You are on page 1of 6

IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT SA ARALING PANLIPUNAN V

Pangalan: ______________________________ Gr. & Sec. : ___________ Iskor: _______


Basahing mabuti ang bawat tanong at bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Ano ang nagging tugon ng mga Igorot sa patakaran ng mga Espanyol?
A. Sinunod nila ang mga ito C. Sinuway nila ang patakaran
B. Masaya nila itong tinanggap D. Wala silang ginawa
2. Ano ang ibig sabihin ng pangangayaw ng mga Igorot?
A. Ito ay tradisyon ng pagpapakasal.
B. Ito ay tradisyon ng pamamanhikan.
C. Ito ay tradisyon ng paglibing ng isang patay.
D. Ito ay tradisyon ng pakikidigma at pagpugot ng ulo sa kaaway.
3. Sino ang namumuno sa mga Boholano sa kanilang pag-aalsa laban sa mga Espanyol?
A. Francisco Dagohoy C. Jose Rizal
B. Andres Bonificaio D. Lapulapu
4. Bakit nilisan ng mga misyonerong prayle ang Cordillera?
A. dahil wala ng nakatira ditto
B. dahil nasakop na nila ang lugar na ito
C. dahil napagod na silang ipalaganap ang kristiyanismo]
D. dahil natakot sila sa pangangayaw o headhunting ng mga Igorot
5. Ano ang ibig sabihin ng jihad?
A. banal na digmaan laban sa mga Espanyol
B. banal na seremonya ng pagpapakasal
C. banal na pagdiriwang ng mga Muslim
D. banal na pagdiriwang ng mga Igorot
6. Sino ang namumuno sa kauna-unahang banal na digmaan laban sa mga Espanyol?
A. Diego Silang C. Rajah Humabon
B. Francisco Dagohoy D. Sultan Kudarat
7. Bakit mas pinili ng ibang katutubong pangkat ang tumira sa kabundukan kaysa
kapatagan?
A. dahil gusto nilang gumawa ng bahay sa itaas ng punongkahoy
B. dahil gusto nilang lumanghap ng sariwang hangin sa kabundukan
C. dahil gusto nilang magtanim ng mga bungangkahoy sa kabundukan
D. dahil gusto nilang makaiwas sa pang-aalipin at di makataong patakaran ng mga
Espanyol
8. Bakit napilitang lumagda sa kasunduan ang mga Muslim?
A. Natakot sila na hindi na maibabalik sa kanila ang kanilang mga bahay
B. Natakot sila na hindi na maibabalik sa mga sultan ang kanilang kabisera
C. Natakot sila na hindi na maibabalik sa kanila ang kanilang mga sandata
D. Natakot sila na hindi na maibabalik sa kanila ang kanilang mga sakahan
9. Bakit nilisan ng mga Espanyol ang Mindanao?
A. dahil inutos ni gobernador-heneral na lisanin na nila ang Mindanao
B. dahil lumaban at nakikipagdigma ang mga Muslim sa kanila
C. dahil wala na silang gusto na manirahan sa Mindanao
D. dahil hindi na nila gustong sakupin ang Mindanao
10. Paano natin maipapakita ang pagpapahalaga sa ginawang pakikipaglaban ng mga
Igorot at Muslim sa mga Espanyol?
