You are on page 1of 27

8

Araling Panlipunan
Ikatlong Markahan - Modyul 3
Rebolusyong Siyentipiko at
Rebolusyong Industriyal
Araling Panlipunan – Ikawalong Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikatlong Markahan – Modyul 3: Rebolusyong Siyentipiko at Rebolusyong Industriyal
Unang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa
modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsulat ng Modyul

Manunulat: Sarah Jane C. Roxas


Ma. Caroline S. Sebastian
Editor ng Nilalaman: Jane C. Omaña
Andrew Philip C. Cervantes
Editor ng Wika: Victoria P. De Guzman
Tagaguhit: Sarah Jane C. Roxas
Ma. Caroline S. Sebastian
Tagalapat: Ma. Regina Elena S. Castro
Tagasuri ng Nilalaman: Ma. Annette A. Dela Cruz
Tagasuri ng Wika: Victoria P. De Guzman
Tagasuri ng Paglapat: Ma. Annette A. Dela Cruz
Tagapamahala: Virgilio L. Laggui, PhD
Felipa DL. Santiago

Inilimbag sa Pilipinas ng ___________________

Department of Education – Schools Division of Bulacan


Office Address: Curriculum Implementation Division
Learning Resource Management and Development System (LRMDS)
Capitol Compound, Guinhawa St., City of Malolos, Bulacan
Email address: lrmdsbulacan@deped.gov.ph
8

Araling Panlipunan
Ikatlong Markahan - Modyul 3
Rebolusyong Siyentipiko at
Rebolusyong Industriyal
Paunang Salita

Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay inihanda para sa ating mag-aaral sa


kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa
kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang
itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng


mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung
sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang
tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng


mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung
kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding
pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan.
May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa
bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan naman na magiging matapat ang bawat
isa sa paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang
magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang
anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot
sa mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung


sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng
SLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy,


umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.

1
Alamin

Matapos mong mapag-aralan at matutunan ang tungkol sa Unang Yugto ng


Imperyalismo. Ngayon sa bagong aralin ay mas lalawak ang iyong
kaalaman tungo sa kaganapan at epekto ng Rebolusyong Siyentipiko,
Enlightenement, at Rebolusyong Industriyal

Pamantayang Pangnilalaman
Naipamamalas ng mga mag-aaral ang pag-unawa sa pag-usbong ng
Rebolusyong Siyentipiko, Enlightenement, at Rebolusyong Industriyal.
Pamantayan sa Pagganap
Ang mag-aaral ay malalim na nakapaguugnay-ugnay sa bahaging
ginampanan Rebolusyong Siyentipiko, Enlightenment, at Rebolusyong Industriyal
sa kasalukuyang panahon.
Pamantayan sa Pagkatuto
Nasusuri ang dahilan, kaganapan at epekto ng Rebolusyong Siyentipiko,
Enlightenment, at Rebolusyong Industriyal. (AP8PMD-IIIg-6)

Handa ka na bang tumuklas ng mga bagong kaalaman? Halina’t sagutan


ang mga sumusunod na gawain. Ito ay makatutulong sa iyong pang-unawa sa
ating paksa.

Subukin

Panuto: Basahin nang mabuti ang mga pangungusap. Piliin ang wastong sagot
mula sa mga pagpipilian. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

1. Ito ang simula ng panahon ng pagsisiyasat sa pamamagitan ng


eksperimento bunga ng kanilang pagmamasid sa sansinukob.
A. enlightenment C. rebolusyong Industriyal
B. rebolusyong Siyentipiko D. lahat ng nabanggit

