You are on page 1of 24

Si L

ang Batang L
anggaani
m,

Kw ento at Guhit ni:


Paeng Ferrer
L aro, L ahok, L igtas, at L ago:
Mga Kw entong Pambata ukol sa Pagpapaunlad ng
Pamayanan
SI LANI, ANG BATANG LANGGAM
Copyright © 2021 by The Department of Human and Family Development Studies (DHFDS)

All rights reserved. No part of this publication may be reproduced, distributed, or transmitted in
any form or by any means, including photocopying, recording, or other electronic or mechanical
methods, without the prior written permission of the publisher, except in the case of brief
quotations embodied in critical reviews and certain other non-commercial uses permitted by
copyright law. For permission requests, write to the publisher, addressed “Attention: Permissions
Coordinator,” at the address below.

Department of Human and Family Development Studies (DHFDS)


College of Human Ecology (CHE)
University of the Philippines Los Baňos

Author and Illustrator: Paeng Ferrer

Ordering Information:
Quantity sales. Special discounts are available on quantity purchases by corporations, associations,
and others. For details, contact the publisher at the address above. Please contact Tsikiting
Stories at tsikitingstories@gmail.com.

Printed in the Philippines

This project is in collaboration with the Department of Social Development Studies,


College of Human Ecology
University of the Philippines Los Baňos
Si L
ang Batang L
anggaani
m,

Kw ento at Guhit ni:


Paeng Ferrer
L aro, L ahok, L igtas, at L ago:
Mga Kw entong Pambata ukol sa Pagpapaunlad ng
Pamayanan
1 | Tsikiting
Stories

Heto na naman si Lani,


ang batang langgam,
nakatingin
sa malayo at pawang
malalim ang iniisip. May
isinulat siya sa kanyang
kwaderno kaya’t hindi niya
napansin ang mga kaklase
niyang pinagtawanan siya.
Kakaiba raw kasi siya kaya’t
lagiwalang
at siyangkaibigan
tinutuksosang mga
ito. Parati Tama
paaralan. siyangbang
mag-isa
pagtawanan siya dahil lamang
naiiba siya?
Tsikiting Stories |
2

Katamtaman ang
tindig ni Lani
samantalang malamlam
naman ang mga mata
niya. Parang laging
lumilipad ang
imahinasyon niya.
Mausisa siya at
laging nagtatanong
tungkol sa iba’t-ibang
bagay.
Kapag may
natuklasan siyang bagong
kaalaman, isinusulat niya
kaagad sa munting
kwaderno. Talaga namang
napakatalinong langgam
ni Lani.
3 | Tsikiting Stories

Nang hapong iyon, gusto niyang


mapag-isa at lumayo muna sa mga
kaklase niyang lagi siyang
pinagtatawanan. Pumunta siya sa
paborito niyang lugar sa may dulo ng
talampas. Limang minuto siyang umakyat
sa mga sanga, sumabit sa mga baging, at
gumapang sa mga dahon. Sa wakas ay
nakarating na siya sa tuktok!
Tsikiting Stories |
4

Gustung-gusto niya ang tanawin


sa pinakamataas na bahagi ng gubat.
Payapa ang mga puno at parang
lumilipad ang mga ulap. Narinig din niya
ang huni ng mga ibon.

Subalit, nang hapong iyon, parang


may iba siyang napansin. Sa halip na

magandang tanawin,
may nakita siyang
makapal na usok sa ‘di
kalayuan. Nasusunog ang
kagubatan!

Mabilis na isinulat
ni Lani sa kwaderno niya
ang nangyayari upang
maiulat sa lungga. Hindi
ba’t dapat niyang balaan
ang mga langgam
upang hindi mabiktima
ng sunog?
5 | Tsikiting Stories

Matapos isulat sa kwaderno, tumakbo si Lani pabalik sa lungga nila.


Kailangang lumikas ang buong lungga at hindi madamay sa sunog. Upang
matulungan siya, hinanap niya ang tatay niya na noo’y nagtatrabaho sa
pagawaan ng asukal.
Tsikiting Stories |
6
Matipuno ang
katawan ng tatay ni
Lani dahil masigasig
itong magtrabaho.
Kasama ng ibang
manggagawang
langgam, lagi itong
abala sa paggawa ng asukal
upang mapakain ang buong
lungga. Napakasipag niya
talaga.
7 | Tsikiting
Stories
“Itay, nasusunog ang kagubatan sa
may bandang kanluran! Balaan natin
ang buong lungga!” pagmamadaling
babala ni Lani.

“Lumipad na naman ang


imahinasyon mo. Pagpasensyahan mo
na at marami akong ginagawa. Mamaya
na natin pag- usapan iyan,” pabayang
sagot ng tatay ni Lani.

