You are on page 1of 10

Pagtuturo ng MTB-MLE

Modified Four Pronged Approach


ELEM 2106

Lesson Matrix
Grade II
Pamantayan sa Baitang
(Grade Level Standard)
The learner demonstrates communication skills in talking about variety of topics
using developing vocabulary and simple phrases and sentences, simple to complex
spoken language using both verbal and non-verbal cues, understands vocabulary and
language structures, appreciates and understand the cultural aspects of the language
and the writing system used, and reads and writes simple and short literary and
informational text

III. PAMAMARAAN
MGA GAWAIN BAGO MAGBASA NG MAIKLING KUWENTONG PAMBATA
A. Paghahawan ng mga Balakid sa Pagkatuto
( Unlocking of Word Difficulty)

Tingnan nga natin ang unang larawang nakapaskil. Ano kaya ang larawang ito?
May mga matutulis na ipin at buntot. Isa siyang uri ng isda, saan kaya karaniwang
nakikita ang mga ito?

“PATING O SHARK”
Basahin nga natin ang mga salitang nakikita ninyo. Tama, Pating sa Tagalog at Shark
naman ang tawag kapag sa Ingles. Sabihin nga ulit ang mga salita.
“Mabilis na naglanguyan ang mga pating palayo ng makakita ng mga tao
papunta sa dagat.”
Ano daw ang ginawa ng mga pating ng makakita ng mga tao? Tama, mabilis silang
naglanguyan palayo. Ibig sabihin ang mga pating ay lumalangoy at sila pala ay makikita
sa mga karagatan.
“Bagama’t mapanganib ang mga pating marami pa ring mga tao ang nagpupunta
sa mga ocean park upang makakita nito.”
Basahin nga natin ang pangungusap. Magaling! Bakit kaya naging mapanganib ang
mga pating para sa tao? Tingnan nga ulit natin ang mga larawan nila. Tama, mayroon
silang mga matutulis na ngipin na maaring makasakit sa mga tao kapag ang pating ay
nakaramdam din ng panganib. Kayo nga mga mag-aaral subukan ninyo ding magbigay
ng mga pangungusap na ginagamitan ng salitang pating.
Tingnan nga ang mga larawan. Ano kaya ang ibig ipahiwatig ng mga ito? Magkaka-
akbay sila at masaya ang mga mukha. Magkakasama sila at mukang magkakalaro bakit
kaya?

KAIBIGAN O FRIEND
Basahin nga natin ang salita. Magagaling! Ang nasa larawan pala ay magkakaibigan.
Kayo ba sino ang mga kaibigan niyo dito? Hindi ba mas masaya kapag may kaibigan ka
na laging kasama? Ano ang madalas ninyong gawin kasama ang inyong mga kaibigan?
“Si Leni kasama ang kanyang mga kaibigan ay masayang nagpapalipad ng saranggola
sa bukid.” Naranasan niyo na ba ang magpalipad ng saranggola lalo kapag malakas ang
hangin.
“Nagtatawanan at nagkukwentuhan ang magkakaibigan habang kumakain sa canteen.”
O mga mag-aaral sino ang palagi ninyong kasamang mag-recess? Masaya diba kapag
nagbabahagian tayo ng mga pagkain.
Sige nga mga mag-aaral subukin naman ninyong magbigay ng sariling halimbawa ng
pangungusap na ginagamitan ng salitang kaibigan. Mga kaibigan na siyang karamay at
kasama natin, handang tumulong at palaging maasahan.
Tingnan na muli natin ang huling larawan. Sino kaya ito? Bakit kaya ganito ang kanyang
kasuotan at may hawak siyang pamingwit ng isda? Isipin nga kung anong tawag
sakanya.

