You are on page 1of 15

Module Code: Pasay: EsP3PD-IVa-7-Q4-W2-D1

Pangalan: ________________________________________________ Petsa: ______________________


Pangalan ng Guro: _______________________________________ Pangkat : ___________________

DEPARTMENT OF EDUCATION- NATIONAL CAPITAL REGION


SCHOOLS DIVISION OF PASAY CITY

MODYUL SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 3


Ikaapat Na Markahan/ Ikalawang Linggo/ Unang Araw

A. Layunin: 1. Nakapagpapakita ng paggalang sa paniniwala ng iba


tungkol sa Diyos.

B. 1. Panimula

IGALANG ANG PANINIWALANG


PANRELIHIYON NG IBANG TAO

Nagkaroon na ba ng pagkakataon na
naramdaman mong kailangan mong ipaglaban ang
iyong mga paniniwalang panrelihiyon? Ano ang iyong
ginawa? Kinailangan mo bang makipaglaban upang
ipagtanggol ang iyong paniniwala? Mulat ka ba sa mga
digmaang sumisiklab dahil sa pagkakaiba sa
paniniwalang panrelihiyon? Sadya bang ang labanan
ang solusyon upang malutas ang mga pagkakaiba sa
mga paniniwalang panrelihiyon? Sa Mindanao lamang,
makikita natin ang masasamang epekto ng alitan ng
mga Muslim at mga Kristiyano. Maraming buhay at ari-
arian na ang nawala dahil dito.

Sa araling ito, matututuhan mo kung paano harapin


ang mga pagkakaiba sa mga paniniwalang panrelihiyon
sa mapayapang paraan. Ito ay sa pamamagitan ng
pag-unawa at paggalang sa paniniwalang panrelihiyon
ng ibang tao. Sa ganitong paraan, mamumuhay kang
kasama ang kapwa Pilipino nang mapayapa.

Page 1 of 15
Inihanda ni: Mariel Jennifer G. Gayoso
PADRE BURGOS ELEMENTARY SCHOOL
Module Code: Pasay: EsP3PD-IVa-7-Q4-W2-D1
Pangalan: ________________________________________________ Petsa: ______________________
Pangalan ng Guro: _______________________________________ Pangkat : ___________________

Basahin natin:

♦ Ang relihiyon ay ang pagpapahayag ng paniniwala ng tao sa isang


makapangyarihang nilalang o Diyos.
♦ Maraming relihiyon sa Pilipinas. May sari-sariling paniniwala at aral ang
mga ito subalit nagkakatulad sila sa ilang paraan.
♦ Ang Kristiyanismo ay nakabatay sa mga aral ni Hesukristo. Siya ay
itinuturing ng mga Kristiyano bilang Anak ng Diyos.
♦ Ang tatlong pangunahing sekta ng Kristiyanismo sa
Pilipinas ay ang Katoliko Romano, Protestante at Iglesia Ni Cristo.
♦ Nahahati-hati ang mga Protestante sa mga sekta o grupo. Ang ilan sa
mga grupong ito ay Lutheran, Baptist, Methodist, Episcopalian at
Seventh-day Adventist.
♦ Karamihan sa mga Kristiyano ay naniniwala na:
• Si Hesukristo ang Tagapagligtas at ang Anak ng Diyos.
• Ang Bibliya ang Banal na Aklat na naglalaman ng wastong paniniwala
at gawaing Kristiyano.
• Iisa lamang ang makapangyarihang Diyos. (Karamihan sa mga
Kristiyano nay naniniwala na kumakatawan ang isang Diyos sa tatlong
persona: Diyos Ama, Anak at Espiritu Santo. Tinatawag na Banal na
Sangtatlo ang paniniwalang ito.) 32
♦ Ang Islam ang relihiyong itinatag ni Mohammed. Karamihan sa mga
Muslim ay naniniwala na nagsimula ang Islam bago pa man isilang si
Mohammed. Ang mga Muslim ang tagasunod ng Islam. Ang mga
Muslim ay naniniwala na:
• Si Mohammed ang propeta o sugo ni Allah.
• Si Allah ang tanging tunay na Diyos.
• Ang mga salita at batas ni Allah ay nakasulat sa Banal na Aklat na
tinatawag na Koran.
• Ang mga tungkulin ng isang Muslim ay tinatawag na Limang Haligi ng
Islam.
♦ Igalang ang paniniwalang panrelihiyon ng ibang tao kahit hindi mo
pinaniniwalaan ang mga ito.
♦ Ang lahat ay may karapatang ipahayag at masiyahan sa kanyang
mga paniniwala at gawaing panrelihiyon

