You are on page 1of 24

8 Araling Panlipunan

Ikatlong Markahan-Modyul 5:
Ikalawang Yugto ng Imperyalismong
Kanluranin

Araling Panlipunan – Ikasiyam na Baitang


Alternative Delivery Mode
Araling Panlipunan – Ikawalong Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikatlong Markahan – Modyul 5: Ikalawang Yugto ng Imperyalismong Kanluranin
Unang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa
modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon
Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat/Tagaguhit/Tagalapat/Editor:
Rosalie B. Bagaporo, Chrisna A. Pinoy
Josielyn B. Villaruz
Esequiel D. Baje Jr.
Mark Anthony G. Carezo
Rosalie B. Bagaporo, Chrisna A. Pinoy

Tagasuri ng Nilalaman: Josielyn B. Villaruz


Tagasuri ng Wika : Esequiel D. Baje Jr.
Tagasuri ng Paglapat : Dina F. Vendivil
Tagapamahala : Gregorio C. Quinto, Jr.
Rainelda M. Blanco
Agnes R. Bernardo
Virgilio L. Laggui
Glenda S. Constantino
Joannarie C. Garcia

Inilimbag sa Pilipinas ng ___________________

Department of Education – Schools Division of Bulacan


Office Address: Curriculum Implementation Division
Learning Resource Management and Development System (LRMDS)
Capitol Compound, Guinhawa St., City of Malolos, Bulacan
Email address: lrmdsbulacan@deped.gov.ph
8
Araling Panlipunan
Ikatlong Markahan-Modyul 5:
Ikalawang Yugto ng Imperyalismong
Kanluranin
Paunang Salita

Para sa Tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 8 Alternative Delivery Mode


(ADM) Modyul para sa araling Ikalawang Yugto ng Imperyalismong Kanluranin.

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador mula
sa pampubliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy
upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12
habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa
pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at malayang


pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong
matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong ito sa
pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang
magagamit sa paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral


kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang
pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan
ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

ii
Para sa Mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan 8 Alternative Delivery Mode (ADM)
Modyul ukol sa Modyul 5: Ikalawang Yugto ng Imperyalismong Kanluranin.
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad
din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat


mong matutuhan sa modyul.
Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na
ang kaalaman mo sa aralin ng modyul. Kung
Subukin nakuha mo ang lahat ng tamang sagot (100%),
maaari mong laktawan ang bahaging ito ng
modyul.
Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang
Balikan matulungan kang maiugnay ang kasalukuyang
aralin sa naunang leksyon.
Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala
sa iyo sa maraming paraan tulad ng isang
Tuklasin
kuwento, awitin, tula, pambukas na suliranin,
gawain o isang sitwasyon
Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling
Suriin pagtalakay sa aralin. Layunin nitong matulungan
kang maunawaan ang bagong konsepto at mga
kasanayan.
Binubuo ito ng mga gawain para sa malayang
pagsasanay upang mapagtibay ang iyong pang-
Pagyamanin unawa at mga kasanayan sa paksa. Maaari mong
iwasto ang mga sagot mo sa pagsasanay gamit ang
susi sa pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.
Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan ang
Isaisip patlang ng pangungusap o talata upang maproseso
kung anong natutuhan mo mula sa aralin.
Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa iyo
Isagawa upang maisalin ang bagong kaalaman o kasanayan
sa tunay na sitwasyon o realidad ng buhay.
Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat
Tayahin ang antas ng pagkatuto sa pagkamit ng
natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong panibagong
Gawain gawain upang pagyamanin ang iyong kaalaman o

iii
kasanayan sa natutuhang aralin.
Susi sa Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng
Pagwawasto mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang


marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel
sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari
ka ring humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o
sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging
itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng
makahulugang pagkatuto at makakukuha ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

iv
Alamin

PAMANTAYAN SA PAGKATUTO:

● Nasusuri ang mga dahilan at epekto ng Ikalawang Yugto ng


Imperyalismo at Kolonisasyon.

LAYUNIN:
• Natatalakay ang mga kaganapan sa Ikalawang Yugto ng
Imperyalismong Kanluranin.

CODE: AP8PMD-IIIh-8

Sa araling ito, pag-aaralan mo ang mga dahilan, uri, pangyayari at


epekto ng Ikalawang Yugto ng Imperyalismong Kanluranin.

