You are on page 1of 13

PAKIKIPAGKALAKALAN NG SINAUNANG PILIPINO

Sistemang Barter

 Ang barter ay ang palitan ng paninda na hindi ginagamit


ng pera o salapi.
 Karaniwang ang bagay na kinakalakal o pinagpapalitan ay
kasinghalaga ng halaga sa salapi, subalit walang ginagamit o
walang pagpapalitan o suklian ng perang nagaganap, mga bagay
lamang.
 Samakatuwid, palitan lamang ito ng kalakal o palitan ng paninda.
 Ang ating mga ninuno ay may pakikipagkalakalang panloob
noong unang panahon.

 Ipinagpapalit lamang nila ang kanilang kalakal sa


ibang kalakal.

 Ang ating mga ninuno na naninirahan sa


kapatagan ay nakikipagpalit ng kanilang mga
alagang kambing at ani na bulak at bigas sa
mga nahuling isda at nagawang asin ng mga
nakatira sa may baybayin-dagat
PAKIKIPAGKALAKALAN SA
PANAHON NG KOLONYALISMO
Sa huling bahagi ng Panahon ng Bakal, ang mga sinauna ng
Pilipino ay nakipagkalakalan sa mga mamayanan ng mga
kalapit na bansa.
 Naging masigla ang dayuhang kalakalan dahil sa higit na
mainam ang transportasyong pandagat. Bunga nito, napayaman
ang kulturang Pilipino dahil sa pakikipag-ugnayan sa mga
dayuhan.
 Sa maliit na nayon o barangay nakasentro ang
pakikipagakalakalan ng mga Pilipino sa mga dayuhan.
 Isinasakay ang mga produkto sa mga Bangka tulad ng
caracoa, balanghai, tapaque at vinta upang madaling
makarating sa iba’t-ibang pamyanan.
MAYNILA - Tanyag na sentro ng kalakalan noon. Mas
kilala sa tawag na Tondo
ILOG PASIG - isa sa naging daan upang madaling
madala ang mga paninda mula sa Maynila patungo
sa iba’t-ibang pamayanan.

PRODUKTONG IKINAKALAKAL NOON


-palay -torso
-isda -ginto.
-kopra -niyog
GINTO, PILONCITOS, O KABIBE
-gamit ng mga mangangalakakal na Pilipino
bilang pambayad sa mga produkto.

May sistema rin sila ng pagsukat o pagtimbang


ng mga paninda.
KALAKALANG GALEON
(INGLES: GALLEON TRADE)
KALAKALANG GALEON/ KALAKALANG GALYON

isang uri ng kalakalan na nagmumula


sa Mehiko papunta sa Pilipinas, at pabalik, na
isinasagawa noong Panahon ng Kastila sa
Pilipinas. Ang mga produkto ay isinasakay sa
mga galyon ng Maynila o kaya sa galyon ng
Acapulco
1. Ano ang sistemang barter?

2. Ano ang ginagamit ng mga sinaunang Pilipino bilang pambayad sa kalakal?

3. Paano natutuhan ng mga sinaunang Pilipino na makipagpalitan ng kalakal


sa kalapit bansa?

4. Bukod sa pagkakaroon ng ibang kalakal/kagamitan, ano pa ang naidulot ng


pakikipagkalakal ng mga Pilipino sa ibang bansa?
• Ang mga sinaunang Pilipino ay gumamit ng sistemang barter,
imbes na salapi o pera ang gamitin na pambayad ay nagkakaroon
lamang ng pagpapalitan ng kalakal.

• Sa pagpasok ng kolonyalismo nabuksan ang Pilipinas sa


pakikipagkalalakal sa mga kalapit na bansa, gamit ang mga
sasakayang pandagat, nakakarating sa iba’t-iabang lugar an fating
mga produkto. Naging bukas ang Pilipinas sa malayang kalakalan.

• Hindi naging maganda ang dulot ng kalakalan sa panahon ng


kolonyalismo sa dahlia ang mas malaking bahagi ng kita sa
kalakalan ay napupunta sa mga dayuhan na namamahala sa
Pilipinas, lalong naghirap ang mga Pilipino.
Isulat kung TAMA o MALI ang isinasaad ng sumusunod na
pangungusap. Isulat ang sagot sa notbuk.
1. Ang sistemang barter ay pagpapalitan ng kalakal na hindi
ginagamitan ng pera o salapi.
2. Ang siatemang barter ay ginamit ng mga sinaunang Pilipino
bago pa man dumating ang mga mananakop.
3. Nagdulot ng masagang pamumuhay sa mga Pilipino ang
pagpasok ng kalakalan sa panahon ng kolonyalismo.
4. Ang pakikipagkalakalan sa kalapit bansa ay nagbigay daan
upang makipag-ugnayan ang mga Pilipino sa ibang lahi at
maimpluwensyahan ang kanilang pamumuhay.
5. Ang malayang kalakalan ay lalong nagpahirap sa mga sinaunang
Pilipino dahil napabayaan ng mga opisyal ng pamahalaan ang
kaninilang trabaho sa kagustuhan na magkaroon ng mas malaking
kita.

You might also like