2. Mga Gawain
Gawain 1
PANUTO: Isulat ang tamang sagot na tumutugma sa bawat aytem sa patlang
bago ang bawat bilang. Pumili lamang ng sagot sa loob ng kahon na nasa
ibaba.

_____ 1. Ang banal na aklat ng mga Muslim.


_____ 2. Isang relihiyong Kristiyano na itinatag ng mga pinunong Europeo

Page 2 of 15
Inihanda ni: Mariel Jennifer G. Gayoso
PADRE BURGOS ELEMENTARY SCHOOL
Module Code: Pasay: EsP3PD-IVa-7-Q4-W2-D1
Pangalan: ________________________________________________ Petsa: ______________________
Pangalan ng Guro: _______________________________________ Pangkat : ___________________
noong panahon ng Repormasyon.
_____ 3. Ang pinuno ng pagsamba sa isang moske.
_____ 4. Ang nagmimisa sa isang simbahang Katoliko
_____ 5. Ang sentro ng paniniwalang Kristiyano; itinuturing Siyang Anak
ng Diyos.
_____ 6. Isang sekta ng Protestante na naniniwala sa muling pagdating ni
Kristo at sa kasagraduhan ng Araw ng Pangilin.
_____ 7. Ang simbahang itinatag ni Felix Manalo sa Pilipinas
_____ 8. Aral ng Kristiyano na iisa ang Ama, ang Anak at ang Espiritu
Santo.
_____ 9. Ang pangunahing propeta (sugo ng Diyos) ng Islam.
_____10. Ang pinuno ng Simbahang Katoliko.

Hesukristo Iman Papa Mohammed Koran Sabadista


Iglesia ni Cristo Santisima Trinidad Protestante Pari

C. PAGTATAYA
PANUTO: Maglagay ng tsek (√) sa Oo kung sumasang-ayon ka sa pahayag at
sa Hindi kung hindi ka sumasang-ayon.

1. Nakita mo ang kaibigan mong si Soraya. Nakaupo siya sa mga daliri niya sa
paa, karaniwang posisyon sa pananalangin ng mga Muslim. Isa kang
Kristiyano. Nakaluhod o nakaupo ka kapag nananalangin. Pagtatawanan mo
ba kung paano manalangin ang iyong kaibigan?

Oo Hindi

2. Sabik na sabik ka nang panoorin ang pelikula ng iyong paboritong lokal na


artista araw ng Sabado. Wala kang ibang kasama kung hindi ang kaibigan
mong Sabadista. Makikiusap ka ba sa kanya na samahan kang panoorin ang
pelikula?

Oo Hindi

3. Nangangaral ang isang grupo ng mga tao tungkol sa kanilang mga


paniniwala. Ang sinasabi nila ay iba sa mga aral ng iyong simbahan.
Mananahimik ka ba at hahayaan mo silang magpahayag ng kanilang mga
paniniwala?

Oo Hindi

4. Nakikipagtalo sa iyo ang isang kaibigan. Sinasabi niya sa iyo na ang aral ng
kanyang simbahan ang katotohanan at kung gayon ay ang sa iyo ay mali.
Mananatili ka bang mahinahon at mapayapang makikipagusap sa kanya?

Oo Hindi

Page 3 of 15
Inihanda ni: Mariel Jennifer G. Gayoso
PADRE BURGOS ELEMENTARY SCHOOL
Module Code: Pasay: EsP3PD-IVa-7-Q4-W2-D2
Pangalan: ________________________________________________ Petsa: ______________________
Pangalan ng Guro: _______________________________________ Pangkat : ___________________
DEPARTMENT OF EDUCATION- NATIONAL CAPITAL REGION
SCHOOLS DIVISION OF PASAY CITY

MODYUL SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 3


Ikaapat Na Markahan/ Ikalawang Linggo/ Ikalawang Araw

A. Layunin: 1. Nakapagpapakita ng paggalang sa paniniwala ng iba


tungkol sa Diyos.