Sa pamamagitan ng araling nakapaloob sa modyul na ito, inaasahang:

1. naiisa-isa ang mga dahilan at uri ng pananakop sa Ikalawang Yugto ng


Imperyalismong Kanluranin;
2. nasusuri ang mga kaganapan sa paglawak ng Imperyalismo sa Asya at
Africa;
3. natataya ang epekto ng Ikalawang Yugto ng Imperyalismong Kanluranin

1
Subukin
Panuto: Basahing mabuti ang bawat tanong. Bilugan ang titik ng tamang
sagot.

1. Ano ang tawag sa bahagi ng bansa na kontrolado ang pamahalaan at


politika ng makapangyarihang bansa?
A. Concession C. Protectorate
B. Kolonyalismo D. Sphere of Influence
2. Sa mga uri ng pananakop, ito ay ang pagbibigay ng espesyal na karapatan
sa pagnenegosyo.
A. Concession C. Protectorate
B. Kolonyalismo D. Sphere of Influence
3. Ito ang paniniwala ng mga Europeo na tungkulin nila na panaigin ang
kanilang maunlad na kabihasnan sa mga katutubong kanilang
masasakop.
A. Divine Right Theory C. Manifest Destiny
B. Mandate of Heaven D. White Man’s Burden
4. Ito ang doktrina na nagbibigay karapatan sa mga Amerikano na
magpalawak at umangkin ng lupain sa buong kontinente ng Hilagang
Amerika.
A. Divine Right Theory C. Mandate of Heaven
B. Manifest Destiny D. White Man’s Burden
5. Ano ang tawag sa uri ng pananakop na nagbibigay ng proteksyon sa
kanyang kolonya laban sa paglusob ng ibang bansa?
A. Concession C. Protectorate
B. Kolonyalismo D. Sphere of Influence
6. Alin sa mga sumusunod ang HINDI dahilan ng Ikalawang Yugto ng
Imperyalismo?
A. Paghahanap ng mga pampalasa
B. Pangangailangan sa hilaw na sangkap
C. Pagsunod sa doktrinang Manifest Destiny at paniniwalang White
Man’s Burden
D. Pagsunod sa sistemang kapitalismo
7. Siya ang misyonerong Ingles na gumalugad sa Ilog Zambesi at unang
nakamasid sa Talon ng Victoria noong 1854.
A. David Livingstone C. Henry Stanley
B. Haring Leopoldo I D. Richard Burton

2
8. Ano ang bansang tinaguriang “pinakamaningning na hiyas” ng
Imperyong Great Britain?
A. Guam C. Pilipinas
B. India D. Puerto Rico
9. Ang Belgium ang nakakuha ng pinakamalaking bahagi ng Congo Basin
noong 1885. Samantalang ang ibang bahagi ng kontinente ng Africa ay
pinaghati-hatian at sinakop ng mga bansang Kanluranin maliban sa:
A. France C. Italy
B. Germany D. Spain
10. Ano ang nagsilbing pangunahing himpilang-pandagat ng United
States sa Pacific?
A. Guam C. Puerto Rico
B. Pearl Harbor D. Pilipinas
11-15. Tama o Mali
Suriin ang bawat pahayag. Gamitin ang nakasalungguhit na salita sa
pagsusuri ng ideya. Piliin ang titik ng wastong sagot.

Gamitin ang sumusunod na pagpipilian sa bilang 11 hanggang 15.


A. Tama ang una at ikalawang pangungusap.
B. Mali ang una at ikalawang pangungusap.
C. Tama ang unang pangungusap at Mali ang ikalawang pangungusap.
D. Mali ang unang pangungusap at Tama ang ikalawang pangungusap.

11.
I. Hindi naging madali sa mga Europeo ang paggalugad sa Africa dahil
sa malalakas na agos ng mga ilog nito at naglipana ang mababangis
na hayop sa kagubatan.
II. Nagkaroon lamang ng kaalaman sa Africa nang marating at
magalugad ni David Livingstone ang Ilog ng Zambesi noong 1854.
12.
I. Sa agawan ng teritoryo sa Africa ng mga Europeo, nakuha ng Great
Britain ang pinakamalaking bahagi ng Congo Basin.
II. Pinaghati-hatian ng France, Germany, Portugal at Italy ang ibang
lugar sa Africa.
13.
I. Napasali sa digmaan ang United States laban sa Spain noong 1898.
II. Nagtagumpay ang Spain laban sa America at nagdulot ng pagsakop
sa Guam, Puerto Rico at Pilipinas.

