You are on page 1of 2

DIVISION OF CAGAYAN DE ORO CITY


LEARNING ACTIVITY SHEET (LAS)
GRADE 7 (ARALING PANLIPUNAN)

Name: Date: Score:


Subject : ARALING PANLIPUNAN 7
Lesson Title : Kolonyalismo at Imperyalismo ng mga Kanluranin sa ika-16 at ika-17 siglo
Learning Competency : Nasusuri ang mga dahilan, paraan at epekto ng kolonyalismo at imperyalismo
ng mga Kanluranin sa unang yugto (ika-16 at ika-17 siglo) pagdating nila sa
Silangan at Timog-Silangang Asya

Reference: LAS No.: 1


Asya Pag-usbong ng Kabihasnan (Batayang Aklat sa Araling Panlipunan), Mateo et.al.
KAYAMANAN: Araling Asyano (Batayan at Sanayang Aklat sa Araling Panlipunan),
Samson et.al.
www.britannica.com/history-of-SoutheastAsia/patterns-of-colonial-age
www.digitalhistory.uh.edu

CONCEPT NOTES:
Sa pagpupunyagi ng mga Kanluranin na matuklasan ang daan patungong Spice Island, narating nila ang Silangan at
Timog-Silangang Asya bahagi ng Asya. Sa pagkakataong ito, natuklasan ng mga Kanluranin hindi lamang ang yaman ng rehiyon,
higit sa lahat, natuklasan din nila ang kakayahan ng mga bansa sa rehiyon bilang mga bagong pamilihang mapagluluwasan ng
kanilang mga produkto.

Sa loob ng mahabang panahon ay mayroon ng ugnayan ang Silangang Asya sa mga bansang kanluranin dahil sa mga
sinaunang rutang pangkalakalan. Bagama’t maraming naghangad na ito ay masakop, hindi gaanong naapektuhan ang
Silangang Asya ng unang yugto ng imperyalismong kanluranin dahil na rin sa matatag na pamahalaan ng mga bansa dito.

Ang panahon ng paggalugad at pagtuklas ay nagsimula noong ika-15 siglo. Noong simula, ang pakay ng mga taga-
Kanluranin ay humanap ng bagong ruta patungo sa Asya upang sirain ang monopolyo ng mga Italian at maiwasan ang unang
ruta na kontrolado ng ng mga Seljuk Turk.

Malaking tulong ang ibinigay ng mga pagbabago sa paglalayag. Unang nakarating sa Asya ang Portugal, sinundan ng
Spain. Sa pagsapit ng ika-17 siglo, nagsagawa rin ng sarili nilang paggalugad at pagtuklas ang England, Netherlands at France.

Hindi lamang nakontento ang mga Kanluranin sa pagtuklas ng bagong ruta sa patungong Asya. Mabilis na sinakop din
nila ang malaking bahagi ng Asya at ginawang mga kolonya. Bilang Kolonya ng mga Kanluraninm ang mga bansang Asyano ay
pinagkunan ng hilaw na sangkap at tagabili ng kanilang mga yaring produkto.

EXERCISE:

1. Hanapin sa mapa ng daigdig ang mga bansang Kanluranin na unang nakipag-ugnayan sa mga bansang Asyano. Itala ito at
isulat ang mga bansa sa Asya na naging parte na kanilang kolonya.

2. Ano ang mga dahilan kung bakit nagtagumpay ang imperyalismo sa Silangang Asya? Sa Timog-Silangang Asya?

DIVISION OF CAGAYAN DE ORO CITY


LEARNING ACTIVITY SHEET (LAS)
GRADE 7 (ARALING PANLIPUNAN)

Name: Date: Score:


Subject : ARALING PANLIPUNAN 7
Lesson Title : Kolonyalismo at Imperyalismo ng mga Kanluranin sa ika-16 at ika-17 siglo
Learning Competency : Nasusuri ang mga dahilan, paraan at epekto ng kolonyalismo at imperyalismo
ng mga Kanluranin sa unang yugto (ika-16 at ika-17 siglo) pagdating nila sa
Silangan at Timog-Silangang Asya

Reference: LAS No.: 1


Asya Pag-usbong ng Kabihasnan (Batayang Aklat sa Araling Panlipunan), Mateo et.al.
KAYAMANAN: Araling Asyano (Batayan at Sanayang Aklat sa Araling Panlipunan),
Samson et.al.
www.britannica.com/history-of-SoutheastAsia/patterns-of-colonial-age
www.digitalhistory.uh.edu

3. Magsaliksik at bumuo ng data information chart na nagpapakita ng mga dahilan at epekto ng kolonyalismo sa Asya.

KOLONYALISMO SA ASYA
BANSA DAHILAN EPEKTO

4. Ang mga sumusunod ay ang mga kagamitan ng mga manlalakbay nuon. Isaliksik kung ano ang kagamitan nito at iguhit.

A. Compass
B. Astrolabe
C. Latitude
D. Longhitud
E. Caravel
F. Galleon

You might also like