You are on page 1of 8

INGENIUM SCHOOL

Grade School Department


SY 2015-2016

Asignatura at Baitang Filipino 3 Markahan Unang Markahan


Bb. Evangeline Mae B.
Guro Nakalaang Araw Tatlong Araw
Monderin
Paksa Pagpapantig at Klaster

LAYUNIN

Ang mga mag-aaral ay:


1. Natutukoy ang kahulugan ng mga salita gamit ang Context Clues
2. Nakakikilala ng mga magkasingkahulugan at magkasalungat na mga salita
3. Nakababasa ng mga salitang may wastong pagpapantig
4. Nakapaglalahad ng mga paraan upang maging mabuting Pilipino

PAMALAGIANG UNAWA

Ang mga mag-aaral ay:

 Nakagagamit ng Context Clues upang malaman ang kahulugan ng mga salita

 Napagyayaman ang talasalitaan sa pamamagitan ng paggamit ng mga magkasingkahulugan at


magkasalungat na mga salita
 Nakapagsasama ng mga ponema upang makabuo ng mga salitang may dalawang pantig gamit ang
klaster

KAGAMITAN

Ang mga sumusunod ay gagamitin:


1. “Pinagyamang Pluma 3” (aklat)
2. Engagement Activity Charts

KAUGALIANG PAMARAAN

1. Classroom Preparations
2. Mindful Breathing/Core Practice
3. Prayer
4. State/post objectives/goals/expectations for the day.

Bb. Vanj
LP1 FILIPINO 3 Q1 UP1 (Pagpapantig at Klaster)
PAMAMARAAN
I. Pagganyak/Pagbabalik-aral

Ang guro ay magpapakita ng isang recyclable/reusable bag at tatanungin niya ang mga mag-aaral ng
mga sumusunod na katanungan:
 Sino sa inyo ang nakapunta na o pumupunta sa groseri o palengke?
 Sino sa inyo ang nakakita at nakagamit na ng ganitong bag (recyclable/reusable bag)?
 Sino sa inyo ang nakagamit o gumagamit ng ganitong klaseng bag sa halip na plastik o papel
na supot sa pamamili?
 Saan ba gawa ang ganitong klaseng bag? Bakit mahalaga ang paggamit ng ganitong bag sa
halip na plastik o papel na supot sa pamimili?
 Paano nakakatulong ang paggamit ng ganitong bag sa ating kapaligiran?

II. Estratehiya sa Pagtuturo (Four-Pronged Approach)


A. Pagbibigay Kahulugan sa mga Salita / Paglinang ng Talasalitaan
1. magbara (larawan/context clue/flash cards)
(Ang guro ay magpapakita ng larawan ng isang baradong lababo)
“Ano ang nakikita ninyo sa larawan?” (lababo)
(Ang guro ay magdidikit ng papel na may nakasulat na pangungusap. Una niya itong
babasahin pagkatapos ay sabay babasahin ito kasama ang mga mag-aaral at sa huli, ang
mga mag-aaral na lang ang magbabasa nito)
“Araw-araw nililinis ng nanay ni Lorenzo ang kanilang lababo dahil ayaw niyang magbara ito
dahil sa mga dumi na naiiwan sa paglilinis ng mga pinggan.”
“Alin sa mga sumusunod na mga salita ang may parehas na kahulugan ng magbara?” (Ang
guro ay magpapakita ng flash cards)
a. maganda
b. mabilis
c. humarang
“Magaling! Ang salitang magbara ay may parehas na kahulugan sa magbara. Sabihin ng
lahat ang salitang, magbara.” (magbara)

2. iwasan (larawan/context clue/flash cards)


(Ang guro ay magpapakita ng larawan ng isang dagat na may napakaraming isda)
“Ano ang nakikita ninyo sa larawan?” (tubig/dagat)
(Ang guro ay magdidikit ng papel na may nakasulat na pangungusap. Una niya itong
babasahin pagkatapos ay sabay babasahin ito kasama ang mga mag-aaral at sa huli, ang
mga mag-aaral na lang ang magbabasa nito)
“Iwasan ang paggamit ng dinamita sa pangingisda dahil sisirain lamang nito ang yamang
tubig ng bansa.”
“Alin sa mga sumusunod na mga salita ang may parehas na kahulugan ng iwasan?” (Ang
guro ay magpapakita ng flash cards)
a. ipagpatuloy
b. itigil
c. ihanda
Bb. Vanj
LP1 FILIPINO 3 Q1 UP1 (Pagpapantig at Klaster)
“Tama! Ang salitang iwasan ay may parehas na kahulugan sa itigil Sabihin ng lahat ang
salitang, iwasan.” (iwasan)