MANGINGISDA O FISHERMAN
Sabay sabay nga nating basahin ang mga salita na nakapaskil. Tama, magingisda sa
Tagalog at Fisherman sa wikang Ingles. Mga nanghuhuli ng isda upang ibenta o di
kaya’y ulamin. Tama! Sino sainyo ang mahilig mag-ulam ng mga isda tulad ng tilapia at
bangus. Hanggat bata ay sanayin ninyong kumain nito sapagkat ito ay masustansiyang
pagkain. Ngayon ay gamitin na muli natin ang salitang magingisda sa pangungusap.
“Madaming huli ang mga mangingisda ngayon tiyak na marami silang kikitain at iuuwi
sa kani-kanilang mga pamilya.” Ayan, madalas ang pangingisda ay isa rin palang
pinagkakabuhayan ng mga tao.
Eto pa ang isang halimbawa “Malakas ang alon sa dala ng bagyo dagat kaya naman
napagpasiyahan ng mga mangingisda na huwag munang pumalaot upang humuli ng
mga isda.” Tama, delikado ang pagpunta sa dagat kapag malakas ang alon sapagkat
maari silang malunod.
Ngayon naman aking mga mag-aaral kayo naman ang magbigay ng halimbawang
pangungusap gamit ang salitang mangingisda.
B. Gawain ng Guro
(Teacher’s Activity)
Pamantayan: Gumamit ng “” sa pagsusulat ng dayalogo at () sa paglalarawan
sa ginawa.

(Pagbati sa mga mag-aaral at pagpapakilala)


”Magandang araw mga bata ako nga pala si Binibining Athena Carpio ang
tagapagturo ninyo ngayong araw! Kamusta naman kayo? Ngayong araw ay
magkukwento ako, gusto ba ninyo ng kwento? Bago yan kailangan muna na
magsitahimik at magpakabait upang marinig ninyo ang aking kwento. Pwede ba
yon?”
(Patatahimikin ang mga bata ang ihahanda ang mga visual aids)
“Bago natin umpisahan ang kwento magpapakita muna ko ng mga ilang larawan
upang mas lalo nating maintindihan ang kwento mamaya. Okay ba yon? So
umpisahan na natin.”
(Ipapakita ang unang larawan ito ay pating o shark)
“Tingnan nga natin ang unang larawang nakapaskil. Ano kaya ang larawang ito?
May mga matutulis na ipin ay buntot. Isa siyang uri ng isda, saan kaya
karaniwang nakikita ang mga ito?”
(Magpapaskil ng mga salita)
“Basahin nga natin ang mga salitang nakikita ninyo. Tama, Pating sa Tagalog at
Shark naman ang tawag kapag sa Ingles. Sabihin nga ulit ang mga salita.”
(Ipapaskil ang mga halimbawang pangungusap)
”Mabilis na naglanguyan ang mga pating palayo ng makakita ng mga tao
papunta sa dagat. Basahin nga ang pangungusap. Ano daw ang ginawa ng mga
pating ng makakita ng mga tao? Tama, mabilis silang naglanguyan palayo. Ibig
sabihin ang mga pating ay lumalangoy at sila pala ay makikita sa mga
karagatan.”
“Bagama’t mapanganib ang mga pating marami pa ring mga tao ang nagpupunta
sa mga ocean park upang makakita nito. Basahin nga natin ang pangungusap.
Magaling! Bakit kaya naging mapanganib ang mga pating para sa tao? Tingnan
