You are on page 1of 3

[UNANG EKSENA]

Nakaupo ang isang estudyanteng basang basa habang ang nurse/doktor ay inaasikaso siya. Isang tuwalya
ang nakabalot sa kanya habang nakaupo siya at tulala. Sariwa pa ang mga alaala na tila isang masamang
bangungot para sa estudyante. Lumapit ang mamamahayag sa kanya, "Miss, maaari ka po bang makausap
tungkol po sa nangyari?" tanong nito. Hindi sumagot ang estudyante at nanatiling tulala. Nagkatinginan
ang doktor at ang journalist. Muli ay sinubukang kausapin ng mamamahayag ang estudyante. Lumapit pa
sya ng kaunti at tinanong, "Miss?" Hindi sumagot ang estudyante. Napatakip siya ng kanyang mga tenga
nang maalala ang masamang memorya na kanyang naranasan. Tila naririnig nya pa rin ang mga hiyaw ng
kapwa estudyante niya at takot na bakas sa mga mata nila noong sandaling iyon. Ang masamang alaala na
nagsimulang normal at puno ng kaligayahan.

[IKALAWANG EKSENA]

Nagsimula ang lahat sa pagsakay sa ferry para sa fieldtrip ng mga estudyante at nagsimula iyong
maglayag nang papalubog na ang araw. Nang makasakay ang magkakaibigan, agad silang nagkwentuhan
tungkol sa kung gaano sila nasasabik sa fieldtrip na ito dahil unang beses nila makasakay sa isang ferry at
pumunta sa isang malayong lugar na kinailangan tawirin ang dagat. "Nasasabik na talaga ako!" sigaw ng
isa. "Ako rin! Panigurado magaganda ang tanawin na ating makikita!" dagdag ng isa pa. Buong byahe ay
nagkwentuhan sila sa kung gaano sila kasaya sa fieldtrip na ito.

[IKATLONG EKSENA]
Ilang sandali ay biglang umulan. Napatayo ang kapitan nang marinig ang malalakas na patak ng ulan na
tumatama sa barko. "Bakit umuulan? Wala sa balita na uulan o babagyo kaya dapat ligtas ang pagbaybay
sa dagat." pagtataka ng Kapitan. "Dibale, ako ang kapitan kaya't hindi lulubog ang ferry na ito." sabi nya
sa sarili. Lumakas ang ulan na sinamahan ng malalakas na hangin at alon. Dahil sa lakas ng mga alon ay
hindi maiwasang maging alerto ng lahat ng nga nakasakay dito. Lalo na sa kapitan na hindi inaasahan ang
nangyari. "Bumabagyo! At anlakas din ng mga alon!" sigaw ng isang estudyante na halatang natataranta.
Napakapit ang mga mag-aaral dahil sa halos lumipad na sila dahil sa matinding paggalaw ng barko dulot
ng mga malalaking alon. Samantala, ang kapitan ay nakahawak sa manibela ng barko. Isang napakalaking
alon ang paparating na nakita ng kapitan. Sinubukan nya itong iwasan sa pamamagitan ng isang
matinding pagliko (o sharp turn). Kahit na nagawang lumiko ng barko ay nawalan ito ng balanse dahil sa
laki ng alon na sumalubong dito. Pumagilid ang ferry na may laman na libo-libong estudyante at unti-unti
itong lumulubog.
[IKAAPAT NA EKSENA]

Dahil sa pagtagilid ng barko ay tumilapon sa isang gilid ang mga estudyante. Nakita nila kung
paanong unti-unting nilalamon ng madilim na dagat ang barkong sinasakyan nila. Naging dahilan ito
upang punuin sila ng takot at pagkataranta. Nagkagulo ang mga estudyante dahil dito. "Mga
minamahal naming pasahero, kumalma po kayong lahat at manatili sa kanya-kanyang silid. Marami
pong salamat." pag-anunsyo ng kapitan sa buong barko gamit ang mga speakers. "Paano kami
kakalma eh lumulubog na ang barko!!" sigaw ng isang natatarantang estudyante. Pinakalma sya ng
iba at pinaupo, habang may iba na sinusubukang pakalmahin ang sarili.

[IKALIMANG EKSENA]

Sa pagkakataong ito ay tila ba nawalan na ng pag asa ang kapitan at nalimutan na ang kaniyang
linyang binitawan na hindi lulubog o magkaka problema sa kanilang pagtahak sa karagatan dahil siya
ang bahala rito. Batid man ng kapitan na mali ang kanyang gagawin ngunit iniligtas na lamang niya
ang kanyang sarili at hindi na nagbigay pansin sa iba pang nakasakay sa ferry.

[IKAANIM NA EKSENA]

Nagkakagulo na ang lahat at kanya kanyang paraan para mailigtas ang sarili mula sa pagkakalunod
habang lalo pang tumataas ang tubig sa loob ng naturang barko. Isang estudyante ang nakaalala ng
pagtulong sa iba kahit pa sa huling pagkakataon, siya ay nagngangalang Reya. Namigay siya ng mga
life vest na kanyang nakalap habang tinatahak ang top deck o pinaka mataas na palapag ng barko. Isa
na lamang ang life vest na natitira sakanya, ngunit dalawa pang estudyante ang nangangailangan nito.
Hindi na naisip ng mga dalagita at sabay inagaw ang nagiisang life vest at saka pinagawayan ito
"Akin na 'yan, ako ang dapat mag suot dahil mas kakailanganin ko 'yan kesa sayo!" sambit ng isa.
"Hibang kaba?! Para ko nang tinanggap ang aking kamatayan kung ibibigay ko pa 'to sayo!" sagot
naman ng isa na hindi sangayon sa naunang ideya. Dahil dito sinubukan muli ni Reya na kumuha ng
isang estudyante ng karagdagang life vest para sakanila. Ngunit sa kalagitnaan ng kanyang pagbalik,
bago siya makalapit sa dalawa pang estudyante ay gumuho ang parte ng kisame ng barko at
nadaganan siya ng bakal nito. Doon niya napagtanto na wala nang pagasa na siya ay makaligtas pa.
Tinanggap niya nalamang ang kaniyang kalagayan. Sinabihan niya ang dalawang pang estudyante na
umalis at iligtas ang kanilang mga sarili "Umalis na kayo!! Pataas na nang pataas ang tubig! H'wag
niyo na akong hintayin pa!". Ngunit isang malaking parte ng barko ang tuluyang nawasak dahil sa
lakas alon ng dagat. Dahil dito hindi na rin nagawang makaligtas ng dalawang estudyante.
Nasaksihan ng isang estudyante ang lahat ng ito mula sa pagitan o siwang gumuhong kisame. Isa siya
sa kaklase na natulungan ni Reya. Huminga siya ng malalim sa huling pagkakataon sabay umiyak at
napatingin sa ilaw na nagmumula sa di kalayuang barko na papalapit.
[IKAPITO O HULING EKSENA]

Ilang araw nang matapos ang trahedya ay nasampahan ng kaso ang kapitan at tuluyan nang inilugar
sa himpilan. Sa puso ng mga pamilyang naiwan ng mga namayapang 300 sakay ng barko ay kulang
pa ang parusang ito para sa hustisya ng kanilang mga mahal sa buhay. Habang buhay na tinanaw ng
estudyante ang kabaitan at katapangang ipinamalas ni Reya na hanggang sa kaniyang pinaka huling
bagay na nagawa ay naisip niyang tumulong sa iba.

You might also like