3. masigla (larawan)
(Ang guro ay magpapakita ng larawan ng isang batang nakangiti)
“Ano ang nakikita ninyo sa larawan?” (batang masaya)
“Tama! Ang bata ay masaya. Siya ay masigla. Sabihin ng lahat ang salitang, masigla.”
(masigla)

4. makataklob (demonstration/context clue)


(Ang guro ay magpapakita ng isang laruang kaldero. Kukunin niya ang takip nito at tatakpan
ang kaldero.Ipaliliwanag niya sa mga mag-aaral na ang takip ay ginamit pang-taklob sa
kaldero)
“Alin sa mga sumusunod na mga salita ang may parehas na kahulugan ng makataklob?”
(Ang guro ay magpapakita ng flash cards)
a.makabago
b.makabilis
c.makatakip
“Tama! Ang salitang makataklob ay may parehas na kahulugan sa makaktakip. Sabihin ng
lahat ang salitang, makataklob.” (makataklob)

5. libre (magkasingkahulugan/magkasalungat)
(Ang guro ay magdidikit ng papel na may nakasulat na pangungusap. Una niya itong
babasahin pagkatapos ay sabay babasahin ito kasama ang mga mag-aaral at sa huli, ang
mga mag-aaral na lang ang magbabasa nito)
“Ang mga kendi sa tindahan ni Aling Kora ay libre.”
“Alin sa mga sumusunod na mga salita ang may parehas na kahulugan ng libre?” (Ang guro
ay magpapakita ng flash cards)
a. walang bayad at ipinamimigay lang
b. may bayad
c. walang bayad pero may kapalit na bagay
“Tama! Ang salitang libre ay may parehas na kahulugan sa walang bayad at ipinamimigay
lang. Sabihin ng lahat ang salitang, libre.” (libre)

B. Paglalahad
Ang guro at ang mga mag-aaral ay babasahin ang kuwento. Ang guro ang magbabasa ng unang
tatlong talata. Sunod ay babasahin niya at ang mga mag-aaral ang tatlong sumunod na mga
tatala nang sabay. At sa huli, ang guro ay magtatawag ng mga mag-aaral para basahin ang
sumunod na talata ng mag-isa.

“Ang Bag ni Kara”


Malapit na ang pasukan. Excited si Kara dahil sinabihan siya ng Nanay na magbihis na.
Aalis kasi sila para bumili ng kanyang mga gamit pang-eskuwela. Paalis na sila nang may
maalala si Nanay. “Kara, sandal lang. Kukuni ko lang ang reusable bag natin,” sabi niya sa anak.
Habang naglalakad palabras ang mag-ina ay nagtanong si Kara. “Ano po ang reusable bag,
Bb. Vanj
LP1 FILIPINO 3 Q1 UP1 (Pagpapantig at Klaster)
Nanay?”
“Ito, Anak, ang bag na karaniwang gawa sa matibay na tela na ginagamit nang paulit-ulit sa
pagsa-shopping o paggo-groseri sa halip na plastik o papel na supot,” ang paliwanag ni Nanay.

“Nay, bakit kailangan pa nating magdala ng bag na tulad nito? Libre naman po ang plastik o
papel na supot, ‘di ba?” ang tanong uli ni Kara.
“Oo, libre nga ang mga ito, Anak, pero kailangan nating iwasan ang paggamit ng plastik
dahil hindi ito mabuti sa kapaligiran. Ang plastik ay hindi basta-basta natutunaw. Nananatili itong
buo sa loob ng daang taon kaya kapag basta itinapon ay maaaring magbara sa mga daluyang
tubig at magresulta ng pagbaha. Maaari rin itong makain o makataklob sa ulo ng mga hayop sa
tubig at maging dahilan ng kanilang pagkamatay,” mahabang paliwanag ni Nanay.
“Ganoon pop ala,” ang sabi ni Kara. “Eh di mas mabuti ang papel na supot, di ba, Inay?”
ang tanong niya uli.
“Alam mo, Anak, ang papel ay galling sa puno. Ibig sabihin, kung mas marami tayong
gagamiting papel ay ams marami ring puno ang kailangan putulin. At hindi lang iyan, mas
maraming enerhiya at tubig ang ginagait sa pagbuo ng papel kaysa sa paggawa ng plastik.
Nakasasama rin ito sa kapaligiran,” sabi uli ni Nanay.
Tahimik na nag-isip si Kara. Marami siyang natutuhan sa mga ipinaliwanag ng ina.
Pagdating nilal sa bookstore ay masiglang namili ang bata ng kanyang mga gamit-
pampaaralan. Napansin ni Nanay na sa halip na pitonng notebook o kuwaderno ay apat lang ang
kinuha niya. “Kulang ang notebook na kinuha mo, Kara,” paalala ni Nanay.
“Nay, may mga pahina pa po sa mga luma kong notebook noong isang taon na hindi ko
nagamit. Tahiin na lang po natin ang gilid tulad ng notebook na ito para makabuo ako ng tatlo
pang notebook. Sayang po kasi ag papel,” nakangiting sabi ni Kara habang ipinakikita ang
notebook na hawak niyang nakatahi ng yarn sa gilid.
Nang magbababyad na sila at ilalagay na sana ng kahera sa supot na papel ang mga binili
ng mag-inaa ay inilabas ni Kara ang dalang reusable bag. “Miss, dito niyo na lang po ilagay ang
pinamili namin. Sayang kasi ang paper bag na iyan. Makabubuti sa kapaligiran kung sa reusable
bag na tulad nito ilalagay ang pinamili,” sabi niya.
Napangiti ang kahera at si Nanay sa sinabi ng bata. Tama si Kara. Kung ang lahat ng tao,
bata man o matanda ay gagawa ng mumunting bagay tulad ng pagdadala ng sariling eco-bag o
reusable bag kapag namimili ay tiyak na bubuti pa ang kalagayan ng ating mundo.

