You are on page 1of 6

National Capital Region

Schools Division Office


Caloocan City
MAYPAJO HIGH SCHOOL

Asignatura: Araw: Yugto ng Pagkatuto:


ARALING PANLIPUNAN 7: Araling Asyano UNANG ARAW PAUNLARIN
Petsa:
7-Masunurin 6:00-7:00 Lunes, Nobyembre 12
7-Mahusay 9:20-10:20
7-Mapagmahal 6:00-7:00 Martes, Nobyembre 13
7-Matapat 7:00-8:00
7-Magalang 8:20-9:20

Pamantayang Pangnilalaman Pamantayang Pagganap

Naipamamalas ng mga mag-aaral ang pag-unawa sa Ang mag-aaral ay nakapagsasagawa nang kritikal na
pagbabago, pag-unlad at pagpapatuloy ng Timog at pagsusuri sa pagbabago, pag-unlad at pagpapatuloy ng
Kanlurang Asya sa Transisyunal at Makabagong Panahon Timog at Kanlurang Asya sa Transisyunal at Makabagong
(ika-16 hanggang ika-20 siglo) Panahon (ika-16 hanggang ika-20 siglo)
Mga Kasanayan sa Pagkatuto

Napahahalagahan ang pagtugon ng mga Asyano sa mga hamon ng pagbabag, pagunlad at pagpapatuloy sa Timog at
Kanlurang Asya sa Transisyunal at Makabagong Panahon (ika-16 hanggang ika-20 siglo)
(AP7TKA-IIIa-j-1)
I. Mga Layunin
 Natutukoy ang nilalaman ng Tatado ng Tordesillas at Tratado ng Zaragosa
 Naiisa-isa ang mga teritoryong nasakop ng Portugal at Spain sa Asya

II. Nilalaman
YUNIT III: Ang Timog at Kanlurang Asya sa Transisyunal at Makabagong Panahon (Mula Siglo 16 hanggang Siglo 20)
ARALIN 1: Panahon ng Kolonyalismo at Imperyalismo sa Timog at Kanlurang Asya
PAKSA: Kasunduang Tordesillas at Zaragoza: Ang Pagsisimula ng Paggalugad at Pagtuklas ng Lupain sa Asya
Mahalagang Tanong:
Paano nakamit ng Timog at Kanlurang Asya ang kasalukuyang kalagayan dulot ng kolonyalismo at imperyalismo?
Sanggunian: TG pp. 21-25 LM pp.201-203
Mga Kagamitang Panturo: mapa ng Asya, concept map, metacards
III. Pamamaraan
A. Balitaan
Ang mga mag-aaral ay magbabahagi ng ilang napapanahong balita.

B. Balik-aral
Magbigay ng mga salitang may kaugnayan sa:

RENAISSANCE MARCO POLO MERKANTILISMO CONSTANTINOPL KRUSADA


E

C. Talasalitaan
LINE OF
RUTA DEM ARCATION GOLPO
DEMARCATION

D. Pagganyak: KUNG AKO ANG TATANUNGIN…


Sasagutin ng mga mag-aaral ang katanungan batay sa kanilang sariling interpretasyon:
Kung bibigyan ka ng pagkakataon na hatiin ang mundo, paano mo ito
hahatiin?

E. Panlinang na Gawain: PAGSUSURI NG AWDIO


Ipaparinig ng guro sa klase ang isang audio tungkol sa kwento ng tratado (treaty) ng Tordesillas at Zaragosa na
paghahati ng mga Kanluranin (Spain at Portugal). Matamang pakikinggan ng mga mag-aaral at itatala sa kanilang
AP Notebook ang mga mahahalagang datos na kanilang napangkinggan. Matapos nito, gamit ang mga larawan ng
mapa, ipapaliwanag ng ilang piling mag-aaral ang dalwang kasunduan.
MGA PAMPROSESONG TANONG:
1. Ano ang pinagkaiba at pinagkatulad ng dalwang kasunduan?
2. Paano nakaapekto ito sa paggalugad at pananakop ng mga Europeo ng mga lupain sa Asya?