3
14.
I. Bagama’t lumaya na ang 13 kolonya sa America sa Rebolusyong
Amerikano, nagpatuloy pa din ang Great Britain sa pagsakop ng
lupain sa Timog Asya.
II. Itinalaga ng Imperyo ng Great Britain na “pinakamaningning na
hiyas” ang India.
15.
I. Ang gawaing pampolitika, pang-ekonomiya, panlipunan, espiritwal
at pangkultura ang ginamit ng mga mananakop na Kanluranin para
mapasunod ang kanilang mga bansang nasakop.
II. Ang imperyalismo sa Africa at Asya ang naging dahilan para
makaranas ng pagmamalupit at mapaniil na patakaran ng mga
dayuhan.

Ikalawang Yugto ng Imperyalismong


Aralin
Kanluranin

Balikan

Sa nakaraang aralin ay natutuhan mo ang sanhi at implikasyon ng


Rebolusyong Amerikano at Rebolusyong Pranses. Isulat ang iyong sariling
pakahulugan sa dalawang naganap na rebolusyon. Maglista ng pagkakatulad at
pagkakaiba ng dalawang ito.

Pagkakatulad
Pagkakaiba

Rebolusyong Rebolusyong
Amerikano Pranses

4
Tuklasin

Panuto: Hanapin ang anim salitang makikita sa Word Hunt Puzzle. Ito
ay may kaugnayan sa uri at dahilan ng pananakop sa Ikalawang Yugto ng
Imperyalismong Kanluranin. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

W H I T E M A N S B U R D E N O V O M O A
F Z X C V E P A S S E H E Z D O V O R O C
G I M P E R Y A L I S M O N C O E R X S O
K Y S Y Y O O F G T H J K L O P F X C V N
L G E Y Y N R M A R Y I N A L T H I N K C
O F V Y U O T L K P R O T E C T O R A T E
T F I Y I M U Q M H U I O L H S S P H F S
S A T A L I N O N G P A G D E D E S I S S
S P H E R E O F I N F L U E N C E Q R T I
F I Y I M U Q M H U I O L E N C E H H E O
M A N I F E S T D E S T I N Y D E S I S N

Ano-ano ang mga salitang iyong nakita sa word hunt? Sa modyul na ito,
tatalakayin ang dahilan, uri, lawak at epekto ng pananakop sa ikalawang yugto ng
imperyalismong Kanluranin

Suriin

Ang ikalawang yugto ng kolonyalismo ay pinasimulan ng mga Kanluraning


bansa. Nanakop at nagtayo ng imperyo ang Portugal, Spain, Netherlands, France
at Britain sa Asya at America. Ngunit lahat ng imperyong itinatag ng mga ito ay
bumagsak bago magsimula ang ika-19 na siglo. Nawalan ng kolonya ang
Netherlands at France sa North America. Lumaya sa mananakop ang Latin
America subalit hindi ang Asya at Africa.

Nagkaroon ng makabagong imperyo noong ika-19 na siglo. Sa unang yugto


ng ika-20 siglo, habang nagaganap ang Rebolusyong Industriyal mula 1871
hanggang 1914 ay naging mabilis ang paglawak ng pagkakanluranin ng ibang
lupain. Sa yugtong ito, kapansin-pansin na ang sentro sa paggalugad ng mga
Europeo ay ang Africa at Silangang Asya.

5
Maraming dahilan ang
pananakop sa ikalawang
yugto ng Imperyalismo. Ilan
sa mga ito ay dahil sa
pangangailangan sa hilaw
na materyales, pagsunod sa
sistemang kapitalismo at
paniniwalang tungkulin at
karapatan ng mga
Kanluranin na magpalawak
ng teritoryo. Ang Manifest
Destiny at White Man’s
Burden ay ginamit na rason sa pananakop.