2
2. Siya ang nagbuo ng isang pormula sa pamamagitan ng matematika na
tungkol sa posibleng pag-ikot sa isang parabilog ang mga planeta at hindi
sa araw.
A. Galileo Galilei C. John Locke
B. Johannes Kepler D. Nicolaus Copernicus
3. Ang mga sumusunod ay naglalarawan sa Rebolusyong Siyentipiko,
maliban sa _________.
A. nakilala ang imbensyon na steam engine
B. napalitan ang paniniwalang tradisyunal ng maka-agham na pananaw
sa sansinukob.
C. noong ika-16 at ika-17 na siglo ang naging hudyat ng pagpasok ng
Rebolusyong Siyentipiko.
D. umusbong ang kaisipan tungkol sa Teoryang Heliocentric.
4. Siya ang nakadiskubre ng teleskopyo na naging dahilan ng
pagkakadiskubre ng kalakawan.
A. Galileo Galilei C. Johannes Kepler
B. Nicolas Copernicus D. Thomas Hobbes
5. Ang mga sumusunod ay naglalarawan sa Enlightenment (Panahon ng
Kaliawanagan), maliban sa _______.
A. ang panahon kung saan nabuo ang mga iskolar na nagtangkang iahon
ang mga Europeo sa panahon ng kawalang ng katuwiran.
B. ang panahon kung saan napalitan ang mga gawaing manwal ng mga
bagong imbentong makinarya.
C. Tinatawag din itong panahon ng kaliwanagan
D. Tinuligsa ang kawalan ng karunungan sa lipunan
6. Siya ang may lathala ng Deklarasyon ng Kalayaan na isang mahalagang
sulatin sa paglaya ng Amerika sa Ingles.
A. John Locke C. Thomas Hobbes
B. Thomas Jefferson D. wala sa nabanggit
7. Siya ang may ideya ng natural law upang isulong ang paniniwala na ang
absolutong monarkiya ang pinakamahusay na uri ng pamahalaan.
A. Baron de Montesquieu C. Thomas Hobbes
B. John Locke D. Thomas Jefferson
8. Ito ang bansa kung saan ay nagsimula ang Rebolusyong Industriyal.
A. Germany C. Ireland
B. Great Britain D. Scotland

3
9. Siya ang may imbensyon na cotton gin noong 1793.
A. Eli Whitney C. Thomas Edison
B. James Watt D. Thomas Newcomen
10. Isang imbensiyon kung saan ay ginagamit upang madagdagan ang
enerhiya na magpatakbo sa mga pabrika.
A. cotton gin C. telegrapo
B. steam engine D. telepono
11. Ang pangunahing gamit sa pagpapatakbo ng mga makinarya at pabrika
noong ika-17 na siglo.
A. gasolina C. tanso
B. kahoy D. uling at iron
12. Alin sa mga sumusunod ang nagbibigay ng maling pahayag tungkol sa
Rebolusyong Industriyal?
A. Nakatulong sa pagbibigay ng maraming oportunidad sa
paghahanapbuhay ng tao.
B. Pinalitan nito ang gawaing manwal sa mga bagong imbentong
makinarya.
C. Nagkaroon ng mga gitnang uri sa lipunan o middle class.
D. Tinuligsa ang kawalan ng karunungan sa lipunan.
13. Siya ang nakatuklas ng unang telepono na siyang naging daan sa pag-
unlad ng komunikasyon.
A. Alexander Graham Bell C. James Watt
B. Eli Whitney D. Thomas Newcomen
14. Ang mga sumusunod ay epekto ng industriyalismo, maliban sa _____.
A. pagdami ng middle class.
B. pagsisikap ng kanluranin sa pananakop ng mga kolonya.
C. pagdami ng mga taga lungsod sa probinsya.
D. pagkakaroon ng suliraning panlipunan at pang-ekonomiya.
15. Siya ang nakadiskubre ng telegrapo na nakatulong para makapagpadala
ng mga mensahe sa iba’t ibang lugar.
A. James Watt C. Thomas Edison
B. Samuel B. Morse D. Thomas Newcomen

4
Balikan

Gawain: Punan ang Kahon!


Panuto: Buuin ang kahon ng mga salitang hinihingi sa pangungusap. Isulat ang
iyong sagot sa sagutang papel.
1. Siya ang may akda ng “The Travels of Marco Polo”.

M P

2. Isa sa mga bansang nanguna sa panahon ng Kolonyalismo noong ika-15 na


siglo.

3. Ito ang pagsakop ng isang makapangyarihang bansa sa isang mahinang bansa.


K

4. Ito ang isa sa dahilan ng panggagalugad ng mga kanluraning bansa na kung


saan ay ginagamit nila upang gawing pampalasa sa kanilang pagkain at
mapreserba sa mga karne.
S

5. Siya ang nagdeklara ng papal bull na naghahati sa lupaing maaring tuklasin ng


Portugal at Spain.

P A X

5
Tuklasin

Gawain: Hanapin ang Salita!