F. Paglalahat
Sa pangunguna ng Portugal at Spain sa paghahanap ng maraming ruta, nagbigay-daan ito sa paggalugad at
pagtuklas ng mga lupain sa Asya.

G. Paglalapat
Naranasan ba ng ating bansa ang bunga ng paghahating ito ng daigdig sa dalawa? Sa paanong paraan?

H. Pagtataya ng Aralin
Tukuyin at isulat sa sagutang pael ang tamang kasagutan:
1-2. Dalawang Kasunduan o Tratado na nilagdaan noong ika 15 at ika-16 na siglo
3-4 Magbigay ng 2 daungan na nasakop ng Portugal
5. Magbigay ng bansang Asyano na nasakop ng Spain
IV. Repleksyon

ISKOR: __________________________________

PANGKAT N f % REMARKS
Mahusay
Mapagmahal
Matapat
Magalang
Masunurin

V. Takdang Aralin
Iguhit sa APNB ang mga mapa ng mga bansang Portugal, Spain, France, England at Netherlands

VI. Mga Tala

MYLA A. NIDER MARIA CONCEPCION S. GUTIERREZ


Guro Punungguro

National Capital Region


Schools Division Office
Caloocan City
MAYPAJO HIGH SCHOOL

Asignatura: Araw: Yugto ng Pagkatuto:


ARALING PANLIPUNAN 7: Araling Asyano IKALAWANG ARAW PAUNLARIN
Petsa:
7-Magalang 6:00-7:00
7-Mapagmahal 8:20-9:20 Miyerkules, Nobyembre 14
7-Mahusay 10:20-11:20
7-Masunurin 7:00-8:00 Huwebes, Nobyembre 15
7-Matapat 9:20-10:20

Pamantayang Pangnilalaman Pamantayang Pagganap

Naipamamalas ng mga mag-aaral ang pag-unawa sa Ang mag-aaral ay nakapagsasagawa nang kritikal na pagsusuri
pagbabago, pag-unlad at pagpapatuloy ng Timog at Kanlurang sa pagbabago, pag-unlad at pagpapatuloy ng Timog at
Asya sa Transisyunal at Makabagong Panahon Kanlurang Asya sa Transisyunal at Makabagong Panahon
(ika-16 hanggang ika-20 siglo) (ika-16 hanggang ika-20 siglo)
Mga Kasanayan sa Pagkatuto

Nasusuri ang mga dahilan at paraan ng kolonyalismo at imperyalismo ng mga Kanluranin sa unang yugto
(ika-16 hanggang ika-20 siglo) pagdating nila sa Timog at Kanlurang Asya
(AP7TKA-IIIa-1.1)
I. Mga Layunin
 Natutukoy ang mga pamamaraang ginamit ng mga Kanluranin sa ananakop ng mga lupain sa Asya
 Naituturo sa mapa ang teritoryong napasakamay ng mga kanluranin, lalo na sa Timog at Kanlurang Asya

II. Nilalaman
YUNIT III: Ang Timog at Kanlurang Asya sa Transisyunal at Makabagong Panahon (Mula Siglo 16 hanggang Siglo 20)
ARALIN 1: Panahon ng Kolonyalismo at Imperyalismo sa Timog at Kanlurang Asya
PAKSA: Paggalugad at Pagktulas ng Limang Kanluraning Bansa sa Asya
Mahalagang Tanong:
Paano nakamit ng Timog at Kanlurang Asya ang kasalukuyang kalagayan dulot ng kolonyalismo at imperyalismo?

Sanggunian: TG pp. 20-21 LM pp.201-204


Mga Kagamitang Panturo: mapa ng Asya, concept map, metacards
III. Pamamaraan
A. Balitaan
Ang mga mag-aaral ay magbabahagi ng ilang napapanahong balita sa Asya.

