You are on page 1of 4

WEEKLY School: SAGBAYAN NATIONAL HIGH SCHOOL Quarter: Quarter 1 Lesson/Topic:

HOME Teacher: YENAH A. MARTINEZ Week: Week 5 Filipino: Kasaysayan ng Epiko


LEARNING Class Grade 10- Newton, Aristotle, Einstein, Curie Date: October 11-16, 2021
PLAN

Learni
Learning
Day and Time ng Learning Tasks Mode of Delivery
Competency
Area
7:00–8:00 Wake up, make up your bed, eat breakfast and get ready for an awesome day!
8:00-9:00 Have a short exercise/meditation/bonding with family.
DAY 1-2 Napapangatuwirana Gawain 1 Personal
Monday-Tuesday n ang kahalagahan submission by the
8:00-12:00 Filipino ng epiko bilang Panuto: Sagutin ang sumusunod na tanong. Huwag kalimutang gumamit ng mga parent to the
10 akdang pandaigdig pananda sa mabisang paglalahad sa mga pahayag. teacher every
na sumasalamin ng Monday at Grade
DAY 1-2
isang bansa. 1. Ilarawan si Gilgamesh, ang pangunahing tauhan sa epiko. 10 Newton
Monday-Tuesday (F10PB-Ie-f-66/ ________________________________________________________________ Classroom of
1:00-5:00 F10WG-Ie-f-60) ________________________________________________________________ Sagbayan
National High
2. Kung ikaw si Enkido, nanaisin mo bang maging kaibigan ang isang tulad ni School
Gilgamesh? Bakit?
________________________________________________________________
________________________________________________________________

3. Bakit kaya kahiya-hiya para kay Enkido ang kaniyang kamatayan?


________________________________________________________________
________________________________________________________________

4. Kung ikaw si Gilgamesh at namatay si Enkido, ano ang iyong mararamdaman?


Bakit?
________________________________________________________________
________________________________________________________________

5. Anong mahalagang kaalaman tungkol sa buhay ang ipinahihiwatig ng akda?


________________________________________________________________
________________________________________________________________
6. Ipaliwanag ang mensaheng ibinabahagi ng akda tungkol sa pagkakaibigan?
________________________________________________________________
________________________________________________________________

7. Sa inyong palagay, bakit kailangang iparanas ng may-akda ang mga suliranin


sa pangunahing tauhan ng epiko? Maituturing ba silang mga bayani ng
kanilang panahon? Bakit?
________________________________________________________________
________________________________________________________________

8. Nasasalamin ba sa epiko ang paniniwala ng mga taga-Ehipto tungkol sa buhay


na walang hanggan? Patunayan. Ano ang kaibahan nito sa paniniwala nating
mga Pilipino?
________________________________________________________________
________________________________________________________________

9. Kung bibigyan ka ng pagkakataong baguhin ang wakas ng kuwento, paano mo


ito wawakasan?
________________________________________________________________
________________________________________________________________

Gawain 2

Panuto: Punan ng angkop na mga pananda sa mabisang paglalahad ng pahayag ang


talatang kasunod.