Panuto: Hanapin sa crossword puzzle ang mga salita sa loobng kahon at sagutan
ang pamprosesong tanong. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

MAKINA GAMOT LIBRO


TREN BATAS

M A K I N A D A T E H Y U N

W E G H N M J E R G Y U B E

A F W G T E O Y K A H J E R

T V D F U R S H G C B W Q T

B E R T B O D D A V A N R N

A F G I A P B C M G G B U I

T H L A K L R R O Y M B R K

S F W E G W G E T B O E T R

F G Y U I O R B U N T U L M

B A T A S T Y F H K D J S A

Pamprosesong tanong:
1. Ano ang naitutulong ng mga salitang iyong nahanap crossword puzzle sa
pang araw-araw na pamumuhay ng mga tao?
____________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

6
Suriin
Rebolusyong Siyentipiko at
Rebolusyong Industriyal

Ang ika-16 at ika-17 siglo ang hudyat sa pagpasok ng Rebolusyong


Siyentipiko. Ito ang simula ng panahon ng pagsisiyasat sa pamamagitan ng
eksperimento bunga ng kanilang pagmamasid sa sansinukob.
Ang bagong ideyang siyentipiko ay instrumento sa pagkakaroon ng
panibagong pananaw sa kaalaman at paniniwala ng mga Europeo. Ang dating
impluwensiya ng simbahan sa pamumuhay at kaisipan ng mga tao ay nabawasan
at humina dahil sa mga paglalathala ng mga bagong tuklas na kaalaman na
pinatunayan ng “bagong siyensiya”.
Naging tulong ang panahon ng katuwiran (age of reason) upang magkaroon
ng bagong liwanag ang mga tradisyunal na ideya at bigyan ng bagong
paglalarawan at redepinisyon ng lipunan.

Ang Polish na si Nicolaus Copernicus ay nagpasimula ng kaniyang


propesyong siyentipiko sa Pamantasan ng Krakow, Poland noong 1492.
Nagpasimula si Copernicus ng mga pagtatanong tungkol sa pangunahing
paniniwala at tradisyon ng mga tao. Batay sa kaniyang mga ginawang
pananaliksik nalaman niya na ang mga ideyang itinuturo at pinaniniwalaan
ng mga tao noong panahon na iyon ukol sa sansinukuban ay may mga
pagkakamali.

Binigyang diin niya na ang mundo ay bilog taliwas sa naunang


paniniwala na ito ay patag at kapag narating ng isang manlalakbay ang dulo
nito ay posible siyang mahulog. Isa pa sa kaniyang inilahad ay ukol sapag-
ikot ng mundo sa sarili nitong aksis habang ito’y umiikot sa araw. Idinagdag
pa niya na ang araw ang nasa sentro ng sansinukuban na taliwas sa
itinuturo ng simbahan na ang mundo ang sentro ng sansinukuban. Ang
teoryang ito ay nakilala sa katawagang Teoryang Heliocentric.

7
Mga Bagong Teorya Ukol sa Sansinukuban (Universe)

Si Johannes Kepler, isang Aleman na astronomer natural scientist


at mahusay na matematisyan ang nagbuo ng isang pormula sa
pamamagitan ng matematika tungkol sa posibleng pag-ikot sa isang
paribilog ng mga planeta sa araw na di-gumagalaw sa gitna ng kalawakan.
Ito’ y tinawag niyang ellipse. Dinagdag pa niya na ang mga planeta ay
hindi pare-pareho sa bilis sa kanilang paggalaw nguni’t mabilis ang
kanilang paggalaw kung papalapit sa araw at mabagal kung ito’y palayo.
Taong 1609 nang nabuo ni Galileo ang kaniyang imbensiyong na
teleskopyo at naging dahilan ng kaniyang pagdidiskubre sa kalawakan.
Ang kaniyang pagtanggap sa teoryang itinuro ni Copernicus ay ginamit na
dahilan upang siya’y mapailalim sa isang imbestigasyon ng mga pinuno ng
simbahan. Ang pagdidiing ito sa kaniyang simbahan ay naging daan
upang bawiin niya ang ibang resulta ng kaniyang ginawang mga pag-aaral
at hindi maging daan ng pagtitiwalag sa kaniyang simbahan. Matapos ang
retraksiyon ay nagpatuloy pa rin siya sa mga siyentipikong pagtuklas na
naging basehan ng pagbubuo ng mga unibersal na batas sa pisika.

Ang Panahon ng Enlightenment

Isa sa bunga ng pamamaraang makaagham ang epekto ng rebolusyon


sa iba’t ibang aspeto ng buhay. Marami ang nagmungkahi na gamitin ang
pamamaraan upang mapaunlad ang buhay ng tao sa larangan ng
pangkabuhayan, pampolitika, panrelihiyon, at maging sa edukasyon.
Tinawag itong Panahon ng Kaliwanagan (Enlightenment) na nagsimula sa
batayang kaisipang iminungkahi ng mga pilosopo.

