You are on page 1of 2

KALINISAN PARA SA BAYAN

Magandang hapon sa inyong lahat. Nagpapasalamat ako sa


pagkakataong ito na magbigay-talumpati sa inyong harapan. Ako ang
inyong pangulo na nakatayo sa inyong harapan ng buong
kapakumbabaan.

Bilang isang pangulo, ang nais ko lamang ay bigyan ng kalinisan


ang lupang ating sinilangan. Bigyang importansya't halaga ang likas na
yaman. Binigyan tayo ng Poong Maykapal ng napakalawak na lupain
kung saan mayroong mahigit 7,000 islang sagana sa yamang likas.
Yamang likas na atin lamang winawaldas. Mga punong pinuputol
upang pagtayuan ng nagtataasang gusali, naglalawakang mall,
naglalakihang pasugalan at iba pang imprastakturang akala natin
nakatutulong ngunit ang totoo ay mas sinisira nito ang kalikasang atin
dapat na pinagyayaman.

Ngunit ano pa nga bang magagawa ko sa mga imprastakturang


nagawa na? Hindi ko naman pupwedeng ipagiba ang mga ito ng ganon
ganon na lamang. Ngunit may magagawa pa tayo sa mga kalupaang
hindi pa nila nagagalaw. Ating pagsisikapang taniman iyon ng mga
halaman at puno.

Alam nating mayroong mga programang inilaan ng mga dati ring


namahala para sa ating kalikasan. Ang mga iyon ay aking bubuhayin.
At idadagdag ko ang programang "no plant,no license" kung saan,
bago ka makakuha ng lisensyang makapagmaneho't magbuga ng usok
na mula sa iyong kotse ay kailangan mo munang makapagtayo ng
puno’t halaman. Hindi dapat na marunong ka lang dumihan ang
kalikasan, dapat ay kaya mo ring linisin ang hanging iyong dinumihan
kahit sa pinakamaliit na paraan.
Magpapatayo rin tayo ng mga harding panglungsod upang
pagtaniman ng mga puno't halaman. Sa harding panglungsod,
maaaring ibenta dito ang mga basurang nabubulok na inyong ibinuklod
para ito ang maging pataba ng mga halaman doon. Gagawin nating
kapakipakinabang ang bawat basurang ating nalilikha.

Di lamang iyon, kakausapin ko ang bansang Sweden na tulungan


tayong gumawa ng WTE program sa ating bayan. Ang WTE program o
waste-to-energy program ay programa sa bansang sweden kung saan
kanilang sinunsunog ang 52 bahagdan ng kanilang basura upang
magpaikot sa mga generator at turbines na lumilikha ng enerhiya. Ang
47 bahagdan naman ng kanilang basura ay kanilang inirerecycle at ang
natitirang 1 bahagdan kung saan ang mga basuramg ito ay di na kaya
pang irecycle ay napupunta sa landfill. Kung maisasagawa natin ito sa
ating bansa, tiyak na lilinis ang kapaligiran dahil sa bawat basurang
nalilikha ay katapat noon ay kuryeteng nagbibigay ilaw sa mga
bumbilya.

Mga mahal kong kababayan iyon ay iilan lamang sa aking nais


isakatuparan sa aking termino. Subalit hindi ko ito magagawa kung
wala ang inyong suporta't tiwala. Kaya bilang bagong tagapamahala
niyo sa susunod na anim na taon ay hinihingi at inaasahan ko ang
inyong tiwala at pagsuporta sa mga nais kong pagbabago sa Pinas.
Muli, ako ang inyong Pangulo. Nawa'y gabayan tayong maykapal sa
ating mga plataporma. Yun na lamang po at maraming salamat.

You might also like