B. 1. Panimula

PANINIWALA MO, IGINAGALANG KO


Magandang araw. Tingnan mo ang bawat larawan. Nakakita ka na ba
ng mga ito sa inyong pamayanan? Ito ay mga gusaling pinupuntahan
ng mga tao upang sumamba. Sa araling ito tatalakayin natin ang
paggalang sa iba’t-ibang paniniwala ng mga Pilipino.

Ang mga Pilipino ay may iba’t-ibang paniniwala tungkol sa


dakilang lumikha. Marami sa mga Pilipino ang naniniwala sa
kristyanismo. Kabilang dito ang relihiyong Katoliko, Eglesia ni
Cristo at Protestante. Mayroon ding naniniwala sa Islam.

Bagma’t iba-iba ang mga paniniwala ng mga Pilipino,


mahalagang igalang ang mga ito. Ilan sa mga paraan ng
pagpapakita ng paggalang sa paniniwala ng iba ay ang
mga sumusunod:

Page 4 of 15
Inihanda ni: Mariel Jennifer G. Gayoso
PADRE BURGOS ELEMENTARY SCHOOL
Module Code: Pasay: EsP3PD-IVa-7-Q4-W2-D2
Pangalan: ________________________________________________ Petsa: ______________________
Pangalan ng Guro: _______________________________________ Pangkat : ___________________

Basahin natin:

Linggo ng umaga

Maja at Berting: Magandang umaga Clarita.


Clarita: Magandang umaga Maja, magandang umaga
Berting.
Maja: Saan ka pupunta?
Clarita: Magsisimba ako. Nandoon na ang Tatay at Nanay
sa Parokya.
Berting: Ah, ganoon ba? Kami naman ay sumamba noong
Biyernes sa aming masjid.
Maja: Noong Huwebes naman kami sumamba ng aming
pamilya.

ALAMIN NATIN (Unang Araw)

Gawain 1
PANUTO: Sagutan ang mga sumusunod na tanong.
1. Anong ang pinag-uusapan ng mga bata?
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
2. Bakit kaya iba-iba ang araw ng kanilang pagpunta sa kanilang lugar
sambahan?
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
3. Bilang isang kasapi ng isang pangkat na naniniwala sa Diyos, ano kaya
ang maaari mong gawin upang ipakita na ikaw ay may paggalang sa
paniniwala ng iba tungkol sa Diyos?
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________

Page 5 of 15
Inihanda ni: Mariel Jennifer G. Gayoso
PADRE BURGOS ELEMENTARY SCHOOL
Module Code: Pasay: EsP3PD-IVa-7-Q4-W2-D2
Pangalan: ________________________________________________ Petsa: ______________________
Pangalan ng Guro: _______________________________________ Pangkat : ___________________

Gawain 2
Panuto: Pag-aralan ang bawat larawan. Kulayan ang larawan na
nagpapakita ng paggalang sa paniniwala ng iba tungkol sa Diyos.

TANDAAN MO
• Lahat ng tao ay may karapatan na ipahayag at
masiyahan sa kanyang mga paniniwala at gawaing
panrelihiyon.
• Igalang ang paniniwalang panrelihiyon ng ibang tao
kahit ang mga ito ay naiiba sa iyong mga paniniwala.

C. PAGTATAYA
PANUTO: Isulat ang salitang TAMA kung ang pahayag ay ngapagpapakita ng
paggalang sa paniniwala ng iba tungkol sa Diyos. At MALI naman kung hindi.
___1. Laging tinutukso si Henry sa kanilang lugar tuwing siya ay
magpupuri sa Diyos.
___2. Tanggap ni Rico na iba ang paraan ng pagsamba ni Alec sa Diyos.
___3. Walang pumapansin kay Amir sa kanyang klase dahil siya ay
Muslim.
___4. Bukas ang isipan at pakikinig ni Jamie sa mga paniniwala ni Jeizil at
iginagalang niya ang mga ito.
___5. Hindi pinipilit ni Rosy si Eliza na magsimba dahil ito ay may ibang
paniniwala.

