You are on page 1of 1

KAHANDAAN SA MGA SAKUNA: (GAWAIN SA PAGKATUTO #3)

ANNOUNCER: This is RDJS Radio Station naghahatid ng mga paalala sa mga


sakuna.
PRESENTER: Ang mga sakuna ay hindi natin mapipigilan at natural na nangyayari
sa mga oras na hindi natin inaasahan. Andito sina Kuya Rael at Ate Raine upang
paalalahanan ng mga dapat gawing paghahanda kung mayroong sakuna.
Kuya Rael: Magandang araw sa inyo mga kababayan naririto kami ni partner
upanng magbigay ng mga tips para tayo ay maging handa sa mga sakuna.
Partner!
Ate Raine: Maraming salamat partner, ang una nating kailangang gawin ay mag
– imbak ng mga pagkaing de lata, bigas at tubig para sa panahong tumama ang
sakuna ay may sapat tayo na gagamitin.
Kuya Rael: Alamin natin ang mga emergency hotlines sa ating lugar upang
makatawag agad ng rescue.
Ate Raine: Bumuo ng plano kung paano makakaalis sa bahay nang mabilisan at
nang walang napapahamak.
Kuya Rael: Siguraduhing ang mga telepono, flashlight at lahat ng debateryang
gamit ay hindi agad mawawalan ng power. Ihanda rin ang pito kasama ng
flashlight kung sakaling may mangyaring masama.
Ate Raine: Laging manuod ng mga balita upang laging updated sa mga
nangyayari sa ating bansa. At sa panahon ng sakuna ay huwag tayong mag –
panic upang makaiwas sa mga problema sa panahong kayo ang mage –
evacuate.
Kuya Rael at Ate Raine: Siguraduhing ligtas oras – oras! Mag – iingat at ligtas
lang ang may alam.

You might also like