Mga katanungan matapos ang pagbabasa ng kuwento:


1. Ano ang pangalan ng bidang bata?
2. Saan sila pupunta ng kaniyang Nanay?
3. Ano ang kamuntik nang makalimutan dalhin ng kaniyang Nanay?
4. Ano ang reusable bag?
5. Ano ang mangyayari sa kapaligiran kung patuloy na gagamit ng plastik o papel na supot sa
pamimili?
6. Bilang estudyante, ano ang magagawa mo upang mapakita ang pangangalaga sa
kapaligiran?

Ano ulit ang pamagat ng kuwentong ating binasa? (Ang Bag ni Kara) “Ano ang ginamit niya at

Bb. Vanj
LP1 FILIPINO 3 Q1 UP1 (Pagpapantig at Klaster)
ng kaniyang nanay sa paglalagay ng mga pinamili?” (reusable bag) “Tama! Sa araw na ito, ang
mga reusable bag na ito ang magsisilbing orasan natin sa paggawa ng inyong mga gawain na
aking ipaliliwanag maya-maya lamang. (ang guro ay magpapakita ng sampung larawan ng
reusable bag) Sa oras na magamit ang mga bag na ito, oras na para ipasa ang inyong mga
gawa sa akin.”

Engagement Activity Chart 1:


(Ang mga mag-aaral ay didisenyuhan ang reusable bag na ginamit ni Kara at ni Nanay sa
pamimili)

Engagement Activity Chart 2:


(Ang mga mag-aaaral ay pagsusunod-sunorin ang mga pangyayari ng kwento)

___ Si Kara at nanay ay papunta sa bilihan ng gamit pampaaralan upang mamili ng mga gamit.
___ Ginamit ni Kara ang reusable bag na dala sa pamimili.
___ Tinanong ni Kara si Nanay kung bakit mahalaga ang paggamit ng reusable bag sa pamimili.
___ Bumili si Kara ng apat na kuwaderno lamang.
___ Sinabi ni Kara kay Nanay na tatahiin na lang ang tatlo pang kuwaderno para makumpleto
ang pitong kuwaderno na kailangan niya.

Engagement Activity Chart 3:


(Ang mga mag-aaral ay tutukuyin ang mga gawain na makakatulong sa pag-alaga ng
kapaligiran at makakasira rito)

paggamit ng papel na supot


paggamit ng plastik
pagputol ng puno
paggawa ng maraming papel
paggamit ng reusable bag

Engagement Activity Chart 4:


(Ang mga mag-aaral ay kukumpletuhin ang liham ni Kara para sa kaniyang nanay)

Bb. Vanj
LP1 FILIPINO 3 Q1 UP1 (Pagpapantig at Klaster)
Mahal kong Nanay,
Maraming salamat po sa pagtuturo sa akin na mas maganda gamitin ang ________
bag sa pamimili kaysa ________ o ________ na supot. Isa ito sa maraming paraan
upang alagaan ang ________.
Nagmamahal,
________

Matapos mapag-usapan ang mga Engagement Activity Charts, ang guro ay magdidikit sa pisara
ng isang basahin. Una niya itong babasahin pagkatapos ay sabay babasahin ito kasama
ang mga mag-aaral at sa huli, ang mga mag-aaral na lang ang magbabasa nito.