Ang Manifest Destiny ay isang doktrinang mula sa Diyos na nagbibigay


ng karapatan sa United States na sakupin at palawakin ang kanilang teritoryo sa
buong kontinente ng Hilagang America. Samantalang ang White Man’s Burden ay
paniniwalang tungkulin ng mga Europeo na panaigin ang kanilang maunlad na
kabihasnan sa mga katutubong kanilang masasakop.

Iba- iba ang kolonyang itinatag sa Ikalawang Yugto ng Imperyalismo. Ito


ay maaaring sa anyo ng protectorate, concession o sphere of influence. Ang
Protectorate ay ang pagbibigay ng proteksyon ng makapangyarihang bansa laban
sa paglusob ng ibang bansa. Ang Concession ay ang pagbibigay ng espesyal na
pahintulot sa pagnenegosyo. Habang ang Sphere of Influence ay isang maliit na
bahagi o lugar ng bansa na kontrolado ang pamahalaan at politika ng
makapangyarihang bansa.

May mabubuti at hindi mabubuting dulot ang pananakop sa bawat


kolonya. Ang pagbabagong politikal, kultural, at pangkabuhayan ay ilan lamang
sa mga ito.

ANG TUNGGALIAN SA AFRICA NG MGA BANSANG KANLURANIN


Hindi naging madali sa mga Europeo ang paggalugad sa Africa sapagkat
malalakas ang agos ng ilog, madidilim ang mga gubat at maraming hayop ang
naglipana. Idagdag pa sa mga balakid ang napakainit na klima at pagkakaroon
ng maraming pesteng may dalang sakit tulad ng Malaria at yellow fever.

Nagkaroon lamang ng kaalaman sa Africa nang marating at magalugad ni


David Livingstone, isang misyonerong Ingles ang Ilog Zambesi noong 1854.

6
Siya din ang unang dayuhan na nakakita sa magandang talon ng Victoria
na ipinangalan sa reyna ng England. Siya din ang nakakita sa lawa ng Nyasa at
Tanganyika. Nang mamatay si David Livingstone dahil sa sakit, iniulat ni Henry
Stanley, isang Amerikanong mamamahayag at manlalakbay ang lahat ng
kanyang mga tala tungkol sa Africa. Sa pamamagitan ng pagbabasa sa ulat na
ito ay naliwanagan ang mga Kanluranin hinggil sa yaman ng Africa.

Ang pangangailangan sa hilaw ng materyales, pambansang ambisyon at


katanyagan sa pananakop ang dahilan ng tunggalian sa gitnang Africa ng mga
Kanluraning bansa. Sa loob ng 30 taon, ang dating mahirap marating at hindi
kilalang mga pook ay naangkin ng lahat. Ang pinakamalaking bahagi ng Congo
Basin ay nakuha ng Belgium sa pamumuno ni Haring Leopoldo I noong 1885.
Samantalang ang ibang bahagi ay pinaghati-hatian ng France, Britain,
Germany, Portugal at Italy.

Nahahati sa tatlong rehiyon ang kontinente ng Africa- Ang hilagang bahagi


na nakaharap sa dagat ng Mediterranean, pinakagitnang bahagi ng tropiko at
ang malamig na bahagi ng timog Africa.

Madaling narating ng mga Europeo ang Hilagang bahagi sa pamamagitan


ng dagat Mediterranean. Nang bumagsak ang Imperyong Romano, nahiwalay ito
sa Europe hindi lamang sa pamahalaan maging sa kanilang relihiyon. Islam ang
naging malaganap na relihiyon sa bahaging ito ng Africa. Yumaman ang
bahaging ito tulad ng Tunis at Algiers dahil sa pangungulimbat sa mga
sasakyang-dagat ng mga Europeo.

Sa umpisa, mga alipin ang dahilan ng mga Europeo sa pananakop sa


Africa subalit naging interesado na din ang mga ito sa yamang likas na madami
sa lugar tulad ng citrus, ubas, butil, pastulan ng hayop at pook na magandang
panirahan.

PANANAKOP SA TIMOG ASYA NG MGA INGLES


Tulad ng Africa, ang Asya ay pinaghati-hatian din ng mga bansang
Kanluranin. Ilan sa mga bansang nag-agawan ay ang France, Portugal at Britain.