8
Bagama’t ang Enlightenment ay tumutukoy sa pilosopiyang umunlad
sa Europe noong ika-18 siglo, maaari ring sabihing ito ay isang kilusang
intelektuwal. Ang Enlightenment ay binubuo ng mga iskolar na nagtangkang
iahon ang mga Europeo mula sa mahabang panahon ng kawalan ng
katuwiran at pamamayani ng pamahiin at bulag na paniniwala noong Middle
Ages. Ang ambag ng mga intelektuwal na ito ang nagsilbing pundasyon ng
mga modernong ideyang may kinalaman sa pamahalaan, edukasyon,
demokrasya, at maging sa sining.

Ang Makabagong Ideyang Pampolitika

Ang Pagpapaliwanag ni Hobbes tukol sa Pamahalaan

Ginamit ni Thomas Hobbes ang ideya ng natural law upang isulong


ang paniniwala na ang absolutong monarkiya ang pinakamahusay na uri
ng pamahalaan. Pinaniniwalaan niya na ang pagkakaroon ng kaguluhan
ay likas sa tao dahil dito ay kailangan ng isang absolutong pinuno upang
supilin ang ganitong mga pangyayari. Sa kaniyang isinulat na aklat na
Leviathan noong 1651 ay inilarawan niya ang isang lipunan na walang
pinuno at ang posibleng maging direksiyon nito tungo sa magulong
lipunan. Binigyan-diin niya na ang tao ay kailangang pumasok sa isang
kasunduan sa pamahalaan na kailangang iwanan niya ang lahat ng
kaniyang kalayaan at maging masunurin sa pinuno ng pamahalaan. Dahil
sa kasunduang ito, pangangalagaan at poprotektahan ng pinuno ang
kanyang nasasakupan. Hindi na bibigyan pa ng karapatang magrebelde
ang mga tao, kahit pa hindi makatuwiranang pamamalakad.

Ang kaniyang sulatin ay naging popular at nakaimpluwensiya sa


kabuuan ng Europe at maging sa kolonya ng England, ang Kolonyang
Amerikano. Ang ideya niya ang naging basehan ng mga Amerikano na
lumaya sa pamumuno ng Great Britain. Ang Deklarasyon ng Kalayaan na
sinulat ni Thomas Jefferson ay naging mahalagang sulatin sa paglaya ng
Amerika sa mga Ingles ay halaw sa mga ideya ni Locke ukol sa kasunduan
sa pagitan ng mga tao at ng pamahalaan.

9
Pagpapahayag ng Bagong Pananaw ni Locke

Isa pa sa kinilalang pilosopo sa England ay si John Locke na may


parehong paniniwala gaya ni Hobbe na kinakailangang magkaroon ng
kasunduan sa pagitan ng mga tao at ng kanilang pinuno. Ngunit naiiba siya
sa paniniwala na ang tao sa kaniyang natural na kalikasan ay may
karapatang mangatuwiran, may mataas na moral at mayroong mga natural
na karapatan ukol sa buhay, kalayaan at pag-aari. Sinasabi niya na ang tao
ay maaaring sumira sa kaniyang kasunduan sa pinuno kung ang
pamahalaan ay hindi na kayang pangalagaan at ibigay ang kaniyang mga
natural nakarapatan. Binigyang-diin din niya na kung ang tao ay gumamit
ng pangangatuwiran ay makararating siya sa pagbubuo ng isang
pamahalaang mabisang makikipag-ugnayan at tutulong sa kaniya. Ang
kaniyang mga ideya ay isinulat niya noong 1689 sa pamamagitan ng
lathalaing Two Treatises of Government.

Isa pa sa kinilalang pilosopo sa larangan ng politika ay ang Pranses na


si Baron de Montesquieu na naniniwala sa ideya ng paghahati ng
kapangyarihan sa isang pamahalaan. Hinati niya sa tatlong sangay ang
pamahalaan: ang lehislatura na pangunahing gawain ay ang pagbubuo ng
mga batas; ang ehekutibo na nagpapatupad ng batas at ang hukuman na
tumatayong tagahatol. Si Voltaireo Francois Marie Arouet, sa tunay na buhay
at isa ring Pranses ay nagsulat ng ilang mga lathalain laban sa Simbahan at
Korteng Royal ng France. Ito ang naging dahilan ng kaniyang dalawang beses
na pagkakabilanggo at nang lumaon siya ay napatapon sa Inglatera.
Pinagpatuloy niya ang pagsusulat dito at patuloy niyang binigyan ng
pagpapahalaga ang pilosopiya ni Francis Bacon at siyensiya ni Isaac Newton.