Mula nang matutuhan ni Kara ang kahalagahan ng paggamit ng


reusable bag ay lagi na niyang ipinapaalala sa kanyang nanay ang
pagdadala nito tuwing sila’y mamimili. Dahil dito’y wala na sila halos
ginagamit o itinatapong plastik o papel na bag. Madalas din niyang
paalalahanan ang kaniyang mga kaibigan ang wastong paggamit ng
kapaligiran sa sariling gawain gaya ng pagpatay ng gripo tuwing ito ay
hindi ginagamit at matipid na paggamit sa papel para ang mga trak ay
bawasan ang pagputol ng puno. Malaking tulong ito sa ating
kalikasan.

Isusulat ng guro ang mga salitang nakakahon sa pisara nang papantig. Ipaliliwanag niya na ang
mga salitang nakasulat ay ilan sa mga paraan ng pagpapantig. Ang mga salitang nakasulat sa
pulang kahon ay anyo ng pantig na may klaster.

na – nay plas – tik


ma – mi – mi – li gri – po
pa – pel trak

 Pantig ang tawag sa bawat saltik ng dila o walang antalang bugso ng tinig sa pagbigkas
ng salita. Ito ay binubo ng letra o kombinasyon ng mga letra ngunit lagging may isa
lamang patinig sa bawat pantig.

 Iba’t-ibang kayarian ng pantig:


1. P (patinig) Hal: a-ma, i-sa, u-tos
2. PK (patinig, katinig) Hal: ak-lat, it-log, is-da
3. KP (katinig, patinig) Hal: ba-ta, sa-ma, sa-bi
4. KPK (katinig, patinig, katinig) Hal: dok-tor, bas-ton, bas-ket

 Klaster o kambal-katinig ang tawag sa dalawang pinagsamang katinig na bumubuo ng


isang tunog sa isang pantig. Karaniwang ginagamit ang mga klaster sa mga hiram na

Bb. Vanj
LP1 FILIPINO 3 Q1 UP1 (Pagpapantig at Klaster)
salita.

 Mga anyo ng pantig na may klaster:


1. PKK (patinig, katinig, katinig) Hal: blo-awt, eks-tra
2. KKPK (katinig, katinig, patinig, katinig) Hal: trum-po, trak, tren
3. KPKK (katinig, patinig, katinig, katinig) Hal: nars, kard, air-port
4. KKPKK (katinig, katinig, patinig, katinig, katinig) Hal: trans-por-tas-syon, tsart

Matapos ipaliwanag ang aralin, ang klase ay mahahati sa apat na grupo. Magtatawag ang guro
ng isang grupo para lumapit sa kanya at magsagot ng ilang pagsasanay. Ang tatlong grupong
matitira ay magsasagot din ng pagsasanay sa libro habang hinihintay ang kanilang taon na
tawagan ng guro para sumagot sa ilang pagsasanay niya.

Grupo Gawain
matatawag na grupo 1. Ang bawat miyembro ng grupo ay bubunot ng isang
papel sa lalagyan. Bubuksan ito at ibibigay ang
tamang pagpapantig at anyo ng salita.
2. Ang bawat miyembro ng grupo ay bibigyan ng isang
salitang klaster at sila ay inaasahang magamit ito
sa isang makabuluhang pangungusap.
matitirang grupo Sagutan ang p. 4-5 Payabungin Natin A at B

III. Pagsasanay
A. Sariling Pagtatasa
Ang mga mag-aaral ay sasagot ng mga pagsasanay sa libro.

B. Mapaghugis na Pagtatasa
Ang mga mag-aaral ay sasagot ng mga pagsasanay sa libro at mga gawain na ang guro mismo
ang magsasagawa.

C. Lagumang Pagtatasa
Pagsusulit tungkol sa pagpapantig at klaster.

IV. Paglalahat
A. Paglalagom
Tatanungin ng guro ang mga estudyante kung ano ang kanilang natutuhan. Kanilang babalikan
ang mga layunin at tutukuyin kung lahat ng ito ay naisagawa.

B. Anunsyo/Paalala

C. Pagtatapos na Gawain

Bb. Vanj
LP1 FILIPINO 3 Q1 UP1 (Pagpapantig at Klaster)
PAGPAPAHALAGA

(CIVITAS/ CARITAS/ SAPIENTIA)


Ang mga mag-aaral ay pag-iisipan at pagninilayan ang tanong na ito: “Bilang estudyante, ano ang
magagawa mo upang mapakita ang pangangalaga sa kapaligiran?” 

TAKDANG-ARALIN
Aralin: Pagpapantig at Klaster
 Basahin ang p.12-13 at p.31.
 Sagutan ang p.13-14 Madali Lang Yan A at B; p. 32-33 Subukin Pa Natin

Bb. Vanj
LP1 FILIPINO 3 Q1 UP1 (Pagpapantig at Klaster)

You might also like