B. Balik-aral
Sagutan ang dayagram:

Tratado ng Tratado ng
Tordesillas Zaragosa

C. Talasalitaan
SPANISH ARMADA
SPANISH ARMADA PROTECTORATE
PROTECTORATE CONSESSION
CONSESSION

D. Pagganyak: HULAAN MO!


Tutukuyin ng mga mag-aaral ang kasalukuyang pangalan ng mga sumusnod na mga lumang pangalan ng mga bansa
at teritoryo:

PERSIA FORMOSA MALACCA EAST INDIES SINGAPURA COCHIN CHINA

E. Panlinang na Gawain: HALINA’T TUKLASIN NATIN!


Batay sa nakalap na datos ng mga mag-aaral mula sa kanilang takdang-aralin, pupunan ng mga mag-aaral ang
talahanayan na nasa pisara:

Mga Bansang Kanluranin Paraan ng Pananakop Mga Teritoryo o Bansang Nasakop


PORTUGAL
SPAIN
ENGLAND
FRANCE
NETHERLANDS

MGA PAMPROSESONG TANONG:


1. Alin sa mga bansang Kanluranin ang napadpad at nakasakop ng mga lupain sa Timog at Kanlurang Asya?
2. Ano ano ang mga pamamaraang ginamit ng mga Kanluranin sa pananakop?

F. Paglalahat
Iba ibang pamamaraan ang ginamit ng mga mananakop na Kanluranin upang magalugad at magtuklas ng mga lupain
sa Asya.

G. Paglalapat
Naranasan ba ng Piipinas ang paggalugad at pagtuklas ng mga Kanluranin sa Asya? Patunayan ang kasagutan.

H. Pagtataya ng Aralin
Isulat sa sagutang papel kung anong bansang Kanluranin ang nagsagawa ng mga sumusunod:
1. Nakakuha ng concession o pagbibigay ng espesyal na karapatang pangnegosyo sa Madras, India
2. Napasailalim sa kanilang pamamahala ang East Indies.
3. Ang pangatlong bansang Kanluranin na nais sumakop sa India.
4. Nagtatag ng kanyang imperyo sa pamamagitan ng mga daungan o pier
5. Tanging Pilipinas ang nasakop nitong teritoryo sa Asya na nagtagal ng 333 taon.

I. Repleksyon

ISKOR: __________________________________

PANGKAT N f % REMARKS
Mahusay
Mapagmahal
Matapat
Magalang
Masunurin

J. Takdang Aralin
Magdala ng mapa ng daigdig at art materials (gunting, colored papers, paste o tape)

K. Mga Tala

MYLA A. NIDER MARIA CONCEPCION S. GUTIERREZ


Guro Punungguro

National Capital Region


Schools Division Office
Caloocan City
MAYPAJO HIGH SCHOOL

Asignatura: Araw: Yugto ng Pagkatuto:


ARALING PANLIPUNAN 7: Araling Asyano IKATLONG ARAW PAUNLARIN
Petsa:
7-Mahusay 6:00-7:00 Huwebes, Nobyembre 15
7-Mapagmahal 7:00-8:00
7-Masunurin 8:20-9:20 Biyernes, Nobyembre 16
7-Matapat 9:20-10:20
7-Magalang 10:20-11:20

Pamantayang Pangnilalaman Pamantayang Pagganap

Naipamamalas ng mga mag-aaral ang pag-unawa sa Ang mag-aaral ay nakapagsasagawa nang kritikal na pagsusuri
pagbabago, pag-unlad at pagpapatuloy ng Timog at Kanlurang sa pagbabago, pag-unlad at pagpapatuloy ng Timog at
Asya sa Transisyunal at Makabagong Panahon Kanlurang Asya sa Transisyunal at Makabagong Panahon
(ika-16 hanggang ika-20 siglo) (ika-16 hanggang ika-20 siglo)
Mga Kasanayan sa Pagkatuto