A. sa pamamagitan ng pagsamba ni Allah
B. sa pamamagitan ng paggalang ng kanilang kultura at relihiyon
C. sa pamamagitan ng pagsuot ng mga kasuotan ng mga Igorot
D. sa pamamagitan ng pagsuot ng mga kasuotan ng mga Muslim
11. Sino ang naging mapang-abuso at mapaniil ang pangangasiwa sa Pilipinas?
A. Amerikano B. British C. Espanyol D. Pilipino
12. Ano ang naging resulta ng pagiging mapang-abuso ng mga Espanyol sa Pilinas?
A. Napamahal ang mga Espanyol ng mga Pilipino
B. Nagiging magkaibigan ang mga Pilipino at Espanyol
C. Tinanggap nila nang walang pag-aalinlangan ang mga Espanyol
D. Nagdulot ng kaguluhan at pag-aalsa sa iba’t ibang panig ng bansa
13. Sino ang mga nangamkam ng lupa at nang-aabuso sa agraryo?
A. mga guro B. mga prayle C. mga rebelde D. mga sundalo
14. Kailan sumiklab ang pag-aalsa sa Lian at Nasugbu, Batangas?
A. 1745 B. 1747 C. 1748 D. sa pagitan ng 1745 at 1748
15. Sino ang umukopa sa Maynila noong 1762?
A. Amerikano B. British C. Espanyol D. Pilipino
16. Ano ang tawag sa tunggalian ng mga bansa sa Europe?
A. Seven Years War C. Three Years War
B. Six Years War D. World War
17. Kailan tuluyang nasakop ng British ang Maynila?
A. Nobyembre 6, 1762 C. Oktubre 6, 1762
B. Nobyembre 11, 1762 D. Oktubre 11, 1762
18. Ano ang nangyayari noong 1882?
A. Rebelyon sa Laoag
B. Pag-aalsa sa Ituy at Paniqui
C. Pagpapatupad sa Monopolyo ng Tabako
D. Tuluyang ipatigil ang operasyon sa monopolyo ng tabako
19. Ano ang maituturing na isa sa mga pinakatanyag nap ag-aalsang panrelihiyon?
A. Rebelyon sa Laoag
B. Pag-aalsa sa Ituy at Paniqui
C. Pag-aalsa ni Hermano Pule
D. Pag-aalsang Agraryo noong 1745
20.Paano ipinapakita ng mga Pilipino ang kanilang pagiging Makabayan sa panahon ng
pagsakop ng mga Espanyol sa Pilipinas?
A. Tinanggap kaagad ang mga Espanyol sa mga Pilipino
B. Nagkaroon ng kasunduan ang mga Pilipino at Espanyol
C. Nagkaroon ng tanda ng pagkakaibigan ang Pilipinas at Espanya
D. Nagkakaroon ng pag-aalsa sa iba’t ibang panig ng bansa dahil tinutulan nila ang
pagmamalabis ng mga Espanyol
21. Sinong Gobernador Heneral na nagtanggal ng mga pribilehiyong
ipinangako ni Gobernador-Heneral Miguel Lopez de Legazpi sa kaanak ni
Lakandula?
A. Gobernador-Heneral Guido Lavezares
B. Gobernador-Heneral Fernando de Silva
C. Gobernador-Heneral Sabiniano Manique de Lara
D. Gobernador-Heneral Francisco de Tello de Guzman
22. Anong taon isinagawa ang Pag-aalsa ng mga Igorot?
A. 1601 B. 1621 C. 1663 D. 1718
23. Sinong babaylan na pinaniniwalaang gumamit ng mahika at katuwang ni
Datu Bancao?
A. Bancao B. Itneg C. Pagali D. Tamblot
24. Sa anong lugar dating cabeza de barangay si Francisco Dagohoy?
A. Bohol B. Cavite C. Ilocos D. Pangasinan
25. Sino ang nagtatag ng samahang Confradia de San Jose?
A. Apolinario dela Cruz C. Francisco Rivera
B. Francisco Dagohoy D. Miguel Lanab
26. Sino ang kasama ni Magalat sa pagtutol sa mga di-makatuwirang paniningil ng buwis
ng mga Espanyol?
A. Alipin B. Asawa C. Kaibigan D. Kapatid
27. Anong patakaran ng polo y servicio ang hindi sinunod ng mga Espanyol na
pinag-ugatan ng pag-aalsa nina Augustin Sumuroy?
A. Kinumpiska ang kanilang mga ari-arian
B. Bininyagan ng Kristiyanismo ang mga Waray
C. Binayaran ng wasto ang mga produkto ng mga katutubong Waray
D. Ipinadala sa mga pagawaan ng barko sa Cavite, malayo sa kanilang lugar
ang mga Waray
28. Anong pag-aalsa ang nag-ugat sa hindi pagbabayad ng mga Espanyol ng
kaukulang sahod sa libo-libong katutubong nagtatrabaho sa pagawaan ng barko?