Page 6 of 15
Inihanda ni: Mariel Jennifer G. Gayoso
PADRE BURGOS ELEMENTARY SCHOOL
Module Code: Pasay: EsP3PD-IVa-7-Q4-W2-D3
Pangalan: ________________________________________________ Petsa: ______________________
Pangalan ng Guro: _______________________________________ Pangkat : ___________________
DEPARTMENT OF EDUCATION- NATIONAL CAPITAL REGION
SCHOOLS DIVISION OF PASAY CITY

MODYUL SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 3


Ikaapat Na Markahan/ Ikalawang Linggo/ Ikatlong Araw

A. Layunin: 1. Nakapagpapakita ng paggalang sa paniniwala ng iba


tungkol sa Diyos.

B. 1. Panimula
PANINIWALA MO, IGINAGALANG KO

Pagmasdan ang larawan sa itaas. Sa iyong palagay ano ang nais ipahayag ng
nasa larawan?

Maipapakita natin ang iba’t-ibang paraan ng pagpapakita ng paggalang sa


paniniwala o relihiyon ng iba. Kung ang bawat tao ay marunong gumalang sa
pagkakaiba-iba ng lahat, ano sa palagay mo ang mabuting maidudulot nito?

Basahin natin:

Ako si Miguel. Ako si Estella.


Isa akong Sinasabihan ko
Sabadista. ang aking
Kapag may nakababatang
misa sa kapatid na
simbahang huwag
malapit sa paglaruan ang
aming bahay rosary ng maing
ay hindi ako pinsan na isang
nag-iingay. katoliko.

Page 7 of 15
Inihanda ni: Mariel Jennifer G. Gayoso
PADRE BURGOS ELEMENTARY SCHOOL
Module Code: Pasay: EsP3PD-IVa-7-Q4-W2-D3
Pangalan: ________________________________________________ Petsa: ______________________
Pangalan ng Guro: _______________________________________ Pangkat : ___________________

Ako si Rashid. Kaibigan ko


Nakikinig ako si Rashid.
ng may Hindi ko siya
paggalang pinagtataw
kapag aming anan
tinatalakay sa kapag
klase ang nagdarasal
mga siya. Ako ng
paniniwala ng apala si
iba’t-ibang Kathy.
relihiyon.

Hindi kami nanghuhusga sa mga paniniwala ng


iba tungkol sa Diyos. May iba’t-ibang paraan
ang mga tao tungkol sa kanilang paniniwala at
ginagalang naming ang mga ito.

Alam kong gayon din ang inyong ginagawa. Maaari bang ibahagi niyo sa
klase kung paano mo ipinakikita ang iyong paggalang sa paniniwala ng iba
tungkol sa diyos?

2. Mga Gawain
Gawain 1
PANUTO: Basahin ang mga sumusunod na sitwsyon. Iguhit ang puso
kung kung ang sitwasyon ay nagpapakita ng paggalang sa paniniwala ng iba
at iguhit ang bilog kung hindi nagpapakita ng paggalang sa paniniwala
ng iba.

___1. Maayos na kinakausap ni Beth ang bagong kaklaseng kabilang sa


Iglesia ni Cristo.
___2. Pinagtatawanan ni Marco ang kanyang kaibigan tuwing ito ay
nagsisimba.
___3. Magalang na nagtatanong si Alvin kay Erick tungkol sa kanilang
ibang paniniwalang panrelihiyon.
___4. Iniiwan nina Jim at Anton si Ben tuwing maglalaro dahil siya ay
Katoliko at sila ay Protestante.
___5. Iniiwasan si Micka sa kanilang lugar dahil iba ang kanyang
pamamaraan ng pagsamba.