Nang lumaya ang 13 kolonya sa America dahil sa Rebolusyong Amerikano


hindi pa rin natinag sa pagpapalawak ng teritoryo ang Britain sa ibang dako.
Ang British East India Company sa India ay naging lubhang makapangyarihan
sa pamahalaan at dinala ang kaisipan, teknolohiya, kaugalian at edukasyon sa
bansa. Noong 1800, inilipat ang kontrol ng pamahalaan sa Imperyo ng Great
Britain. Tinawag na “pinakamaningning na hiyas” ang India.

7
Nagwakas ang pitong taong digmaan ng France at Britain dahil sa Treaty
of Paris noong 1763. Dahil dito nawalan ng teritoryo sa India ang France.

ANG UNITED STATES LABAN SA SPAIN


Hindi nagpahuli ang United States sa mga bansang Industriyalisado.
Napasali ang United States sa digmaan laban sa Spain noong 1898. Naging
matagumpay ang United States sa digmaan kaya nasakop nito ang Guam,
Puerto Rico, at Pilipinas.

Naging himpilang-dagat patungo sa silangan ng bansang Amerika ang


Pilipinas at Guam. Samantalang ang Puerto Rico ay naging himpilang-dagat
naman sa Carribean. Matapos ang Unang Digmaang Pandaigdig, nakuha rin ng
United States ang teritoryo ng Samoa na naging mahalagang himpilang- dagat
sa Hawaii at Pearl Harbor na pangunahing baseng pandagat ng United States sa
Pacific. Ang West Indies, Australia, New Zealand at iba pang bansa sa Central
Amerika ay mahihina at walang pagkakaisa. Dahil dito, nagsilbing
tagapangalaga ng mga pook na ito ang United States para manatiling bukas sa
pamilihan ang mga bayan, makakuha ng hilaw na sangkap at mapangalagaan
ang ekonomikong interes ng Amerika.

Nakaligtas sa kaguluhan ang Australia at New Zealand dahil sa Great


Britain. Natuklasan din ng mga Briton na mayroong mga ginto sa Australia kaya
dito na sila nanirahan.

EPEKTO NG IKALAWANG YUGTO NG IMPERYALISMO


Malaking bahagi ng buhay ang naapektuhan ng pananakop. Ang mga
gawaing pampolitika, pang-ekonomiya, panlipunan, espiritwal at pangkultura
ang ginamit ng mga mananakop na pang-akit sa mga bansang nasakop para
sumunod. Ilan sa mga pinagagawa nila ay pagtratrabaho sa bukid, pagawaan
ng barko sa hukbong sandatahan.

Ang imperyalismo sa Asya at Africa ay nagbunga ng pagsasamantala


sa likas na yaman at lakas-paggawa. Naging sanhi rin ito ng pagkasira ng
katutubong kultura sa ilang bahagi ng kolonya dahil sa pananaig ng
impluwensyang Kanluranin. Ang hidwaan sa teritoryo sa Africa at Asya dahil sa
hindi makatuwirang pagtatakda ng hangganan ay ramdam pa rin sa
kasalukuyan.

8
Pamprosesong Tanong
Panuto: Unawain at sagutan ang mga sumusunod na katanungan.

1. Magbigay ng mga dahilan ng pananakop sa Ikalawang Yugto ng


Imperyalismong Kanluranin?
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
2. Bakit nahirapan ang mga Kanluraning bansa sa paggalugad sa Africa?
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
3. Bakit napasali ang United States sa pananakop?
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
4. Ano-ano ang mga epekto ng Ikalawang Yugto ng Imperyalismo?
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

Ikalawang Yugto ng Imperyalismong Kanluranin

Pagyamanin
Gawain 1. 3-2-1 Tsart
Panuto: Gamit ang mga kaalaman sa tekstong nasuri, punan ang tsart ng
hinihingi nitong impormasyon, Isulat ang sagot sa sagutang papel.

3
Uri ng
pananakop

2
Dahilan ng
pananakop

1
Sariling
pakahulugan sa
Imperyalismo

9
Gawain 2. Kumpletuhin Mo Ako!
Panuto: Punan ng angkop na letra ang bawat patlang upang mabuo ang uri at
dahilan ng pananakop.