Maraming epiko ang kumalat sa buong mundo. Bawat bansa ay may 1. ____
epiko. Mababasa sa kasaysayan na ang 2. ____ epiko na naisulat ay ang Epiko ni
Gilgamesh. Sa Europe, 3. ____ ang kasaysayan ng epiko sa Homer ng Greece 4. ____
800 BC. 5. ____ ang The Iliad and Odyssey.
Ang mga kilalang manunulat ng epiko sa Europe ay sina Hesiod, Apollonius,
Ovid, Lucan, at Statius. Ang estilo ng pagsulat ng epiko ay dactylic hexameter. 6.
____, hindi madali ang pagsulat nito. Ito’y karaniwang nagsisimula sa isang
panalangin sa isang musa 7. ___ naglalaman ng masusing paglalarawan, mga
pagtutulad at talumpati. 8. ____ ang mahahalagang pangyayari sa kasaysayan tulad ng
The Fall of Troy, The Foundation of Rome, The Fall of Man, at iba pa. Ang mga
tauhan nito ay maharlika.
Sinasabing noong panahon ng Medieval, napakaraming epiko ang naisulat, 9. ____
ito’y hindi madalas basahin. Ang bawat bansa ay nakalikha ng kanilang dakilang
manunulat ng epiko. Sa Italy, 10. ____ kay Virgil ay mayroon din silang Dante. Ang
kilalang epiko ni Dante ay ang The Divine Comedy. Ito’y naging inspirasyon ng
maraming makata at pintor sa loob ng maraming dantaon, 11. ____, si T.S. Eliot ay
nagdala ng kopya nito sa bulsa ng kaniyang amerikana. Ang The Divine Comedy ay
dinisenyuhan ni Gustave Dore noong ikalabinsiyam na siglo.
Isa sa mga epikong Espanyol ng Middle Ages ay ang El Cid o El Cantar Mio
Cid na kuwento ng pagsakop sa Valencia ni Rodrigo Diaz de Vivar at sa French naman
ay ang Chanson de Roland na kuwento ni Charlemagne at ang pag-atake sa kaniyang
tropa ni Basques at Roncevaux noong 778. 12. ____ ang dalawang epikong ito ay
tungkol sa kabayanihan ng mga pangunahing tauhan sa pakikidigma.
13. ____, may dalawang epikong German naman ang nakilala sa buong mundo.
Ito ay ang The Heliad, ikalabinsiyam na siglong bersyon ng Gospels sa Lumang
Saxon; at ang The Nibelungenlid. Ang 14. ____ ay kuwento ni Seigfried, Brunhild,
Dietrich, Gunther, Hagen at Atila the Hun. 15. ____ ganda ng pagkakasulat ng mga ito,
ito ay nagbigay ng kakaibang impluwensiya sa literaturang German.

Mula sa Unang Edisyon 2015. Filipino-Ikasampung Baitang: Modyul para sa


Mag-aaral., pp. 110

Gawain 3

Panuto: Ipaliwanag ang mga tanong. Isulat ang sagot sa ibaba.

Ano-ano ang mga paniniwala at kultura ng Mesopotamia sa larangan ng


paniniwala sa ikalawang buhay ayon sa paglalarawan ng pangunahing tauhan?
Paano ito maihahalintulad sa kultura nating mga Pilipino?

________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________

Pagtataya
Panuto: Piliin ang letra ng tamang sagot. Isulat ang napiling letra bago
ang bilang.

1. Ano ang pangkalahatang layunin ng epiko?


a. Ipamalita sa buong bansa ang epiko.
b. Gisingin ang damdamin upang hangaan ang tauhan.
c. Magbigay babala sa mga mambabasa.
d. Magbigay aliw sa mga tao.
2. Ito’y tulang pasalaysay na nagsasaad ng kabayanihan ng pangunahing tauhan na
nagtataglay ng katangiang supernatural.
a. nobela b. kwento c. epiko d. tula
3. Ang epiko ni Gilgamesh ay kinikilala bilang kauna-unahang dakilang likha ng
panitikan ng ______________?
a. Mesopotamia b. India c. Gresya d. Pilipinas
4. Ang epiko ni Gilgamesh ay mula sa Mesopotamia ay kinikilala bilang kauna-
unahang dakilang likha ng panitikan. Ang Mesopotamia ay nangangahulugang
_______________.
a. sa pagitan ng dalawang lawak
b. sa pagitan ng dalawang bundok
c. sa pagitan ng dalawang nayon
a. sa pagitan ng dalawang ilog
5. Ang mga sumusunod ay katangian ng isang epiko maliban sa;
a. May supernatural na kapangyarihan ang bida/tauhan.
b. Nagpagtatagumpayan ang mga suliraning kinakaharap.
c. Nagsasaad ng kabayanihan.
A. Nagpapabatid ng mga impormasyon.

Prepared by:

YENAH A. MARTINEZ
SST-II/ Adviser

Approved by:

RONALD P. JACINTO
Principal I/ School Head

You might also like