You are on page 1of 3

LEARNING ACTIVITY

Name: ____________________________ Grade/Score: ________


Year and Section: ___________________ Date: ______________

Subject: EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO


Type of Activity: SKILLS (Exercise/ Drill)

Activity Title: ESPIRITWALIDAD AT PANANAMPALATAYA


Learning Target: Natutukoy ang pinakamahalagang mensahe na dapat
maunawaan sa Diyos sa kongkretong pangyayari sa buhay. EsP10PB-IIIa-9.2
References: Modyul para sa Mag-aaral pp. 247-249
_____________________________________________________
Mga tala ng Konsepto:
GAWAIN 1: Pagbabasa ng Teksto
PANUTO:Basahin at unawaing mabuti ang teksto sa ibaba.
Ang pananampalataya ay dapat ding alagaan upang mapanatili ang ningas
nito. Katulad ng dalawang tao na nagmamahalan, kailangang alagaan nila ang
kanilang ugnayan upang mapanatili ito. Naririto ang ilan sa mga dapat gawin upang
mapangalagaan ang ugnayan ng tao sa Diyos.
1. Panalangin – Ito ay paraan ng pakikipag-ugnayan ng tao sa Diyos. Sa
pananalangin, ang tao ay nakapagbibigay ng papuri, pasasalamat, paghingi ng
tawad, at paghiling sa Kaniya.
2. Panahon ng Pananahimik o Pagninilay – Sa buhay ng tao, napakahalaga ang
pananahimik. Ito ay makatutulong upang ang tao ay makapag-isip at
makapagnilay. Mula rito mauunawaan ng tao ang tunay na mensahe ng Diyos sa
kaniyang buhay.
3. Pagsisimba o Pagsamba – Anuman ang pinaniniwalaan ng tao, mahalaga ang
pagsisimba o pagsamba saan man siya kaanib na relihiyon. Ito ang makatutulong
sa tao upang lalo pang lumawak ang kaniyang kaalaman sa Salita ng Diyos at
maibahagi ito sa pamamagitan ng pagsasabuhay ng kaalaman na napulot sa
pagsisimba/pagsamba.
4. Pag-aaral ng Salita ng Diyos – Upang lubos na makilala ng tao ang Diyos,
nararapat na malaman ang Kaniyang mga turo o aral. Tulad ng isang tao na nais
makilala nang lubos ang taong kaniyang minamahal, inaalam niya ang lahat ng
impormasyon ukol dito. Hindi lubusang makikilala ng tao ang Diyos kung hindi siya
mag-aaral o magbabasa ng Banal na Kasulatan o Koran.
5. Pagmamahal sa Kapuwa – Hindi maaaring ihiwalay sa tao ang kaniyang
ugnayan sa kapuwa. Ito ang isang dahilan ng pag-iral ng tao, ang mamuhay
kasama ang kapuwa. Hindi masasabi na maganda ang ugnayan ng tao sa Diyos
kung hindi maganda ang ugnayan niya sa kaniyang kapuwa. Mahalagang
maipakita ng tao ang paglilingkod sa kaniyang kapuwa.
6. Pagbabasa ng mga aklat tungkol sa espiritwalidad - Malaki ang naitutulong
ng pagbabasa ng mga babasahin na may kinalaman sa espiritwalidad. Ito ay
nakatutulong sa paglago at pagpapalalim ng pananampalataya ng isang tao.
Tanong:. Alin sa sumusunod na paraan ang iyong nagagawa upang mapalalim ang
iyong ugnayan sa Diyos? Ipaliwanag. (5pts)
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________
___________________________________________________
______________________.

Pagmamahal sa Diyos at Kapwa ang Tunay na Pananampalataya


Mayroon tayong tinatawag na Apat na Uri ng Pagmamahal ayon kay C.S. Lewis.
1. Affection – Ito ay ang pagmamahal bilang magkakapatid, lalo na sa mga
magkakapamilya o maaaring sa mga taong nagkakilala at naging malapit o palagay na
ang loob sa isa’t isa.
2. Philia – Ito ay pagmamahal ng magkakaibigan.
3. Eros – Ito ay pagmamahal batay sa pagnanais lamang ng isang tao. Kung ano ang
makapagdudulot ng kasiyahan sa kaniyang sarili. Halimbawa: Mahal mo siya dahil
maganda siya. Ito ay tumutukoy sa pisikal na nais ng isang tao.
4. Agape – Ito ang pinakamataas na uri ng pagmamahal. Ito ay ang pagmamahal na walang
kapalit. Ganyan ang Diyos sa tao.

Gawain 2. Panuto: Isulat sa loob ng bilog ang mga salitang may kaugnayan sa
pagmamahal sa Diyos at ipaliwanag ang mga ito.

PALIWANAG: (10 pts)

___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
____________

You might also like