10
Bagong Uri ng Rebolusyon

Ang Rebolusyong Industriyal ay nagisimula noong 1700 at 1800, ito ang


panahon ng paggamit ng mga makinarya sa produksiyon kung saan ay nagkaroon
ng malaking ambag sa kalakalan sa mga bansang Great Britain at Amerika.
Pinasimulan ito ng mga imbensyon na nakakatulong sa pansakahan at
pinasimulan ng rebolusyon sa agrikultura. Ito ang naging daan sa mabilis na
produksiyon ng produkto upang magkaroon ng malaking kita at maunlad na
pamumuhay.

Tinatawag na Sistemang Domestiko ang paraan ng proprodyus ng


tela na ginagawa sa tahanan kung saan ang namumuhunang
mangangalakal ay hinahati-hati ang trabaho sa pamilya sa kanilang lugar
hanggang sa makatapos ng isang produkto na siyang pinagbibili at
pinatutubuan. Mayayaman lamang ang may kakayanan na magkaroon ng
maraming damit. Sa panahon na ito, ang paggamit ng kurtina at ilang gamit
na gawa sa tela ay maituturing na maluhong pamumuhay. Sa pagpasok ng
Rebolusyong Industiyal noong 1760 ay nagsimula na ang pagbabago sa
pagprodyus ng tela sa Great Britain.

Sa pagpasok ng Rebolusyong Industriyal ay


unti-unti ang pagpasok ng mga makinarya, na
naging dahilan ng pagdali ng pagprodyus ng mga
tela at naging mura itong bilhin. Isang halimbawa na
nito ang spinning jenny na nagpabilis sa paglalagay
ng mga sinulid sa bukilya.

Noong 1793 naimbento ang cotton gin mula sa isang Amerikanong


imbentor na si Eli Whitney. Ang imbensyon na ito ay nakatulong upang
mabilis ang paghihiwalay ng buto at ibang pang material sa bulak. Isa sa
naging dahilan na mabilis na produksyon ng tela sa United States.

11
Ang paggamit ng uling at iron ay nagsimula sa Great Britain na
pangunahing ginagamit sa pagpapatakbo ng makinarya at pabrika. Ang Great
Britain ang isa sa bansang nanguna sa pakikipagkalakalan dahil sa suporta ng
pamahalaan nito sa pamamagitan ng pagtatag ng malakas na hukbong dagat
upang protektahan ang kanilang kalakalan ng kanilang bansa.

Ang Paglago at Paglaki ng Rebolusyong


11Industriya

Sa pag-usad ng panahon dulot ng rebolusyong industriyal, maraming


imbensiyon pa ang nakilala likha ng mga kilalang imbentor tulad nina James
Watt, Alexander Graham Bell, Thomas Alva Edison, at Samuel B. Morse.

Ang steam engine ay isang


makinarya na kung saan ginagamit
sa karagdagan ng suplay ng
enerhiya na magpatakbo sa mga
pabrika. Ito ay imbensiyon mula kay
James Watt noong 1698. Kasunod
nito ang pag-imbento ng mga
Steam Engine
kagamitang bakal tulad ng baril,
tren, at ibang pang makinarya na
ginagamit sa bukid. Malaki ang Nakilala rin ang mga
naitulong ng mga ito sa larangan ng pangalan nina Alexander
kalakalan. Graham Bell na siyang imbentor
ng unang telepono noong 1876
upang mas mapadali ang
komunikasyon at Thomas Alva
Edison na nakatuklas ng
kuryente noong 1876 upang mas
Telepono
makatulong sa pagpapatakbo ng
bagong kasangkapan.

Ipinakilala ni Samuel B. Morse


ang kaniyang imbensyong telegrapo na
nakatulong upang makapagpadala ng
mga mensahe sa mga kakilala, kaibigan
at kamag-anak sa ibang lugar.
Telegrapo

12
Noong 1705-1760 ay ipinakilala ni Thomas Newcomen ang Newcomen steam
engine na nakakatulong sa pag-pum ng tubig na nagbibigay ng enerhiyang
hydroelectric na nagpapatakbo ng mga makinarya sa mga pabrika.

Ang mga imbensiyon dulot ng Rebolusyong Industriyal ay nagkaroon ng


malaking tulong sa pagpapabilis at pagpapagaan ng trabaho, at nagbigay ng
oportunidad sa paghahanapbuhay ng mga tao. Dulot nito ay puhunan na
nakapagpabago sa kanilang pamumuhay at umusbong ang mga panggitnang uri o
middle class na mga tao sa lipunan.

Epekto ng Industriyalismo

Dumami ang mga taga-probinsya sa


lungsod na naging dahilan ng pagdami ng tao sa
lungsod at naging squatter. dahil sa kawalan ng
hanapbuhay ay dumami ang naging palaboy.

