You are on page 1of 3

Panukala sa Paglilinis at Pagtatanim ng Puno sa

Barangay Diaz, Bautista, Pangasinan


Panukala sa Paglilinis at Pagtatanim ng Puno sa Barangay Diaz,
Bautista, Pangasinan

I. Pagpapahayag ng Suliranin
Isa ang barangay Diaz sa lungsod ng Bautista sa mga lugar na madalas ang baha na
nagdudulot ng perwisyo sa mga taong malapit at naninirahan rito. Ang barangay Diaz,
Bautista, Pangasinan ay may roong ilog na nagiging dahilan ng mabilis na pagbaha rito lalo na
sa panahong tag ulan.

Ang tulay Diaz ay isa sa mga daanan na nagcoconekta sa Barangay Villa. Papuntang Diaz na
dinadaanan ng ibang mga studyante kapag pumapasok sa paaralan. Ang simpleng pagbaha
nito ay napakalaking pasakit sa mga studyante na sa tulay ng Diaz lamang umaasa upang
makapasok sa paaralan.

Bukod sa baha na dulot ng tag ulan, isa pa sa nakikita naming problema sa Barangay Diaz ay
ang maduming paligid na nagpapahirap sa daloy ng tubig papuntang mga taniman o ilog. Ang
pagbara ng basura sa mga daanan ng tubig ay nagreresulta ng stagnant water na bumabaho
kung tumatagal.

Ang isa sa sa mga nakikita naming problema kung bakit madalas ang pagbaha sa barangay
Diaz ay hindi sapat o kulang ang mga puno na nakatanim sa barangay Diaz, Bautista,
Pangasinan na nagdudulot ng baha, mahinang kapit ng lupa, matagal na paghupa ng tubig
baha, at iba pa.
Bukod sa baha isa pa sa suliranin ng barangay Diaz ay ang napaka duming paligid na
sumisiksik sa mga butas butas na bumabara sa dadaanan ng baha.
II. Layunin
Bilang isang estudyante at mamamayan sa isang komunidad, nararapat na isaisip ng mga
kabataan ang kagandahan at kaayusan ng lugar na kanilang tinitirahan. Mula sa mga maliliit
na halaman hanggang sa malalaking puno, nararapat na pagmasdan nila ang kaaya- ayang
estruktura ng mga ito. Sa berdeng kulay ng mga dahon, kaaya-aya silang tignan, lalo na kung
sabay-sabay silang sumasayaw sa ihip ng hangin. Hindi maipagkakailang maramingmga tao
ang di alam ang kahalagahan ng puno
III. Plano na Dapat Gawin
Ang plano na dapat gawin sa panukalang ito ay:
- Humingi ng pahintulot sa Barangay bago gawin ang proyekto
- Alamin kung saang eksaktong lugar gagawin ang proyekto
- Magtakda ng exacting araw at oras kung kelan sisimulan ang panukalang proyekto
- Alamin kung sino-sino ang mga sasama na tutulong

IV Badyet
Mga kakailanganin Halaga

V Benepisto ng Proyekto at mga Makikinabang


Ang mga makikinabang sa proyektong ito ay ang mga residente ng Barangay Diaz, Bautista,
Pangasinan. Makakatulong nag proyektong ito sa kapaligiran, mga tao naninirahan dito, at sa
panahon ng kalamidad. Ang puno itatanim ay magsisilbing tagasipsip ng tubig upang maiwasan ang
lubhang pagbaha o mapapabilis sa paghupa ng baha. Ang paglilinis ng kapaligiran ay makakatulong
upang matangal ang mga nakaharang na basura sa daluyan ng tubig.

You might also like