BAWAT BUTO AY KATUMBAS NG ISANG
BUWAN NIYANG PAMAMALAGI RITO. AT IKAW, BILANG PAGPUNTA MO RITO NG WALANG PERMISO
AY MAKAKAMTAN MO ANG PAREHONG KAPARASUHAN. ANIM NA BUWAN MULA TAGLAGAS AT TAGLAMIG
AY MAMAMALAGI SI PROSERPINA RITO SA AKING PILING AT SA TAGSIBOL AT TAG ARAW NAMAN
AY IKAW ANG MAKAKAPILING KO RITO.
DEMETER: MAAWA KA!
PROSERPINA: MAHABAG KA NAMAN.
PLUTO: WALA NA, HULI NA ANG LAHAT. IKAW DEMETER AY MANANATILI SA KULUNGANG IYON NG
ANIM NA BUWAN. PAGKATAPOS NG ANIM NA BUWAN AY MAGPAPALIT KAYO NG ESTADO NG IYONG
ANAK.
**MASISILIP NI ZEUS ANG NANGYARI NGUNIT WALA NA SIYANG GINAWA AT UMALIS NA LAMANG
DAHIL ALAM NA NIYA ANG KAPAHAMAKANG MANGYAYARI KUNG MAKIKITA PA SIYA NI PLUTO**
ZEUS: PAALAM AT PATAWAD MAHAL KONG PROSERPINA AT DEMETER. HANGGANG SA MULI!
*PABULONG*
*NANGYARI NA ANG NAGING SET UP NG PAMAMALAGI NI PROSERPINA KAY PLUTO AT PAGKAKAKULONG
PANSAMANTALA NI DEMETER

WAKAS

You might also like