Nagkaroon ng suliraning panlipunan at


Epekto ng pang-ekonomiya.
Industriyalismo
Pagkakaroon ng mga gitnang uri ng
lipunan o middle class, at nagbunga ng pagtatag
ng mga unyon ng mga manggagawa.

Higit pang nagsikap ang mga kanluranin sa


pananakop ng mga kolonya.

13
Pagyamanin

Gawain A: Piliin mo sa Kahon!


Panuto: Basahin ang mga sumusunod na pangungusap. Tukuyin ang tamang
sagot sa loob ng Kahon. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

Rebolusyong Siyentipiko Teoryang Heliocentric Inquisition


Sistemang Domestiko Enlightenment Philosopher
Rebolusyong Industriyal Great Britain Natural Law
Scientia

1. Ito ang simula ng panahon ng pagsisiyasat sa pamamagitan ng


eksperimento bunga ng kanilang pagmamasid sa sansinukob.
2. Ito ang nagpapaliwanag na ang araw ang siyang sentro ng sansinukuban.
3. Ito ang paraan ng perseksyusisyon o parusa ng simbahan noong unang
panahon sa mga tumataliwas rito.
4. Ito ay tinatawag na panahon ng kaliwanagan at itunuturing na kilusang
intelektuwal.
5. Ito ang paraan ng pagproprodyus ng tela na pinaghahati-hati sa pamilya ang
trabaho hanggang sa makabuo ng panibagong produkto.
6. Ito ang bansang unang gumamit ng uling at iron na ginamit sa
pagpapatakbo ng maiknarya at pabrika.
7. Ito ang panahon kung saan nagsimula na ang paggamit ng mga
makabagong kagamitan tulad ng makinarya.
8. Ito ang tawag sa mga pangkat ng intelektuwal na humihikayat sa paggamit
ng katuwiran, kaalaman, at edukasyon sa pagsugpo sa pamahiin at
kamangmangan.
9. Ito ay ang ideya na ginamit ni Thomas Hobbes sa pagsulong na ang
absolutong monarkiya ang pinakamahusay na uri ng pamamahala.
10. Ito ay nangangahuhulugang “kaalaman”.

14
Gawain B: Ikaw ang Star!
Panuto: Basahin ang mga sumusunod na pangungusap. Iguhit ang bituin kung
ang isinasaad ng pangungusap ay tama at iguhit naman ang ekis (X) kung
ito ay mali. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

1. Ang teorya ng heliocentric ay nagmula kay Nicolaus Copernicus.


2. Ang teleskopyo ay unang imbensiyon ni Galileo Galilei na naging daan sa
pagkadiskubre sa kalawakan.
3. Ang akda ng lathalaing Two Treatises of Government ay mula kay Thomas
Hobbes.
4. Ang Deklarasyon ng Kalayaan ay mula sa sulatin ni John Locke isang
mahalagang lahthain sa paglaya ng Amerika sa mga Ingles.
5. Ang cotton gin ay mula sa imbensyon ng Amerikanong si Eli Whitney na
nakakatulong sa paghihiwalay ng buto at iba pang material sa bulak.
6. Ang telepono ay isang imbensyon ni Alexander Graham Bell na nagpabilis sa
larangan ng komunikasyon.
7. Ang spinning jenny ay isang makinarya na nagpapabilis ng paglalagay ng
sinulid sa bukilya.
8. Si Thomas Alva Edison ang nagpakilala telegrapo na nakatulong sa
pagpapadala ng mensahe sa iba’ibang lugar.
9. Ang steam engine ay isang makinarya na nagpadali sa suplay ng enerhiya na
nagpapatakbo sa mga pabrika.
10. Si James Watt ang nagpakilala sa lakas ng elektrisidad upang mas maktulong
sa pagpapatakbo ng mga bagong imbensyong kasangkapan.

Gawain C: Anong Epekto Nito?


Panuto: Basahin ang pahayag. Sagutin ang tanong mula sa iyong natutuhan sa
aralin. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.
Bilang mag-aaral, ano ang epekto sa iyo sa kasalukuyang panahon ng mga
pag-aaral at imbensiyong natuklasan at nalikha sa panahon ng rebolusyong
siyentipiko, enlightenment at rebolusyong industriyal? Ipaliwanag sa pamamagitan
ng tatlong pangungusap. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_______________

15
PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA

KRAYTIRYA 5 4 3 2 1
Nilalaman
Pagsunod sa uri ng anyong hinihingiLawak
at lalim ng pagtalakay
Balirala
Wastong gamit ng wika
Paglimita sa paggamit ng mga salitang hiram
Hikayat
Paraan ng pagtalakay sa paksa
Pagsunod sa tiyak na panutong ibinigay ng
guro kaugnay ng gawain

5- pinakamahusay 2- mapaghuhusay
4- mahusay 1- nangangailangan pa ng pagsasanay
3- katanggap-tanggap

Gawain D: Paghambingin mo!


