You are on page 1of 2

Posibilidad ng 'mapaminsalang pagputok' ng Mayon,

pinaghahandaan!
Pinaghahandaan na ng lokal na pamahalaan ng Albay ang posibilidad ng
"mapaminsalang pagputok" ng Bulkang Mayon sa mga susunod na araw o
linggo.
Ito'y kasunod ng pag-aalburoto ng bulkan simula pa noong Sabado, Enero 13,
kung kailan unang itinaas sa alert level 2 ang status ng pagbabantay sa
bulkan.

 Alert level 2 itinaas sa bulkang Mayon; mas marami pang 'eruption'


nagbabadya

Pero hindi pa lumilipas ang isang araw, itinaas na agad sa alert level 3 ang
status ng Bulkang Mayon.

 Alert level 3 itinaas sa Mayon

Saad ng abiso ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology


(PHIVOLCS) : "This means that Mayon is exhibiting relatively high unrest and
that magma is at the crater and that hazardous eruption is possible within
weeks or even days."
Ayon sa PHIVOLCS, dalawang beses naitala ang "lava dome collapse" o ang
pagguho ng lava dome sa crater ng bulkan nitong Lunes matapos bumigay
ang naipong lava sa bunganga ng bulkan dahil sa matinding init.

 LOOK: Lava flows from Mayon Volcano

Walang naitalang pinsala sa lava dome collapse dahil ayon sa PHIVOLCS,


kaunti lang ang abong bumagsak sa mga komunidad sa paligid ng bulkan.
Nitong gabi ng Linggo, Enero 14, naaninag ang crater glow sa bulkan
kasabay ng pagdausdos ng lava. Naitala rin ang ilang pagyanig.
Naitala ang tatlong phreatic eruption at 158 na pagguho ng mga bato mula sa
bulkan simula Sabado.
Ayon sa PHIVOLCS, maihahalintulad umano ang nangyayari ngayon sa
bulkan sa pagputok noong 2001 at 2014.
Dahil nasa Alert Level 3 ang bulkang Mayon, inaasahan ng Phivolcs na
magkakaroon pa ng mga pagputok.
Hindi naman pinagbabawalan ang mga turista na magtungo sa Albay para
masaksihan at makunan ang pag-aalburoto ng bulkan.
Payo lang ng National Disaster Risk Reduction and Management Council,
sana'y sumunod ang mga turista sa alituntunin ng barangay at lokal na
pamahalaan tulad ng hindi pagpasok sa 7-kilometer extended danger zone.
Nananawagan din ang PHIVOLCS sa mga residente na huwag pakialaman
ang mga instrumento nilang nakakabit sa paanan ng bulkan.
Noong nakaraaang linggo kasi, nadiskubre nilang ninakaw ang ilang
kagamitan sa remote station nila sa Padang, Legazpi City.
</BOLD> 17,000 LUMIKAS

Patuloy ang pagdating evacuation centers ng mga pamilya sa Albay na


apektado ng pag-aalburoto ng Bulkang Mayon.
Aabot na sa mahigit 17,000 ang inilikas dahil sa patuloy na pag-aalburoto ng
bulkan.
Galing sila sa Guinobatan, Camalig, Daraga, Malilipot at mga lungsod ng
Ligao at Tabaco.
Ang residenteng si Mary Jane Belardo, hindi unang beses na lumikas ng
Tabaco City dahil sa pag-aalburoto ng Bulkang Mayon pero unang beses
niyang lilikas nang may kasamang bata.
Isang buwang gulang pa lang kasi ang anak niya kaya kahit sanay na siya sa
ganitong sitwasyon, alam niyang magiging mahirap ito para sa kaniya at
kaniyang sanggol.
Bukod kasi sa walang maayos na tulugan, malamig pa ang panahon dahil sa
walang tigil na pag-ulan.
Si Maria Malate, umaasang hindi na magtatagal ang pag-aalburoto ng
bulkang Mayon para makapagsimula na silang magtanim.
Ang mga maaani kasi nila ay para sa pagdagsa ng mga turista sa tag-init sa
Mayon skyline and Planetarium.
Siniguro naman ng mga opisyal na may sapat na relief goods para hindi na
umuwi sa kanilang mga bahay ang mga evacuees.
May mangilan-ngilan kasi na nagpapaiwan sa kanilang bahay.
Ang ilan, kahit lumikas na ay bumabalik pa rin sa kanilang tirahan para
alagaan ang mga pananim.
Katuwang ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council
ang mga taga-Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police
para masiguro na hindi muna babalik sa kanilang mga bahay ang mga
lumikas.
-- Ulat nina Jose Carretero, Erick Baldo, at Oman Bañez, ABS-CBN New

You might also like