You are on page 1of 2

Name______________________________________ Grade & Section: ____________

Subject: Edukasyon sa Pagpapakatao 6 Teacher:__________________ Score:____


LESSON : Quarter 4, Week 1 LAS 1
______________________________________________________________________
ACTIVITY TITLE: Pagiging Mabuti sa Kapwa Anuman ang Paniniwala
LEARNING TARGET: Napatutunayan na Nagpapaunlad ng Pagkatao ang
Ispiritwalidad Anuman ang Paniniwala
REFERENCE(S): Ugaling Pilipino sa Makabagong Panahon 6 (LM), MELCs
(EsP6PD-Iva-i-16)
https://brainly.ph/question/1306723
LAS WRITER : FEBIE LEE B. PELITRO

Ang ispiritwalidad at pananampalataya ng bawat tao ay mayroong malaking bahaging


isinasaalang-alang sa paghubog ng kaniyang mabuting pagkatao. Dahil sa kinagisnang
damdaming maka-Diyos, nahubog sa atin ang pagmamahal sa Kaniya at nalinang ang ating
paghahangad na magkaroon ng mabuting pagkatao.
Ang pagiging mabuti sa kapwa ay humuhubog sa ispiritwalidad ng isang tao.

Suriin ang mga larawan.

https://palawan-
news.com/kapwa-ko-sagot- https://line.17qq.com/ https://tl.religiousopinion
ko-launching-benefits-300- articles/wsaeshuax.ht https://www.philstar.co
s.com/religion-
children-in-port-barton/ ml m/tags/simbang
philippines

Sagutin.
a. Ano ang ipinapakita sa mga larawan?
b. Bakit kaya nila ginagawa ang mga ito?
c. Ginagawa nyo rin ba ang mga ito? Bakit?
d. Sa anong paraan nakatutulong ang mga gawaing ito sa pagpapaunlad ng ating pagkatao?
e. Bukod sa mga ipinakitang larawan, paano pa natin mapauunlad ang ating pagkatao?

Iba’t Ibang Relihiyon sa Pilipinas at ang Kanilang Paniniwala

1. Katutubong Paniniwala
- Ang animismo ay isang paniniwala na nagsasabing mayroong mga espiritu o puwersa na hindi
materyal at madaling makita ng mga mata. Ang mga espritu at pwersa na ito ang nagpapakilos
sa ating kapaligiran. Sinasabi rin dito na may kani-kaniyang kaluluwa ang mga bagay-bagay lalo
sa ating kalikasan. Bukod dito, isa itong paniniwala sa kapangyarihan at lakas ng kaluluwa.

2. Kristyanismo (pinakamalaking populasyon)


- May 3 aral ang relihiyong ito:
a. Ang Diyos ay nasa ating lahat
b. Tanggapin ang kalooban ng Diyos
c. Magmahalan at maging mapagpatawad sa bawat isa dahil lahat ay kawangis niya

ESP6_Q4_LASW1
3. Islam
- Isa sa mga pinakalaganap na relihiyon sa Pilipinas. Ito ay itinatag sa Mecca, Saudi Arabia.
Koran o Quran ay ang aklat kung saan naroon ang kanilangmga banal na aral. Naniniwala ang
mga tagasunod ng Islam na kilala bilang mga Muslim na ipinahayag ni Allah) ang kanyang banal
na salita sa sangkatauhan sa pamamagitan ng mga propeta gaya ni Muhammad.

4. Iglesia ni Cristo
- Naniniwala ang mga kasapi at kaanib nito na ito ang katuparan ng mga hula ng Bibliya,
ang iglesyang itinatag ni Kristo. Ani nila, muling babangon sa Malayong Silangan si Kristo at ang
pagsapit ng Ikapitong Tatak ay hudyat ng mga huling araw ng daigdig.

5. May mga ilan ding Pilipino na kaanib ng mga paniniwalang:


- Judaism
- Hinduism
- Buddhism
- Philippine Atheists and Agnostics Society (PATAS)
- at Rizalista religious movements
Panuto: Bilugan ang titik ng may pinakamalapit na sagot.

1. Sa oras ng mga pagsubok sa buhay, ang tao ay hindi dapat mawalan ng _________.
a. pagmamahal
b. pag-asa
c. kapayapaan

2. Ang bawat isa ay may kakayahang maghatid ng pag-asa dahil ang tao ay likas na
____.
a. mabbuti
b. masayahin
d. matalino
3. Sa mga panahong ang pakiramdam natin ay iniwanan na tayo ng lahat, lagi nating
tandaan na hindi tayo kailanman pababayaan ng_______.
a. Maykapal
b. kamag-aral
c. kaibigan

4. Dapat nating tandaan na anumang ginawa natin sa ating _________ ay parang


ginawa na rin natin sa Diyos.
a. sarili
b. kapaligiran
c. kapwa

5. Ang pagpapakita ng kabutihang-loob sa kapwa ay nakapagpapaunlad din sa


_______ ng tao.
a. kasikatan
b. ispiritwalidad
c. kagalingan

ESP6_Q4_LASW1

You might also like