Panuto: Sa pamamagitan ng isang venn diagram ay ibigay ang isang
pagkakamukha at tig-dalawang pagkakaiba ng rebolusyong siyentipiko
at rebolusyong industriyal. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

Rebolusyong Rebolusyong
Industriyal Siyentipiko

Pagkakatulad

16
Isaisip

Gawain: Opinyon Ko, Basahin Ninyo!


Panuto: Ipaliwanag ang iyong opinyon ayon sa hinihingi ng katanungan.

1. Sa iyong pananaw, anong rebolusyon ang maaaring maganap sa kasalukuyan


na may malaki ring maitutulong sa pang-araw-araw mong pamumuhay?
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
2. Bilang isang mag-aaral, paano mo mabibigyang-halaga ang naging kontribusyon
ng mga pilosopo at imbentor noong panahon ng Rebolusyong Siyentipiko,
Enlightenment at Rebolusyong Industriyal?
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________

Gawain: Pag-isipan Mo!


Panuto: Itala sa data chart ang mahahalagang kaalaman patungkol sa sumusunod
na mga kaganapan.

SANHI KAGANAPAN BUNGA

Rebolusyong Siyentipiko

Enlightenment

Rebolusyong Industriyal

17
Isagawa
Gawain: Icollage Mo Ako!
Panuto: Lumikha ng isang collage na maglalaman ng mga naging kontribusyon o
pamana ng mga naganap na Rebolusyon (Rebolusyong Siyentipiko,
Enlightenment, at Rebolusyong Industriyal)
PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA
KRAYTIRYA NAPAHUSAY MAHUSAY MAY
5 puntos 3 puntos KAKULANGAN
2 puntos
Nakapagbigay ng Nakapagbigay ng Kulang sa
kumpleto, wasto at wastong impormasyon
IMPORMATIBO napakahalagang impormasyon tungkol sa
impormasyon tungkol tungkol sa naging pamana
sa naging pamana ng naging pamana ng mga naganap
mga naganap na ng mga naganap na rebolusyon
rebolusyon na rebolusyon
Malikhain at kumpleto Malikhain ang May kakulangan
ang elemento sa pagkakadesenyo sa mga element
pagkakadesenyo ng ng collage sa
MALIKHAIN collage tungkol sa tungkol sa pagkakadesenyo
naging pamana ng naging pamana ng collage
mga naganap na ng mga naganap patungkol sa
rebolusyon na rebolusyon naging pamana
ng mga naganap
na rebolusyon
Nagpapakita ng Nagpapakita ng Nagpapakita ng
makatotohanang pang pangyayari iilang
yayari tungkol sa tungkol sa pangyayari
MAKATOTOHANAN naging pamana ng naging pamana lamang tungkol
mga naganap na ng mga naganap sa naging
rebolusyon na rebolusyon pamana ng mga
naganap na
rebolusyon

18
Tayahin

Panuto: Basahing mabuti ang mga katanungan. Isulat ang titik ng tamang sagot
sa iyong sagutang papel

1. Ang mga sumusunod ay naglalarawan sa Enlightenment, maliban sa


_____________________.
A. tinatawag din itong panahon ng kaliwanagan
B. ang panahon kung saan nabuo ang mga iskolar na nagtangkang iahon
ang mga Europeo sa panahon ng kawalang ng katuwiran.
C. tinuligsa ang kawalan ng karunungan sa lipunan.
D. ang panahon kung saan napalitan ang mga gawaing manwal ng mga
bagong imbentong makinarya.

2. Ang pangunahing gamit sa pagpapatakbo ng mga makinarya at pabrika


noong ika-17 na siglo.
A. gasolina C. tanso
B. kahoy D. uling at iron
3. Siya ang may lathala ng Deklarasyon ng Kalayaan na isang mahalagang
sulatin sa paglaya ng Amerika sa Ingles.
A. John Locke C. Thomas Jefferson
B. Thomas Hobbes D. wala sa nabanggit
4. Siya ang nagbuo ng isang pormula sa pamamagitan ng matematika na
tungkol sa posibleng pag-ikot sa isang parabilog ang mga planeta at hindi sa
araw.
A. Galileo Galilei C. Johannes Kepler
B. John Locke D. Nicolaus Copernicu
5. Siya ang may ideya ng natural law upang isulong ang paniniwala na ang
absolutong monarkiya ang pinakamahusay na uri ng pamahalaan.
A. Baron de Montesquieu C. Thomas Hobbes
B. John Locke D. Thomas Jefferson