1. M __ N __ __ E __ T D __ __ T __ N __ -Ito ay ang kapangyarihang


ibinigay sa United States para mapalawak ang lupain sa hilagang
Amerika.
2. W __ __ T __ M __ N __ B __ __ D E __-Tumutukoy sa doktrinang
Europeo na panaigin ang kanilang kabihasnan sa katutubong kanilang
masasakop.
3. P__ O __ E __ T __ R __ __ E- Paglalagay ng proteksyon sa kolonya laban
sa paglusob ng ibang bansa
4. __ O __ C __ S __ __ O __- Ito ay ang espesyal na karapatan sa
pagnenegosyo.

5. __P__ ER __ __ F I __ FL__ E __ C __ -Maliit na lugar sa bansa na


kontrolado ang pamahalaan at politika ng makapangyarihang bansa.

Gawain 3. Tama o Mali


Panuto: Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Isulat ang salitang TAMA
kung ang pahayag ay tama o totoo at MALI kung ang pangungusap ay mali.
____________1. Ang magandang talon ng Victoria ay hango sa pangalan ng
Reyna ng England.
____________2. Nahahati ang Africa sa tatlong bahagi: Hilagang bahagi na
nakaharap sa dagat ng Mediterranean, pinakagitnang bahagi
ng tropiko at timog na bahagi na may malamig na klima.
____________3. Nagwakas ang pitong taong digmaan ng France at Britain
dahil sa Treaty of Versailles.
____________4. Ang India ang tinaguriang “pinakamaningning na hiyas” ng
Imperyo ng Belguim.
____________5. Si Pangulong William McKinley ng Amerika ang nanguna sa
pananakop sa mga bansang Spain, Guam, Puerto Rico at
Pilipinas.

10
GAWAIN 4. Information Retrieval Chart
Panuto: Kumpletuhin ang hinihinging impormasyon sa chart upang mabuo
ang mga datos.

Ikalawang Yugto ng Imperyalismong Kanluranin

DAHILAN URI MGA BANSANG NANGUNA SA


PANANAKOP

1 1
2 1
2
3 2
3
3

EPEKTO

1
2
3

Isaisip
Panuto: Ibuod ang mga mahalagang kaalaman na naganap sa Ikalawang
Yugto ng Imperyalismong Kanluranin. Isulat ang mga tamang
impormasyon upang mabuo ang bawat pangungusap. Isulat ang iyong
sagot sa sagutang papel.

Ang Ikalawang Yugto ng Imperyalismong Kanluranin ay ang simula ng pananakop


sa makabagong panahon. Ilan sa mga dahilan ng pananakop ay ang pangangailangan sa
hilaw na materyales at pagsunod sa sistemang kapitalismo. Binigyang-diin ang
pananakop sa panahong ito gamit ang doktrinang1. ____________ at white man’s burden.

May iba’t ibang uri ang pananakop, katulad ng 2. __________ na nagbibigay


proteksyon laban sa paglusob ng ibang bansa, Concession na nagbibigay ng espesyal na
karapatang magnegosyo at 3. _____________ na ang maliit na bahagi ng bansa ay
kontrolado ng makapangyarihang bansa.

Ang pananakop ng imperyalismong Kanluranin ay lumaganap sa Africa at 4.


_____. Maraming mabuti at masamang epekto ang Imperyalismo. Ilan sa mga ito ay
nagresulta sa pananamantala sa mga likas na yaman at lakas-paggawa. Naapektuhan
ang pampolitikal, 5. ___________, panlipunan, espirituwal at pangkultural na aspekto ng
buhay.

11
Isagawa

Panuto: Gumawa ng isang editorial cartoon na nagpapakita ng dahilan at epekto


ng Ikalawang Yugto ng Imperyalismong Kanluranin. Gumamit ng mga bagay na
makikita sa iyong paligid o mga karakter mula sa iyong napapanood upang
katawanin ang mga bansang nanakop at nasakop. Gamiting batayan sa
paggawa ang rubrik sa ibaba.

Batayan sa 5 3 1
Pagmamarka
Wasto at
May ilang
makatotohanan Hindi wasto ang
Kaugnayan sa impormasyon ng
ang impormasyong
paksa editorial cartoon
impormasyon sa inilahad.
ang hindi wasto.
editorial cartoon.
Mahusay at Kulang sa Hindi nagpakita
orihinal ang orihinalidad ang ng orihinal na
Pagkamalikhain
pagkakaguhit ng pagkakaguhit ng pagkakaguhit ng
larawan. larawan. larawan.
Maayos ngunit
Maayos at Hindi maayos at
hindi gaanong
Kalinisan malinis ang malinis ang
malinis ang
pagkakaguhit. pagkakaguhit
pagkakaguhit.