Nasusuri ang mga dahilan at paraan ng kolonyalismo at imperyalismo ng mga Kanluranin sa unang yugto
(ika-16 hanggang ika-20 siglo) pagdating nila sa Timog at Kanlurang Asya
(AP7TKA-IIIa-1.1)
I. Mga Layunin
 Naiisa-isa ang mga bansang Asyano na nasakop ng mga Kanluranin sa unang yugto ng kolonyalismo at imperyalismo
II. Nilalaman
YUNIT III: Ang Timog at Kanlurang Asya sa Transisyunal at Makabagong Panahon (Mula Siglo 16 hanggang Siglo 20)
ARALIN 1: Panahon ng Kolonyalismo at Imperyalismo sa Timog at Kanlurang Asya
PAKSA: Pagtuklas at Pananakop ng mga Kanluranin sa Timog at Kanlurang Asya
Mahalagang Tanong:
Paano nakamit ng Timog at Kanlurang Asya ang kasalukuyang kalagayan dulot ng kolonyalismo at imperyalismo?
Sanggunian: TG pp. 20-21 LM pp.200-205
Mga Kagamitang Panturo: mapa ng daigdig, pananda
III. Pamamaraan
A. Balitaan
Ang mga mag-aaral ay magbabahagi ng ilang napapanahong balita.
B. Balik-aral
Ibigay ang kahulugan o mahahalagang nagawa ng mga sumusunod na terminolohiya:
Krusada Merkantilismo Renaissance Marco Polo Constantinople

C. Talasalitaan
KALAKALAN
KALAKALAN DAUNGAN
DAUNGAN CONCESSION
CONCESSION

D. Panlinang na Gawain: MAPALATANDAAN


Gamit ang mapa ng daigdig, itatapat ng mga mag-aaral sa mapa ang mga pananda ayon sa nasakop ng mga
Kanluranin na mga bansang Asyano:

Mga Bansang Kanluranin Hugis


Portugal
France
England
Netherlands
Spain
MGA PAMPROSESONG TANONG:
1. Ano ang mga bansang Kanluranin na sumakop sa Asya?
2. Anong mga bansa sa Timog at Kanlurang Asya ang nasakop ng mga Kanluranin?
3. Bakit nagtatag ang mga Kanluranin ng mga kolonya sa Asya?
4. Bakit hindi maagang nasakop ng mga Kanluranin ang Kanlurang Asya sa unang yugto ng panankop?
E. Paglalahat
Ang mga bansang Kanluranin na nanakop ng lupain sa Asya ay ang Portugal, Spain, France, England and
Netherlands.
F. Paglalapat
Paano naapektuhan ang mga bansang nasakop, tulad ng Pilipinas ng pananakop ng mga Kanluranin?
G. Pagtataya ng Aralin
Tukuyin ang kung anong bansang Kanluranin ang nanakop sa mga sumusunod na lugar/bansang Asyano at
isulat ang tamang sagot sa papel.
1. Macau 5. Laos 9. East Indies (Indonesia ngayon)
2. Ormuz (Persian Gulf) 6. Pondicherry 10. Pilipinas
3. Bahrain 7. Ceylon (Sri Lanka ngayon)
4. Oman 8. Formosa (Taiwan ngayon)
IV. Repleksyon

ISKOR: __________________________________

PANGKAT N f % REMARKS
Mahusay
Mapagmahal
Matapat
Magalang
Masunurin

V. Takdang Aralin
Magsaliksik tungkol sa mga dahilan ng ikalawang yugto ng imperyalismo at kolonyalismo sa Timog at Kanlurang Asya

VI. Mga Tala

MYLA A. NIDER MARIA CONCEPCION S. GUTIERREZ


Guro Punungguro

You might also like