You are on page 1of 2

Jamirl Rose C.

Dela Cruz
12- St. Scholastica

Ang Balite Elementary School ay nakapaloob sa Balite, Malasiqui, Pangasinan. Kung hindi ako
nagkakamali, ito ay binubuo ng mga mag aaral na humigit kumulang 108, at ang kanilang mga
edad ay, 6 hanggang 17 taong gulang. Isa sa mga pangunahing suliranin ng skwelahan na ito ay
ang mga matataas na puno ng mahogany sa tabi ng mga silid aralan. Napapaligiran ito ng
napakaraming mga matataas na puno ng mahogany na pwedeng magdulot ng pinsala at pagkasira
sa gusali ng paaralan lalo na sa mga mag aaral dahil sa bagyo o iba pang uri ng kalamidad.
Ikinakabahala ito ng mga guro at punong guro dahil kapag may dumarating na bagyo ay para na
itong malapit bumagsak, at kapag nangyari iyon, maaaring mabagsakan ang mga gusali ng
skwelahan ganon na rin ang mga taong namamahala at pumapasok roon.

Ang layunin ay upang mapanatili ang kaligtasan ng karamihan lalo na sa paaralang ito.
Ipatanggal o ipaputol ang mga matataas na puno na malapit sa mga gusali ng paaralan at
papalitan na lamang ito sa pamamagitan ng pagtatanim ulit ng bagong puno ngunit hindi na ito
itatanim sa malapit sa gusali ng paaralan. Ito ay para sa kabutihan at kaligtasan ng mga tao na
pumapasok doon at para maiwasan na magkaroon ng pinsala at pagkasira.

Narito ang dalawang plano o solusyon na gagawin para sa suliraning ito na kinakaharap ng
Balite Elementary School. Ito ay napag usapan ng lahat ng guro kabilang ang mga PTA officers
o Parents - Teachers’ Association.
Unang solusyon: Kinakailangang kumuha o humingi ng permiso at aprobasyon galing sa
Community Environment and Natural Resources Office, Dagupan City (CENRO Dagupan) bago
isagawa ang pagputol ng 30 puno ng mahogany sa tabi ng gusali ng paaralan ng Balite at para na
rin hindi sila malagay sa ilegal na gawain.
Pangalawang solusyon: Kapag ang pagputol sa mga puno ay naisagawa na, palitan ito o
magtanim ulit ng panibago. Ilayo na lamang ito sa mga gusali ng paaralan ng Balite. Sa paraang
ito, hindi lamang tayo nakatulong sa mga mag aaral, guro at mga magulang kun’di pati na rin sa
ating kalikasan.
Jamirl Rose C. Dela Cruz
12- St. Scholastica

Isa sa mga suliranin sa Taloyan, Malasiqui, Pangasinan na dapat sana’y matagal ng na-
solusyonan ay ang mababang tulay na malapit lang sa amin. Kapag nagkakaroon ng napakalakas
na ulan ay nagkakaroon din ng matinding pagbaha sa aming lugar. Dahil dito ay umaapaw ang
baha hanggang sa ibabaw ng tulay dahil nga ito ay mababa lamang at walang kahit anumang
harang. Naging saksi ako tuwing nangyayari ito sapagkat kami nga ay malapit lamang sa tulay na
ito. Sa tuwing umaapaw ang baha sa ibabaw ng tulay, hindi maaaring makadaan o makatawid
ang mga sasakyan at mga tao dahil pwedeng silang mahulog o dumulas sa ibaba ng tulay na
iyon. Napaka delikado nito lalo na sa mga tao rito sa Taloyan kung kaya’t nararapat na ito’y ma-
solusyonan na at pagtuunan ng pansin para sa kaligtasan ng mga nakatira sa Taloyan, Malasiqui,
Pangasinan.

Ang layunin ng proyektong ito ay maiwasan ang anumang kapahamakan at siguraduhin ang
kaligtasan ng mga tao kabilang kami at ang pamilya ko. At isa pa, matagal na itong suliranin na
ito ngunit hinahayaan lamang at pinapalagpas ng mga namumuno sa aming baranggay. Kaya ang
isa pang layunin ng proyektong ito ay ma- solusyonan na ang matagal na problema ng aming
baranggay.

Narito ang dalawang solusyon:


Una, kinakailangang magkaroon ng pagpupulong ang mga namamahala sa Taloyan upang
magkasundo, magkaisa at mangalap ng sapat na pondo para ipagawa ang mababang tulay.
Kinakailangan muna ng suporta upang matuloy ito at maisagawa ng maayos.
Pangalawa, kinakailangan kumuha ng mga masisipag na tao para gawin ito. Kailangan lagyan ng
harang o mas pataasin pa ang tulay nang sa gayon ay hindi na umapaw ang baha sa ibabaw nito
at para na rin maiwasan ang disgrasya. Ito ay makabubuti para sa kaligtasan ng mga tao na
daraan dito para na rin makaiwas sa anumang kapahamakan.

You might also like