You are on page 1of 2

GAWAIN SA PAGKATUTO BILANG 1:

ANNOUNCER: Magandang Araw mga kababayan ito ang RDJS Radio Station
naghahatind ng mga mainit at napapanahong mga balita.
ANCHOR: Ito ang Balitang Radyo ng RDJS Radio Station. Sa mga pumasok na
balita, unang kaso ng Covid – 19 variant, nakapasok na sa Pilipinas.
NP1: Naitala ang bagong kaso ng SARS – COV – 2.
: B-1-1-7 Variant o mas kilala na UK Variant sa isang lalaki Pilipinong taga
Quezon City na bumiyahe galling Dubai at naka – isolate na ngayon.
: Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, nagkaroon ng business meeting
ang lalaki noong ikatatlumpu ng Disyembre ngunit pag – uwi nito ay positibo na
sa bagong variant ng Covid – 19 at may pneumonia na ang lalaki.
: Dagdag pa ni Presidential Spokesperson, hindi pa kailangang higpitan o
baguhin ang mga umiiral ngayon na community quarantine kahit nakapasok na
ang mas nakakahawang bagong variant dito.

ANCHOR: Sa susunod naman na balita, dalawang nawawalang close contact ng


Pinoy na may new Covid Variant, tinutunton na.

NP2: Dalawang nakasalamuha ng unang Pinoy na nahawaan ng United Kingdom


Variant ng Coronavirus disease ay kasalukuyang hinahanap ng Department of
Health sa tulong ng Department of Justice.
: Ayon kay Health Undersecretary Rosario Vergerie, nakipag – ugnayan sila sa
DOJ upang mapabilis ang paghahanap at mapangalanan na ang dalawang close
contact ngayong araw.
: Dagdag pa rito, nagpakalat na rin ng memorandum ang Philippine National
Police – CALABARZON na may utos na galugarin ang probinsya para sa mga
nawawalang contacts.

ANCHOR: Sa balitang Sports naman, Gilas Pilipinas All – Filipino Line –up
sasabak, sa FIBA Asia Qualifiers.

NP3: Lalahok ang Gilas Pilipinas sa 2021 FIBA Asia Cup Qualifiers nang walang
naturalized player ang Gilas gaya ng kanilang ka – bracket na koponan ang
South Korea at Indonesia.
:Ayon kay Samahan ng Basketbol ng Pilipinas o SBP President Al Panlilio ay
pangungunahan ito ni 7’3 Center NBA G League Player Kai Sotto, Kiefer Ravena,
Gilas Cadets, at ilan pang mga PBA player. Sa kasalukuyan nangunguna ang
Pilipinas sa talaang 3 to 0 Win or Lose Record sa 4 – Team Bracket ng Group A
para sa 2021 FIBA Asia Cup Qualifiers sa Doha, Qatar.

ANCHOR: Sa balitang Showbiz naman, Coronation Night ng Miss Universe 2020


inaasahan na gaganapin sa Valentines’ Day.

NP4: Ayon sa New York City, USA at Miss Universe Organization hindi raw
natuloy ang Miss Universe noong 2020 dahil sa Pandemic. But, as of now, na
confirm na mayroon ng 59 candidates na ready-ing ready na mag compete sa
Miss Universe 2020. And heto na nga mga ka chika, if sa Valentines’ Day
magaganap ang Coronation Night ng Miss Universe, expected raw na mayroon
pang 30 more candidates na kokoranahan for the Miss Universe 2020.

ANCHOR: At ito nga ang mga nagbabagang balita ngayong araw see you next
time sa Balitang Radyo ng RDJS Radio Station!!!

You might also like