Page 8 of 15
Inihanda ni: Mariel Jennifer G. Gayoso
PADRE BURGOS ELEMENTARY SCHOOL
Module Code: Pasay: EsP3PD-IVa-7-Q4-W2-D3
Pangalan: ________________________________________________ Petsa: ______________________
Pangalan ng Guro: _______________________________________ Pangkat : ___________________

Gawain 2
Paano mo maipapakita ang paggalang sa paniniwala ng iba?
Gumupit ng mga larawan na nagpapakita ng paggalang sa paniniwala ng
iba. Idikit ito sa loob ng puso at ipaliwanag kung ano ang nasa larawan.

__________________________
_______________________________
_______________________________
_______________________________
_______________________________
_______________________________
_______________________________
_______________________________
______________________________ .

TANDAAN MO
• Kung nais mong igalang ng iyong kapuwa ang iyong
paniniwala, nararapat lamang na igalang mor in ang
kanilang paniniwala.

C. PAGTATAYA
PANUTO: Kulayanng dilaw ang mga sitwasyong na nagpapakita ng
paggalang sa paniniwala ng iba tungkol sa Diyos. At pula namn kung hindi.

Pinagtatawanan ang batang nagbabasa ng Koran.

Sinasabihan ng isang batang Muslim ang isang bat na


huwag paglaruan ang krus.

Nakikinig ng may paggalang ang mga batang Muslim


habang pinag-uusapan ang mga gawain ng Katoliko.

Batang Muslim na pinasasalamatan ng isang bata dahil


dumalo ito sa kanyang kaarawan.

Page 9 of 15
Inihanda ni: Mariel Jennifer G. Gayoso
PADRE BURGOS ELEMENTARY SCHOOL
Module Code: Pasay: EsP3PD-IVa-7-Q4-W2-D4
Pangalan: ________________________________________________ Petsa: ______________________
Pangalan ng Guro: _______________________________________ Pangkat : ___________________

DEPARTMENT OF EDUCATION- NATIONAL CAPITAL REGION


SCHOOLS DIVISION OF PASAY CITY

MODYUL SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 3


Ikaapat Na Markahan/ Ikalawang Linggo/ Ikaapat na Araw

A. Layunin: 1. Nakapagpapakita ng paggalang sa paniniwala ng iba


tungkol sa Diyos.

B. 1. Panimula

PANINIWALA MO, IGINAGALANG KO

May iba’t-ibang relihiyon o


paniniwala ang mga tao tungkol sa
Diyos. Magkakaiba man ang ating
pamamamaraan ng pagsamba,
nagkakaisa tayo sa pag-asang sa
pamamagitan ng paraang ito,
maipaparating natin ang ating
pagsamba at papuri sa Diyos.

Nararapat lamang na igalang


natin ang paniniwala ng iba tungkol
sa Diyos. Hindi sila dapat
pagtawananan sapagkat sila ay
tulad din nating may mga
damdaming nasasaktan.

“Kung ano ang nais mong


gawin s aiyo ng iyong kapuwa , iyon
din ang gawin mo sa kanya”.
Naalala mo pa ba ang kasabihang
ito? Hindi ba’t angkop ito sa ating
aralin? Tama. Kung nais mong
igalang ng iyong kapuwa ang iyong
paniniwala, nararapat lamang na
igalang mo rin ang kaniyang
paniniwala.

Page 10 of 15
Inihanda ni: Mariel Jennifer G. Gayoso
PADRE BURGOS ELEMENTARY SCHOOL
Module Code: Pasay: EsP3PD-IVa-7-Q4-W2-D4
Pangalan: ________________________________________________ Petsa: ______________________
Pangalan ng Guro: _______________________________________ Pangkat : ___________________

2. Mga Gawain
Gawain 1
Panuto: Iyong pagnilayan ang mga
sumusunod na tanong. Isulat sa loob ng kahon ang iyong mga sagot.

• Naranasan mo na ba na ikaw ay pagtawanan o kinukutya dahil sa iyong


paniniwala? Ano ang iyong nararamdaman?

____________________________________________________________
____________________________________________________________
___________________________________________________________ .

• May pagkakataon din ba na napagtawanan mo ang iba dahil


sa kanilang paniniwala? Ano sa palagay mo ang kanilang
nararamdaman?

