You are on page 1of 1

Ang bayan ng Balangiga ay isa sa makasaysayang lugar, dahil ito ang

tahanan ng kilalang batingaw na naging simbolo ng kagitingan ng mga taga


Balangiga upang makawala sa kalupitan ng mga sumakop sa nasabing
bayan. Dahil sa pagkakabalik ng mga batingaw na ito ay mas naging kilala
ang bayan at marami ng dumadayong mga turista upang makita ang
balangiga bells.
Gayunpaman kahit isa na sa kilalang bayan ang Balangiga ngayon, ay di
maitatanggi may mga suliranin paring kinakaharap ang mga residente ng
nasabing bayan. Sa ating pakikipanayam kay aling Merlinda De Asis na
nagmula sa Brgy. Guin-mayohan, nalaman natin ang araw-araw na pasakit
sa mga residente ang kawalan ng maayos na kalsada at ligtas na
kongkretong tulay.
Matagal na itong problema ng kanilang komunidad dahil labis itong
nakakaapekto sa pang araw-araw nilang pamumuhay. Bukod sa lubak lubak
ang kalsada ay pahirapan din tuwing umuulan dahil sa nagiging maputik ang
daan. Pagdating naman sa tulay na kanilang tinatawiran ay tila isang peligro
para sa kanila, dahil ito’y gawa sa kahoy lamang ay kapag maulan ay
nagiging madulas ang tulay na nagsasanhi ng ilang aksidente o
kapahamakan para sa mga taga barangay Guin-mayohan. At nang aming
tanongin kung gaano ba kahirap ang sitwasyon ng mga residente sa Brgy.
Guin-mayohan ay narito ang naging pahayag ni Merlinda De Asis.

Malaking pasakit nga ito para sa mga taga Brgy. Guin-mayohan ang
problema sa kalsada at tulay dahil sa oras ng mga emergency ay pahirapan
at mapanganib para sa kanila. Kaya hinihiling nila sa mga kinauukulan lalo
na sa mga kumakandidato na sana’y mapansin ang matagal ng problema ng
kanilang barangay at mabigyan ng aksyon o solusyon nang sa gayon hindi
na malagay sa alanganin ang kaligtasan ng mga residente ng Brgy. Guin-
mayohan.

You might also like