You are on page 1of 3

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon VI-Kanlurang Visayas
SANGAY NG LUNGSOD NG KABANKALAN
Lungsod ng Kabankalan

PANSANGAY NA PAGTATASA SA FILIPINO


Ikasiyam na Baitang
Taong Panuruan 2018-2019

PANGKALAHATANG PANUTO
Basahin at unawain ang bawat tanong. Piliin ang tamang sagot mula sa pagpipiliin. Titik lamang ang isulat
sa sagutang papel.

Para sa aytem bilang 1-4.


Pansunod-sunorin ang mga pangyayari sa kuwento. Titik lamang ang isulat sa papel sagutan.

______ A. Kasabay ng pagtatapos ng Pebrero ay pumanaw ang aking anak.


______ B. Di na maikakaila ang mabilis na pagkapawi ng kanyang lakas.
______ C. Payapa na siyang nakahimlay sa loob ng kabaong.
______ D. Unang Sabado ng paglabas niya nang hilingin niyang magdiwang ng kaarawan kahit hindi pa
raw.

5. Natatandaan ng mga bata ang isa o dalawang okasyon na sinorpresa sila ng ama ng
kaluwagang-palad nito.
A. Magarbo B. may sobrang pera C. malalim na bulsa D. sinuwerte

6. Mula sa kanyang awa sa sarili ay bumulwak ang wagas na pagmamahal sa patay na bata.
A. dumaloy ang luha
B. nagparamdam ng pagmamahal ang anak
C. nakaramdam ng awa
D. umiibig ng walang pagkukunwari

7. Ang takot ay sa alaala ng isang lasing na suntok sa bibig na nagpapatulo ng dugo at


nagpapamaga ng ilang araw sa labi.
A. Karahasan B. mapait na karanasan C. pang-aabuso D. paglalapastangan

8. 1] Asar, 2] inis, 3] galit

Alin sa mga sumusunod ang wastong pagkakasunod-sunod ng mga salita ayon sa tindi ng emosyon
o damdamin?
A. 3-2-1 B. 2-1-3 C. 1-3-2 D. 2—3-1

9. 1] pagliyag, 2] pagsinta, 3] paghanga

Alin sa mga sumusunod ang wastong pag-aantas ng mga salita ayon sa tindi ng emosyon o
damdamin?
A. 2-3-1 B. 3-2-1 C. 3-1-2 D. 2-1-3

10. Sa kamay niya nakataya ang tagumpay ng bayan. Ang salitang may salungguhit ay
nangangahulugang ___________.
A. nakabantay B. nakasalalay C. nakakulong D. nakabalot

11. Gustong patunayan ng alperes na kasabwat si Crisostomo Ibarra sa pagsalakay sa kuwartel. Alin sa
mga sumusunod ang kahulugan ng salitang may salungguhit?
A. Alipin B. bilanggo C. kasama D. kaibigan

1|P ahina
12. Nakakasulasok ang amoy ng mga bulok na basura na itinatapon sa estero. Ano ang kahulugan ng
salitang may salungguhit?
A. mabango B. masangsang na amoy C. mabaho D. nakakahilo

13. Halos mapunit na ang kanyang salawal sa matindang paghila ng anak.


A. gamit B. sombrero C. damit D. balat

14. Di siya palaimik kaya napagkakamalan siyang suplada. Ang salitang may salungguhit ay
nangangahulugang __________.
A. madaldal B. tahimik C. mayabang D. tsismosa

15. Naulinigan ni Maria Clara ang mga usap-usapan tungkol sa kanya. Ano ang kahulugan ng salitang
may salungguhit?
A. nabingi B. narinig C. nakita D. napanood

16. nagpasalamat siya nang lubos sa mga taong kumupkop sa kanya. Ang kasalungat na kahulugan
ng salitang may salungguhit ay ______________.
A. inaruga B. pinabayaan C. minahal D. pinagalitan

17. __________ ko, pananalig ang tangi kong sandata sa pagharap sa dagok ng buhay. Alin sa mga
sumusunod ang bubuo sa diwa ng pangungusap?
A. Talaga B. Sa totoo C. Sa tingin D. Akala

18. ___________ na malaki ang pananalig ni Tiyo Simon. Alin sa mga salita ang bubuo sa diwa ng
pangungusap?
A. Tunay B. Sa totoo C. Sa tingin D. Sana

19. ___________ ni Boy, hindi naniniwala sa Diyos ni Tiyo Simon.


A. Sa totoo B. Akala C. Talaga D. Tunay

20. ___________ namang ang pananalig sa Diyos ay makatutulong nang malaki sa atin.
Ang salitang bubuo sa diwa ng pangungusap ay _____________.
A. Sa aking palagay C. Talaga
B. Kung ako ang tatanungin D. Sana

21. Ang mag ___________ sa kapwa ay kasalanan sa Panginoon. Ang pang-uri na angkop gamitin ay
_______.
A. sakim B. ganid C. gahaman D. madamot

22. _________ siya sa kayamanan kay pinarusahan siya ng hari. Ang angkop na pang-uri sa patlang ay
_______.
A. gahaman B. madamot C. sakim D. ganid

23. Tinuringan siyang ___________ sa kapangyarihan at kayamanan. Ang salitang kukumpleto sa


pangungusap ay _______.
A. Madamot B. sakim C. gahaman D. ganid

24. ___________ noon ay namuhay nang masaya’t matiwasay sina Prinsipe Suton at Prinsesa Manorah.
Ang pang-abay na dapat gamitin ay ________.
A. Kung B. Kapag C. Mula D. Umpisa

25. Ang mga Kinaree ay _________ tumutungo sa lawang nasa loob ng kagubatan upang
magtampisaw. Ang pang-abay na angkop sa puwang ay ____________.
A. Tuwing B. araw-araw C. mamaya D. ngayon

2|P ahina
Para sa aytem bilang 26-28.
Punan nang tamang pang-uri ang patlang. Piliin ang tamang sagot mula sa loob ng kahot at isulat
ito sa sagutang papel.

A. Maalikabok C. maganda
B. Malubak D. baku-bako

Napalis ang lunkot ni Crisostomo Ibarra habang tumatakbo ang sasakyan sa kanyang
paglalakbay. 26] ___________ pa rin ang kalsada at hindi aspaltado kaya’t lubhang 27] __________
kapag tag-ulan at 28]___________ kapag tag-araw.

29. Si Crisostomo Ibarra ay may mahalagang papel na ginagampanan sa Noli Me Tangere. Sa kabila
ng masalimuot na karanasan, patuloy pa rin siyang lumalaban para sa magandang pangarap sa
bayan. Anong katangian ang tinataglay ni Crisostomo Ibarra?
A. Pagkamakabayan B. Pagmagmahal C. pagmamalasakit D. paggalang

30. Isang prayleng Pransiskano si Padre Damaso. Masalita at lubhang magaspang kumilos.
Pinaratangan niya si Don Rafael ng erehe at pilibustero. Anong katangian ang ipinakita ni Padre
Damaso?
A. Kasakiman B. mapagkunwari C. mapanglait D. mapanghusga

3|P ahina

You might also like