____________________________________________________________
____________________________________________________________
___________________________________________________________ .

• Paano mo maipapakita ang paggalang sa paniniwala ng iba?

____________________________________________________________
____________________________________________________________
___________________________________________________________ .

Gawain 2
Panuto: Kumpeltohin ang pangako sa paggalang sa paniniwala ng iba at
bigkasin ang iyong pangako tungkol sa paggalang sa iba. Makatutulong na
alalahin mo ang iyong mga natutuhan upang matugunan ng wasto ang mga
patlang sa ibaba.

Page 11 of 15
Inihanda ni: Mariel Jennifer G. Gayoso
PADRE BURGOS ELEMENTARY SCHOOL
Module Code: Pasay: EsP3PD-IVa-7-Q4-W2-D4
Pangalan: ________________________________________________ Petsa: ______________________
Pangalan ng Guro: _______________________________________ Pangkat : ___________________

Pangako ng Paggalang sa Paniniwala ng Iba

Ako si ___________________________________, ay
nangangakong igagalang ang paniniwala ng iba.
Ipapakita ko ang paggalang na ito sa pamamagitan:
1.____________________________________________
2. ____________________________________________
3. ____________________________________________

Iiwasan ko ang paggawa ng mga sumusunod upang


hindi ko masaktan ang aking kapwa:
1.____________________________________________
2. ____________________________________________
3. ____________________________________________

___________________
Lagda

C. PAGTATAYA
PANUTO: Basahin at sagutan ng mga sumusunod na sitwasyon. Bilogan ang
letra ng tamang sagot.

1. Nakita mong pinupunit ng iyong kamag-aral ang mga pahina ng isang


banal na aklat. Ano ang gagawin mo?
a. Hahayaan ko na lamang siya sa knyang ginagawa.
b. Sasabihan ko siya na huwag niyang punitin ang mga pahina ng banal
na aklat.
2. Ano ang dapat mong gawin kapag araw ng Linggo?
a. Maglaro
b. Magsimba
3. Sumama ka sa kaibigan mo magsimba. Nakita mong nagsign of the cross
si Mona. Ano ang gagawin mo?
a. Pagtatatwanan mo siya.
b. Gagayahin mo siya kahit di mo ito ginagawa.
4. May dalang bibiliya si Armie. Lumatok siya sa inyong pinto. Ano ang
gagawin mo?
a. Makikinig ka sa salita ng Diyos.
b. Magkukunwari ka na hindi mo siya nakita.
5. Nakita mo na nag-alis ng tsinelas ang kaibigan mong Muslim na
magdarasal sa kanilang moske. Ano ang gagawin mo?
a. Ipapasuot mo uli ang kanyang tsinelas.
b. Hahayaan mo lang siya.

Page 12 of 15
Inihanda ni: Mariel Jennifer G. Gayoso
PADRE BURGOS ELEMENTARY SCHOOL
Module Code: Pasay: EsP3PD-IVa-7-Q4-W2-D5
Pangalan: ________________________________________________ Petsa: ______________________
Pangalan ng Guro: _______________________________________ Pangkat : ___________________
DEPARTMENT OF EDUCATION- NATIONAL CAPITAL REGION
SCHOOLS DIVISION OF PASAY CITY

MODYUL SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 3


Ikaapat Na Markahan/ Ikalawang Linggo/ Ikalimang Araw

A. Layunin: 1. Nakapagpapakita ng paggalang sa paniniwala ng iba


tungkol sa Diyos.

B. 1. Panimula
PANINIWALA MO, IGINAGALANG KO
Ang pagkakaroon ng pananalig sa Poong Lumikha ang solusyon sa
anumang suliranin sa buhay. Kahit iba-iba man ang relihiyon ng bawat
Pilipino ay iisa pa rin ang pinagkukunan ng lakas ng loob at nagbibigay
ng pag-asa sa mga pagsubok na maaaring dumating sa pamilya.
Kilalanin natin ang tatlong bata na sila Pepe, Ada, Minerva.