A. Pag-aalsang Agraryo sa Katagalugan C. Pag-aalsa ni Malong
B. Pag-aalsa ni Ladia D. Pag-aalsa ni Maniago
29. Sino ang pumaslang kay Diego Silang?
A. Gabriela Silang C. Pedro Almazan
B. Miguel Vicos D. Pedro Ambaristo
30. Ano ang tawag sa isang uri ng alak mula sa tubo?
A. Asin B. Basi C. Mais D. Palay
31. Ano ang kahulugan ng salitang “Igorot”?
A. bundok C. taga- bulubundukin
B. bulubundukin D. mataas na kabundukan
32. Ang mga sumusunod ay ang mga dahilan sa pananakop sa mga Igorot, maiban sa isa.
A. ginto C. Polo y Servicio
B. Kristiyanismo D. Monopolyo ng Tabako
33. Sino sa mga sumusunod ang ipinapadala ni Legazpi upang siyasatin ang mga gintong
ibenebenta ng mga Igorot?
A. Juan de Salcedo
B. Padre Esteban Marin
C. Miguel Lopez de Legazpi
D. Gobernador Heneral Jose Basco y Vargas
34. Bakit pinaigting ang paghahanap ng mga ginto sa pagsiklab ng Thirty Years War?
A. Dahil gusto nilang gumawa ng maraming palamuti katulad ng singsing at
kwentas.
B. Dahil gusto nilang may magamit na pera para pantustos sa digmaan.
C. Dahil gusto nilang matugunan ang matinding pangangailangan.
D. Dahil gusto nilang kumita ng Malaki.
35. Alin sa mga sumusunod ang dahilan ng paghinto ng pagmimina ng mga ginto sa
Cordillera.
A. Ayaw na ng mga Espanyol ng ginto
B. Tinamad ang mga Igorot na magmina ng ginto.
C. mababang kalidad ng ginto lamang ang nanggaling dito.
D. Gusto ng mga Espanyol na iba naman ang kanilang imimina.
36. Paano mo ilarawan ang reaksiyon ng mga Igorot tungkol sa Kristiyanismo?
A. Gustong-gusto ito ng mga Igorot.
B. Nagpabinyag kaagad ang mga Igorot.
C. Nagpasakop kaagad sila sa mga Espanyol upang maging Kristiyanismo
D. Hindi nagpabinyag ang mga Igorot at katunayan nito dinakip nila ang mga
Paring Espanyol at pinatay.
37. Alin sa mga sumusunod ang HINDI dahilan kung bakit hindi nagtagumpay ang
mga paring Espanyol na sakupin at gawin Kristiyano ang mga Igorot?
A. Nagkaroon ng kakulangan ng misyonerong pari ipadala sa lalawigan.
B. Naging mahirap tunguhin ang madalas na bulubundukin ng Cordillera.
C. Naging mahirap sa mga sundalong Espanyol ang lupigin ang mga Igorot.
D. Nagpabinyag ang mga Igorot at sunod-sunuran sila s autos ng mga
Espanyol.
38. Ano ang itinatag ni Gobernador -Heneral Jose Basco y Vargas upang mabantayan
ang mga Igorot at susunod na sila sa utos ng mga Espanyol?
A. Thirty Years War C. Monopolyo ng Tabako
B. Tribus Independientes D. Comandancia del Pais de Igorrotes
39. Ano ang reaksiyon ng mga Igorot sa monopolyo ng tabako?
A. Sumunod sila sa utos ng mga Espanyol
B. Ibenenta ang kanilang mga tabako sa ahente ng pamahalaan
C. Dahil kadalasang dinadaya sila ng mga ahente ibenenta nila ang tabako ng
patago sa ibang mangangalakal.
D. Kahit na ayaw nila sa mga Espanyol, wala silang magawa kundi magtanim
pa rin ng tabako at ibenta sa pamahalaaan.
40. Bakit itinatag ang “divide and rule policy”?
A. Dahil gusto ng mga Espanyol na bigyang kalayaan ang mga Igorot.
B. Dahil gusto ng mga Espanyol na pahirapan ang mga Igorot.
C. Dahil gusto ng mga Espanyol na maging Kristiyano ang mga Igorot.
D. Dahil gusto ng mga Espanyol na pagwatak-watakin ang mga katutubo upang hindi na
sila magkaisa laban sa Espanyol.

You might also like