Tayahin

Panuto: Basahin ang mga sumusunod na pahayag. Bilugan ang titik ng tamang
sagot.
1. Ayon sa Doktrinang Manifest Destiny, sino ang nagbigay ng karapatan
sa United States na angkinin ang buong kontinente at palawakin ang
kanilang nasasakupan?
A. Diyos C. Papa
B. Hari D. Reyna
2. Ano ang tawag sa paniniwala ng Europeo na tungkulin nilang panaigin
ang kanilang kabihasnan sa masasakop na katutubo?
A. Divine Right Theory C. Manifest Destiny
B. Mandate of Heaven D. White Man’s Burden
3. Sino ang unang dayuhang nakakita sa magandang talon ng Victoria
noong 1854?
A. David Livingstone C. Henry Stanley
B. Haring Leopoldo I D. Richard Burton

12
4. Sa panahon ng Imperyalismong Ingles sa Timog-Asya, ano ang
bansang tinaguriang “pinakamaningning na hiyas”?
A. India C. Pakistan
B. Nepal D. Sri Lanka
5. Ano ang naging pangunahing himpilang-pandagat ng United States sa
Pacific?
A. Guam C. Pearl Harbor
B. Pilipinas D. Puerto Rico
6. Sa panahon ng Ikalawang Yugto ng Imperyalismong Kanluranin, ano
ang relihiyon na naging mahigpit na kalaban ng Kristiyanismo sa
Hilagang Africa?
A. Budismo C. Islam
B. Hinduismo D. Jainismo
7. Siya ang hari ng Belgium na nanguna upang masakop nito ang
pinakamalaking bahagi ng Congo Basin.
A. Haring Loius XIV C. Haring Philip II
B. Haring Charles V D. Haring Leopoldo I
8. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang tumutukoy sa konsepto ng
concession?
A. Pagbibigay sa kolonya ng proteksyon laban sa ibang bansa.
B. Pagbibigay ng espesyal na karapatang magnegosyo.
C. Pagkontrol sa pamahalaan at politika ng maliliit na bansa.
D. Pagbibigay-karapatan ng Diyos na palawakin ang teritoryo sa
buong kontinente ng Amerika.
9. Ang mga bansang Australia, New Zealand at West Indies ay mga
bansang walang pagkakaisa. Ano ang bansang nangalaga sa mga pook
na ito?
A. America C. Great Britain
B. France D. Portugal
10. Alin ang pinakawastong kahulugan ng Sphere of Influence?
A. Pagbibigay sa kolonya ng proteksyon laban sa ibang bansa.
B. Pagbibigay ng espesyal na karapatang magnegosyo.
C. Pagkontrol sa pamahalaan at politika
D. Paniniwala na panaigin ng mga Europeo ang kanilang kabihasnan
sa mga bansang sinakop.
11. Bakit napili ng Great Britain na magtatag ng kolonya sa Australia?
A. Dahil wala pang nakasasakop dito.
B. Dahil natuklasan ng mga Briton na mayroong mga
ginto sa Australia.
C. Dahil istratehiko ang lugar ng Australia.
D. Dahil mahina ang pamahalaan ng Australia.
12. Ang mga sumusunod ay epekto ng Ikalawang Yugto ng Imperyalismo
Kanluranin MALIBAN sa:
A. Pagkasira ng kulturang katutubo.
B. Pagkasira ng likas na yaman
C. Pagkakaroon ng hidwaan sa teritoryo.
D.Pagbabago sa gawaing pampolitika, pang-ekonomiya, pampolitika,
espirituwal at pangkultura ng bansa.
13
13. Bakit nahirapan sa paggalugad sa Africa ang mga bansang Kanluranin
sa Ikalawang yugto ng Imperyalismo?
A. may mga nakasakop na sa malaking bahagi ng Africa
B. malalakas ang agos ng ilog at maraming naglipanang mababangis
na hayop sa kagubatan
C. walang kagamitan sa paggalugad ang mga mananakop
D. malayo sa Europa ang kontinente ng Africa.
14. Ginamit ng mga Amerikano na dahilan ng pananakop sa ikalawang
yugto ng imperyalismo ang manifest destiny. Ano ang ibig sabihin ng
manifest destiny?
A. paniniwalang binigyan sila ng karapatan ng Diyos na magpalawak
ng teritoryo
B. paniniwalang sila ang superior na lahi
C. paniniwalang tungkulin nilang ibahagi ang kanilang kabihasnan
D. paniniwalang walang kakayahan ang ibang lahi na bumuo ng sarili
nilang kabihasnan.
15. Bakit napasali ang United States sa pananakop noong Ikalawang
Yugto ng Imperyalismo?
A. dahil nagkaroon ng labanan ang United States sa Spain
B. dahil likas sa mga Amerikano ang sumali sa digmaan
C. dahil nais nilang tumulong sa iba para lumaya
D. dahil nais nilang maghigant