Si Pepe, ay isang Katoliko , isa siyang


sacristan sa kanilang simbahan.
Nagsisimba sila tuwing lingo ng kasama
ang kanyang pamilya. Dalangin niy
sana gumalin na ang kanyang ina sa
sakit na kanser.
Si Ada, ay batang Muslim, na
nakakaranas ng takot sa
nagaganap na kaguluhan sa
Marawi City sa Mindanao. Araw-
gabi nanalangin siya kay Allah
upang magkaroon na ng
kapayapaan ang kanilang
tahanan at makapagpatuloy sa
kaniyang pag-aaral.
Si Minerva, isang Iglesia ni Cristo, lumaking
may takot sa Diyos. Ang kaniyang ama ay
ministro. Hindi sila nakalilimot na magbigay
sa mga batang pulubing nasa lansangan.
Nguni’t dumating ang pagsubok sa
kanilang buhay nasunog kanilang bahay
nausnog lahat ng kanilang gamit at
walang natira.

Source:https://www.google.com/url?sa=i&url=http%3A%2F%2dlrciligan.weebly.com%2Fuploads%2F5%2F0%2F8%2F0%
2F50800379%2Ffil.2.yunit_4.pdf&psig=AOvVaw3gq130YM320ozTpAv0cN5z&ust=1593931916073000&source=images&cd
=vfe&ved=0CAIQjRxqFwoTCICku6CBs-oCFQAAAAAdAAAAABAD

Page 13 of 15
Inihanda ni: Mariel Jennifer G. Gayoso
PADRE BURGOS ELEMENTARY SCHOOL
Module Code: Pasay: EsP3PD-IVa-7-Q4-W2-D5
Pangalan: ________________________________________________ Petsa: ______________________
Pangalan ng Guro: _______________________________________ Pangkat : ___________________

2. Mga Gawain
Gawain 1
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong.

1. Sino ang tatlong batang inilarawan?


a. Ben, Toni at Mia
b. Pepe, Ada at Minerva
c. Wala sa mga binanggit
2. Ano ang relihiyon ni Pepe?
a. Katoliko
b. Iglesia ni Cristo
c. Muslim
3. Ano ang dumating na pagsubok sa buhay nila Minerva?
a. Nasunog ang kanilang bahay.
b. May kanser ang kanyang nanay.
c. Wala sa binanggit.
4. Ano ang kanilang kahilingan ni Ada kay Allah?
a. Na magkaroon siya ng bagong damit.
b. Maraming pagkain.
c. Na magkaroon na ng kapayapaan sa kanilang tahanan at
makapagpatuloy na sa kaniyang pag-aaral.
6. Sa iyong palagay, matutupad kaya ang kanilang kahilingan sa
Diyos?
a. Opo.
b. Hindi.
c. Wala sa binanggit.

Gawain 2
Panuto: Isulat ang T kung tama ang isinasaad sa pangungusap at M naman
kung mali.
_______1. Tumulong sa mga kamag-aral na walang baon.
_______2 . Mag-ingay sa loob ng simbahan.
_______3. Igalang ang paniniwala ng iba.
_______4. Palaging magdasal sa Diyos.
_______5. Huwag mawawalan ng pag-asa kahit nahihirapan na

TANDAAN MO

• Ang pag-unawa at paggalang sa paniniwala at


gawaing panrelihiyon ng ibang tao ay nagtataguyod
ng mapayapang pamumuhay.

Page 14 of 15
Inihanda ni: Mariel Jennifer G. Gayoso
PADRE BURGOS ELEMENTARY SCHOOL
Module Code: Pasay: EsP3PD-IVa-7-Q4-W2-D5
Pangalan: ________________________________________________ Petsa: ______________________
Pangalan ng Guro: _______________________________________ Pangkat : ___________________

C. PAGTATAYA
Panuto: Lagyan ng tsek (✓) ang kahon ng larawan na nagpapakita ng
paggalang sa paniniwal tungkol sa diyos at ekis (x )naman kung hindi.

1. 2.

3. 4.

5.

Page 15 of 15
Inihanda ni: Mariel Jennifer G. Gayoso
PADRE BURGOS ELEMENTARY SCHOOL

You might also like