nga ulit natin ang mga larawan nila. Tama, mayroon silang mga matutulis na
ngipin na maaring makasakit sa mga tao kapag ang pating ay nakaramdam din
ng panganib. Kayo nga mga mag-aaral subukan ninyo ding magbigay ng mga
pangungusap na ginagamitan ng salitang pating.”
(Ipapakita ang pangalawang larawan)
“Tingnan nga ang mga larawan. Ano kaya ang ibig ipahiwatig ng mga ito?
Magkaka-akbay sila at masaya ang mga mukha. Magkakasama sila at mukang
magkakalaro bakit kaya?”
(Ipapaskil ang pangalan ng larawan)
“Basahin nga natin ang salita. Magagaling! Ang nasa larawan pala ay
magkakaibigan. Kayo ba sino ang mga kaibigan niyo dito? Hindi ba mas masaya
kapag may kaibigan ka na laging kasama? Ano ang madalas ninyong gawin
kasama ang inyong mga kaibigan?”
(Ipapaskil ang mga halimabawang pangungusap at ipapabasa muna sa mga bata)
“Si Leni kasama ang kanyang mga kaibigan ay masayang nagpapalipad ng
saranggola sa bukid. Naranasan niyo na ba ang magpalipad ng saranggola lalo
kapag malakas ang hangin.”
“Nagtatawanan at nagkukwentuhan ang magkakaibigan habang kumakain sa
canteen. O mga mag-aaral sino ang palagi ninyong kasamang mag-recess?
Masaya diba kapag nagbabahagian tayo ng mga pagkain.
Sige nga mga mag-aaral subukin naman ninyong magbigay ng sariling
halimbawa ng pangungusap na ginagamitan ng salitang kaibigan. Mga kaibigan
na siyang karamay at kasama natin, handang tumulong at palaging maasahan.”
(Ipapaskil ang huling larawan)
“Tingnan na muli natin ang huling larawan. Sino kaya ito? Bakit kaya ganito ang
kanyang kasuotan at may hawak siyang pamingwit ng isda? Isipin nga kung
anong tawag sakanya.”
(Ipapaskil ang pangalan ng larawan)
“Sabay sabay nga nating basahin ang mga salita na nakapaskil. Tama,
magingisda sa Tagalog at Fisherman sa wikang Ingles. Mga nanghuhuli ng isda
upang ibenta o di kaya’y ulamin. Tama! Sino sainyo ang mahilig mag-ulam ng
mga isda tulad ng tilapia at bangus. Hanggat bata ay sanayin ninyong kumain
nito sapagkat ito ay masustansiyang pagkain. Ngayon ay gamitin na muli natin
ang salitang magingisda sa pangungusap.”
(Ipapaskil ang mga halimbawang pangungusap)
“Madaming huli ang mga mangingisda ngayon tiyak na marami silang kikitain at
iuuwi sa kani-kanilang mga pamilya. Ayan, madalas ang pangingisda ay isa rin
palang pinagkakabuhayan ng mga tao.”
“Eto pa ang isang halimbawa Malakas ang alon sa dala ng bagyo dagat kaya
naman napagpasiyahan ng mga mangingisda na huwag munang pumalaot
upang humuli ng mga isda. Tama, delikado ang pagpunta sa dagat kapag
malakas ang alon sapagkat maari silang malunod.
Ngayon naman aking mga mag-aaral kayo naman ang magbigay ng
halimbawang pangungusap gamit ang salitang mangingisda.”
Name: ATHENA ESTABILLO CARPIO Section: BEED 2-2

