Professional Documents
Culture Documents
Alamat ng Thailand
Alamt ni Prinsesa Manorah salin ni Dr. Romulo N. Peralta
Pang-abay na Pamanahon
Pamantayang Pangnilalaman
Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa at pagpapahalaga sa alamat sa tulong ng
teknolohiya at mga pang-abay na pamanahon.
Mahalagang Pag-unawa
Mahalagang pag-aralan ang alamat upang maihambing ito sa maikling kuwento o sa iba pang uri
ng panitikan.
Nakatutulong ang pang-abay na pamanahon sa pagsasalaysay ng isang alamat.
Pamantayan sa Pagganap
Naisasalaysay nang masining ng mag-aaral ang isang alamat na sariling katha.
Pag-unawa sa Napakinggan
Nabibigyangkahulugan ang kilos, gawi,karakter ng mga tauhan batay sa usapang napakinggan.
Pag-unawa sa Binasa
.> Napatutunayan ang pigging makatotohanan/ di makatotohanan ng akda.
Paglinang ng Talasalitaan
Nabibigyang kahulugan ang mga salitang hiram batay sa pagkakagamit sa pangungusap.
Panonood
Nabubuo ang balangkas ng isa sa pinanonood na alamat
Pagsasalita
Naitatanghal sa pamamagitan ng pagbabalita ang binuong sariling wakas.
Pagsulat
Naisusulat ang sariling wakas batay sa huling pangyayari o sa naging wakas ng alamat.
Gramatika/Retorika
Nagagamit babf wasto ang pang-abay na pamanahon sa alamat.
TUKLASIN
B. Proseso ng Pampagkatuto
C. Panimulang Gawain
> Paggamit ng isang video na may pamagat na “ Adarna” at maaaring itanong ang mga ss.
1. Bakit naiiba ang pangunahing tauhan sa palabas?
2. Anong uri ng akdang pampanitikan ang iyong napanood?
D. Pagpapasagot ng guro sa mga mag-aaral tungkol sa bawat titik sa ibaba.
T- TAUHAN
H- HANDOG
A- ALAMAT
I- INSPIRASYON
L- LAWIN
A- ADARNA
N- NAGMAHAL
D- DARNA
E. Pagbibigay ng guro ng pangkatanggawain.
Pangkat 2- Dula
Pagpapakita ng isang alamat mula sa bansang Thailand sa pamamagitan ng isang dula.
Pangkat 3- Simbolismo
Pagpapaliwanag sa kahalagahan ng alamat sa isang bansa.
F. Pagbubuo ng sintesis
Dugtungan ng mga salita ang bawat titik sa ibaba.
A-
L-
A-
M-
A-
T-
LINANGIN
A. Mga Tiyak na Kasanayang Pampagkatuto
1.Nabibigyang-kahulugan ang mga salitang ginamit sa akda.
2. Natutukoy ang mga kasipan at pagpapahalaga mula sa akdang tinalakay.
3. Naipapaliwanag ang mga piling pahayag mula sa mga napanood o nabasa na tungkol sa pag-
ibig.
B. Proseso ng Pampagkatuto
C. Panimulang Gawain
> Pagpapanood ng bahagi ng programang pantelebisyon na” Mulawin” at maaaring itanong ang mga
ss.
1. Ano ang pinagkaiba ng mga pangunahing tauhan sa ibang programang pantelebisyon?
2. Bakit marami ang tumatangkilik sa mga ganitong programang pantelebisyon?
E. Paglinang ng Talasalitaan sa tulong ng pagbibigay kahulugan sa mga salitang ginamit sa akda gaya
ng mga ss.
Salita Kahulugan
a. kinnaree
b. sisne
c.nakubli
d.meditasyon
e. napadako
F. Pagtalakay sa akdang “ Ang Alamat ni Prinsesa Manorah” sa pamamagitan ng pagpili sa mga uri ng
ibon at pagpapasagot sa mga tanong ditto.
G. Pagbubuo ng sintesis sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga pahayag ng kilalang tao o pansarili
tungkol sa pag-ibig at pagpapaliwanag.
PAGPAPALALIM
A. Mga Tiyak na Kasanayang Pampagkatuto
1. Napipili ang mga salitang nagsasaad ng oras o panahon.
2. Nalalaman ang kahulugan at kahalagan ng pang-abay sa pangungusap.
3. Nakabubuo ng mga pangungusap na may pang-abay.
B. Proseso ng Pampagkatuto
C. Panimulang Gawain
Pagpapabasa ng isang talata at pagtukoy sa mga salitang nagsasaad ng oras o panahon.
Ang pang-abay na pamanahon ay nagsasaad kung kailan naganap o magaganap ang kilos na
taglay ng pandiwa. Mayroon itong tatlong uri: may pananda, walang pananda, at nagsasaad ng
dalas. Halimbawa ng may pananda ang nang, sa, noon, kung, kapag, tuwing, buhat, mula, umpisa,
at hanggang. Halimbawa ng pangungusap na may pang-abay na pamanahon na mayroong
pananda ang "Kailangan mo bang pumasok nang araw-araw?". Ang walang pananda ay mayroong
mga salitang katulad ng kahapon, kangina,kanina, ngayon, mamaya, bukas, sandali, at iba pa.
Halimbawa ng pangungusap na may pang-abay na pamanahon na walang pananda ang
"Manonood kami bukas ng pambansang pagtatanghal ng dulang Pilipino." Ang pang-abay na
pamanahon na nagsasaad ng dalas ay mayroong mga salitang katulad ng araw-araw, tuwing
umaga, taun-taon, at iba pa. Isang halimbawa ng paggamit na ganito ang "Tuwing buwan
ng Mayo ay nagdaraos kami sa aming pook ng santacruzan.
Pangkat Berzelius Darwin at Burbank
a. kung_______________________________________________________________________________
b. kahapon____________________________________________________________________________
c. araw-araw__________________________________________________________________________
d. mamaya____________________________________________________________________________
e. umpisa_____________________________________________________________________________
Panahon Gawain
Linggo
Lunes
Martes
Miyerkules
Huwebes
Biyernes
Sabado
ILIPAT
A. Mga Tiyak na Kasanayang Pampagkatuto
B. Proseso ng Pampagkatuto
C. Panimulang Gawain-Pinoy Henyo
> Pagtukoy sa mga pamagat ng Alamat sa Pilipinas sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga
palatandaan.
D. Pagbibigay ng gawain.
Komistrip
Gumawa ng sariling poster ng iyong pamagat at bumuo ng maiksing usapan sa tulong ng mga
pang-abay na pamanahon.
Pamantayan
Orihinal na Kwento- 40%
Biswal- 30%
Wastong Gamit ng Wika-30%
_________________________
Kabuuan- 100%
Petsa:______________________________________
Puno ng Kagawaran