19
6. Ang mga sumusunod ay naglalarawan sa Rebolusyong Siyentipiko,
maliban sa _________.
A. noong ika-16 at ika-17 na siglo ang naging hudyat ng pagpasok ng
rebolusyong siyentipiko.
B. umusbong ang kaisipan tungkol sa teoryang heliocentric.
C. nakilala ang imbensyon na steam engine.
D. napalitan ang paniniwalang tradisyunal ng maka-agham na pananaw
sa sansinukob.
7. Ito ang bansa kung saan ay nagsimula ang Rebolusyong Industriyal
A. Germany C. Ireland
B. Great Britain D. Scotland
8. Siya ang nakadiskubre ng teleskopyo na naging dahilan ng
pagkakadiskubre ng kalakawan.
A. Galileo Galilei C. Nicolas Copernicus
B. Johannes Kepler D. Thomas Hobbes
9. Siya ang may imbensyon na cotton gin noong 1793.
A. Eli Whitney C. Thomas Edison
B. James Watt D. Thomas Newcomen

10. Siya ang nakadiskubre ng telegrapo na nakatulong para


makapagpadala ng mga mensahe sa iba’t ibang lugar.
A. James Watt C. Thomas Edison
B. Samuel B. Morse D. Thomas Newcomen

11. Siya ang nakatuklas ng unang telepono na siyang naging daan sa pag-
unlad ng komunikasyon.
A. Alexander Graham Bell C. James Watt
B. Eli Whitney D. Thomas Newcomen
12. Isang imbensiyon kung saan ay ginagamit upang madagdagan ang
enerhiya na magpatakbo sa mga pabrika.
A. cotton gin C. telepono
B. steam engine D. telegrapo
13. Ito ang simula ng panahon ng pagsisiyasat sa pamamagitan ng
eksperimento bunga ng kanilang pagmamasid sa sansinukob.
A. enlightenment C. rebolusyong Siyentipiko
B. rebolusyong Industriyal D. lahat ng nabanggit

20
14. Alin sa mga sumusunod ang nagbibigay ng maling pahayag tungkol sa
Rebolusyong Industriyal?
A. Nakatulong sa pagbibigay ng maraming oportunidad sa
paghahanapbuhay ng tao.
B. Pinalitan nito ang gawaing manwal sa mga bagong imbentong
makinarya.
C. Nagkaroon ng mga gitnang uri sa lipunan o middle class.
D. Tinuligsa ang kawalan ng karunungan sa lipunan.
15. Ang mga sumusunod ay epekto ng industriyalismo, maliban sa _____.
A. pagdami ng middle class.
B. pagsisikap ng kanluranin sa pananakop ng mga kolonya.
C. pagdami ng mga taga lungsod sa probinsya.
D. pagkakaroon ng suliraning panlipunan at pang-ekonomiya

Karagdagang Gawain

Gawain: Huling Hirit!


Sagutin mo ngayon ang panghuling katanungan.
1. Ano ang maganda at di magandang nagagawa ng isang rebolusyon?
Ipaliwanag.
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

21
22
TAYAHIN PAGYAMANIN PAGYAMANIN
1. D PANG- GAWAIN A
2. D ISAHANG
3. C GAWAIN B
1. Rebolusyong
4. D Siyentipiko
5. C 1.
2. Teoryang
6. C Heliocentric
2.
7. B
8. A 3. 3. Inquisition
9. A 4. X 4. Enlightenment
10. B
5. 5. Sistemang
11. A
Domestiko
12. B 6.
13. C 6. Great Britain
14. D 7.
7. Rebolusyong
15. C 8. X Industriyal
9. 8. Philosopher
10. X 9. Natural law
10. Scientia
SUBUKIN TUKLASIN
1. B
2. D
M A K I N A N
3. A
4. A E
BALIKAN O R
5. B
R G T
6. B
1. Marco Polo B A
7. C 2. Portugal
8. B I M
3. Kolonyalismo
9. A 4. Spices L O
10. B 5. Pope Alexander T
11. D
12. C
13. A B A T A S
14. C
15. B
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
A. Libro
Balondo, Rosemarie,et.al. Kasaysayan ng Daigdig, Araling Panlipunan (Modyul
ng Mag-aaral), Project EASE pp. 342-351
Araling Panlipunan Module, Grade 8

23

You might also like