Pagtuturo ng MTB-MLE
Modified Four Pronged Approach
ELEM 2106

Lesson Matrix
Grade II

Pamantayan sa Baitang II
(Grade Level Standard)
The learner demonstrates communication skills in talking about variety of
topics using developing vocabulary and simple phrases and sentences, simple to
complex spoken language using both verbal and non-verbal cues, understands
vocabulary and language structures, appreciates and understand the cultural aspects of
the language and the writing system used, and reads and writes simple and short
literary and informational text

III. PAMAMARAAN
MGA GAWAIN BAGO MAGBASA NG MAIKLING KUWENTONG PAMBATA

A. Paghahawan ng Balakid sa Pagkatuto

Learning Output 1.
Paggawa ng dayalogo para sa Gawain ng Guro (Teacher’s Activity)
GAWAIN NG GURO
A. Paghahanda
Pagpapatayo sa mga bata upang magkaroon ng mahikling pagdarasal.
Tumayo ang lahat para sa maikling panalangin.
Pagbati sa mga bata at pagpapakilala.
Magandang araw mga mag-aaral! Ako nga pala si Binibining Athena Carpio ang
tagapagturo ninyo ngayong araw!
Pagtala ng mga liban sa klase ngayong araw.
Sino-sino ang wala sa klase ngayong umaga?
B. Pagbabalik-aral
Bago tayo dumako sa ating susunod na aralin balikan nga muna natin ang
ating mga aralin kahapon. Sige nga sino ang makakapagbigay nito?
C. Pagganyak (3-5 minuto)
Bago tayo dumako sa susunod na aralin maglaro muna tayo ng stop
dance ang siyang matitira ay makakuha ng papremyo! Sa saliw ng baby shark na
tugtugin kailangan ay sasayaw kayo ng masigasig
D. Paghahawan ng mga Balakid
Gusto niyo ba ng kwento? Bago yan, magpapakita muna ako ng mga
larawan at subukin muna natin itong gamitin sa pangungusap.
E. Paglalahad ng Kwento
Si sharkie ay isang batang whale shark. Ang sabi ng kanyang ina ay sila
ang pinakamalalaking isda sa buong karagatan. Kaiba sila sa mga kauring pating
dahil may mapuputing mantsang kulay asul ang katawan nila pero puti ang bandang
tiyan. “Ang pangit mo naman! Maluwang at sapad ang iyong ilong, hindi tulad
naming,” pagmamalaki ni Tiggy, isang tiger shark. “Hindi sa panlabas na anyo inuuri
ang pagiging mabuting pating,” ani Sharkie. “Lahat tayo ay may kaniya-kaniyang
kabuluhan.” “Dapat sa pating ay matapang at kinatatakutan,” ani Tiggy. “Hindi ba
mas maganda kung mabait ka at palakaibigan?” pakli si Sharkie. Masaya si Sharkie
sa pagkakaroon ng maraming kaibigan. Kaligayahan na niya ang laging makasama
ang mga ito. Isa lang talaga ang gusto ni Sharkie. Ibig niyang maging kaibigan si
Tiggy. Ibig niyang baguhin ang mayabang nitong ugali. Ang gusto naman ni Tiggy
ay patunayang tigasin siya. Lagi niyang tinatakot ang mga mangingisdang
nagpupunta sa laot. Alam ni Sharkie na kayang ipagtanggol ni Tiggy ang sarili.
Gayunman ay natatakot siya sa maaring manyari sa batang pating. “Isang uri na
pala ng palakasan para sa mga tao ang paghahanap sa mga pating. Kaya mag-iingat
ka, anak!” paalala ng nanay ni Sharkie. Maging ang mga kaibigan ay sinabihan ni
Sharkie. “Kahit kaya nating ipagtanggol ang sarili ay mabuti na ang nag-iingat.”
“Duwag kasi kayo! Ibahin ninyo ako!” pagyayabang ni Tiggy. At iniwan nito sina
Tiggy para pumaibabaw sa tubig. Noon ay kasalukuyang naghahanap ng
mapapanang pating ang grupo ng mangingisda. “Nakikita na ninyo ang nakikita ko?”
anang isang mangingisda. Muntik ng mapuruhan si Tiggy kaya naman nasugatan
siya. “Sa uli-uli ay huwag kang mayabang,” pangaral ng ama sa kanya. “Pasalamat
ka at nakaligtas,” ang sabi ni Sharkie nang dumalaw kay Tiggy. “Oo nga. Dapat pala
ay nakinig ako sa iyo.” Mula noon ay naging kaibigan nan i Sharkie si Tiggy. Kasama
ang iba pang mga pating ay pinanganglagaan nila ang ekosistema sa ilalim ng
dagat.
F. Pagtalakay sa binasa
Ngayong tapos na nating basahin ang kwento tingnan nga natin kung
ano-ano ang mga natutunan ninyo. Ano ang pinaka-aral ng kwento? Ano ang
ugaling dapat baguhin ni Tiggy? Nabago ba ito ni Tiggy? Natupad ba ang nais ni
Sharkie na maging kaibigan si Tiggy? Ano ang nagiging resulta ng kayabangan?
G. Pagsasanay
H. Takdang Aralin
I. Pamamaalam
Learning Output 2.
Pakitang Turo sa Paghahawan ng mga Balakid (video recorded teaching demo)
1. Mga salitang ihahawan ang kahulugan
1.1 PATING
1.2 KAIBIGAN
1.3 MAGINGISDA
2. Mga larawan angkop sa bawat salitang ihahawan

3. Mga pangungusap na ginamit ang mga salitang ihahawan


3.1 Mabilis na naglanguyan ang mga pating palayo ng makakita ng mga tao
papunta sa dagat.
3.2 Si Monica at Margielyn ang aking mga kaibigan.
3.3 Madaming huli ang mangingisda ngayon tiyak na marami siyang kikitain at
iuuwi sakanyang pamilya.

You might also like