Paano ba
mababalaan ang
buong lungga kung
hindi man lamang
pinakinggan si
Lani ng tatay niya?
Samant alang
papalaki nang
papalaki at papalapit
nang papalapit ang
higanteng apoy.
Tsikiting Stories |
8

Nariyan na ang dambuhalang apoy


at kaunti na lamang ang natirang oras.
Dahil dito’y naisip ni Lani na dumiretso
kay Haring Langgam. Si Haring Langgam
lamang ang may kakayahang magdesisyon
tungkol sa mga ganitong bagay. Siya
lamang ang makakatulong sa buong lungga
ng mga langgam.
S 1 UsiLiting
3tories

Matangkad ang
tindig ni Haring
Langgam.
Nakasuot siya ng
kapa at ng korona. Siya
angbuong
sa pinakamataas
lungga. na
pinuno siyang
Magaling
magdesisyon
at magbigay ng payo.
Totoong nakapalawak
ng karunungan niya.
UsiLiting 3tories 1
10

Matapos ikwento ni Lani na


nasusunog ang kagubatan,
pinagtawanan siya ng mga tauhan ni
Haring Langgam.
Naalala niya tuloy kung paanong
pinagtawanan din siya ng mga kaklase
niya. Magtataka ka pa ba kung bakit
paminsan- minsa’y gusto lamang niyang
mapag-isa?

Pero hindi niya pinansin ang


mga halakhak nila. Hindi siya sumuko
dahil kailangan niyang kumbinsihin si
Haring Langgam upang maiwasang
matupok sa apoy ang mga kapwa nila.
11 1 UsiLiting 3tories

Upang maniwala si
Haring Langgam, ipinakita
ni Lani ang kwaderno niya
kung saan nakasulat ang
nakita niyang sunog sa
gubat. Subalit tinabig
lamang ito ni Haring
Langgam.

“ M a n g y a r i n g
tumahimik ka na! Isa ka

lamang batang langgam at wala ka


pang nalalaman!” pagsigaw ni Haring
Langgam.

Nahulog sa lupa ang kwaderno


ni Lani kasabay nito’y umiyak siya
dahil walang naniwala sa kanya. Pero
hindi ba’t kahit mga batang langgam
ay may alam din? Hindi ba’t kahit
mga batang langgam ay may
maitutulong din sa lungga?
UsiLiting 3tories 1
12
Sa gulat ni Haring Langgam at ng
mga tauhan niya, napuno ng usok ang
buong silid nila.

“Nasusunog ang kagubatan!


Nasusunog ang kagubatan!” sigaw ng
mga langgam sa labas.
Tama nga ba si Lani, ang batang
langgam? Dapat ba’y nakinig nang mas
maaga sa kanya si Haring Langgam?

Agad na ibinalita
sa buong lungga ang
paglikas. Tumigil ang mga
manggagawang langgam
sa paggawa ng asukal.
Disiplinadong lumabas ng
lungga ang bawat
pamilya, kasama na rito
si Lani at ang tatay niya.
Hawak pa rin niya ang
kwaderno niya.
13 1 UsiLiting
3tories

Sama-sama silang tumawid ng ilog patungo sa


kabilang ibayo. Kahit na sobrang laki ng apoy sa likod nila,
hindi na sila maaabutan ng sunog sa kabilang pampang.
Ginamit nilang bangka ang mga dahon. Siguro’y mas
marami silang nailigtas na gamit kung mas maaga silang
nakinig kay Lani.
UsiLiting 3tories 1 14

Nang makatawid ang buong lungga, pinarangalan ni Haring Langgam si


Lani ng isang gantimpala. Hindi na siguro kailangang banggitin ang tapang at
pagpupursigi niya kahit walang nakinig sa kanya noong umpisa. Hindi na rin
siya pinagtatawanan ng mga kaklase niya dahil dito.

“Magmula sa araw na ito, ipinahahayag ko na pakikinggan ko na ang


bawat langgam sa ating lungga, maski ang mga batang langgam,” wika ni Haring
Langgam habang papalubog ang araw.
Waka
s
Ukol sa may akda at gumuhit:
Si Paeng Ferrer ay mayroong matagal na karanasan sa pagtuturo
ng kolehiyo sa University of the Philippines Los Baños (UPLB). Isa
siyang registered social worker at nagtapos ng MA Psychology sa
Ateneo de Manila University (ADMU). Hayskul pa lang ay mahilig
na siyang tumula, magsulat, at tumugtog ng gitara habang nag-iisa sa
silid. Naniniwala siya na ang sining ay may mahalagang papel sa
kanyang propesyon na pagtuturo at sa pagtugon sa
pangangailangan ng mga pamayanan. Maski lapis at papel lamang,
malaki ang bahagi nito sa pagbabago ng buhay ng bawat tao.

You might also like