14
Karagdagang Gawain
Batay sa aralin na iyong nabasa, gumawa ng sanaysay tungkol sa
mabuti at masamang epekto ng Imperyalismong Kanluranin sa Asya at
Africa. Gamiting batayan ang rubrik sa ibaba.

Batayan sa 5 3 1
Pagmamarka
Ilan sa mga Walang
Ang nilalaman
nilalaman ay kaugnayan sa
Nilalaman ng sanaysay ay
di nauugnay tema ang
makabuluhan.
sa tema. nilalaman.
May
Mahusay ang
naipakitang Hindi organisado
Organisasyon pagkakasunud-
ideya ngunit ang paglalahad ng
ng Ideya sunod ng mga
hindi sunud- mga ideya.
ideya.
sunod.
Maayos
Maayos at
ngunit hindi Hindi maayos at
malinis ang
Kalinisan gaanong hindi malinis ang
pagkakasulat
malinis ang pagkakasulat.
ng sanaysay.
pagkakasulat.

1
2
Tayahin Isagawa
1. A Batay sa pagkakaunawa
2. D ng mag-aaral
3. A
4. A Isaisip
5. C
6. C 1. Manifest Destiny
7. D 2. Protectotate
8. B 3. Sphere of
9. A Influence
10. C 4. Asya
11. B 5. pang-ekonomiya
12. B
13. B
14. A
15. A
Gawain 4.
Dahilan ng Pananakop GAWAIN 1
Subukin
White Man’s Burden, 3. Uri ng Pananakop - 1. D
Doktrinang Manifest Protectorate, Concession, 2. A
Destiny, Sphere of Influence 3. D
Pangangailangan sa 4. B
hilaw na materyales, 2. Dahilan ng Pananakop 5. C
pagsunod sa sistemang - White Man’s Burden, 6. A
kapitalismo Doktrinang Manifest 7. A
Destiny
8. B
Uri ng Pananakop -
rProtectorate, 1.Sariling Pakahulugan 9. D
Concession, Sphere of ng Imperyalismo 10.B
nfluence 11.A
GAWAIN 2 12.D
Mga bansang Nanakop 1. Manifest Destiny 13.C
France, Britain, 2. White Man’s 14.A
Germany, Portugal, Burden 15.A
3. Protectorate
Italy at United States
4. Concession Tuklasin
Epekto ng Imperyalismo 5. Sphere of 1. White Man’s
pagsasamantala sa Influence Burden
likas na yaman at lakas- Gawain 3 2. Imperyalismo
paggawa, pagkasira ng 1. Tama 3. Protectorate
katutubong kultura 2. Tama 4. Sphere of
hidwaan sa hangganan 3. Mali Influence
ng teritoryo. 4. Mali 5. Manifest Destiny
5. Tama 6. Concession
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

A. Department of Education.2012. Kasaysayan ng Daigdig Batayang Aklat sa Araling


Panlipunan sa Ikatlong Taon

B. Department of Education. 2014. Kasaysayan ng Daigdig -Modyul ng Mag-aaral.

3
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Region III


Learning Resource Management Section (LRMS)
Diosdado Macapagal Government Center, Maimpis,
City of San Fernando (P)
Telefax: (045)598-8580 to 89
E-mail Address: region3@deped.gov.ph

You might also like